Darah's
Napatingin lahat kami kay West ng bigla siyang natumba sa damuhan. We're sitting on it, kaya ayos lang ang bagsak niya. "Anyare sa kanya?" Si Antiope. Niyugyog ko ang balikat ni West "West!" Hindi siya tumugon at pikit na pikit "Guess she's sleeping again" Biglang saad ni Nagy
Eh!? "Agad agad?" Exaggerated kong saad "Then Andromeda is here!" Si Manilyn. Natigilan naman lahat kami, maya maya ay nagpalinga linga si Antiope "But I don't see anyone here" saad niya habang nililibot ang paningin
"Then West is likely to have Narcolepsy now," saad ni Nagy habang nakatingin kay West "Narcolepsy?" I don't know that "Narcolepsy is a sudden attack of sleep" Paliwanag ni Nagy. Napatingin kami bigla kay West ng bigla itong tumayo at tumalikod sa amin. Nagulat kami sa ginawa niya. "What the fudge! Nakakagulat ka naman!" Usal ni Antiope
Nanatiling nakatalikod si West pero bigla siyang nagsimula maglakad. Nalilito ko naman siyang sinundan ng tingin. Kahit ako'y nagulat sa ginawa niya! Seryosong tumingin sa akin si Nagy "And now she's sleep walking!" Saad niya at umiling iling "Hindi mo ba siya susundan?" Napalingon ako kay Manilyn
Napatitig ako sa kanya pero maya maya ay tumingin ulit ako sa dinaan ni West kanina. I don't know why pero pakiramdam ko na it's alright kung hindi ko siya sundan. "No...." saad ko at tumingin sa kanila. Antiope looked at me, and raised her one eye brow "Well, that's new" saad niya.
Natahimik kaming lahat pag katapos 'nun. I guess were still bothered to what happened earlier. Napatingin kami kila Manilyn at Nagy ng bigla sila tumayo "Where are you going?" Tanong ko. Nagpamulsa si Manilyn "Were going to check the others," tumango nalang kami
Sila nga pala ang nagtre-train sa mga army na pamumunuan namin. I bet they're really strong. I didn't get a chance to fight with them, it will be honor kung makalaban ko sila one-on-one. Umalis na sila at naiwan kaming dalawa ni Antiope. "So...what now?" Saad ko at iniwas ang tingin sa kanya. Tumitig siya sa akin at nag isip. Nahiya ako bigla sa ginawa niya. "Uhmm...matanong ko nga," napalingon ako sa kanya "Ano bang naturo nila sa inyo?" dagdag niya
"Kakasimula pa lang naman namin, pero we know now how to use swords and archery..."
"How about in combat?"
"Ahh....hindi pa nila kami sinasanay duon pero, parang kaya na naman 'yun i-figure out. Plus, I feel na mas lumakas kami, I don't know if it's because of the curse or we are strong naturally..."
Napabuntong hininga naman "Look, Darah, I know that you are strong now, believe it or not, nagtataglay na kayo ngayon ng lakas na hindi pangkaraniwan, but ang makakalaban din natin ay hindi pangkaraniwan...they can kill in instant" mahihimigan mo sa boses na seryoso siya at sinsero ang sinasabi niya. It's unusual for her to be like this.
Napabuntong hininga ako "Remember Demise?" Biglang tanong niya "How can I forget her!?" I felt my voice become cold. I swore to myself that I will kill her. "I don't want to hurt you pero wala kang panama sa kanya, hindi ka pa nakakalapit sa kanya...bubulagta ka na! And what's worst is that madami silang malalakas na susugod dito...I know you wanna kill her? But how, kung hindi ka malakas?" I looked down, she's right, she has a point.
"Then I just need to train myself!" Umiling iling siya sa sinabi ko "Talaga namang kailangan niyo 'yan! Kaming may mga control sa nature nagsasanay pa eh, pano pa kaya kayo!" Bulong niya pero rining ko naman "Why don't you train me?" Bigla kong usal, napaisip naman siya.
She flip her hair at seryosong tumingin sa akin "Ako talaga tinanong mo?" Paninigurado niya "May iba pa ba tayong kasama?" Pabalang kong saad "Do you really want me to train you?" Ngayon ay mas seryoso nang saad niya, nailang naman ako kaya tumango nalang ako.
Tumayo siya at pinagpagan ang shorts niya "Then it's settled" saad niya at ngumisi. Kita mo sa mata niya hindi maganda ang iniisip niya, pakiramdam ko'y isang malaking pagkakamali ang ginawa ko.
Dahan dahan akong tumayo "For today lang naman" tapos tumawa ako ng pilit "Ah yeah, I know," saad niya. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako. "Hindi ba tayo dito mageensayo?" Saad ko habang naglalakad kami "No, dun tayo sa lawa"
"Bakit? Hindi ba pwedeng dito?"
"I have a special training room there"
Napakunot naman ang noo ko at nagtaka sa sinabi niya "special room? Sa lawa?" Sobrang pagtataka kong tanong. Saan dun? I mean, paano magkakaroon ng silid dun? Puro tubig dun eh! Hindi nalang ulit ako umimik at nag-isip. Baka naman may silid malapit sa may lawa, baka 'yun ang ibig nyang sabihin. Ako lang itong parang ewan mag-isip.
Tahimik lang kaming naglakad papunta sa may lawa, medyo may kalayuan 'yun at madadaanan namin ang field kung saan nag eensayo ang iba. Maya maya nga ay natanaw na namin yung iba na nag-i-sparing. Nakita ko sila Nagy at Manilyn na nakatayo sa may parang stage at maiging tinututukan ang mga nagsasanay. "Those two are strong.." napalingon ako kay Antiope ng bigla siyang magsalita, napansin niya siguro na nakatingin ako kila Nagy. "I know..." tugon ko
"Yeah...you know..but hindi katulad ng iniisip mo, hindi mo pa sila nakikitang makipaglaban ng seryoso..." seryoso niyang sinabi. Hindi nalang ako umimik at nakinig nalang sa kanya. Wala akong masabi, everytime she's talking how strong they are. I feel like that I should stay silent and say nothing. No comment nalang kung baga!
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lawa, tumigil kami doon. "Remove your shoes" saad niya, pumunta siya sa batuhan at umupo duon tapos hinubad ang sapatos, sinundan ko naman siya tingin. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matapos siya, nag-angat siya sa akin ng tingin at nangunot ang noo. Itinabi niya sa batuhan yung sapatos. "Anong tinatayo tayo mo pa dyan!?" Saad niya sa akin at lumapit "Tanggalin mo na yang sapatos mo at lulusong na tayo!" Dagdag pa niya.
Dali dali naman akong pumunta sa inupuan niya kanina at naghubad ng sapatos. "Akala ko ba magsasanay tayo? Bakit lulusong tayo sa lawa?" Saad ko at ng matapos ako sa paghubad ng sapatos ko ay idinatig ko 'yun sapatos niya. Lumapit ako sa kanya na nakasulong na sa tubig, she play with the water. Tinaas taas niya ang kamay nya at nasunod sa kamay niya ang tubig. "Magsasanay nga tayo" saad niya habang patuloy sa paglalaro ng tubig "Dito?" Tanong ko, tumigil siya sa paglalaro at tumingin sa akin.
Umiling siya at nagsalita "Nope, dito lang tayo dadaan" saad niya at lumusong pa, sumunod ako sa kanya. "Dito tayo dadaan, sumunod ka lang sa akin. Tatagal tayo ng ilang minuto, so brace yourself" dagdag pa niya at tumigil kami ng hanggang dibdib na ang tubig. "Ready?" Tumango ako at huminga ng malalim. Naunang mag-dive si Antiope, hinanda ko muna sarili ko at saka sumunod sa kanya.
Malinaw ang tubig kaya kitang kita ko nilalanguyan namin, medyo malayo layo si Antiope sa akin kaya binilisan ko. Lumingon sya sa akin at sumenyas kung ayos lang ako. Pailalim ang langoy namin kaya medyo hindi na masyado malinaw katulad kanina ng nasa ibabaw kami. Mabilis maglangoy si Antiope kaya pinipilit ko na habulin siya.
Nang paahon na ang langoy nya parang bumilis ang langoy ko, nilingon ko ang paanan ko at parang may force na nagtutulak sa akin para bumilis ang langoy ko. Nang inangat ko ang tingin ko ay wala na si Antiope kaya kinabahan ako bigla pero bigla akong hinagis ng tubig paahon, nakita ko si Antiope na nakatayo at mukang inip na inip na naghihintay sa akin.
Bumagsak ako sa semento, napahawak agad ako sa tagiliran ko "Fudge! Masakit!" Bulong ko sa sarili ko. Lumapit sa akin si Antiope at tinulungan ako tumayo "Sorry" seryoso niyang saad at lumingon sa tubig na ngayon ay parang nakatayo. Napakunot ako ng noo at tumingin sa kanya "I haven't seen that awhile" saad ko. She chuckled "Actually yung mga nakita mong paglalaro ko sa tubig nitong mga nakaraan, pampawala ko lang 'yun ng stress" saad niya at tumawa.
Stressed pa siya nan? "Why are you stress?" Saad ko at nilibot ang tingin ko "Hindi din kita masyado nakikita nitong mga nakaraan" dagdag ko pa. Bumunting hininga sya "May inutos sa akin si Calia, sobrang na-stress ako dun!" Napatingin naman ako sa kanya "Bakit? Solo mo bang trinabaho 'yun?" Takang tanong ko at tumango siya. Ano naman kaya inutos ni Calia sa kanya?
"Ah....so, anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko "First, you need to know that the flow of time here is different.." napakunot naman ako ng noo "What do you mean?" Nagtataka kong tanong "This place is special, ako lang ang nakaka alam nito and everytime na gusto kong magsanay dito ako pumupunta," saad niya "That's given, okay! What I mean is panong iba ang takbo ng oras dito?"
"You see, dito ang oras ay mabilis, sa mundo natin mabagal. Dito kapag nakalimang araw ka, katumbas nun sa mundo natin ay dalawang minuto...." paliwanag niya at natameme naman ako "Seryoso ka ba dyan?" Napangiwi naman siya sa sinabi ko "Do I look like I'm joking?" Inis niyang sagot sa akin "So seryoso ka talaga?" Umirap siya sa akin at lumingon sa may tubig "And this is your chance para makapagsanay ng maayos" lumingon siya sa akin at ngumiti.
"We're in different dimension and have a plenty of time, sure ako na kapag natapos tayo dito malakas ka na" dagdag niya at ngumiti nalang ako "So anong gagawin natin ngayon?" Saad ko at piniga ang damit ko na basa.
"By the way, ano itong lugar na ito? I mean, I understand na nasa ibang dimension tayo, pero bakit itong tubig ay parang kasamahan lang din nitong nasa lawa," dagdag ko
Medyo madilim at hindi din naman masyado maliwanag dito, it just have enough light para makita ang paligid namin. "Wag ka na nga tanong ng tanong dyan!" Lumapit siya sa may tubig at inilapat ang kamay sa tubig at ng inangat nya 'yun ay parang may lubid na lumitaw pero gawa sa tubig. Tumingin siya sa akin at ngumisi, napaatras ako sandali, iba kutob ko dito ah!
I have a bad feeling about this.