Download App
88.88% One Night Stand - Season 1 / Chapter 40: (Mansion de la vega)

Chapter 40: (Mansion de la vega)

Sa bahay ng mga Santos

Naroon si Jen nakaupo sa may sofa habang hinahaplos haplos ang tiyan niya sa sandaling iyon. " mga baby, excited na si mama na makita kayo. Saka siguro ang popogi niyo kasi pogi rin ang papa niyo. " sambit ni Jen habang nakangiti.

Makikita namang nasa bintana si Carllex at may binabalatan na gulay kasama ang papa nito at nag nagbalat kayong haciendero na si Mang Jeno.

" Carllex, tingnan mo nga ang asawa mo. Sa una isa siyang matapang na babae at iniisip ang kapakanan ng iba. Pero ngayon ay isa nang heredera na mula sa angkan ng mga Mafia. Diba balae este haciendero Jenovanni. " ani sir Fierce na tila hindi pa rin makapaniwala.

Mapapangisi na lamang si Mang Jeno, " kinalimutan ko na ang buhay haciendero at mas pinili kong sumama sa mama ni Jen dahil doon ako masaya. " tugon ni Mang Jeno habang nagbabalat ng papaya.

Lalapit naman si Jen sa kanila, " ako na naman pinag uusapan niyo eh. Teka papa, nasabi ni lola na may magulang kayo dati. Magkuwento naman kayo pa saka paano ba kayo nagkakilala ni mama? " usisa ni Jen sa papa niya na napangiti ng bahagya.

Tatapusin na lamang ni Mang Jeno ang ginagawa niya at sandaling magpupunas ng kamay.

" alam mo Jen, nakilala ko ang mama mo sa isang university. Masyado nga siyang masungit kahit wala namang kagandahan. Lagi siyang nakapokus sa pag aaral niya. Minsan nga noong nagkasalubong kami ay binato niya pa ako ng libro dahil binangga ko siya. Hanggang sa napaamo ko siya. Doon ko din nalaman na kalaban pala ng papa sa negosyo ang angkan niya at marami pang nangyari. Magulo ang buhay namin noon at hindi namin alam kung saan hahantung ang pagmamahalan namin. " kwento ni Mang Jeno at hinawakan ang litrato ng asawa niya.

Mapapahinto na lamang sina Carllex na tila nalungkot sa kwentong narinig. Magsisitayuan ang mga ito ng may narinig na sasakyan sa baba. Mapapakamot na lamang si Carllex sa sandaling iyon. " magandang araw ho, " bati ng isang magandang ginang sa pintuan kasama ng dalawang cute na little girl.

Sasalubungin siya ni sir Fierce, " oh Yessa, kamusta kana at ang cute ng mga pamangkin ko. Hi Ayye at Essa, " karga ni sir Fierce rito. Kakargahin rin ni Carllex ang isang napaka cute at ubod ng puti.

Bababa naman mula sa hagdan ang isang ginoo. Kamukhang kamukha ito ni sir Fierce ngunit may malalim na dimple kaya siya'y si Thierce. Ang dakilang naghintay kay Yessa sa loob ng maraming taon. " hi my Yessa, " halik sa noo ng asawa at pinaupo ito. Kakargahin naman niya ang kambal nitong mga anak.

Babatiin naman ni Yessa si Jen. " hi Jen, kamusta ka at ang pagbubuntis mo? " ani Yessa habang nakikipagkaibigan kay Jen. Gusto niya pang makilala si Jen dahil parte na siya ng pamilya de la Vega.

Bababa naman ang dalawang magkamukhang batang babae. Sandali itong ililibot ang mga paningin. " mama mama " sambit ng dalawa habang nakikipagtitigan mga ginoo. Mahihiya naman ang dalawa. " bakit mga baby ko? " usisa ng mama Yessa nila.

Sabay naman na maghahagikhikan ang kambal na munting bata at mang aaliw sa mga ito.

" ayy, ang cu - cute nila sana magkababy din ako ng babae. " ani Jen na tila inggit na inggit sa dalawang cute na mga bata.

" gusto mo ba Jen sundan natin agad paglabas ng mga yan? " lokong sabi ni Carllex na ikinatawanan ng lahat.

" anong sundan? " hampas naman ni Jen sa kaniya.

" sabi mo kasi naiinggit ka. Malay natin babae pala ang isa sa kanila. Eh di kompleto na. " ani Carllex na ikina sang ayon ng lahat.

" oh my... Nandito pala ang mga apo ko. " sabat ng señora na mula sa kusina.

Sabay na tatakbo ang dalawang baby princess at magmamano.

" lola lola lola karga po! " sambit ng dalawang mala Yessang munting mga prinsesa.

" ay pasensya na isa lang makakarga ko. " karga ni señora Mia kay Ayye. Magtatampo naman ang isa sa kanila.

" hi Essa, lolo is here! " karga ni señore Carlos sa kaniya. Sabay naman nilang hahalikan ang lolo at lola nila sa pisngi.

Matutuwa naman ang mga ito na tila nakiki aliw sa dalawang magkamukhang munting prinsesa.

AFTER 5 MONTHS...

Malapit nang manganak si Jen at ibiniyahe na siya sa bayan ng San de la Vega.

Samantala, mahigpit ang seguridad sa paligid.

Lahat ng kalsada ay isinara at pinalibutan ng mga armadong puli ang bawat kalye ng bayang San de la Vega.

May nakaabang ding choper sa himpapawid ba tila umiikot at sinusundan ang kotseng lulan si Jen at sir Carllex de la Vega. Ang lahat naman ay handa nang makita at makilala ang mapalad na babaeng pinakasalan ng sir Carllex nila.

Sa Gate ng mansiyon de la Vega.

Naka abang na ang third platon ng mga Interpol mula sa platon nina SPO4 de la Vega's Triplets brother. Habang naka abang ang mga ito ay mayroon namang lumilipad na small helicopter na may dalang Cctv sa paligid dahil nakatanggap ng banta si Carllex na maghihiganti si Kateryn sa kaniya.

Sa Loob naman ng sasakyan.

Mapapansing magkatabi ang mag asawa at kinakabahan si Jen sa sandaling iyon.

" wag kang kabahan baka mag labor ka na wala sa oras. " payo ni Carllex sa kaniya habang hawak hawak ang kamay ni Jen.

" ikaw kasi ang dami mong guwardiyang inilagay sa paligid. " tugon ni Jen sa kaniya na ikinangisi lang nito.

" wag mo silang pansinin Jen at kumalma ka lang diyan. " bahagya niyang halik sa noo ng asawa at humudyat sa driver nito.

Papasok na sila sa gate ng mansiyon.

Makikitang bumukas na ang gate na kumikinang sa ginto na kumikinang rin sa ginto ang mga ugali ng nakatira sa malaking mansiyon na iyon.

" welcome Jen sa mansiyon de la Vega. " sambit ni Carllex habang papasok ng hallway ang kotse nitong lulan silang mag asawa.

Sa paghinto nito sa harap ng mansiyon ay sinalubong sila ng mga maid's at mga katiwala ng hacienda. " magandang araw ho sa inyong lahat. " bati ni Jen na may dalang ngiti sa kanila na ikinabulungan nila. " kamukha siya nang Mafia Lord na laging lumabas sa news. " sambit ng mga ito na hindi pinansin ni Carllex at tumuloy na sa loob.

Hawak hawak niya sa kamay ang asawa nito. Pagdating sa sala ay sinalubong sila ng bou nitong pamilya. " welcome sa mansiyon de la Vega, Mrs. Jen De la Vega. " bati sa kaniya ng lahat at nakipagbiso biso sa bawat isa.

Kaagad namang aawatin ni Carllex ang asawa niya.

" Mamaya niyo na siya kausapin dahil nahihilo pa siya at magpapahinga muna siya. Akyat muna kasi sa taas. " paalam ni Carllex sa kanilang lahat at inalalayan ang asawa paakyat sa hagdan.

Her Pov's

Grabi, ang laki ng mansiyong ito. Ang bawat kagamitan ay ang gagara at ang mamahal. Parang ginto ang niyayapakan ko ngayon. Nakakahiya nga kasi ang poporma nila at proffesional. Tapos ang laki pa nang bawat sulok. Maliligaw ata ako nito.

Hindi ko na lamang pinansin ang paligid dahil tahimik si Carllex sa tabi ko hawak hawak niya ang kanan kong kamay. Ano kaya ang iniisip nito at mukhang seryoso siya.

" ayos ka lang ba? " usisa ko sa kaniya na ikinatitig niya sa akin.

" just mind your foot step baka matisod ka. " sabi niya na tila ayaw niyang mag ingay ako sa hagdan.

" sorry po, " sabi ko ng ganun na ikinangiti lang niya. Ay iba din, sa halip na tumugon ay nagawa pa akong inisin.

Hay sa wakas, nasa taas na kami at nasa hallway ng mga kwarto. Grabi ang daming kwarto. Saan kaya diyan ang kwarto niya. Mukhang napansin niya ako sa mga titig ko.

" napapagod kana ba? " malambing niyang tanong sa akin na ikinangiti ko ng palihim.

" oo, " tipid kong tugon sa kaniya at bigla siyang huminto sa pangatlong kwarto. Ito na kaya ang nasa harapan namin ang kwarto niya.

" welcome my wife sa kwarto natin. " bukas niya na ikinamangha ko.

Wow, ang gara at ang lawak ng kwarto niya. Parang bahay na namin ang laki. Napanganga na lamang ako ng makita ang kama niya. Grabi, pwedeng anim ang tumulog sa kama niya.

" halika, umupo ka rito at magpahinga ka sa kama. Simula ngayon ang anumang pag mamay ari ko ay pagmamay ari mo na rin. " paupo niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Tama nga sila, isang karangalan ang makapasok sa pamilyang ito. Hayaan mo Carllex at hindi ko sasayangin ang tiwala at pagmamahala binigay mo sa akin. Humiga na lamang ako sa kama at siya naman ay pumasok sa rest room. Magbibihis ata siya, basta matutulog muna ako rito. Medyo nahilo ako sa eroplano kanina. Para akong nalulula na ewan.

@yhunasibuyana


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C40
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login