Download App
19.51% THE REJECTED WIFE / Chapter 7: CHAPTER 7: THE DAY BEFORE THEIR DEPARTURE

Chapter 7: CHAPTER 7: THE DAY BEFORE THEIR DEPARTURE

Why am I stuck with him again? I can't say there's nothing wrong. Because there's certainly is. Yun ay ang cold niyang presensya.

He told me, "You'll accompany me today." Period. I mean, I know I'm in danger but no need to stick with him. And besides I don't think, protecting me is his reason why he told me to accompany him today. Definitely not.

He hates me. Remember?

"Ohhh look who's here~ a married couple!" Eisha teases when she sees us walking towards the meeting hall. May meeting kasi ngayon ang mga captains at lieutenants. I shouldn't be here but this guy... Psh.

Umupo na si Zeid sa pwesto niya, habang ako naman ay tumayo lang. Wala namang ibang pwesto dito! Late na kasi kami ng konti at lahat sila si Zeid na lang hinihintay. Nakakahiya na ako ang dahilan kung bakit late si Zeid.

"Simulan na natin ang pagpupulong." Sambit ng Captain-Commander nila.

Bale 8 ang captains dito at may kanya kanya silang stations sa iba't-ibang lokasyon ng city. Lahat din ng squads ay may espesyal na role sa city. Pero ang main purpose ng squads ay ang pumrotekta sa mga tao, syudad at iba pang sakop nilang lugar.

"Dumating na ang special scout squad na pinadala nakaraang linggo. Ini-report nila ang tungkol sa ibang mga village na nasa malayong parte na ng lupain natin. Kung hindi atake ng mga halimaw ay atake ng mga hindi matukoy na tao ang nangyare." Panimula ng Captain-Commander.

Nakita ko naman na sumeryoso lalo ang mukha nila.

"Nanganganib na ang mga lugar na nasa labas ng syudad. Mga lugar na hindi na natin napag tutuunan ng pansin. Kaya naman, gusto kong mag assign ng mga captains na maaaring bumisita sa lugar na iyon at alamin ang kalagayan nila. Maaari kayong makaengkwentro ng mga taong mapanganib o kaya ng halimaw. Ngunit alam kong makakaya ninyong protektahan ang mga sarili niyo."

Napahikab ako kaya naman agad akong tumalikod at lalabas lang saglit. Pero bigla kong naramdaman ang kamay ni Zeid na hinila ako pabalik.

Napabuntong hininga na lamang ako at nag stay sa kinatatayuan ko. Nang matapos ang pag uusap nila at mga argumento ay nagsalita si Zeid.

"May isa pa akong gustong sabihin. Itong sulat na to at ang palasong to." Aniya saka inilabas ang mga ebidensyang nakalap niya sa porch ng bahay ko. Napakurap naman ako.

Napadako ang tingin sa kaniya ng mga kasamahan niya.

"Ano yan?" Tanong ni Eisha.

"Nawalan ka na yata ng mata, Eisha?" Mapang-asar na tanong ni Lieutenant Ren saka nginisihan si Eisha na bumusangot naman at magsasalita na sana. Pero naudlot iyon ng magsalita si Zeid at pinaliwanag ang nangyare sa akin na mas ikinaseryoso ng lahat.

"Anong nakita mo noong mga oras na iyon, Mira?" Tanong sa akin ng Captain-Commander.

Napailing naman ako.

"Nakarinig lang ako ng mga kaluskos. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na nahagip ako ng palaso... Yun lang. Wala na po akong ibang napansin." Sagot ko.

"Sa tingin ko... mas malaki ang problema na to. Hindi dahil... may koneksyon kami sa isa't isa ng babaeng to o kaya ay gusto ko siyang protektahan, kundi alam ko na may rason ang mga gustong kumuha sa kaniya. Wala namang espesyal sa babaeng to, pero bakit siya ang target ng kung sino man yung mga taong yun?" Napabusangot naman ako sa sinabi ni Zeid. May punto siya doon pero hindi niya lang ba ako matawag sa pangalan ko? Kahit yun na lang sana. Hayys.

Madami pa silang pinag-usapan na hindi ko na pinakinggan ng maayos. Tutal naman, aalis na ako kasama si Kaito bukas. They don't have to worry too much.

"I'll keep an eye on her." Rinig kong sabi pa ni Zeid bago matapos ang meeting nila.

Lumabas na din kami habang nakikipag kwentuhan si Zeid sa ibang captains. Gusto ko sanang sumabay kay Eisha pero itong si Zeid, hinihila ako kaagad pabalik kapag naramdaman niyang wala ako sa tabi niya.

Paano nalang kaya bukas? Kailangang malayo ako sa kaniya at makabalik ako sa kwarto ko para makapag ayos ng dadalhin ko. Si Lila kasi ang palaging nagbibigay sa akin ng susuotin ko at sa lugar na ako ni Zeid nagse-stay.

In short, wala akong takas. Unless, tulog si Zeid o kailangang umalis ni Zeid na hindi ako kasama. Isa pa, hindi naman kami natutulog sa iisang kwarto kaya naman isang puntos na iyon para sa plano kong pag takas.

At iyon nga, isinama niya ako sa quarters nila. Nasa tabi niya na lang ako buong maghapon kahit na alam ko namang hindi niya na nasisikmura. Halata naman sa mukha niyang nakabusangot at parang papatay kung makatingin.

Hindi siya iimik hangga't hindi ako nagtatanong. Hindi rin ako kumikibo masyado dahil baka barahin niya lang ako o ipahiya tulad ng kinagawian niya.

"A-ano..." Nag he-hesitate pa akong magpaalam.

Hindi siya nagsalita. Pero alam ko namang narinig niya ko.

"C-Captain Chen?" Tawag ko. Formal, of course. He don't want me calling him by his name. Lalo na kapag nasa labas kami ng bahay. Ang tanging may alam lang siguro na kinasal kami ay ang mga captains at lieutenants nila. At syempre yung malalapit sa amin. Sa ibang tao, syempre ayaw niyang malaman ng iba. Nalaman lang naman ng mga captains at lieutenants dahil imbitado sila.

"Spill it." Aniya

"Nasan ang banyo niyo dito?" Tanong ko. Medyo namumula pa ako dahil nakakahiya nga naman! Tinignan niya ako saka tinuro yung direksyon ng banyo mula sa upuan niya. "Salamat." Sambit ko saka pumunta na sa tinuro niya. Pumasok na ako sa loob at syempre ginawa ang munting ritual. Sakto namang umilaw ang energy stone ko kaya kinuha ko iyon mula sa loob ng kimono ko.

"Kaito. Napaaga yata ang tawag mo?"

"Oo. Pero importante to. Alam ko na kung saan inatake ang squad ni Eisha. Gusto kong pumunta tayo sa lugar na iyon. Pero bago yun, magkita na lang tayo sa dati nating tambayan. Bago sumikat ang araw. " Aniya.

"Sige." Sagot ko lang bago namatay ang ilaw ng energy stone.

Kailangan kong makatakas kay Zeid.

---

Napahikab na lamang ako habang pinagmamasdan si Zeid na nakikipag usap sa mga squad members niya. Malayo ako sa kanila dahil importante ang pag-uusapan nila na wala din naman akong pakialam dapat.

I stood up at aalis na sana pero nakita kong nilingon ako ni Zeid. Ang sama ng tingin niya.

Teka nga! Bawat galaw ko naririnig niya at alam niya. Sa totoo lang nakakakilabot na ah.

Nung sinabi niya na 'I'll keep an eye on her' hindi lang naman eye ang ginagamit niya! Parang buong diwa niya nakabantay sa akin.

Napabusangot na lang ako at umiwas ng tingin. Then I walk towards the window. Tumingin ako sa labas.

Ito ang squad station sa center ng city. Kaya naman kitang kita ang mga kabahayan na malapit lang sa station.

Ilang minuto ay tinawag na ako ni Zeid sa apelyido ko bago kami pumunta na naman sa kung saan.

Napakabusy talaga ng mga captains. Napaka haba ng pasensya niya sa lahat ng bagay, habang sa akin ay konti lang. Hahaha!

I mean paperworks and stuff. Pero pag may nagawa akong mali, titignan niya ko ng masama o pagsasabihan.

Tingin ko tuloy pangalawang boss o tatay ko na siya.

Ganoon na lamang ang ginawa namin maghapon, ang lumakad, gumagawa siya ng kung anu-ano at papagalitan o tititigan ako ng masama kapag tatangkain kong umalis.

Hanggang sa wakas ay umuwi na kami. Syempre dumiretso kami sa room niya.

Kung nalilito kayo, kwarto ang tawag namin dahil nga magkakadikit ang kwarto, pero kasing laki na siya ng bahay ang kwarto. Ibig sabihin, at least 4 na kwarto ang kwarto na magkakadikit na malaki din ang area. Yung kwarto ni Zeid ay nasa pinakadulong bahagi kaya mas malaki ang pwesto niya.

Sa sumunod namang kwarto ay guest room.

(Isipin niyo na lang ang japanese o chinese style na bahay na mahaba at puro kwarto lang. May maliit na porch o hallway na dalawang tao o tatlong tao ang kasya papunta sa mga sumunod na kwarto.)

Umupo ako sa couch at sumandal.

"Ipapadala ko na lang dito ang pagkain mo. Wag ka na pumunta sa dining hall." Aniya saka iniwan na ako.

Pagkatalikod niya ay ngumisi ako saka nagmuni muni na lang muna.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login