Download App
79.24% FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION) / Chapter 42: CHAPTER 41 "SWEETEST SURPRISE"

Chapter 42: CHAPTER 41 "SWEETEST SURPRISE"

IYON ang araw ng schedule ni Daniel para sa ibang doktor at ospital kung saan ito kukuha ng second opinion kaya hindi na muna ito pinapasok ni Marielle sa eskwelahan. Iyon din ang dahilan kaya mag-isa siyang pumasok at nag-duty sa library.

Nanatiling tahimik si Ara, hindi dahil walang kumakausap sa kaniya kundi dahil wala si Daniel at labis siyang nangungulila sa kaniyang nobyo.

"Ara, sabay ka sa amin ni Jenny mamayang lunch?" si Jason iyon nang lapitan siya nito habang pilit niyang inaabala ang sarili sa maraming titles ng libro na ine-encode niya sa harapan ng computer.

Tiningnan niya si Jason saka pilit na nginitian. "Salamat pero okay lang ako," sagot niya.

Sandali muna siyang pinakatitigan ng kaibigan niya bago ito tumango-tango at nagsalita. "Sige ikaw ang bahala," anitong alanganin muna siyang muling tinitigan bago tuluyang iniwan.

Mag-isa siyang kumain ng lunch nang araw na iyon. At dahil wala pa naman siyang duty ay minabuti niyang tunguhin ang roof deck kung saan sila madalas na magkasamang nagpapalipas ng oras ni Daniel.

Wala parin siyang tinatanggap na tawag mula sa binata kaya hindi siya mapakali nang mga sandaling iyon. Noon niya sinulyapan ang suot niyang relo saka ibinalik sandali ang pansin sa binabasa niyang libro kahit ang totoo, nang mga sandaling iyon ay wala naman siyang naiintindihan sa kahit anong salitang naka-print doon.

Gusto sana niyang tawagan si Daniel pero inisip niyang baka hindi iyon magandang ideya, siguro mas mainam kung ito nalang o kahit sino sa kapatid o ina nito ang gagawa niyon dahil hindi niya alam kung ano na ang nangyayari ngayon sa binata.

Malakas ang naging pagsikdo ng dibdib ni Ara nang maramdaman niya ang papalapit na yabag mula sa kaniyang likuran. Agad niya iyon nilingon, umaasa siya na si Daniel iyon. Pero nabigo ang dalaga saka muling matamlay at pilit na namang ngumiti nang makitang si Jason pala aiyon at hindi ang kaniyang nobyo. Sa likuran nito ay si Jenny na matamis siyang agad na nginitian.

"Hello, pwede ka ba naming samahan dito sa dating spot ninyo ni Daniel?" ang mabait na tanong sa kaniya ng matalik niyang kaibigan saka naupo bakanteng bahagi ng concrete bench na okupado niya.

Tumango lang siya saka pinilit na ngumiti. Pagkatapos noon ay tinanggap niya ang sandwich at bottled water na iniabot sa kanya ng kaibigan.

"Alam namin may problema ka, pwede mong sabihin sa amin ang tungkol doon," si Jenny ulit na nakita niyang sinulyapan si Jason na nang mga sandaling iyon ay nakasandal naman sa posteng bakal ng shed na kung saan sila nakatambay.

Mabilis na nangilid ang luha ni Ara dahil sa sinabing iyon ni Jenny. Pagkatapos, hindi nagtagal ay tuluyan na nga siyang bumigay, ang lahat ng sakit at bigat ng dibdib na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay tuluyan na ngang humulagpos at nauwi sa isang impit na hagulhol.

"Ano bang nangyayari?" ang nag-aalalang tanong ni Jenny sa kanya saka siya mabilis na niyakap. "kung anuman ang problema nandito kami ni Jason, makikinig sa'yo," ang kaibigan niyang pandalas ang haplos sa kaniyang likuran.

Ilang sandali siyang hinayaan ni Jenny at ni Jason sa ganoong ayos. Pagkatapos noon ay pinainom siya ng una ng tubig. Noon narin niya inipon ang sapat na lakas ng loob na kakailanganin niya upang masabi sa mga ito ang tunay na nangyayari.

"M-May sakit si Daniel, Acute Myeloid Leukemia, iyon ang sabi ng unang doktor na tumingin sa kaniya," aniyang suminghot bago nag-angat ng tingin.

Noon niya nakita sa mukha ng dalawa lalo na ni Jason ang matinding pagkabigla.

"Leukemia?" si Jenny na halatang hindi makapaniwala at tila ba ipinahihiwatig sa kaniya ng tono nito kung nagbibiro lang ba siya o talagang totoo ang sinasabi niya.

Tumango siya saka sinimulang ikwento sa dalawa ang lahat pati narin ang pagkuha ni Daniel ng second opinion kaya hindi ito nakapasok sa eskwela nang araw na iyon.

"N-Nag-decide kami ni Daniel na magpakasal na, sa lalong madaling panahon," ang walang gatol niyang sabi.

"Kasal?" ang halos magkasabay na sambit ng dalawa.

Alam niyang nagde-date na sina Jason at Jenny at masaya siya para sa mga ito. Kaya nga hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panibugho dahil may pag-asa pang magkasama ng matagal ang dalawa, habang siya, silang dalawa ni Daniel, kung hanggang kailan sila magkakasama hindi niya alam, iyon ay sa kabila ng katotohanan na labis-labis ang pagmamahal na nararamdaman nila para sa isa't-isa.

Tumango siya. "M-Masaya ako para sa inyo dalawa, lalo na para sa'yo," aniyang hinarap ang kaibigan niya na nahihiyang nagyuko ng ulo saka ngumiti. "P-Pero hindi ko mapigilan ang mainggit kasi at least kayo may chance na magkasama pa ng mas matagal, habang kami ni Daniel," sa huling sinabi ay mabilis na muling naramdaman ni Ara ang senyales ng muli niyang pag-iyak.

"Ano ka ba, hindi ba nga sinabi mo na kumuha na sila ng second opinion ngayon? Huwag ka munang mag-isip ng hindi maganda, kasi malay mo mali iyong unang diagnosis ng doktor sa kanya. Malay mo may gamot pa, basta huwag kang mawawalan ng pag-asa, at higit sa lahat ikakasal na kayo hindi ba? Hindi naman importante kung secret iyon o hindi, ang importante magiging isa na kayo," si Jenny na hinawakan ang kamay niya saka pinisil.

"Hindi ko kasi mapigilan ang mag-alala lalo at hindi pa siya tumatawag. Hindi ko naman siya matawagan kasi iniisip ko baka makaabala lang ako," aniya.

Nakita niyang nagbuntong hininga si Jenny saka sinulyapan ang nobyo nitong nanatiling nanonood lang. "Magiging okay din ang lahat, kumalma kana. Ilang oras nalang naman uwian na, dumaan ka nalang sa bahay nila para makausap mo siya ng personal. Baka kasi kaya hindi ka pa niya tinatawagan kasi gusto ko niyang sorpresahin at gusto niyang sabihin iyon sa iyo ng personal," ani Jenny sa mabait parin nitong tono.

Sa sinabing iyon ng kaibigan niya kahit paano ay nakaramdam si Ara ng pag-asa kaya nagluwag ng kaunti ang kaniyang dibdib at nabawasan ang kaniyang pag-aalala. Sana nga ang sinabing iyon ni Jenny ang totoo, sana magandang balita ang dahilan ng hindi pagtawag ni Daniel sa kaniya.

*****

DAHIL sa sinabing iyon ni Jenny kahit paano ay nagkaroon ng dahilan si Ara na gawing masigla ang mga huling oras ng duty niya sa library. Kaya naman iyon nalang ang pagmamadali niyang makauwi dahil katulad ng sinabi sa kaniya ng matalik niyang kaibigan kanina pupuntahan niya si Daniel sa kanila para kausapin tungkol sa naging resulta ng pagpapatingin nito sa doktor.

Pagkalabas niya ng malaking gate ng eskwelahan ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para maghintay doon ng traysikel na masasakyan. Sa halip ay agad siyang nagmamadaling naglakad para dumiretso nalang sa paradahan ng traysikel.

Katulad ng dati, maingay ang dati nang abalang kalsada na iyon. Magkakasabay halos ang pagbusina ng mga sasakyan habang nagmamadali niyang nilalakad ang sidewalk. Pero iyon nalang ang pagkagulat niya nang mula mismo sa kaniyang likuran ay narinig niya ang magkakasunod at malalakas na pagbusina.

Mabilis na kinabahan si Ara saka iyon nilingon para lang mapuno nang matinding kaligayahan ang kaniyang puso nang makilala ang pamilyar na kotseng iyon.

"Hello Miss Beautiful, sumakay na po kayo at ihahatid ko kayo ng safe sa uuwian ninyo," nang hintuan siya ni Daniel ay iyon ang sinabi nito habang napakaganda ng pagkakangiti.

Nang mga oras na iyon ay mabilis na nagbalik kay Ara ang alaala nang una siyang isabay ni Daniel pauwi. Parang naulit lang iyon ang kaibahan nga lang ay iba na ang sitwasyon ng relasyon nila ngayon.

Mula sa dating aso't-pusa ngayon heto at malapit na silang ikasal dahil labis nga silang nagmamahalan.

"Halika na, magagalit sa akin ang mga kasunod ko," tawag ulit sa kaniya ni Daniel nang manatili siyang nakatayo doon.

"Oh, sorry!" aniyang nagmamadaling kumilos at sumakay na.

"Seat belt please," paalala pa nito sa kaniya.

"Okay," sagot niyang ngiting-ngiting pinakatitigan ang binata.

"Sige, kumapit kang mabuti dahil lilipad na tayo," biro pa nito nang patakbuhin nito ng tuluyan ang sasakyan.

Hindi na nagsalita pa si Ara, sa halip ay parang walang kasawaan nalang niyang pinakatitigan ang mukha ng gwapong lalaking masiglang nakaupo sa harapan ng manibela.

"Sweetheart," si Daniel iyon nang manatili siyang nakatitig sa mukha nito.

"Yes?" aniyang hindi inaalis ang paningin sa kaniyang nobyo.

Noon siya sandaling sinulyapan ng binata bago nito ibinalik sa kalsada ang paningin. "Alam ko gwapo ako, pero sa paraan ng pagkakatitig mo sa akin ngayon, pakiramdam ko ako na ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo," anitong muli siyang sinulyapan para lang kindatan.

Mabilis na namula ang mukha ni Ara sa ginawang iyon ni Daniel. Sa loob ng ilang buwan nilang pagiging magkasintahan ngayon lang ulit ginawa iyon sa kaniya ng binata.

At kahit pa sabihing ilang beses narin na may nangyari sa kanila pagkatapos noong una ay hindi siya makapaniwala na ang simpleng gesture na iyon ay mayroon parin palang kapangyarihan upang bigyan siya ng ganitong klase ng damdamin na nagiging dahilan kaya namumula ang mukha niyang ngayon.

"Para sa akin ikaw ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo, kahit noong mga panahong magkaaway pa tayo ganoon na ang tingin ko sa'yo," pagsasabi niya ng totoo sa kabila ng matinding pag-iinit parin ng kaniyang mukha.

Lalong gumanda ang pagkakangiti ni Daniel sa sinabi niyang iyon. "Walang nagbago sa'yo kahit sabihin mo pang, you know, nakita ko iyon side mo na iyon?" ang makahulugan pang biro ni Daniel na ang tinutukoy ay ang pamumula ng kaniyang mukha.

"Tumigil ka," aniyang natawa pa ng mahina.

Umiling lang ang binata habang matamis na nakangiti. "Sa bahay ka na mag-dinner ah? Nandoon narin ang parents mo pati si Anthony, inaantay ka nila," pagkuwan ay winika ni Daniel.

"Talaga?" ang hindi makapaniwala niyang naitanong.

Tumango ang binata saka nito inabot ang kamay niya at hinalikan. "I love you so much, sweetheart," ang madamdamin pa nitong hayag.

Napangiti doon si Ara. "I love you too, so much," tugon naman niya saka pinisil ang kamay ni Daniel na hindi bumitiw sa pagkakahawak sa kaniya.

"Kahit anong mangyari huwag kang bibitiw sa kamay ko," anitong hindi siya tiningnan pero bakas sa tono nito ang malalim na pagmamahal.

"Never," ang sagot naman niya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C42
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login