Download App
80.48% "You're Only Mine" / Chapter 33: KABANATA 33

Chapter 33: KABANATA 33

Ilang araw narin pabalik-balik si Clifford sa Nicolas Hospital at hinahayaan ko lang sya, sinubukan ko syang kausapin na samahan ko sya sa hospital pero hindi ko magawang sabihin. Dahil sa tuwing nagtatanong ako sa kanya tungkol kay Zei ay iniiba niya ang usapan.

"P-pano na yan girl? Hahayaan mo nalang ba si Clifford?" si Jazzy habang ngumunguya ng french fries. Natahimik ako. Bumalik ako sa University dahil ayaw ko rin naman masira ang aking pag-aaral.

"Mar, hinahayaan mo ang asawa mo na paulit-ulit bumabalik sa babaeng iyon. Oo, naiintindihan namin na kailangan sya dun, pero kailangan mo rin sya." napasulyap ako kay Jilheart sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako, napasandal ako sa upoan.

"Kaya kong mag tiis, dahil mas kailangan ni Zei si Clifford." nanlaki ang mata sa dalawa. Napapikit ako, hindi nila makuha ang point ko.

"Pinapahiram mo ang asawa mo sa iba!" si Jazzy.

"Hindi ko alam, dahil hindi iba si Zei sa kanya. Girls, mahal ako ni Clifford at kailangan niya ako upang intindihin sya, dahil alam kong nahihirapan na sya sa sitwasyon niya ngayon." eksplenasyon ko. Nagkatinginan ang dalawa at alam kong nag-aalala sila para sakin.

"Hayyys, ewan ko lang talaga. Sana hindi ka magsisi sa desisyon mo." si Jilheart na nakasimangot.

"Minsan kasi ang pagmamahal dinadaan sa agaw." marahan akong napalingon kay Jazzy. "Yong iba nga hindi dinadaan sa ligaw, kusa nalang nang-aagaw." napakagat ako saking labi, ramdam na ramdam ko ang galit saking katawan.

"Naiintindihan namin na may sakit 'yong tao, pero mag iingat ka Marilou, dahil hindi mo alam habang magkasama sila ay nahuhulog na pala pabalik si Clifford sa kanya." biglaan akong napatayo sa sinabi ni Jilheart. Nakatukod ang dalawa kong kamay sa mesa, galit na galit ang nararamdaman ko ngayon.

"We're just trying to help you, dahil kaibigan mo kami na nag-aalala sayo. Minsan ka ng inagawan diba? Gusto mo pa bang maulit yon?" si Jazzy sa nag-aalalang tono. Napapikit ako, dahan-dahan akong napabalik sa pagkakaupo.

"Bakit ganyan kayo mag-isip?" isa-isang tumulo ang luha ko pagkatapos sabihin yon. Marahan lumapit sakin ang dalawa kong kaibigan, pareho nilang hinawakan ang kamay ko.

"Sorry Marilou, hindi namin intensyon na saktan ka, iniisip lang namin yong kapakanan mo kasi sa nakikita namin ay sobrang inlove na inlove ka kay Clifford, sa sobrang pagmamahal mo sa kanya ay hinahayaan mo nalang na masaktan ka." natigilan ako sa simabi ni Jilheart, napayuko ako. Ang dami kong iniisip ngayon at tila nagugulohan sa maari kong gawin.

"Ano ba dapat ang aking gawin?" mangiyak-ngiyak kong tanong.  Nagkatinginan ang dalawa bago nila ako tignan pabalik.

"As a friend huh, may rights karin sumama kay Clifford sa hospital kasi asawa ka niya. May rights ka para alamin ang nangyayari roon, hindi lang sa sitwasyon ng babaeng iyon, kundi sa sitwasyon ng asawa mo." natameme ako sa sinabi ni Jazzy, hindi ko lubos maisip na may ganito silang side na sobrang seryoso at napakalalim.

"Kong kailangan ni Zei si Clifford, kailangan karin ni Clifford." sa sinabi ni Jilheart ay bigla akong napaisip.

Tama nga sila, hindi ko hahayaang nakatunganga nalang dito at walang alam sa nangyayari sa hospital. Kailangan ako ni Clifford, at kailangan kong alagaan ang asawa ko, dahil iyon naman talaga ang role ng isang asawa. Pinapahiram ko sya sa iba, kahit alam kong masakit para sakin.

Tinapos ko ang aking klase sa raw na ito, hindi parin binabalik sakin ni daddy ang kotse ko kaya sa umaga hinahatid ako ni Clifford at sa hapon naman ay si Mang Cholo ang sumusundo sakin.

Umuwi muna ako saglit para mag bihis at kumain, nagluto ako ng paboritong pagkain ni Clifford at inilagay iyon sa balot. Kinausap ko si Cholo at buti nalang naintindihan niya ako. Maging sa byahe ay kalmado ako, nilabanan ko ang aking kaba at takot. Lagi kong ipinapasok saking isipan na asawa ako, at may karapatan ako sa lahat.

Hanggang sa makaabot kami ni Cholo sa hospital, hihintayin niya lang daw ako sa parking area.

Habang naglalakad palapit sa room ni Zei ay nagsimula ulit kumalbog ang aking puso. Napahinto ako saglit ng maaninag ko ang room niya. Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong paper bag na may lamang pagkain. Napabuntong hininga ako bago tumuloy sa paglakad. Hawak-hawak ko ang door know at dahan-dahan ko iyong binuksan.

Nanlaki ang mata ko sa nakita, halos mabitawan ko ang paper bag na dala-dala ko. May iilang luha ang tumulo sa gilid ng aking mata at agad ko iyong pinunasan. Sobrang sikip ng aking dibdib, halos sumabog ang puso ko sa sakit.

Magkatabi si Clifford at Zei sa iisang kama, habang nakapatong ang ulo ni Zei sa balikat ni Clifford at nakayakap. Pareho silang tulog!

Dahan-dahan akong napaatras at dali-daling pinunasan ang aking mga luha.

"Excuse me, may I know you miss?" mabilis akong humarap saking likuran. Bumungad sakin ang babaeng nakasabay ko sa elevator nong isang araw. Kunot noo syang nag head to toe sakin. Bahagya akong lumayo sa pintoan.

"Sorry, you were suprised. I'm Marilou Charleston." inilahad ko ang aking kamay sa kanya, ngunit taas kilay syang tumitig sakin.

"I wonder why you are here miss?" iritasyon niyang tanong. Ngumiti ako kahit ramdam ko ang aking galit. Graduate na ako sa pagiging maldita at ayaw ko na iyong ibalik pa.

"Hinahanap ko lang ang asawa ko. I'm Clifford's wife." sa sinagot ko ay nanlaki ang dalawa niyang mata, halos hindi sya makapaniwala.

"Oh my gosh...." dali-dali niyang inabot ang aking kamay hinawakan niya iyon ng mahigpit. "Im really sorry miss, I didn't notice your face. Minsan na kitang nakita sa phone ni Clifford." nakipag shake hands sya sakin na nakangiti. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niyang natataranta.

"Yes nag-uusap na tayo." usisa ko. Panay lingon niya sa buong paligid at pagkatapos ay sa pintoan.

"Nang medyo malayo dito?" suhestyon niya. Napabuntong hininga ako at tumango sa maaari niyang gusto. Dumistansya kami ng kaunti mula sa pintoan, at nag-usap sa gilid ng hallway kong nasan ay may iilang waiting chair.

Sabay kaming napa upo, bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

"I don't know how to say this, sobrang nahihiya na ako, Im so ashamed of you two." nagtaka ako sa sinabi niya, head to toe ko syang tinignan at napaka elegante niyang tignan. "Alam ko na may asawa na si Clifford, minsan ka naring ikiniwento samin ni Jana, at alam naming mabait kang tao."

"Bumisita si Jana dito?" tanong ko, hindi ko na kasi sya nakikita simula nong birthday ko at hindi ko parin nabubuksan ang regalo niya sakin.

"Oo, mahal na mahal ni Zei si Jana at ganon din si Jana kay Zei. Sobang malapit nila sa isat-isa." salaysay niya, napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa paper bag. "Marilou sobrang salamat kasi pinahiram mo si Clifford samin, sobrang salamat kasi pinasaya mo ang kapatid ko." nanlaki ang mata ko sa narinig, nakagat ko ang aking ngipin.

Kailan lang ako nagsabi na ipapahiram ko si Clifford sa kanila? Bakit hindi ko alam na pinapahiram ko na pala sya sa iba? Sobrang sakit hindi ko maintindihan.

Hindi ako makasagot!

"You are a very good person, because you are able to make my sister happy with this thing. Sobrang laki ng utang ng loob ko sayo, Marilou." isa-isang tumulo ang luha niya sa harap ko. Umiwas ako ng tingin, ayaw kong makita niya akong umiiyak. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi maiyak sa galit.

Hindi bagay si Clifford para ipahiram! Ang selfish ko namang tao, ang selfish selfish ko.

"May tali na ang buhay ng kapatid ko, at gusto ko pa syang mabuhay Marilou." humagulgol sya ng iyak sa harap ko, napapikit ako at hinawakan ang kamay niya.

"Ipagdadasal ko na sana gumaling agad si, Zei." iyon lang ang tangi kong nasabi, hindi ko na alam kong ano ang aking sasabihin.

"Marilou? Zana?" sabay kaming napalingon sa pintoan kong nasan si Clifford. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita, dahan-dahan syang lumapit saming direskyon.

"Clifford may pinag-usapan lang kami, maiwan ko muna kayo." si Zana at mabilis itong pumasok sa room ni Zei. Nanatiling nakatitig sakin si Clifford na walang ekspresyon sa mukha.

"Hi," lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko pa nakakalimutan ang nakita ko kanina sa kwarto. "Bakit ka nandito?" marahan akong lumingon sa kanya.

"Bakit bawal ba ako dito?" sarkastiko kong sagot, napahilot sya sa kanyang sentidu.

"Look Marilou, nagtatanong lang ako." pagtatama niya, natawa ako ng mahina.

"Kaya nga sinasagot lang din naman kita." sagot kong marahan, igting panga niya akong tinignan. "Sa tono ng boses mo ay parang ayaw mo akong nandito, pwede naman akong umalis kong gusto mo." dugtong ko na ikinagalit ng kanyang mukha.

"Huwag mo akong simulan, Marilou pagod ako. Hindi ko sinabing ayaw kong nandito ka. I am just asking at bigla-bigla ka nalang nagagalit." salaysay niya, umirap ako at umiwas ng tingin. Kanina ko pa tinatago ang galit ko. Panay laro ko sa paper bag na dala ko, dahil kinakalma ko ang aking sarili. Bumagsak ang mata niya sa bitbit kong paper bag. "I'm sorry," hinila niya ang kamay ko at niyakap ako bigla, walang emosyon akong yumakap sa kanya dahil naalala ko ang yakap ni Zei sa kanya kanina.

Humiwalay sya sa yakap sakin.

"Ayaw kong mapagod ka, ayaw kong mapuyat ka 'yon lang naman ang inaalala ko." hinimas niya ang pisnge ko kaya napapikit ako. Hindi ko magawang sumagot dahil ayaw kong palakihin ang away namin. "May dala ka? ano yan?" ngusong turo niya sa bitbit kong paper bag.

"Pinagluto kita ng sinabawang manok," ngusong sagot ko. Kinuha niya iyon sakin at tinignan, sobrang laki ng ngiti ni Clifford.

"Timing, kanina pa ako gutom. Samahan mo ako sa canteen, kainin natin ito." malapad niyang ngiti at inakbayan ako. Bigla akong sumaya at nakalimutan ko na ang lahat ng galit kanina.

Masaya kaming naglakad sa hallway para tumungo sa canteen, ngunit....

"Clifford?" sabay kaming napalingon mula saming likuran. Bumungad samin si Zana na sobrang hingal na hingal. Dali-dali syang lumapit samin, bigla akong kinabahan.

"Si Zei nagwawala hinahanap ka." nanlaki ang mata ko bago ko tignan si Clifford, tumingin sya sakin at tumango naman ako bilang sagot. Tumakbo si Clifford paalis at naiwan kami ni Zana, nagkatinginan kaming dalawa.

"Hali ka, pwede kang sumama." anyaya niya at agad naman akong sumunod patakbo ng mahina. Nang makalapit kami sa pintoan ay rinig na rinig ko sa labas ang boses ni Zei.

"No....ayaw ako! Hayaan nyo na ako, please!" sigaw niya. Pagpasok ko sa loob ay pinagtulongan sya ng tatlong nurse habang si Clifford ay nasa gilid. "Gusto ko ng mamatay, pagod na ako. Ayaw ko nang uminom nang gamot. Hayaan nyo na akong mamatay!" sigaw niya habang pinipigilan ng tatlong nurse.

Sa gilid ko ay umiiyak si Zana habang nakahawak sa kanyang bibig. Hindi ko lubos maiisip na ganito pala ang masasaksihan ko, sobrang sikip sa dibdib.

"Zeiya, please kailangan mo ang mga gamot." si Clifford na halos hindi makalapit dahil nagwawala ito.

"Babe.....pagod na ako, pagod na pagod. Huwag nyo na akong alagaan, huwag nyo na akong piliting mabuhay ng matagal dahil malapit narin akong mamatay diba? Diba?" sumisigaw sya habang nagwalala at itinutulak ang tatlong nurse. Sa sinabi ni Zei ay isa-isang tumulo ang mga luha ko, hindi ko enexpect na maririnig ko iyon sa buong buhay ko. "Ayaw ko na!!!!!!" sigaw niya at mabilis syang niyakap ni Clifford. Niyakap sya nang mahigpit ni Clifford upang hindi makawala.

Mas lalo akong napaiyak.

"Kaya ko namang kalabanin ang sakit ko eh, huwag ka lang mawala sakin. Ikakamatay ko ang mawala ka sa tabi ko babe, please huwag mo akong iwan." humagulgol ako ng iyak sa nakita. Umiwas ako ng tingin at isa-isang hinawi ang mga luha. Naramdaman ako ang kamay ni Zana saking braso.

"Okay ka lang?" tanong niya na may bahid na luha at tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko kayang tignan si Clifford at Zei na nagyayakapan.

"Babe.....mahal na mahal kita, mahal na mahal." sa sinabi Zei ay mabilis akong napalingon sa kanilang dalawa. Hinimas-himas ni Clifford ang likod ni Zei habang nakatingin sakin, mas lalo akong napaiyak. Ganito pala kasakit na masaksihan na may kayakap na iba ang mahal mo. "Mahal mo pa ba ako?" nanlaki ang mata namin sa tanong ni Zei. "Please sagotin mo ako, mahal mo pa ba ako?" naikuyom ko ang aking kamao.

Napahawak ako saking sikmura, parang biglang umikot ang paningin ko, Kinalma ko ang aking sarili, hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman dahil parang may iilang mapait na gustong lumabas saking lalamunan. Mabilis akong tumakbo palabas ng room at naghanap ng cr.

Pinipigilan ko ang aking sikmura, hawak-hawak ko ang aking bibig habang tumatakbo at laking pasalamat ko ay nahanap ko narin ang banyo. Mabilis akong lumapit sa sink at sumuka sa drain. Ang dami kong naisuka, halos lumabas ang aking dila sa pagsusuka. Ang asim at pait ng aking naisuka.

Napatingin ako mula sa salamin at hindi ko manlang namalayan na may iilang luha pa saking mga mata. Hinawi ko iyon bago inayos ang sarili. Napabuntong hininga ako, siguro kaya ako nasusuka dahil kanina pa ako nasasaktan sa harap nila. Marahan akong napayuko saking dalang bag ng tumunog ang aking phone, binasa ko iyon.

Husbie:

Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot, nasan ka?

Hindi ko nalang iyon pinansin at ibinalik saking bag.

Sinigurado kong maayos ang aking sarili bago napagdesyonang bumalik sa kanila. Napakapit ako saking dibdib, kanina ko pa tinatanong ang aking sarili kong ako pa ba ito, parang hindi ko na kilala ang aking sarili.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Zana at Zei na nag-uusap. Sabay silang napatingin sakin, si Zana na nakangiti at si Zei na sobrang gulat, hindi niya kasi alam na kanina pa ako nandito. May ibinulong si Zana sa kanya bago ito napagdesyonang tumayo at lumapit sakin.

"Gusto ka niyang makausap," hinawakan ni Zana ang braso ko bago sya tuluyang umalis at tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko. Hindi na ako nagtaka kong nasan si Clifford ngayon, dahil panigurado akong hinahanap niya ako.

Naglaban kami ng titig, ang kanyang mata ay halatang pagod na pagod na. Ang kanyang ulo ay nakabalot ng puting tela. Napatitig ako sa iilang momitor na nakakabit sa kanyang katawan. Putlang-putla sya at kalaunan ay ngumiti sya sakin!

"Sabi ni ate, nasaksihan mo ang pagwawala ko kanina." una niyang salita. Nakatayo ako mula sa gilid niya. "Alam kong nasasaktan ka ngayon, Marilou. Pero mas nasasaktan ako."

"Alam ko, kaya nga pinahiram ko sayo ang asawa ko diba?" igting panga kong sagot. Natawa sya ng mahina!

"Salamat kasi sa tuwing nandidito si Clifford ay nabubuhayan ako, sa tuwing nasa tabi ko sya feeling ko kakayanin ko lahat." isa-isang tumulo ang kanyang luha habang sinasabi iyon. Umiwas ako ng tingin, ang tapang kong tao pero bakit naging maiyakin ako? "Marilou hindi ko kayang mawala sya, sya ang buhay at mundo ko ngayon. Ayaw ko pang mamatay gusto ko pang mabuhay at makasama sya."

Napabuntong hininga ako! Bakit ganito kalalim ang mga sugat na nararadaman ko.

"Maybe your life isn't running with my husband diba?" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Kanina pa ako galit pero pinipigilan ko lang. "You have a life of your own, and you don't have to live for someone else, Zei." matigas kong english na ikinagulat niya. Kitang-kita sa mata niya ang galit sa sinabi ko. Hindi ko mapigilan ang galit ko.

"You can't blame me if your husband is my life." naging ma awtoridad narin ang boses niya. "Sa pagkakaalam ko ay ako ang naunang minahal, at hindi ikaw." nakangiti niyang sagot.

"Oo ikaw ang nauna, pero ako ang pinakasalan." sagot ko. Bahagya syang napaupo sa kama na may galit, kahit nahihirapan sya ay nagagawa niya pang sumagot.

"Tama ka, arrange marriage nga kayo but love is not included." sagot niyang may tawa. Nakagat ko ang aking ngipin sa galit. "Arrange marriage is such a funny concept, Marilou. Hindi mo alam kong ano ang nararamdaman ni Clifford ngayon. Alam mo ba talaga kong ano ang arrange marriage? It is like asking someone if suicide is better or being murdered. Ganon ang nararamdaman ni Clifford simula nong makilala ka niya." natawa sya ng mahina pagkatapos sabihin iyon. Kuyom ang dalawa kong kamao sa galit. Bakit niya nasabi iyon? Inayos ko ang aking sarili at lumapit lalo sa kanya.

"Tapos kana?" suhestyon ko na nakataas kilay. Kumunot ang noo niya. "Ayaw kong makipaglaban sa taong may dinaramdam," ngiti kong sagot at ramdam ko ang galit niya. "Kalabanin mo nalang ako pag magaling kana, hindi kasi challenging. Get well soon Zei," huli kong sabi bago sya tinalikuran. Hindi pa ako nakakaabot sa pintoan ay bigla syang nagsalita na ikinahinto ko.

"Sasamahan niya ako sa Canada, sasamahan niya ako mag pagaling. Dahil ang sabi niya ayaw niyang mawala ako, at ang sabi niya mahal niya ako. Ngayon sabihin mo sakin, Marilou? Sampid ka lang ba talaga sa love story namin or pinipilit mong ayaw kumawala sa taong hindi ka naman ginusto kahig kailan." mabilis akong humarap sa kanya. Nanigas ang magkabila kong tuhod, ang aking kamay ay nanginginig sa galit.

Biglang bumukas ang pintoan at tumabad samin si Clifford na sobrang gulat ang ekspresyon. Palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa na para bang nagtataka.

"Oh nandyan ka na pala, Clifford. Now tell us what is really true and your plan. Sabihin mo kay Marilou ang lahat-lahat," usal ni Zei at hindi ko na sya magawang tignan. Malalim akong tumitig kay Clifford.

Ang kanyang mata ay puno nang takot at pag-alala. Ano ba talaga Clifford? Nagugulohan ako dahil pani-paniwala ako sa lahat ng sinasabi mo.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C33
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login