Jairus POV
"ARAY KO NAMAN DAHAN-DAHAN, PAPAINOM KO SAYO YANG ALCOHOL E!!!" Sigaw nya sa'kin. Ginagamot ko kase yung sugat nya sa noo dahil sa pagkakapupok sa kanya nung baril
"Tibay mo ah." Natatawang sabi ko.
"Tibay?" Nagtatakang tanong nya.
"Yeah kanina akala ko nung pinukpok ka nung baril makakatulog ka." Sabi ko.
"Bwisit na yun hindi ako naka ganti, bat di nya barilin yung sarili nya para mabawasan kabahuan dito sa earth." Nangigigil na sabi nya.
"Tapos na, dito ka lang papasok lang ako sa loob ng 7 eleven bibili ko pagkain." Tumango naman sya dahil sa sinabi ko.
Pagkatapos nung eksena na yun inalalayan ko sya pasakay ng motor ko dahil dinala pala nila yung motor ko.
Kumuha ako ng sisig w. rice, sandwiches, ice cream na dark chocolate, cookies yan para sa kanya.
Vitamilk, dinuguan w. rice, at kit kat. :)
Pinaiinit ko sa mga crew yung sisig w. rice nya at yung dinuguan w.rice ko inabot ko sa cashier yung mga pinamili ko at binayaran ko.
"Salamat po kuya." Sabi sa'kin nung cashier simpleng tango lang yung ibinigay ko sa kanya at naglakad palabas.
"Napaka tagal mo naman gutom na'ko kani-
Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil isa isa kong inilabas yung pagkain pero syempre inuna ko yung ice cream at cookies.
"Mamaya mo na kainin yang mga yan, kumain ka muna ng kanin." Pagkasabi nun nilantakan na nya yung sisig w. rice nya at ganun din ako.
Nandito kami kumakain sa labas ng 7 eleven dahil hindi sya makakakain ng maayos kapag sa loob dahil artista sya.
Although alas dose na ng hating gabi at tumawag na rin ako kila miss keilla para hindi sila mag alala.
Wala naman daw sa kanilang problema yun basta kasama ako ng anak nila panatag na ang loob nila.
"Salamat sa pagkain." Nakangiting sabi ni joree.
Tapos na pala syang kumain ng kanin at kinakain na nya yung desserts nya.
"Ikaw nag bayad?" Tanong nya sa'kin.
"Hindi inutang ko." Natawa naman ako ng hampasin nya ako dahil sa pamimilosopo ko.
"Nagtatanong ako ng maayos ah!"
"Inaantok ka na ba?" Tanong ko.
"Hoy kahit maglaban pa tayo sa puyatan hindi mo ko matatalo dahil pag nagkakabisado ako ng script ko halos hindi na'ko matulog." Paliwanag nya.
"Oo o hindi lang ang isasagot andami mo ng sinabi." Seryoso kong sabi.
"Share ko lang okay kana?" Ariba nya.
"Gusto mo mamasyal?" Nabulunan sya dahil sa tinanong ko at kaagad ko syang inabutan nung vitamilk ko.
"Tanga ka ba hating gabi mamasyal abnormal ka talaga e!" Pagsigaw nya. Pero ng makita nya akong seryoso...
"Ikaw bahala." Sabi nya.
Joree POV
Tuwang tuwa ako dahil sa ganda ng paligid.
"Hinto mo dun ang ganda dun bili!" Kaagad nyang sinunod yung sinabi ko at ng makarating kami dun sa tinuro ko ihininto nya yun at inalalayan akong makababa.
"Bakit may gantong kagandang lugar dito bakit hindi ko ito alam?!" Naka pout kong tanong sa kanya.
"Atleast alam mo na ngayon." Hindi ako sumagot sa sinabi nya at tinalikuran sya at naglakad lakad.
"Kuhanan mo'ko dito dali!" Sabi ko sa kanya at naupo sa inuupuan bali nasa likod ko yung fountain na makukulay dahil sa ilaw.
Tumayo ako at kinuha yung phone ko sa kanya at tinignan yun.
"ANO TO SABI KO PICTURE BAKIT VIDEO TO PARA KANG TANGA!!!" Sigaw ko sa kanya.
Nagulat ako ng hilain nya yung braso ko at iniupo uli dun sa inupuan ko kanina tumabi sya sa'kin at kinuha yung phone ko.
"Mas maganda kung may kasama sa picture." Napatulala naman ako dahil sa sinabi nya sya sasama sa picture?
"Ayan tapos na." Iniabot nya sa'kin yung phone ko at kaagad kong tinignan yun.
"AKALA KO BA KASAMA KA?!" Sigaw ko na naman sa kanya pa'no ba naman kase yung nakatitig ako sa kanya tapos yung kamay nya ginawa nyang sungay sa ulo ko.
"Oh may kasama ka naman ah yung kamay ko." Natatawa nyang sabi.
"Ganun?!" Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at itinapat sa muka nya yung phone ko at clinick ko iyon todo iwas pa sya dahil sa ginagawa ko pero hindi ako tumitigil kaka click.
Nang mapagod umupo naman ako sa parang bahay na napapalibutan ng mga magagandang rosas.
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa ityura nya...
Ang galing ko mag stolen...
Meron naka nganga...
Naka nguso...
Naka belat...
Nagulat ako ng may humablot nun sa mga kamay ko.
"HOY HOOD- MAGNANAKAW YUNG PHONE KO HOY IBALIK MO YAN!!!" Sigaw ko nagulat ako ng biglang matumba yung magnanakaw...
At nang tignan ko kung sino may gawa nun sa kanya si hari ng mga hoodlum lang pala.
Kinuha nya yung phone ko sa sahig dahil nabitawan yun nung magnanakaw...
Pero nagtaka ako ng hindi na gumagalaw yung lalaki.
"Phone mo oh." Abot sa'kin ni hoodlum napakunot yung noo nya ng pinaningkitan ko sya ng mata.
"Anong ginawa mo dun sa magnanakaw bakit hindi na gumagalaw yun." Tanong ko sa kanya.
"Sinuntok ko malay ko bang babagsak sya at makakatulog." Sabi nya.
Nagulat ako ng lumuhod sya at hinawakan yung paa ko.
"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong.
Pero hindi sya sumagot at tinanggal nya lang yung heels ko at pinalitan nya yun ng...
TSINELAS!
"Sa'n mo nakuha yan?"
"Dun sa magnanakaw." Pagkasabi na pagkasabi nya nun kinuha ko yung tsinelas at sinampal sya sa mukha.
"Tama nakakarami kana, binili ko yan dun." Turo nya dun sa tindahan.
May bukas pa pala na tindahan kahit gantong oras na.
"Nagugutom ako." Nagulat sya dahil sa sinabi ko.
Pramis nagugutom talaga ako aba malay ko ba matagal kase kaming bumyahe ni hoodlum maka punta lang dito.
"Halika uwi na tayo." Ako naman ang nagulat dahil sa sinabi nya.
"ANDAMI PANG MAGAGANDA BANDA DUN BAT UUWI NA TAYO?!" Sigaw ko sa kanya.
"Walang bilihan ng pagkain dito dahil alas dos na sa susunod na lang tayo bumalik dito." Hindi ko alam kung bakit napangiti ako dahil sa sinabi nya.
"Babalik?" Tumango sya dahil sa tanong ko.
"Tayo?" Tumango uli sya.
Hindi ko na napigilang yakapin sya at naramdaman kong nabigla sya maski ako nabigla dahil sa ginawa ko kaya humiwalay agad ako sa kanya.
"ANO BA BAT MO KO NIYAYAKAP?!" Natawa sya dahil sa pagsigaw ko.
"Halatang inaantok kana tara na." Sabi nya at naunang maglakad.
Kinuha ko yung phone ko at...
"Jai." napatigil sya sa pagsasalita ng tawagin ko sya sa pangalan nya.
Nang humarap sya sa'kin kaagad nyang tinakpan yung muka nya.
"Huli kana." Tumatawa kong sabi at naunang maglakad sa kanya.
Jairus POV
Napabalingkwas ako sa sofa at napahawak sa muka ko at hinimas himas yun.
"ANO MASARAP BA YUNG SAMPAL KO?! KANINA PA KITA GINIGISING E!" Sigaw nya sa'kin.
"Sampal pala yun akala ko inututan mo'ko sa muka." Pagkasabi ko nun napalayo kaagad ako sa kanya dahil sasabunutan ako nyan.
"Apaka baboy mo! Body guard kita tapos tanghali ka gigising." Sigaw nya sa'kin.
"Pa'no ko makakatulog e anlakas mo humilik." Sabi ko totoo naman kase e.
"Excuse me? Hindi ako humihilik nananaginip ka lang!" Pagdedepensa nya.
"May lakad ba tayo ngayon?" Tanong ko.
"Oo sosorpresahin ko si dylan sa bahay nya." Sabi nya ng nakangiti.
"Sa bahay? Alam mo bang pangit sa babae yung sya yung pupunta sa bahay ng lalaki? Sa bagay base na rin sa hilik mo para kang lalaki." Pagkasabi ko nun binato nya ko ng unan sa muka pero nasalag ko yun ng kamay ko.
"Maliligo na ako lumabas kana." Sabi nya sa'kin. Kumuha ako ng susuotin ko at naglakad palabas at sinarado iyon.
Pumunta ako sa dati kong kwarto at duon naligo.
Nang makuntento ako sa bango ko lumabas na ako.
Kinuha ko yung coat ko at salamin at lumabas na ng kwarto.
Dumiretso ako sa dining table dahil narinig kong nandon si joree.
"Good morning jai halika sumabay kana mag almusal." Asik ni miss keilla at kaagad akong umupo sa tapat ni joree hindi ko pinansin yung pag titig sa'kin ni sir.
...
"Pwede ba kitang makausap?" Napalingon ako sa pamilyar na boses.
"Tungkol po sa'n po sir?" Kunwari kong tanong hindi ako tanga para hindi malaman kung anong gusto nyang pag usapan.
"Alam ko ang lahat ng nangyari sainyo ng anak ko kahapon pero nagsinungaling sya sa mom nya na nauntog lang sya." Paliwanag nya sa'kin.
"Maniwala ka hindi ko sinabi sa asawa at anak ko para hindi na sila mag alala." Dugtong nya pa.
"Pero dahil sa ginawa nyo muntik na silang mapahamak." Yumuko sya dahil sa sinabi ko.
"Pa'no mo binayaran iyon?" Nagtataka nyang tanong.
"Kalimutan mo na lang ang lahat ng nangyari yun lang ang gusto ko at mag tanda kana dahil mahirap mawalan ng pamilya." Nagulat sya dahil sa sinabi ko pero hindi ko na inantay yung sasabihin nya at naglakad na paalis.
Nang makarating ako sa garahe nila nakita kong nag aantay si joree.
"Bakit antagal mo kanina pa kita hinihintay!" Sigaw nya sa'kin pero hindi ko sya sinagot.
Sinusian ko yung motor ko at inikot iyon.
"Sakay na." Walang buhay kong sabi pero bumaba uli ako para tulungan sya.
"Salamat." Sabi nya ng maiupo ko sya sa motor. Kaagad ko yung pinaandar at tahimik lang kami habang bumabyahe.
"Bat antahimik mo?" Pagbasag nya ng katahimikan.
"Kailan ba'ko nag ingay?" Pabalik kong tanong sa kanya hindi naman sya umimik dahil dun.
Ilang saglit inihinto ko sa parking lot ng mall yung motor ko.
Dahil bibili daw sya ng panregalo sa birthday ni dylan at may party kase mamaya dun sa bahay nung dylan.
...
"Anong magandang iregalo sa kanya? Sapatos? Pabango? Damit? Shorts? Relo?" Tanong nya sa'kin.
Humawak ako sa baba ko at nag isip nag aantay naman sya ng isasagot ko.
"Palakol." Binatukan nya ko dahil sa suggestion ko.
"Gusto mo palakulin ko yang ulo mo?" Nanggigigil nyang tanong sa'kin.
"Wag ka na magtanong kung ayaw mo bilhin." Sabi ko sa kanya.
Hindi sya makikilala ng mga tao dito sa mall dahil naka hoodie syang pink at naka sumbrero.
Palinga-linga sya habang naglalakad naghahanap ng ipang reregalo.
Sinundan ko sya ng pumasok sya sa bilihan ng sapatos at namili.
"Dyan ka lang may bibilhin lang ako." Tumango sya dahil sa sinabi ko.
Dumiretso ako sa bilihan ng mga gitara at namili dun.
"May glowing guitars kayo?" Tanong ko dun sa tindera.
"Meron po sir bandang dulo po." Tumango ako dahil sa sinabi nya at naglakad papuntang dulo.
Madilim dito sa dulo pero nagliliwanag dahil sa glow in the dark na gitara.
Madaming klaseng glow in the dark na gitara pero isa lang ang pumukaw ng atensyon ko nilapitan ko ito at kinuha.
Isang kulay blue na glow in the dark na gitara.
Lumapit ako sa cashier at binayaran iyon.
Binili ko rin yung lalagyan nya at yung iba pang kailangan at isinabit ko yun sa likod ko.
"Gitara?" Sabi ni joree ng makita nya ko.
"Drum to drum." Sinamaan nya ko ng tingin dahil sa pamimilosopo ko.
"Sanay ka nyan?" Tanong nya uli.
"Hindi." Pagsisinungaling ko.
"E bakit ka bumili?"
"Gusto ko lang." Seryoso kong sabi habang naglalakad.
"Niloloko mo ba'ko?!" Naiinis nyang tanong sa'kin.
"Bakit napipikon ka na ba?" Pang aasar ko sa kanya.
"Gusto mo sapakin kita?!" Sagot nya sabay pakita nung maliit nyang kamao.
"Anong oras ka pupunta dun?" Tanong ko.
"Siguro mga 6:00 pm ganun." Sabi nya.
"Gusto mo manuod ng sine?" Nagulat sya sa pag tatanong ko.
"Libre mo?!" Umiling ako sa sinabi nya.
"K.K.B." Natawa ako ng sumimangot sya.
Nagulat sya ng hilain ko sya sa papuntang sine.
"Tamang tama may palabas ka dito o panuorin natin." Sambit ko pero umiling iling lang sya.
"Napanuod na namin yan bago ipalabas sa sine." Napatango ako sa sinabi nya.
Napapitlag ako ng mga ring ang phone ko.
Kinuha ko yun sa bulsa ko at sinagot iyon.
"P'RE KAMUSTA KANA?!" Na ilayo ko sa tenga ko yun dahil sa pagsigaw ni...
"Wag kang sumigaw paolo hindi ako bingi." Naka rinig ako ng tawanan mula sa kabilang linya.
"Okay lang naman napatawag kayo?" Tanong ko.
"Namimiss kana kase namin." Natatawang sabi ni jhared.
Ilang saglit pa kaming nag usap ng kung ano ano at napagpasyahan ko ng ibaba.
"Sino yung kausap mo babae mo?" Nagtaka ako sa tanong ni joree at naglakad paalis.