Download App
33.33% One Night Stand - Season 1 / Chapter 15: ( Just a Dinner)

Chapter 15: ( Just a Dinner)

His Pov's

Hayyst, ngayon ko lang nalaman na masakit din pala ang mga paa niya kapag sobrang pagod.

Unti unti ko nang nalalaman ang mga advantages naming dalawa.

Sana magtagal pa siya dito para magkakilala pa kami.

" Jen, labas kana at maghahain na ako ng dinner. " sabi ko habang patungo sa kusina.

" sir naman baka mapagod kayo. " tugon niya sa kwarto niya.

Ang babaeng talaga ito hindi na nasanay sa ginagawa ko.

Inayos ko muna ang hapag ay naghain na ng hapunan namin ni Jen.

Inayos ko pa yong plating para pormal naman.

" sir, tulungan na ho kita! " sabi niya sa akin habang papalapit sa kinaroonan ko.

" Jen, maupo ka nalang diyan at ako na ang bahala dito. " paupo ko sa kaniya na ikinasimangot niya.

Sus, ang cute nitong sumimangot kahit pangit.

" sir baka mapagod kayo diyan ha. " sabi niya sa akin.

" ok lang Ms. Santos, " lapag ko ng gulay sa mesa at saka naglagay ng kanin sa plato.

" sir, ganiyan din ba ang ginagawa niyo sa inyo? " ask niya sa akin.

" hindi naman saka busy ako sa trabaho at pa minsan minsan kapag day off ko ay nagluluto ako sa bahay. " tugon ko sa kaniya.

" sir may tanong ho ako, " sabi pa niya.

Ang daldal niya eh, saka hindi nauubusan ng sasabihin.

" ano yon Jen? " lapag ko naman ng kanin at saka umupo na sa tabi niya.

" sir, ano ho ang kompleto niyong pangalan? " usisa niya. Natigilan na lamang ako bigla.

Paano ko kaya sasabihin na ako yong hinahangaan ng lahat pagdating sa kasikatan.

Paano kung lalayuan niya ako? Paano kung mag iba nalang ang pananaw niya sa akin?

" Ms. Santos, kapag ba sinabi ko ang totoo kong pangalan ay magbabago ang paningin mo sa akin? " usisa ko sa kaniya.

" depende ho sir saka nasa sa inyo kong may gagawin kayong hindi mabuti. Lalayuan ko talaga kayo. " tugon niya habang naghuhugas ng kamay niya.

" Im Carllex Fierce Carlos Charles de la Vegas-II. " pakilala ko sa kaniya ng bigla nalang siyang natahimik at umupo sa isang silya sabay kuha ng plato niya.

Sabi na nga ba, mag iiba ang pagtingin niya sa akin. Ayan siya tahimik na sa kinauupuan niya habang nilalagyan ng tubig ang baso niya. " sir, ako na ho diyan. " magalang niyang kuha ng hawak kong pinggan at inayos ito sa hapag. Bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin sa kaniyang nalaman.

Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa kaniyang nalaman.

" sir, upo na ho kayo saka nakakahiya. Señorito pala kayo ng lahat tapos pinagsisilbihan ninyo ang tulad ko. " sabi pa niya na napalitan ng kalungkutan ang mga mata niyang nagniningning kanina.

" Jen, nagbago nga ang pagtingin mo sa akin pero unfair naman ata kasi may utang ako sayo. At pinangako ko na pagsisilbihan kita. " paalala ko sa kaniya.

" tama na ho yon sir saka alam niyo ho bang nahihiya na ako sa inyo. " sabi niya na hindi makatingin sa akin.

" mamaya nalang tayo mag usap saka let's celebrate dahil pasado ka! " baling ko ng usapan sabay kindat sa kaniya.

Ayan nga Jen, dapat lagi kang nakatitig sa akin eh para ngumiti ka naman kahit pangit ka.

Inilabas ko na ang isang regalo na palihim kong itinago sa ilalim ng mesa.

" Jen, bat nga pala wala kang set of make up doon sa salamin? Oo nga pala, hindi naman babagay yon sayo kasi pangit ka! " saad kong inis sa kaniya. Sana mapikun ko ito para gumana ang plano ko.

Sisimangot na lamang siya, sus pangit nga kasi siya!

" hindi na yon kailangan sir kasi matagal na akong pangit! " sabi niya sa akin. Ay inamin niya talaga na pangit siya.

" oh, (abot ko ng pulang box sa kaniya) regalo ko sayo para kahit kunti ay gumanda ka naman." pang iinis ko pa sa kaniya.

Napayuko na lamang siya sa harap ko na tila pati regalo ko'y ayaw na niyang tanggapin.

" hindi mo ba nagustuhan Jen? Sabihin mo lang at papalitan ko. Alam kong ayaw muna akong makita pero Jen may utang ako sayo at kailangan ko itong mabayaran. " tumayo ako at nilapitan ko siya.

Unang beses ko lang itong gagawin sa boung buhay ko kaya dapat kong gawin sa harap mismo ng taong deserving na dapat alayan ko ng pagmamahal.

Jen Pov's

Ano ba ang gagawin ko para lang mapaalis siya sa buhay ko.

Ayokong nandito siya lagi sa bahay para pagsilbihan ako.

Isa siyang boss, señorito at tagapagmana kaya nararapat siya sa mansiyong magara hindi sa masikip na iskwater na ito.

" Jen, im so sorry! " sabi pa niya ng bigla nalang lumuhod siya sa harapan ko.

Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa atlantik sa pagkasindak.

" sir tumayo ka! Hindi mo dapat ako niluluhuran ng ganito. Isa lamang akong hamak na babae na hindi dapat sambahin ng ganiyan. Tumayo kana sir, " patayo ko sa kaniya ngunit tila nakatitig lang siya sa akin.

Nakikita ko sa mukha niya ang kalungkutan na hindi ko nakita nong una siyang pumarito. Ngunit ngayon siya'y parang kuting na nagmamakaawa sa murang bulaklak na narito.

" Jen, bigyan mo pa ako ng isang gabi para makasama ka rito sa bahay mo. Pangako pagtapos non ay aalis na ako at tulad ng sinabi mo ay babalik na ako sa aking bayan. " pakiusap niya sa akin.

Naawa ako sa kaniya pero dapat kong gawin kong anong tama.

" sige pero tumayo kana diyan sir at kumain na tayo. Hayyts, sa wakas makaka graduate na ako! " baling ko ng usapan sabay ngiti na parang limot agad ang nalaman ko tungkol sa kaniya.

" hey pangit, tanggapin mo na ito at para gumanda kana! " saad na naman niyang pang iinis sa akin.

Si sir talaga ang daming alam at hindi nauubusan ng pang asar.

" ano naman ngayon kung pangit ako atlest good girl. " pagmamalaki ko sa kaniya. Akala ba niya wala akong pangtapat sa asar niya.

" are you sure? Gaano ka ba kabait? " usisa pa niya. Aba, gusto niya atang patunayan ko ang kabaitan ko.

" yong necklace mo kung hindi ako mabait eh hindi ko sana sinauli yon. " sabi ko pa sa kaniya.

Tatawa na lamang siya at kikindat.

Hala pa fall ka sir Carllex, ang sarap mong ibulsa tapos ibenta.

" kumain ka nalang nga payat! Oh, gulay para tumaba ka! Kawawa naman kasi kong magkakasakit ka pa. " pang iinis pa niya.

Sige lang asarin mo pa ako, " sir, kamatis ba ang pinaglihi sa inyo? " seryoso kong tanong sa kaniya. " bakit naman? " sabi niya habang naglalagay ng kanin sa plato niya.

" kasi para kayong hinog na hinog na kamatis kapag naiinitan kayo. " sabi ko sa kaniya. Bigla nalang siyang tumititig sa akin.

Akala mo ha, ikaw lang ang marunog mangpikun.

" pangit, hindi kamatis ang pinaglihi sa akin. My lola was a pure spanish and my lolo is half spanish and american. So, normal lang na ganito ang kutis ko. Bakit naiinggit ka ba? " paliwanag pa niya. Sus, pikun na eh mukhang asar na asar na siya.

" bat naman ako maiinggit? " sabi ko habang nakataas noo pa. Akala ba niya naiinggit ako sa kaniya. Hala, kontento na ako sa kutis ko no. Pure filipina.

Ngingisi na lamang siya, " gusto mo bang anakan kita? " ngisi niyang nakakalokong tanong sa akin. Aba, ang lalaking ito nakahithit nga!

" sir, kumain na nga kayo baka nagugutom lang kayo. " subo ko ng pagkain. Ayan siya, may pangisi pang nalalaman.

" alam mo Jen amg sarap mong anakan! " diresto niyang sabi. Nang bigla nalang akong nabulunan.

Anak ng pating! Kailangan na ata magpatingin nito sa doctor eh. Mukhang may sayad na sa utak. " ayan, hindi kasi nag iingat pangit ka pa naman. " inis pa niya. Imbis na ikomfort ako nito inaasar pa ako. Confirm, kailangan na niyang ipasok sa mental hospital.

" oh, buhay ka pa pangit! " inis pa niya.

" sir, magpatingin na nga kayo sa doktor baka may sira na kayo sa utak. " sabi ko sa kaniya na ikinahinto niya sa pagkain.

" tskk, aanakan talaga kita! " pabato niyang sabi sabay cross arm. Ano, pikun ka rin. Nakaganti din ako sayo. Akala mo ha, kahit pangit to kaya nitong barahin.

" sir, kain na kayo baka pumangit pa kayo. " sabi ko pa sabay palihim na tatawa.

" bat naman ako papangit eh ikaw lang naman ang pangit sa ating dalawa. " pagmamalaki pa niya. Hala, ang hangin besh kailangan kong humawak baka tangayin ako nito.

Tatayo na lamang siya at may tatawagan. Aba, nag walk out na naman siya.

Halatang pikun eh, ayaw niya kasing magpatalo sa pikunan. Eh, champion ako sa pikunan saka lahat sila talo ko no. " sir, lumalamig na ho yong pagkain. " sabi ko sa kaniya sa sofang kinauupuan niya. Pero dedma ang pig, hindi namamansin. Bahala ka nga diyan basta kakain ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain nang bigla siyang bumalik.

" Ms. Santos, make a wish para sa graduation mo. " sabi niya. Hala, nahihibang na ba siya puro nalang siya may ginagawang maganda para sa akin.

" bakit sir? Kain ho muna kayo baka malipasan kayo ng gutom. " sabi ko sa kaniya. Umupo na lamang siya at kumain. Masunurin naman pala siya eh.

" Ms. Santos, isang wish nalang ay lalayuan na kita. Kaya pagbigyan mo na ako. Just wish kung anong gusto mo sa graduation mo. It can be anything na magpapasaya sayo. " sabi niya

na tila seryoso siya. Hala, nahibang na nga siya Jen. Kasalanan mo talaga to.

Napaisip na lamang ako bigla ang tanging gusto ko lang ay makita ni mama at papa ang pagtanggap ko ng diploma. Gusto kong masaksihan nila ang pagtatapos ko. Pero hindi na matutupad yon kasi wala na si mama.

" gusto mo bang mapanood ka ng papa mo? " usisa niya na tila alam niya ang iniisip ko.

" tama ka sir, " tango ko sa kaniya.

" sige ba, " sabi niya sabay sumubo ng pagkain.

Hala, seryoso siya? Ay naku Jen, baka nahihibang na itong si sir Carllex at matuluyan ng mahibang. Mahirap na baka ano pa isipin ng iba.

@YhunaSibuyana


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login