Napabusangot na lamang ako saka sumama na kay Maxson. Alam ko naman na hindi siya titigil kakaaya sa akin hangga't hindi ako pumapayag. Isa pa, wala din naman akong gagawin sa hotel na tinutuluyan namin.
"So, ano sa tingin mo?" Nakangiting tanong niya.
"Yung ano?" Tanong ko saka tinaasan siya ng kilay.
Bumuntong hininga naman siya saka ngumisi saka kinapitan ang kamay ko. Dinala niya ako sa mga stalls na may iba-ibang uri ng bulaklak. Pero hindi naman iyon ang pinoproblema ko kundi...
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko saka namula.
B-Bakit ba siya nakahawak?
Sinubukan kong kunin pabalik ang kamay ko pero hinila niya lamang ako palapit at saka tumingin sa mga bulaklak na para bang hindi alam ang ginagawa niya.
"What do you like?" Tanong niya saka tumingin sa akin.
Napakurap naman ako at hindi namalayang nakatingin na pala sa kaniya. Iniisip ko kasi--
"Me?" Nakangising tanong niya saka inilapit ang mukha sa akin. Dahil sa gulat ay agad ko siyang nahawakan sa mukha at inilayo sa akin.
"I told you, I'm off-limits." Sagot ko saka hinila na ang kamay ko at umiwas ng tingin.
Natatawa naman siyang hinimas ang mukha niya.
"Sinabi mo nga yan, pero hindi naman ako sumang-ayon doon." Aniya
"Hindi nakadepende sayo ang desisyon ko kaya wala kang choice." Masungit na sabi ko saka kinuha ang kulay asul na bulaklak.
"Gusto mo pala ang ganyang kulay." Singit na namang sabi ni Maxson saka binayaran ang bulaklak. Pipigilan ko na sana siya pero nabayaran na niya. Hinila na rin niya ako sa isang parte na may pagtatanghal. Sumasayaw ang mga mananayaw habang may nakasabit na bulaklak sa katawan nila. Sinasaboy rin nila ang bulaklak sa mga manunuod. Nakangiti ang lahat at aliw na aliw sa kanila.
Hindi ko namalayan na nakangiti na din pala ako.
Pagkalingon ko ay nakita ko si Maxson na nakatingin sa akin. Para bang namamangha siya sa nakikita niya--ako.
"Ano?" Tanong ko.
"Mas gumaganda ka lalo kapag nakangiti ka tulad ng kanina." Diretsang sabi niya saka ngumiti.
Natahimik naman ako saka umiwas ng tingin.
"Ahem! Ahem!"
Napalingon ako sa kabila at nakita sina Lieutenant Ren, Eisha, Leigh at Zeid na nanunuod din sa mga nagtatanghal. Mukhang boses ni Lieutenant Ren ang nag 'ahem' kanina. Napalingon naman siya sa akin saka para bang nagulat kahit na alam ko na nakita niya na kami kanina.
"Oh! Nandito pala kayo! Nanunuod din kayo?" Tanong ni Lieutenant Ren.
"Ayy hindi, baka nandito sila para makinig, Ren." Pambabasag ni Eisha saka sinapok si Lieutenant Ren. "Mauuna na kami! Bibili lang kami--Captain Zeid, dito ka lang!" Aniya bago hinila na si Lieutenant Leigh at Ren na napangisi lamang.
Kumindat pa si Lieutenant Ren kay Zeid bago sila tuluyang makalayo. Hindi naman sumagot si Zeid saka tumingin lang sa mga manunuod. Ngayon ay nasa pagitan na nila akong dalawa. Para bang may kakaibang awra akong nararamdaman pero hindi ko na lamang pinansin iyon.
"S-So, kamusta naman ang asawa mo, Captain Chen?" Tanong ko para medyo hindi awkward yung atmosphere dito.
Nagkatagpo naman ang mga kilay niya saka tinignan ako.
"Who?" Tanong niya.
"Huh?" Ang tinatanong niya ba ay kung iyong una o pangalawang asawa? "Kamusta na iyong pangalawa mong asa--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumagot siya.
"I only have one wife." Sagot niya.
Kaya nga! Teka hindi ko naman sinabi na dalawa ang asawa niya!
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Captain Chen. Alam ko naman na isa lang ang asawa mo. Kamusta na nga siya? Iyong babae na pinakasalan mo nakaraan o kelan ba iyon. Hindi na kami naka attend dahil umalis kami ni Maxson." Sabi ko.
"Ah. You mean her."
"Yes, her."
"Aina." Aniya na ikinakunot ng noo ko. Oo, yun nga. Teka, nalimutan ko ang pangalan. O talagang hindi ko alam. Basta hindi ko maalala.
"Sinong nagsabi na natuloy ang kasal namin?" Tanong niya din.
"Huh? Hindi ba natuloy?" Tanong ko din saka napakurap at napatitig sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha niya. I mean, seryoso nga ang mukha niya pero mas seryoso pa. Ugh. Ang hirap naman kasi basahin ng mukha niya. Naisip ko tuloy kung natatae ba siya o ano. Hahaha! Biro lang.
"Tsk." Sagot niya lang.
So, hindi nga. Gaba. Biro lang.
Hindi ko alam pero sa loob loob ko ay para bang natanggalan ng tinik ang puso ko. Napaiwas na lamang ako ng tingin. Sa peripheral vision ko ay nakita ko na sumeryoso ang mukha ni Maxson.
Ano bang mga problema ng mga taong to?
Natapos na lamang ang pagtatanghal ng ganyan ang mga ekspresyon nila. Naaawa tuloy ako sa mga mananayaw na ginawa ang best nila. Baka isipin nila na hindi pa iyon sapat dahil sa itsura ng mga kasama ko.
Naglakad na kami paalis. Hihiwalay na sana si Zeid pero pinigilan ko siya.
"Sumama ka na lang sa amin, Captain Chen. Tutal wala pa naman ang mga lieutenant." Sabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya ng lingunin niya ako.
"Why would you invite him to our date?" Tanong ni Maxson.
"Huh? Sinong nagsabi sayo na date ito? Hayy naku, Maxson. Huwag mo akong itulad sa mga babae mo. Tara na, Captain Chen. Magliwaliw tayong tatlo." Aya ko saka hinila na silang dalawa papunta sa kung saan. May nakita akong masamang tingin sa pagitan nilang dalawa pero mabuti na rin siguro ito para magbati sila. Hindi ko alam kung ano ba ang pinag-awayan nila pero kung anuman iyon, sana ay matapos na.
Naglibot libot naman kami at bumisita sa iba't ibang stalls. Naglaro din kami ng mga palaro dito at sa nakikita ko... Well... Pareho silang competitive. Sa huli ay madami kaming bitbit na mga napanalunan.
"Ibigay na lang kaya natin to sa mga bata?" Tanong ko. Andami naman kasi at iyong iba ay puro stuff toys. Ang talagang magagamit lamang ay ang necklace na may moon na pendant na reward kay Zeid at ang bracelet na reward kay Maxson. Yung reward ko naman ay isang itim na scarf na makapal ang tela. Sakto pang winter.
"Sounds fair." Sabi nilang dalawa na nagkasabay pa. Pareho silang napatingin sa isa't isa saka umiwas din ng tingin.
Para silang bata.
"Oh siya!"
Pinamigay na namin sa mga bata na naglalaro sa labas ang mga stuff toys. Kinuha naman ni Zeid ang necklace, si Maxson naman ay ang bracelet. Inilagay ko naman sa leeg ko ang scarf bago kami nagpatuloy mag ikot ikot. Sa huli ay nagutom kami kaya pumunta kami sa isang kainan na puro bulaklak din ang paligid.
Wag lang sana bulaklak ang mga pagkain sa menu.
"Pfft. Wag mong sabihin na pati pagkain ay bulaklak?" Nagbibirong tanong ni Maxson. Napalakas naman ang pagtanong niya noon kaya naman inapakan ko ang paa niya. Napa-aray naman siya saka napatakip ng bunganga.
"S-sorry."
Napailing na lamang si Zeid saka nauna ng umupo. Umupo ako katapat niya at tumabi naman si Maxson sa akin. Kinuha na ni Zeid ang menu saka tumingin. Ganoon din ang ginawa namin ni Maxson.
Nagkatinginan naman kaming tatlo.
"B-Bulaklak nga--bwahahahaha!" Malakas na tumawa si Maxson kaya naman inapakan ko ulit ang paa niya. "O-oww! Sorry. A-ano ba to? Ba't bulaklak?" Mahinang tanong niya saka pinilit na sumeryoso.
"It's just a name." Pinakita niya ang isa pang page at may mga pictures doon ng mga pagkain. Tulad nga ng sinabi niya, pangalan lang ng mga bulaklak ang pangalan ng mga pagkain dito. Yung pagkain ay mukhang masasarap.
"Oohh." Maxson.
"Well?" Tinawag ko na ang waitress at sinabi ang order ko. Ganoon din silang dalawa na nagkatinginan pa at para bang may invisible na spark sa pagitan nila. Hindi iyong parang in love syempre.
Nagkwentuhan lamang kami ng mga bagay habang hinihintay ang orders namin. Hindi palakwento si Zeid kaya naman syempre isang tanong isang sagot lang din siya. Medyo nakakairita syempre pero sanay na din ako. Buti na lamang madaming kwento si Maxson.
"Bakit pala hindi natuloy ang kasal niyo? If you don't mind me asking." Tanong ko saka napatingin sa dumating na orders namin. Inayos iyon ng waitress saka umalis.
Tumingin siya sa akin bago kinuha ang baso niya. Uminom siya ng inumin niya bago sumagot.
"Ano sa tingin mo?" Balik tanong niya.
"I don't know. You like her, diba?" Sagot ko na lamang saka lumamon na.
"You bet." Sagot ni Maxson saka nagsimula na ding kumain.
"Oo." Sagot ni Zeid. "But not romantically. I like her because there's no reason to hate her." Dagdag niya.
Ah. Right.
Siguro kung nabubuhay pa ako sa dati kong buhay, baka ngayon ay dinamdam ko na masyado ang sinabi niya. Baka gustuhin ko din na maging babae na iyon. At least kahit na hindi niya ako magustuhan romantically ay gusto niya ako bilang---ako?
"Fair enough. So ano nga ang dahilan?" Tanong ko. Tinitigan niya ako ng matagal kaya naman napaiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "Mm, Hindi mo naman kailangang sabihin. Ayos lang." Sabi ko na lang.
Kumain na din siya at hanggang sa matapos kaming kumain lahat ay hindi siya nagsasalita. Kami na lang tuloy ni Maxson ang nag usap. Pagkatapos naming magbayad---binayaran ko pala. Dahil gusto ko silang ilibre kahit na ayaw na ayaw ni Maxson na pabayarin ako at mukhang ayaw din ni Zeid, lumabas na kami at napaangat ang tingin sa langit.
"Pagabi na pala. Tingin ko kailangan na nating umuwi o--ano ba ang plano niyo?" Tanong ko saka inayos ang scarf sa leeg ko.
"Susunod lang ako sayo, Nyssa. May pupuntahan ako sa advertising office." Paalam ni Maxson saka tumingin kay Zeid. "Pakihatid na lang siya. Kahit ayoko talagang ihatid mo siya. Tsk." Aniya kaya naman nahampas ko siya sa braso. Medyo iba din kasi ang tono niya.
"Pasensya ka na dito kay Maxson, Captain Chen. Masyado lang tong napabayaan kaya medyo maluwag na ang turnilyo sa utak." Nahihiya kong paumanhin kay Zeid saka tinulak na palayo si Maxson. "Bilis na. Kung importante iyon, pumunta ka na doon habang hindi pa sila nagsasara." Sabi ko saka kumaway na.
Umalis na siya kaya naman naiwan na kaming dalawa ni Zeid na parehas nakatingin sa papalayong si Maxson. Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.
"Kung pupunta ka pa sa station niyo, Captain Chen, hindi na ko magpapahatid. Sa kabilang district lang naman ako." Sabi ko
"Uuwi na ko." Maikling sagot niya saka nauna na napahinto siya sa paglalakad ng mapansin niya na hindi ako nakasunod kaya naman lumingon siya sa akin. "Let's go home." Aniya
Let's go home.
Namula naman ako saka umiwas ng tingin.
"Then, sabay na tayong bumalik sa kabilang district." Sabi ko saka humabol sa kaniya. Sabay na kaming naglakad at medyo awkward dahil hindi nga kami nagkekwentuhan o ano. "Hindi mo na ko kailangang ihatid. Kaya ko na ang sarili ko."
Hindi siya sumagot.
Para bang malalim ang iniisip niya hanggang sa makarating kami sa kabilang district. Dahil magkaiba ang daan na lalakarin namin ay napahinto kami sa kanto.
"Hanggang dito na lang. Salamat sa oras mo, Captain Chen." Sabi ko saka nginitian siya. Yumuko ako ng kaunti bilang paggalang pero pag angat ko ng ulo ay sobrang lapit niya na sa akin.
"Bakit hindi ko napansin?" Tanong niya.
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Captain Chen?"
"You..." Lumapit pa siya lalo saka bumaba ng kaunti ang ulo niya para pantayan ang mukha ko kaya naman umatras ako.
"A-Ano ba iyon, Captain Chen?" Tanong ko.
Tinitigan niya pa ang mata ko bago tumayo ng maayos.
"It's nothing." Aniya bago tumalikod na at naglakad palayo.
Napatitig na lamang ako sa palayo niyang pigura. Hindi ko siya maintindihan... at ang puso ko na malakas ang kabog.
Napahawak ako sa dibdib ko saka napakagat ng labi.
"Mira--Nyssa naman!"