Download App
25% Mga talumpati ni Master MG / Chapter 4: Wikang Filipino sa Kontemporaryong Panahon

Chapter 4: Wikang Filipino sa Kontemporaryong Panahon

Makasaysayan. Maalamat. Ma-proseso at higit sa lahat nagbabago. Iyan ang ating pambansang wika, ang Wikang Filipino.

Mula pa sa pag-aaral ng mga dalubwika noong unang mga panahon,  kung paano nagsimula ang mga tunog hanggang makabuo ng mga talatang naghahatid ng makabuluhang mensahe sa bawat pakikipagkomunikasyon, ito man ay pasulat o pasalita.

Ang wikang Filipino ay nagtataglay nang lakas at kakayahang makapagbigay ng isang mahusay na pakikipagkomunikasyon sa mga tao. Wikang nagtataguyod ng isang makabuluhang kultura ng ating bansa.

Wikang dinanas ang lupit ng kamay ng mga dayuhan upang masiil sa rehas at kitlin ang kinang nito at parang nasadlak sa dilim na hindi na aabot sa bagong henerasyon.

Ang wikang Filipino ang sumisimbolo sa ating kalayaan at pagkakakilanlan. Naging simbolo ito ng isang umagang nakangiti para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino. Ipinangangalandakan nito ang giting at tapang ng ating lipi. Sa mga bayaning sumigaw ng tapang at pakikipaglaban upang matamasa lamang natin ang kalayaan inaasam.

Sa mga dakilang bayani na sumulat ng iba't ibang panitik gamit ang wika natin upang ihayag ang kalapastangan at pag-aalipusta ng buwitreng  mga dayuhan. Wika ang naging sandata upang ang natutulog na diwa ay muling bumangon at mag-alab ang apoy sa damdamin. Upang sa gayon ay itindig ang ating karapatan maging ang ating lumong pagkatao ay unti-unti nang bumabangon upang ipaglaban ang ating mga naaping kaluluwa. Wika ang naghasik ng lahat ng ito. Sumibol ang bagong binhi at nanalaytay ang dugong kaligatan upang ipaglaban ang nararapat sa atin.

At naging matagumpay nga ang ating pakikihamok. Ang wika natin noon na inaangkin ng mga dayuhan ay unti-unti natin nabawi sa kanilang mga kamay. Nagpumiglas, nagpakilala sa buong mundo at higit sa lahat nagningas upang itaguyod ang Wikang Filipino sa hinaharap.

Mahal kong mga kababayan. Ang wika natin ngayon sa balana at bulwagan ang naging totoong kakampi natin sa lahat ng pakikiaglaban gaya ng giyera, kalamidad at krisis. Kung hindi natin ito gagamitin at ipaglalaban. Mamamatay tayong dilat ang mata at luhaan.

Tandaan natin na ang wikang Filipino ang siyang ating lakas at panday sa karunungan. Ipapakita niya sa atin ang inaasam na liwanag sa karimlan.

Gamitin natin ito at itaguyod sa daratal pang bukas.

Maraming salamat.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login