Download App
16.66% Age Is Just A Number (GirlxGirl) COMPLETED / Chapter 2: AIJAN: 1

Chapter 2: AIJAN: 1

Sabrina

Nakapikit ang aking dalawang mga mata habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha, mula dito sa seaside para panoorin ang papalubog na araw.

I really love sunset.

Because sunset are proof that ending can often be beautiful too.

Atsaka inihahalintulad ko rin ito sa aking buhay, sa aking sarili. Kahit na madalas sinasabi ng iba na ang araw ay parang isang buhay ng tao, na lumulubog at natatapos.

Pero sa akin? Hindi. Dahil muli itong sisikat pagdating ng bagong umaga. Nagpapatunay na kahit na ano pa man ang mangyari sa ating mga buhay, mapagod man tayo o paulit-ulit na madapa, muli tayong tatayo para magpatuloy. Because in this life, we always need to keep moving forward.

Nakaugalian ko na ang dumaan dito sa tuwing ganitong oras. Sa ganitong paraan ko lamang kasi nahahanap ang kapayapaan na kailangan ng puso ko at ng aking isipan.

Minsan hindi naman talaga masama na takasan ang realidad. Lalo na ang mga problema. Kailangan natin ang mag recharge, nang sa gayon ay magkaroon pa tayo ng maraming dahilan upang magpatuloy sa araw-araw.

Muling iminulat ko ang aking mga mata bago kinuha ang aking phone mula sa loob ng aking handbag. Masyadong maganda ang view kung hindi ko kukunan ng litrato.

Nakakadalawang take pa lamang ako nang may biglang humarang na babae sa may kinukuhanan kong view. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil against the light ito.

"Why did you stop?" Tanong nito at agad na humakbang palapit sa akin. "Just keep taking pictures and include me to make the view more beautiful." May pagkapresko pang dagdag niya.

Napangisi na lamang ako atsaka napa iling dahil sa kanyang sinabi.

Wala sigurong magawa sa buhay. O baka naman walang makausap. Baka kailangan lang niya ng mkakausap. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

"Are you okay?" Tanong ko rito in a sarcastic tone.

Isang napakasarap sa tenga naman na tawa ang pinakawalan nito bago naupo sa aking tabi.

This time, I finally saw her face. And all of a sudden, I was stunned and amazed at her beauty. Mayroon siyang mahaba at kulay blonde na buhok na hanggang beywang ang haba. Napaka amo ng kanyang maliit na itsura, mahaba at makapal ang mga pilik mata at masyadong makinis ang kutis na walang bahid ng kahit na konting galos. Ang tangos din ng kanyang ilong at halatang natural ang pagkapula ng kanyang mga labi.

At mas lalo pang nangibabaw ang kagandahan nito dahil sa reflection ng papalubog na araw na tumatama sa kanyang mukha.

Gosh! Nakakainggit ang kagandahan niya.

Based on her posture and aura, I think she is in her twenties.

Bago bago pa man ako nito tuluyang mahuli na nakatingin sa kanya, ay agad nagbawi na ako ng aking paningin.

"Beer?"

Tanong nito sabay abot ng isang can ng San Mig light sa akin. Napatawa ako.

"No. Thanks!" Pormal na pagpapasalamat ko at pagtatanggi na rin.

"Come on, mas masarap manood ng sunset kapag may beer na kasama." Muli akong nagbaling ng tingin sa kanya atsaka tinignan ito ng mataman sa kanyang itsura.

Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. Isa pa, mukhang wala sa itsura niya ang gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

"Just try it." Dagdag na pangungumbinsi pa niya.

Isang matamis na ngiti naman ang gumuhit sa aking labi noong tinanggap ang beer mula sa kanyang kamay.

"Thanks!" Agad na binuksan ko iyon bago sinimulan nang inumin.

"Hmmm..." Napapapikit ako noong malasahan ang beer, habang dumadaloy ang malamig na likido sa aking lalamunan.

"Wow!" Rinig kong komento niya. "Bakit hindi ka nalang nag modelo?" Pahabol na komento pa niya dahilan upang mang init ang magkabilaang tenga ko.

Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi nito.

"First time mo ba rito?" Tanong ko at pag iiba na rin ng usapan dahil ngayon ko lamang siya napansin sa lugar na ito.

Iilan lamang kasi ang tao na napapadpad rito, kaya sa madalas na pagpunta ko rito eh nakakabisado ko na ang kanilang mga itsura.

Agad naman siyang napatango bago napayuko. Inilapit din nito sandali ang kanyang mukha sa akin.

"Tumakas kasi ako." Bulong niya atsaka napatawa.

"Tumakas? Why? Artista ka ba?" Tanong kong muli ng may pagtataka.

No wonder kung bakit ang ganda-ganda niya at mahahalata mo talaga na nagmula siya sa isang mayamang pamilya. Halatang alaga rin ang katawan at kutis niya.

Hindi ito kumibo, sa halip ay binigyan na lamang ako ng isang pormal na ngiti. Inilahad din nito ang kanyang kanang kamay pagkatapos.

"I'm Brigette." Pagpapakilala niya.

Napangiti rin akong muli bago tuluyang tinanggap ang kamay nito. "Sabrina." Pagpapakilala ko rin dito.

"Sabrina..." Napapatango na pag-ulit nito sa pangalan ko. "As in, from the River Severn?" Dagdag pa nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong napatawa. Bakit ganon? Ang gaan-gaan yata ng loob ko sa kanya. Para sa isang tao na ngayon ko lamang nakilala. Ang bilis lang din niya akong patawanin at pangitiin.

Weird.

Kunot noo na napatitig ako sa mukha niya.

"What? It's a Latin name of the river Severn in the United Kingdom." Paliwanag nito dahil baka iniisip niyang hindi ako naniniwala.

"How did you know?" Tanong ko. At panunukso na rin.

Mukhang ang talino rin niyang tao. Nakakahanga lang. Bihira lamang ako humanga sa isang tao, pero pagdating sa kanya, ibang klase. And take note, isa lamang siyang stranger na napadpad sa harap ko ilang minuto pa lamang ang nakakalipas.

"Because I'm smart?" Patanong na sagot nito ngunit nahihimigan ko ang pagyayabang.

"Nice one." Usal ko bago tuluyang inubos ang huling laman ng can ng beer.

"Thanks for the drink again." Muling pagpapasalamat ko at handa na sana sa pagtayo upang makaalis na nang pigilan niya ako.

"Aalis kana agad?" Iyong tono ng boses niya parang nagpapaawa na ewan. Hayyy.

Cute.

Pigil ang ngiti na muling nagbaling ako ng tingin sa kanyang magandang mukha.

"Dahil dumidilim na po ang paligid binibini." Naka ngiting sagot ko sa kanya. "At hindi maganda para sa ating mga kababaihan ang mamalagi sa dilim." Dagdag ko pa.

Nagpakawala ito ng isang mahinang pagtawa.

"You have a point, but can you please stay even a few more minutes?" Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagat nito sa ibabang parte ng kanyang labi.

Mabilis na muling napaiwas ako roon ng tingin bago napatikhim.

"S-Sure!" Tuluyang pagpayag ko.

Naisip ko kasi baka may pinagdadaanan siya at kailangan lamang niya ng makakausap. Baka kailangan din niya na may mapaglabasan ng sama ng loob.

Ganon naman kasi tayo diba? Mas madali sa mga part natin ang magbukas ng problema sa ibang tao.

Muli kong inayos ang aking pag-upo sa kanyang tabi.

"So, what are we going to talk about?" Tanong ko in a serious tone.

"Is there something you want to talk about? Don't worry, I'm just a stranger here. Pwede mo akong pagsabihan ng kahit na ano. At hindi kita i-jujudge." Pagbibigay ko ng assurance.

Napahinga siya ng malalim.

Tinitigan niya ako ng medyo may katagalan sa aking mukha kaya napa iwas ako ng aking mga mata. Agad na naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi.

Grabe naman siya kung makatitig. Para akong tinutunaw.

"Yeah. May problema kasi talaga ako." Sabay yuko na sambit nito. Halatang malungkot. Bigla naman akong nag-alala kasi baka umiyak nalang siya bigla.

Hindi ko pa naman alam ang gagawin kapag ganito. Ang awkward naman yata kung basta ko nalang siyang yayakapin.

"W-What is it? You can tell me." Muling inayos ko ang aking pag-upo at handa na sa pakikinig.

"Do you believe in love at first sight—or should I walk by again?" Tanong nito sa akin.

Hindi ko pa sana magegets ang sinabi nito kung hindi ko nakita na napangiti siya ng nakakaloko.

"What? Are you serious?" Hindi ako makapaniwala na magbabanat lamang pala siya. "I'm serious, Ms." Nauubusan na ako ng pasensya.

Pero dahil maganda siya, sige lang.

Napatawa itong muli ng mahina.

"Fine." Napatikhim ito. "I will tell you."

"Good."

Natahimik siya sandali. Medyo madilim na talaga ang paligid dahil konting liwanag nalang ang nakikita mula sa araw na ngayon ay pawala na sa aming paningin.

"In my opinion, there are three kinds of beautiful." Panimula niya. Mukha naman na siyang seryoso kaya mas nakinig na ako this time.

"Smart, pretty, and sexy. But somehow, you manage to be all three." Sabay sulyap na dagdag nito sa akin. Halatang nagpipigil ng kanyang pag ngiti.

Napapa 'Wow' na lamang ako in disbelief. Mukhang nagsasayang na lamang din ako ng oras dito.

"You know what, you are wasting my time Brigette. Can I go home now? Dahil sa tingin ko, okay ka naman eh." Tuluyan nang naubusan ng pasensya na saad ko.

Ngunit pinagtawanan lamang ako nito.

But the hell? Bakit imbis na mas mainis pa ako eh natatanggal pa yata ang init ng ulo ko dahil sa ganda niya kung tumawa.

Napabuga ako ng hangin sa ere.

"Okay, I'm going home now." Sabay tayo na sambit ko pero mabilis na pinigilan ako nito sa aking braso.

Nakatayo na rin siya katulad ko. Sandaling napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa akin, kaya naman agad niya iyong tinanggal.

"Sorry." Paghingi nito ng tawad ngunit alam mong hindi naman siya seryoso.

"Sorry for what? For messing with me or for wasting my time?" May pagka sarkastiko na tanong kong muli.

Napakagat itong muli sa kanyang labi.

God! Can she stop biting her lip?

"I'm sorry if the first time I saw you, I couldn't take my eyes off you. And that's my problem now, I can't get you out of my mind so I just introduced myself to you, to get to know you." Paliwanag niya sa akin.

Naka drugs siguro itong babaeng ito. O baka naman naalog ang utak.

Muli akong nagpakawala ng hangin sa ere.

"Tapos kana ba, BRIGETTE?" Bigay diin ko sa pangalan niya.

Dahil sa totoo lang hindi na siya nakakatuwa. Sayang 'yong ganda niya kung sa bawat stranger na makakasalamuha niya eh ganito siya.

"Relax, Sabrina." Pagpapakalma nito sa akin bago umatras ng konti para kunin ang naiwan nitong paper bag, na mayroong laman ng empty can ng beer.

"Can I take you home now?" Tanong niya.

Seryoso lamang ang mukha na tinignan ko ito bago tuluyang tumalikod na. Hindi ko naman alam na susunod parin pala siya.

"What I mean is, take you home. Ihahatid kita. Hindi i-tatake out pfft." Wika nito.

Pero nagkunwari na lamang ako na hindi ko siya narinig.

"Hey!" Sabay kalabit sa aking braso.

"Hindi ka ba talaga titigil? Kasi kung hindi, tatawag ako ng pulis." Nag-uunahan na sa pagtaas baba ang aking dibdib.

"Hindi na kailangan." Sabi niya habang napapakamot sa batok. "Nagmamagandang loob lang naman eh." Pahabol pa nito.

"May kotse ako at kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa pag alok pero aalis na ako."

Padabog na muling inihakbang ko ang aking mga paa hanggang sa makarating ako sa tapat ng aking sasakyan.

"See you when I see you, Sabrina!" Sigaw nito. Noon ko lamang napansin na sakay na siya ng kanyang sports car.

Shit! Ang gara naman.

Pero teka...

Agad akong natigilan noong muling maalala ang mukha nito. Sobrang pamilyar at parang nakita ko na siya sa kung saan. Hindi ko lang matandaan.

Well, bakit ko pa ba pag-aaksayahan ng oras ang babaeng iyon? Gayong mas maraming oras ang kailangan ko ngayon para sa paghahanda kinabukasan.

Isa kasi ako sa magiging bagong English teacher mula sa isang Private School na inapplay-an ko. At bukas na ang aking first day slash first class ko.

Yes, I am a teacher. My job is to teach and guide my students so they have a great future that kind of thing.

And I am so excited to meet my new students.


CREATORS' THOUGHTS
Jennex Jennex

Unang Patikim ;)

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login