Matapos niyang sunggaban sa labi si Jen dahil hindi ito tumahan sa paghikbi. Kaya naisip niyang patahin sa halik. " hihikbi ka pa? " usisa niya kay Jen na di malaman ang mukha sa ginawa niya.
Ibabaling naman ni Jen ang mga titig niya sa kabilang dako na tila nagtampo na ito kay Carllex na mala Carlos ang galawan. " pangit, galit ka ba? " usisa pa niya lay Jen na halata namang galit sa kaniya.
Susuyuin niya ito, " Jen, sorry na oh. Stress lang naman ako at kailangan ko ng reliever. Hindi mo kasi ako pinapansin kanina. " paliwanag niya rito habang hinahawi at pinapaamo ang magiging asawa niya.
Babangon naman si Jen at hahawak sa tiyan niya.
" hey what's wrong? Masakit ba ang tiyan mo? " usisa agad ni Carllex na nag alala agad.
" di ah, masakit lang ang likod ko. " sabi ni Jen habang napahawak sa likod niya.
" ganun ba, masahe kita pangit ko. Usog ka rito, " ani Carllex habang napabangon at mamasahiin ang masakit na likod ni Jen.
Habang minamasahe ito at nagpapaliwanag naman si Carllex sa kaniya kung bakit siya stress.
" alam mo kasi Jen kaharap ko kanina ang laptop ko. Well, online work ako kanina kaya di mo ako nakita. Tungkol naman sa kasal ay wag mo nang problemahin kasi naka handa. " paliwanag nito sa kaniya.
Napaharap na lamang si Jen sa kaniya at tumitig ito sa mga mata niya.
" sorry nga pala kanina kung hindi kita pinansin. Iniisip ko kasi na kapag kinasal na tayo ay maiiwan ko rito sina lola at papa. " pa alam niya rin kay Carllex.
" ano ka ba, di kita kukunin rito saka desesyon mo ang susundin ko. Whether sasama ka sa akin sa San de la Vega or dito ka lang. Balak ko ngang dito na manirahan kaso nasa San de la Vega ang company ko. Kaya I'll decided na uuwi ako dito pag weekend pero mangyayari lang yon kapag malaki na baby natin. " paliwanag niya muli kay Jen na ikinagiti nito sa tuwa.
His Pov's
Sus, ang pangit kong asawa ayan oh!
" ano, di na ba masakit likod mo? " usisa ko ng ganun habang inaabot ang little box sa may drawer. Ibibigay ko talaga iyon sa kaniya pero nakakalimutan ko palagi.
" nakausap ko kanina mama mo, " sabi niya sa akin habang inisasandal ko siya sa bisig ko. Hmm, inaakit na naman ako ng leeg niya. Damned, ano bang klaseng pabango ang nilalagay niya sa leeg niya at di ko mahulaan.
Napansin niya ang pagsinghot ko na tila iniiwasan kong kagatin ang leeg niya.
" may sinabi ba siya? " usisa ko at napabalik sa katinuan itong pang amoy ko. Ano ba Carllex, wag ka ngang adik at napapahamak ang leeg ng asawa mo. Maawa ka naman pangit na siya tapos kagatin mo pa ang leeg niya.
Sumandal na lamang siya sa akin, " pinag usapan ka lang namin saka hindi pa siya natutulog mukhang nag away sila ng papa mo. " sabi niya sa akin. Hindi niya alam na laging ganun ang sitwasyon nina mama at papa kasi itong si papa. Napakaseloso, ay pareho lang naman pala kami.
" matulog na kaya tayo, " yaya ko sa kaniya sabay ayos ng unan. Dahan dahan ko siyang pinahiga at kinumutan. Hayyts, masakit din ang likod. Hindi na kasi ako nakakapag gymn ngayon kasi hindi pa ako nakakauwi sa San de la Vega.
" saan ka pupunta? " ask ni Jen ng mapansin niyang napabangon ako ng bahagya. Tinitigan ko siya sabay kindat rito na ikinapalo niya sa akin. Sus, hindi man lang kinilig si pangit. Wala talagang dating sa kaniya ang mga da moves ko.
" magpapa gwapo lang, pangit. Don't worry pagbalik ko may gagawin tayo. " sabay ngisi ko sa kaniya sabay hampas niya sa akin ng unan. May pagka loko loko talaga ako kahit kailan. Maki hilamos na nga lang at magha half bath. Hindi kasi ako sanay na matulog na hindi malinis ang katawan.
After 10 minutes...
Bumalik na ako sa kama. " aba, tulog na ang pangit kong asawa. " hawi ko sa buhok niya at hinagkan sa noo. Hay, ang pangit talaga ng asawa ko pero walang makakatumbas sa pagmamahal ko sa kaniya.
" Jen, " tawag ko sa kaniya. Alam kong gising pa ito dahil hindi pa siya masyadong behave. Gagalaw na lamang siya at kukurutin ako. Aray naman ang pangit talaga niya.
" isturbo ka talaga, " sabay tago niya sa kumot. Sus, gusto lang niyang magpayakap sa pogi niyang asawa eh. Mahiga ka nalang nga Carllex at tabihan mo siya.
Umusog ako sa kaniya at hinarang ang isang braso sa gilid niya.
" Jen, lapit ka rito baka mahulog ka diyan. " harang ko ng unan sa gilid niya. Baka kasi mahulog siya mahirap na. Tatlo pa man yong nasa sinapupunan niya. Mas kabado pa ata ako kaysa sa kaniya eh.
" naiinitan kasi ako, pwede bang umusog ka kunti. " pakiusap niya sa akin. Masunurin naman ako kaya umusog ako kunti pero hindi ko inalis yong braso ko sa gilid niya.
" good night Jen at good mga baby. " bangon ko ng bahagya at hinalikan ang tiyan ni Jen sabay halik na rin sa noo niya.
Ang init ng katawan niya at normal lang iyon sa nagdadalangtao. Napag aralan ko yan nong pumasok ako ng Medicine. I guess wala siyang alam kung ano pang profession ang pinasok ko. At nalalapit na ang araw na kasal namin. Sa Lunes na pala iyon at excited na ako. Sa wakas ay ganap ko na siyang kabiyak.
" Sir, " tawag niya sa akin. Aba, tinawag na naman akong sir ng pangit na ito. Kakagatin ko talaga siya sa leeg pag ako napikun.
" wag mo nga akong tawaging sir baka makagat kita. " saad kong sabi sa kaniya na tinawanan lang niya ako. Aba, nangpipikun pa ang babaeng ito. Sasampulan ko talaga siya para matahimik este matulog na. Masyado na kasing late para sa kaniya.
" Jen, hindi ka ba matutulog o kakagatin kita? Masama kaya sa buntis ang magpuyat. " pangaral ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan at ayan nag cellphone pa. Pambihirang teacher ito at pasaway.
I grab her phone sabay bato sa lapag. Buti nga sayo kanina ko pa pinagsasabihan pero hindi nakikinig. " bat mo tinapon? " sumbat niya sa akin. Ayan, galit na naman si pangit sa akin. Hindi ko talaga matimpi itong pagkapikun ko.
" because you're not listening. Matulog kana kasi dahil buntis ka at kanina pa ako nagsasabi sayo pero dinidedma mo ako. " mahinahon kong paliwanag sa kaniya. Sana naman makinig kasi makakagat ko na talaga itong pangit kong asawa.
" hindi pa kasi ako inaantok. Iyong phone ko bat mo binato? " usisa niya habang nakatalikod sa akin. Well, nagtatampo na siya at susuyuin ko na naman siya. Ayos lang saka ganun talaga siya eh. Baka ipaglihi pa niya mga baby namin sa tampuhan naming dalawa.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at pasimple siyang niyakap at nilambing.
" ang gusto ko lang ay makinig ka sa akin. Alam mo namang buntis ka kaya pakiusap ko sana ay matulog ka ng maaga. Sabihan mo ako kapag may problema ka para may maitulong ako sayo. Jen, nagkakaintindihan ba tayo. " payo ko sa kaniya at bahagya siyang humarap sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa tiyan niya.
" I'm so sorry Carllex kung hindi mo ako maintindihan. Sana hindi ka magsawa sa ugali ko. Natatakot ako na baka may mangyare sa kanilang tatlo. " sabi niya ng ganun na ipinagtaka ko.
" what do you mean, Jen? Nagkaroon ka ba ng panaginip na masama? " usisa ko sa kaniya na ikinayuko lang niya.
Niyakap ko na lamang siya at ibinalik sa pagkahiga.
" Jen, walang mangyayaring masama sa mga baby natin. Hindi ko hahayaan na mangyare yon. Matulog kana mahal kong asawa at maaga pa tayo bukas. Good night! " sabay hawi ko sa buhok niya at hinagkan sa noo.
Dahan dahan ko siyang kinakamot sa ulo nito para makatulog na. Mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko lahat para sa kaniya at sa mga magiging baby namin.