Download App
61.58% Supreme Asura / Chapter 444: Chapter 444

Chapter 444: Chapter 444

Tila nabigla naman ang halos lahat sa mga naririto. Halata kasing mayroon silang naiisip patingkol sa prinsipeng ito. Bahagyang napatahimik ang mga ito ngunit meron talagang hindi nakikitaan ng takot sa mga ito.

"Prince Nianzu? Iyong sinasabi nilang prinsipeng may mataas na talentong mamuno? Hindi ko aakalaing buhay pa siya matapos ang mga labanang sinuong nito. Tunay na kahanga-hanga pala talaga ang husay nito sa pakikipaglaban." Sambit ng isang eksperto habang makikitaan ng paghanga sa bises nito. Sa magkakapatid na prinsipe ng Sky Flame Kingdom ay si Prince Nianzu ang kilala sa pagiging malakas at pinakabatang lider kaya di nakakapagtakang kilala siya rito.

"Isang kasayangan na naging isang pinuno lamang ito ng hukbong sandatahan kung maaari naman itong maging susunod na hari." May himig ng panghihinayang na sambit ng isang babaeng martial arts experts. Halatang mas gudto nitong ito ang magiging susunod na hari ng Sky Flame Kingdom.

"Kung ano'ng sobrang disiplinado nito ay kabaliktaran naman ito sa pesteng Crowned Prince ng kanilang Sky Flame Kingdom. Balita ko ay magkaaway ang mga ito." Sambit naman ng isang lalaking eksperto na kakikitaan ng inis sa Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom at in-emphasize pa nito ang relasyon ng magkapatid na tila hindi magkasundo.

"Sinabi mo pa, parang aso't-pusa ang magkapatid na prinsipeng ito ngunit hindi naman nagpang-abot ang mga ito. Halatang meron pa rin palang pagpapahalaga ito sa posisyong kanilang ginagampanan." Turan naman ng isa pang ekspertong tila bilib naman sa pagiging casual ng hindi magkasundong magkapatid lalo na sa papel na ginagampanan ng mga ito sa kanilang sariling kaharian.

"Malamang ay ganon na nga. Pero sa kabilang banda, interesado akong malaman ang mainit na balitang natanggap ko nitong mga oras lamang." Sambit ng isang nilalang na nakasuot ng itim na robang parang aakalain mong si kamatayan dahil nakakatakot talaga tingnan ang buong kaanyuan nito. May suot pa itong itim na singsing.

"Mukhang hindi lamang ako ang may impormasyon sa bagong balitang nakarating rin sa akin na mayroong isang batang mula sa Sky Flame Kingdom ang nag-uundergo sa isang breakthrough nito bilang isang Purple Blood Realm Expert hindi ba?!" Wika naman ng isang martial arts expert na mukhang interesado ito sa usaping ito.

"Hindi na rin kataka-takang nanguna ito sa trial ng Cosmic Dragon Institute dahil isa na pala itong Xiantian Realm Expert noong sumali ito. Napakabilis ng pag-unlad nito to the point na maaaring maging banta sa ating malaking lungsod." Wika naman ng isang sopistikadang boses na halatang isang babaeng martial arts expert ito na nakakubli sa puting robang suot nito. Mahihimigang interesado ito ngunit mayroon siyang nakikitang hindi maganda rito lalo na sa kanilang nasa Dou City.

"Ang tinutukoy niyo ba ay ang binansagang Little Devil ng Sky Flame Kingdom? Hindi ko aakalaing patuloy na umuunlad ang kakayahan nito lalo na ang lebel ng cultivation nito. Pero bakit nananatili pa rin ito sa mahirap na angkan nitong pinagmulan eh pwede namang pumasok ito sa Cosmic Dragon Institute?!" Tila nanghihinayang na saad ng isa pang ekspertong sa seryosong tono ng pananalita nito. Halata kasing isang kasayangan ang manatili lamang sa lugar na hindi ka uunlad man lamang.

"Mukhang hindi mo naman alam ang tunay na dahilan kung bakit ito nananatili sa Green Valley ay dahil na rin sa banta ng Sky Flame Kingdom sa Li Clan. Alam naman nating minsan na ring umaklas ang angkang ito sa kaharian ng Sky Flame Kingdom." Walang prenong saad naman ng isa pang eksperto na makikitang hindi ito nag-iisip ng mababaw lamang. Gusto nitong i-emphasize ang nakikita nitong malaking dahilan kung bakit mas pinili ng batang eksperto ang angkang pinagmulan nito kaysa mag-aral sa malaking at prestirhiyosong paaralan ng Cosmic Dragon Institute.

"Hindi talaga alam ng mga ito ang makabubuti sa kanila kaya nagmumukha lamang silang tanga kakahintay ng maaaring tutulong sa mga ito." Seryosong saad naman ng isang nagsalitang eksperto kanina. Halatang may inis ito habang sinasabi ang mga katagang ito. Ang paglaban sa nakakataas na mga pwersa ay isang maling desisyon na maaaring gawin.

"Ngunit mukhang tama nga ang iilan sa atin, isang espiya ng Blood Skull Alliance ang pinuno ng Li Clan ngunit isang magandang balita ang nakarating sa aking nakumpirmang napaslang na ang lider ng Li Clan." Sambit ng isa pang ekspertong tila may malawak na koneksyon upang magkaroon ng mga mahahalagang impormasyong nakalap nito ng agaran. Gusto rin nitong ibahagi ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng mas malawak na ideya.

Marami pang napagiskusyunan ang mga nariritong mga malalakas na mga indibidwal na may matataas na gampanin sa loob ng Dou City. Malaki ang papel nila upang maisagawa ang lubos na pagpapasya kung ano ang mga gagawin o ang susunod na hakbang nila. Talagang makikitang tila hindi sila maaaring maging kampante lalo na at mukhang umaapaw na ang problemang kinakaharap nila dahil sa mga abnormal na aktibidad na siyang gawa ng taga-labas na organisasyon ng Blood Skull Alliance.

Napag-usapan nila ang mga maliliit na mga detalyeng dapat malaman nila o dapat makita para hindi sila magkaroon ng anumang maling magagawang hakbang lalo na at patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon hindi lamang sa apat na kaharian ng Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at ang Wind Fury Kingdom bagkus ay maging ang Dou City.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sila lamang ang maaaring pasukan o labasan ng mga taga-labas dahil sila ang may kontrol nito. Ang unang hakbang nila ay paimbestigahan ang pagpapasok ng mga estranghero mula sa labas patungo sa kanilang sariling lungsod patungo sa apat na naglalakihang mga kaharian.

Sa lahat ng kaharian kasi ay mas interesado ang Blood Skull Alliance sa Wind Fury Kingdom sa hindi malamang dahilan kaya nga galit na galit ang nasabing kaharian sa organisasyon ng Blood Skull Alliance.

Kaya nga hindi lingid sa lahat ang mapait na nakaraan ng dalawang malalakas na pwersang ito. Ngunit ang Dou City talaga ang malaking kalaban ng Blood Skull Alliance dahil hindi nito madaling ma-ifiltrate ang nasabing lungsod.

Marami kasing mga hidden experts ang Dou City. Sa madaling salita ay ito rin ang naging malaking dahilan kung bakit palaging nabibigo ang Blood Skull Alliance sa pag-attempt na magapi ang Wind Fury Kingdom.

Over the years, alam ng mga malalakas na eksperto ng Dou City ang biglaang paglakas ng Wind Fury Kingdom kasabay ng pagiging ganap nitong Martial Arts Kingdom na sumunod naman ang Hollow Earth Kingdom dahil sa Kilala itong kaharian sa pagpapalawak ng hukbong sandatahan nito para gawing mga mandirigma ang mga ekspertong malalakas ang loob at handang pagsilbihan ang Kahariang humulma sa kanilang pagkatao at kasanayan.

Hindi na rin nagtagal ay natapos na rin ang mahabang pagpupulong ng mga opisyales at mga miyembro ng malalakas na mga organisasyong na sakop ng malaking lungsod ng Dou.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C444
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login