Nang magising si Jen ay agad siyang lumabas at hinanap ang panauhin.
" pa, nasaan na ho si lola? " usisa ni Jen sa papa niyang nagbabalat ng dalandan sa sala.
" baka umuwi na, " tugon ng papa niyang isa palang dugong bughaw na nagtatago sa simpleng katauhan.
" wag kang maniwala diyan sa papa mong ewan. " sabat ng isang boses na mula sa bintana. Ang señora pala itong lolo niya na kanina pa naghihintay sa pagkamalay niya.
Napadali dali si Jen at niyakap ang lola niya.
" napanaginipan ko si mama. Sabi niya patawarin ko na daw kayo at susundin ko ang puso ko. Kahit na anong sama niyo pa ay may karapatan pa rin kayong magbago. " sabi Jen sa kaniya habang yakap yakap ito.
" ang saya saya ko apo at nayakap kita. Hayaan mo pagbabayaran ko lahat ng kasalanan ko kapag naipamana ko na sayo lahat ng ari arian ko. Babawi ako sayo apo at tutulungan kita sa lahat ng bagay. " tugon niya sa apo nito.
" wow, nagkaayos na rin sila. Jen, ang dami naming nakuhang dalandan. " ani sir Fierce habang inilalapag ang dalang basket na puno ng dalandan.
" pahingi ako, " sabat agad ni Jen na nang aasim na ang mukha.
Kaagad naman siyang haharangan ng asawa niya.
" ops, baka masobrahan ka na naman. " agaw ni Carllex sa kaniya ng mga ito.
" kunti lang naman ang kakain ko eh. " ani Jen na hindi maipinta ang mukha sa sobrang kaasiman.
" Carllex, " ani Jen habang takam na takam na.
Iiwan muna nila sila ng mga ito sa sala habang inilalayo ni Carllex ang mga dalandan sa asawa. Natatakot kasi siyang baka masobrahan ang asawa nito sa pagkain.
" Jen, tatlong buo lang ang kakain mo baka mapano ka. Mabuti kung hinog na ang mga ito. " wika ni Carllex sa kaniya habang inilalayo ang isang basket rito.
" sige, sinabi mo eh pero kunan mo ako ng manga. " hirit nito sa kaniya. Mapapakamot na lamang si Carllex sandali at titig sa papa niyang nasa bintana banda.
" sige kukunan kita pero bukas kana kakain ng mangga kung kakain ka ngayon ng dalandan. " kondisyon nito sa kaniya dahil baka magsusuka ito kung pagsasabayin niya ang dalawang prutas na maasim.
" masusunod, balatan mona ako yan kanina pa ako nangangasim eh. " takam ni Jen na sambit habang nakatitig sa mga dalandan.
" heto na, upo ka nga muna at ilayo mo yang mga titig mo sa dalandan. Pwede namang ituon mo yang mga mata mo sa akin hindi diyan. " padinig ni Carllex sa kaniya na ikinangiti lang niya.
Someone Pov's
Napatawad na ako ng apo at gagawin ko lahat para makabawi sa kaniya.
Gagawin ko sa kaniya ang mga bagay na hindi naranasan ng mama niya noong una.
Proprotektahan kita Jen at mananagot sila. Mananagot iyong walang babaeng nagregalo sayo ng ahas at itinulak ka sa lapag.
Magbabayad siya Jen, ayokong mawalan uli ng heredera.
" Jenovanni, mauuna na ako at pakisabi sa apo ko ay tawagan lang niya ako kapag kailangan niya ng tulong ko. " paalam ko sa asawa ng anak ko.
Marami akong kasalan sa kaniya at sa boung niyang pamilya kaya pagsisisihan ko iyon sa loob ng mahabang panahon sa kulungan. Pero hindi pa ngayon saka na kapag nasa ayos na ang apo ko. " mag ingat kayo señora Rygosa. " tugon niya sa akin. Hindi pa rin nagbago si señorito Jenovanni o kilalang Mang Jeno. May paninindigan pa rin siya at may mabuting puso.
Kasalan ko kung bakit namatay ang anak ko at hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Sana kompleto pa ang pamilya ko kung hindi lang ako pinangunahan ng takot.
Paglabas ko ng gate at may bumungad sa aking mga lalaki. Ang aking mga bodyguards na kanina naghihintay mukhang may dala na namang balita.
Pumasok na ako sa kotse, " señora, ayon sa aming pag iimbestiga hindi mula sa aming hanay ang pumatay sa anak ninyo. Mula sila sa kaalyansa niyo sa negosyo. " balita nila nila sa akin.
" whattttt? Then, humanda sila at sisingilin ko sila isa isa. " paghihimutok kong sabi sa kanila at agad na nagsipasukan sa kotse.
Ginagalit niyo ako mga hinayupak kayo! Ohhhh, gusto atang kayo naman ang ihahated ko sa impiyerno. " señora, saan tayo pupunta? " usisa ng private driver ko. Nangda drive na siya since noong pinagbubuntis ko ang mama ni Jen. Alam na niya ang bawat pasikot sikot kong mga ugali at basang basa na niya ito.
Napatahimik na lamang ako at sandaling kumalma. Kinuha ko ang aking baril sa bag at hinawakan. " Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng tao ay ginawa ko na. Gagawin ko sa paraang alam kong tama. " sambit ko ng biglang huminto ang kotse.
Ano na naman kaya ang problema ng buweset na driver na ito. Lagi nalang siyang ganiyan ang daming alam. " at bakit ka huminto? Don't waste my time. " sumbat ko sa kaniya at tumitig lang siya sa ftont mirror. Kung pwede ka lang palitan. Ginawa ko na kaso hindi pwede.
Nagmaneho siyang muli, " señora, saan ba tayo pupunta? " ask niya ulit. Siguro nagalit lang siya sa akin kanina kaya bigla niyang hininto ang kotse. May pagkasira ulo itong driver ko. Ewan ko ba kung pinili ko pa siya na magmaneho para sa akin. Tapos lagi pinagbubuntungan ng galit ang kotse.
I make myself calm at isinuot ang bullet proof vest. Napatitig na lamang ang driver ko at hinihintay pa rin ang sagot sa tanong niya. Pakialam ba niya kung saan ako pupunta. Ikinasa ko na rin ang baril ko. Para panigurado, " pupunta tayo sa malanding higad na iyon. " tugon ko sa kaniya na ikinawala ng reaksiyon niya. Well, wala siyang pakialam sa lakad ko at pokus lang siya sa pagmamaneho.
In an hour
Huminto kami sa pantalan ng barko at hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala. Ay, nakalimutan ko andito pala kami sa Isla ng Sibuyan. At papaalis na pala iyong malanding higad na iyon. " señora, sasakay ka ba diyan? O tatawagin ko iyong private choper mo. " sabi nong driver kong ewan sinumpong na naman ng pagkamabait niya.
Nilapitan ko siya at tinitigan sa mga mata. Hmm, hindi ko mabasa ang mga titig niya at bahagya siyang napaatras. " ikaw muna ang bahala doon sa choper at sasakay ako sa barko na ito. Abangan niyo nalang ako sa pantalan. " sandali kong kinuha ang ticket ko at bag. Well, walang may sumunod sa akin na bodyguards ngayon at may kailangan lang akong turuan ng leksiyon.
Hayy, namis ko ang pagsakay ng barko. Noong maliit pa ang mama ni Jen ay madalas ko siyang sinasama sa byahe ko. Pero noong nalugi ang hacienda bigla nalang akong nagbago. Hindi ko napahalagahan ang pamilya ko kaya isa isa silang nawala. And that's all my fault.
May biglang sumalubong sa akin. Isang ginoo na naka uniporme pang pulis. Bigla siyang sumaludo sa akin. Hay naku, panira talaga itong pulis na ito. Ang sarap pugutan ng ulo.
" Damned sarhento, wag ka ngang sumaludo sa akin. " bulong kong saad sa kaniya na ikinatawa lang niya. Pambihirang sarhento ito, sisibakin ko na talaga siya sa pwesto.
" hihinto ka o dudukutin ko yang mga mata mo? " banta ko sa kaniya na ikinahinto niya sa pagtawa.
" masusunod Superintendent! Nasa private room iyong hinahanap mo. Nasa upper class A. " pa alam niya sa akin. Mabuti naman at may silbi siya sa pagsama sa akin rito. Madali lang kasi akong mapikun at maikli pasensya ko.
Tumungo na ako sa Upper class na mga pasenger. Hmm, na mis ko talaga ang ganitong biyahe sana makasama ko sa susunod kong biyahe ang apo ko.
Sa pagpasok ko palang sa upper class ay marami akong napansin. Tahimik ang area na ito at tanging server lang ang nasa hallway. Mga VIP ang nasa part na ito kaya special ang treatment sa kanila.
Napahinto na lamang ako sa isang room na ibinigay sa akin nong bweset na pulis. Sarap niyang sipain eh. Pumasok muna ako sa room ko at inilagay ang gamit ko. May pupuntahan pa ako sa kabilang room. May tuturuan lang ako ng leksiyon.
Tumungo ako sa kabilang banda.
Sa room nong malanding Kateryn na iyon.
I knocked at the door at pinagbuksan ako ng babaeng mala kolorete ang mukha.
" may I help you? " ask niya ganun sa akin. Tskk, what a snake? Anong uring snake kaya itong nasa harapan ko?
" may I talk to you, Ms. Kateryn? " sabi ko ng ganun sa kaniya sabay pakunwareng ngiti. Kung marunong siyang magbalat kayo. Syempre, mas magaling ako kaya humanda talaga siya.
Pinatuloy niya ako sa kwarto niya.
" so, nabalitaan ko iyong pagpunta mo sa bahay ni Jen. Bakit nga ba naroon ka? " usisa ko sa kaniya na tila wala akong alam sa nangyare. Gusto ko lang hulihin mula sa bibig niya ang totoo niyang sadya.
" ang pangit na iyon inagaw ang boyfriend ko. Saka kung ikukumpara, walang wala si Jen laban sa akin. " sabi niya ng ganun habang nagmamayabang sa yaman niya.
" saan nga pala ang dad mo ngayon? Itutuloy ba nila iyong plano laban kay Mr. De la Vega? " usisa ko sa kaniya. Actually, tawag niya sa akin ay tita at malapit kami ng daddy niya.
" tita, tuloy na tuloy saka pinaalis pa niya si dad sa company niya. At wala siyang utang na loob. " sabi pa niya na tila sinisisi pa si Carllex sa nangyare.
Tumayo ako bigla at tumungo sa may bintana.
" tita, kakampi kayo ni dad diba? Plz, tulungan niyo ako at aagawin ko si Carllex kay Jen. " pakiusap niya akin. Alam niya kung gaano ako kasama kaya pinakiki usapan niya ako ngayon.
" wag mong gagawin yan, Kateryn. " babala ko sa kaniya na iki usisa niya.
" bakit tita? Natatakot ba kayo sa mga de la Vega? " usisa niya sa akin.
Tinititigan ko na lamang siya ng pagkagalit sa mga mata.
" how dare you? " sampal ko sa kaniya na ikiagulat niya. Kulang pa yan sa ginawa niya sa apo ko. " Kateryn, wag na wag mong gagalawin si Jen dahil siya ay apo ko. Kapag gumawa kayo ng hakbang laban sa kaniya. Itong sinisigurado ko, pupulutin kayong mag ama sa kulungan. " sumbat ko sa kaniya habang dinuduro duro siya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko.
" once more, don't you ever touch her again and I will cut your head at ipakakain ko sa mga kampon mong ahas. " sabay tutuk ko sa kaniya ng baril nang bigla siyang nanginig sa takot.
Kapag natakot nga naman ang higad. Napapaihi pala sa sarili niyang kinatatayuan. Well, hindi lang yan ang aabutin niya kapag ginalaw niya ang greatest treasure ko!
" don't forget Kateryn I'm the Mafia Lord at wala akong sinasanto. See you at hell. And once more, pakisabi sa magaling mong ama na hihintayin ko siya sa impiyerno. Kung saan nagsunog siya ng maraming inosente. Adios! " paalam ko sa kaniya at iniwan siyang nakatayo pa rin sa pwesto niya.
YhunaSibuyana.