"HAHAHAHAHA!" Halos hindi na makahinga sa kakatawa si Lieutenant Leigh ng makita niya ang dalawa sa malalim lalim ng butas. Napabusangot naman ang dalawa sa kaniya.
"Tulungan mo na lang kami, Leigh!" Naiiritang sabi ni Eisha saka nagpameywang. Ngumisi naman si Leigh saka inilabas ang dila bilang pang aasar.
"Nakalimutan niyo yata na may reward ang mananalo sa game na ito. Bakit ko naman kayo tutulungan?"
"Hindi ako makapaniwala na ganyan ka pala. Hindi na tayo friend!" Pagbibiro ni Eisha saka nagkunwaring umiiyak. Napailing na lamang si Lieutenant Ren.
"Tulungan mo na lang akong makaakyat, Leigh. Wala na akong pake sa reward kung hanggang sa huli lang din naman ay kasama ko siya dito sa butas." Sambit ni Ren saka bumuntong hininga.
"Well, hindi ka naman makakakuha ng reward kung nasa ilalim ka lang ng butas diba?" Natatawang sabi ni Leigh at tinulungan na silang makaakyat gamit ang kapangyarihan niya. Ang pamilya ni Leigh ay kilala sa paggamit ng creation magic. Pero limitado lang din ang kaya nilang gawin, nakadepende iyon sa spiritual energy nila. Kapag mas malaki ang gamit o bagay na gagawin nila, mas malaking spiritual energy din ang katumbas noon.
Ngayon naman ay gumawa siya ng lubid at ibinaba iyon sa butas. Umakyat na si Lieutenant Ren at Eisha na parehas napagod.
"Salamat!" Eisha
"Siya nga pala, mag isa ka lang, Leigh?" Tanong ni Lieutenant Ren. Tumango naman si Leigh. Nawala naman ang lubid sa kamay niya. May espesyal din na kakayahan sina Leigh na itago ang mga bagay na nagawa na nila.
Tumingin siya sa paligid saka tinignan sina Eisha at Ren.
"Malaki ang maze pero nagkita kita pa din tayo? Ibig sabihin, ilusyon lamang ang nakita natin sa labas kanina." Sabi niya.
Napaisip naman ang dalawa saka tumango.
"Tama ka. Ibig sabihin, malapit lang din ang iba sa atin." Sabi ni Eisha.
"Wow, sa wakas, may naisip ka ding tama." Pang aasar ni Lieutenant Ren.
"Hoy! Anong tingin mo saken, bobo?" Direktang tanong ni Eisha saka parang lalamunin ng buhay si Ren.
"Tumigil na kayo, parehas lang din naman kayo minsan." Sabi ni Leigh saka nauna na sa paglalakad.
"Anong ibig mong sabihin?" Napapakurap na tanong ni Eisha saka humabol na kay Leigh. Sumunod naman si Ren at napailing na lamang.
---
"Teka teka teka!" Natatarantang sigaw ni Lieutenant Leigh saka tumakbo papunta sa akin. Nakapatong ako sa mataas na bato ngayon habang hinihintay siya paakyat. May maliliit kasi na mga trolls ang bigla na lamang sumulpot galing sa kung saan. Nauna akong umakyat dito sa bato at si Leigh naman ay patuloy na hinabol sa ibaba.
"Gumamit ka ng spell!" Sigaw ko.
"Anong spell ang pinapagsabi mo, Nyssa? Hindi ako marunong noon!" Aniya saka mabilis na tumakbo papunta sa batong pinapatungan ko. Tinulungan ko naman siyang makaakyat. Nang makapatong na siya sa tuktok kasama ko ay humihingal siya. "Creation. Iyon ang kakayahan na meron ang pamilya ko. Kaya kong gumawa ng kahit na anong bagay na maisip ko. Pero nakadepende iyon sa kaya ng spiritual energy ko." Paliwanag niya at bigla na lamang sumulpot ang whip sa kamay niya. Ngumisi siya sa akin.
"Bakit ngayon mo lang ginawa yan?" Tanong ko.
"Medyo nawawala ako sa konsentrasyon kanina. Siya nga pala, paano tayo makakaalis dito kung nandyan sa ibaba ang mga yan?" Ngumuso siya at itinuro ang mga trolls na ngayon nga ay nasa ibaba namin. Naghihintay sila sa baba. Swerte lang kami sa mga ito dahil mukhang hindi sila ganon katalino. May ibang trolls kasi na pwede mong kausapin at may mga dala silang sandata. Itong mga to ay malalaki lamang ang mga ngipin at mahahaba ang mga kuko. Pero wala akong balak na magpakagat o magpakalmot sa kanila no!
"Gamitin mo ang whip mo at ako naman ay ang... umm... naiwan ko ang katana ko kaya naman ang dagger ko na lang ang gagamitin ko." Sagot ko saka kinuha ang dagger ko mula sa holster sa binti ko. Nag thumbs up siya sa akin. "Ang goal natin ay makalabas hindi ubusin ang oras sa mga kalaban. Kaya naman tatakbo tayo ng mabilis.... papunta sa kaliwa. Kapag may lumapit sa ating dalawa, saka natin sila patayin. Ayos ba yun?"
Tumango naman siya saka tumingin sa mga trolls sa ibaba.
"Ayos lang. Tara!" Nauna siyang tumalon. May nasipa siyang mga trolls saka pinatay ang nasa paligid niya bago tumakbo palayo. Sumunod naman ako at tinahak din ang daang pinuntahan niya.
Napadpad kami sa isang kweba. Wag na kayong magtanong kung bakit may kweba dito. Pero sa tingin ko ay may daan din palabas dito. Sabi nga nila, kung may papasukan, may lalabasan. *insert wink emoji*
"Sa totoo lang ayoko sa mga kweba." Sabi ni Leigh at lumapit sa akin. Kumapit siya sa braso ko.
"Huh? Wala namang kakain sayo dito." Natatawang sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad kasama siya.
Tumingin tingin siya sa paligid saka bumulong sa akin.
"Alam mo ba na ang mga kweba ay may kababalaghan--"
"Hayy Leigh, kung ang kinakatakutan mo ay multo, walang multo. Ang katakutan mo ay ang itlog ng ahas na katulad nun." Huminto ako at tinuro ang itlog sa may hindi kalayuan. Malalaki iyon at nasa nest pa.
"Sigurado kang ahas yan?" Tanong niya.
"Hindi." Sagot ko saka tumingin sa paligid. "Leigh, medyo may kadiliman kaya naman subukan mong aninagin kung may daan dyan sa kabila." Sabi ko saka lumakad na pakanan.
"Woi woi woi! Seryoso ka ba?" Kinakabahang tanong niya. Nginitian ko siya.
"Sumigaw ka lang ng 'help' kapag may ahas dyan." Natatawa kong sabi saka itinuloy ang paglalakad ko. Hanggang sa makarating ako sa mas madilim na parte. Wala... Walang daan--
"KYAHHHHHH!" Rinig kong tili ni Lieutenant Leigh.
Napatakbo naman ako sa direksyon niya. Pero nailabas niya na ang katana niya at nilabanan ang ahas. Malaki ang advantage ng ahas kapag dito kami nakipaglaban. Lungga niya ito eh.
Agad akong tumalon papunta kay Leigh at bumagsak kaming dalawa palayo. Hahampasin na kasi sana siya ng buntot ng ahas.
"May daan sa likod ng ahas pero paano naman tayo makakapunta dyan?" Aniya saka tumayo na. Tinulungan niya din ako at tumakbo kami palayo sa ahas.
"At bakit naman kasi sobrang laki ng ahas na yan?!" Pasigaw kong tanong.
"Isa yan sa mga halimaw! Uhh, kadalasan silang nakikita sa malayong parte ng Hiyosko." Sabi niya saka naglabas ng spear. Tumingin siya sa akin at inabot ang spear.
"Kailangan mo to. Balik tayo sa tanong ko kanina... Paano tayo makakadaan doon?" Tanong niya saka nanlaki ang mata. Papalapit na ang ahas sa amin! Nagkatinginan kami.
Napakapit ako sa dagger sa binti ko. Naiwan ko nga ang katana ko... Pero... Hirao... Nandito pa si Hirao.
"Mauna ka na pumunta sa daan. Ako ang kukuha ng atensyon niya." Sabi ko. Umiling siya. "Teka... Ikaw na lang ang mauna. Gamitin mo ang spear na binigay ko kapag sinugod ka niya papasok." Sabi niya saka nginitian ako. Napabuga na lamang ako ng hangin at tumango.
"Masusunod." Sabi ko saka tumakbo na pagilid. Hahabulin sana ako ng ahas pero tumalon si Leigh at sinaksak ang katana niya sa ahas. Gumawa ng malakas na ingay ang ahas. Kakaiba siya. Tinignan ko si Leigh at tumango bago tumakbo papunta sa likod ng ahas kung nasaan ang daan. Pero huminto ako. Dahil nakatalikod ang ahas at nagwawala, magandang oportunidad ito para...
"YAAAHHH!" Sigaw ko sabay talon at malakas na sinaksak ang ahas gamit ang spear. Gumawa na naman siya ng malakas na ingay. Nakarinig kami ng ingay sa paligid. Nagtatawag ba siya ng kasamahan niya? Saan nanggagaling iyon?!
"Lieutenant!" Sigaw ko.
"OO! YAAAHH!" Aniya saka hinugot ang katana niya sa ahas. Pagkatapos ay umikot siya sa ere at pinugutan ng ulo ang ahas. Napakurap naman ako.
"K-Kakaiba ka, Lieutenant Leigh." Bulong ko. Bumagsak ang ahas at tumakbo na kami sa daan. Maya maya pa ay nakakita na kami ng liwanag. May mga ahas na sumusunod sa amin pero ng makalabas kami ng tuluyan sa kweba ay hindi na sila nakahabol pa. Napahinto kami.
"Takot sila sa liwanag." Hinihingal na sabi ni Leigh.
"Tara na?" Aya ko.
Ngumiti siya sa akin at naglakad na kami paalis. Sa wakas... nakatakas din kay kamatayan.