Download App
96.96% Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession) / Chapter 32: Obsession 27

Chapter 32: Obsession 27

"CUT!" Napabuga na lang ng hangin si Mackenzie ng matapos na ang kanilang ginawang panghuling eksena

Isang linggo na din ang nakakalipas at inaamin niyang naging maginhawa naman ang kanyang buhay. She's back to normal again, pagdating niya dito sa Manila ay kaagad siyang inabutan ni Robbie ng cheque para sa sahod niya

Wala na siyang problema dahil may panggastos na siya sa kanyang mga kakailanganin. And about the relationship between her and Giovanni? It went good naman, patuloy pa din silang nagpapanggap at pumayag naman si Marco basta umuwi lang daw si Giovanni kung saan nandoon ang nobyo nito

Kapag tinamaan nga naman—

"Good job Mackenzie, you're doing great now. Malaki ang naitutulong ng one week vacation mo." Puri ng kanilang direktor sa kanya na ikinangiti niya

"Salamat direct—" sagot naman niya dito at itinali ang buhok

"Always welcome," anas nito at ibinaling ang atensiyon sa iba

"Malaki nga ba ang naitutulong ng one week stay mo sa unit mo?" Nakataas ang isang kilay na tinanong siya ni Giovanni na may dalang dalawang bottled water

"Hindi—" kaagad niyang sagot

Akala niya ay makakalimutan na niya si Charles pero nagkakamali siya. Palagi nga niyang naiisip kung kamusta na ba ito

"Palagi mo pa din siyang naiisip 'no?" Tukso sa kanya ni Giovanni at siniko siya

"Hindi 'no? At saka bakit ko naman mamimiss ang isang 'yun. For your information, Giovanni walang katugon ang nararamdaman ko para sa kanya. As crazy it may be sound—para lang akong teenager na baliw na baliw sa salitang puppy love. At bakit naman ako mag-aaksaya ng oras para igugol ko ang sarili ko sa kanya!" Naiinis niyang tugon at uminom ng bottled water

"Huwag ka namang mag strong ghorl, nagtatanong lang naman ako sa'yo eh. Para kang si Guko sa Dragon Ball Z-kai. Ang kulang na lang sa'yo ay mag super sayan alam mo ba 'yun." Natatawang usal nito na ikinagiwi niya

"At kinumpara mo pa talaga ako sa mga napapanood mong anime sa telebisyon? Kung ako si Guko, eh ikaw? Mukhang si whisper sa yokai watch!" Hindi nagpapatalong anas niya at tinalikuran na ito

Akala siguro nito na siya lang ang marunong mang-inis. Prove me wrong dahil hindi din siya nagpapatalo

Natawa pa nga siya no'ng isang araw ng makita niya sa Twitter at Instagram pati na din sa search bar sa Google ang moments nilang dalawa ni Giovanni. Ang cute daw nilang tingnan as a couple

Para lang daw silang magbarkada, well ganoon naman talaga ang samahan kapag fake lang ang relationship ninyo. Walang seryosohan ang magaganap

Natatawa nga silang dalawa ni Giovanni kapag wala ng taong nakakakita sa kanila. Puro sila sisihan at tulakan sa kung anong kahihiyan ang kanilang mga nagagawa sa harap ng camera

"Nga pala Mackenzie, nakita ko si Charles kanina. Doon sa labas ng venue—may kausap siya sa phone na parang girl or boy? Basta hindi ko alam kasi hindi ko naman narinig—" sumbong nito sa kanya

"At nagreport ka pa talaga sa'kin, ano naman ang mapapala ko do'n eh sa wala ka namang narinig about do'n sa pinag-usapan nila. Gusto mo ba akong lunurin sa pagdududa ha? Kasi kung oo, ikaw ang uunahin ko bago ako susunod sa'yo." Inis na inis niyang pinatumba ito sa usapan

Ayaw na niyang pag-usapan pa si Charles, nasisira lang ang araw niya kapag narinig niya ang pangalan ng lalaki

Napatigil sa paglalakad si Mackenzie ng maramdaman niyang hinawakan ni Giovanni ang laylayan ng kanyang damit. Ayaw pa nitong bitawan na parang ayaw siya nitong umalis sa kinatatayuan maski gumalaw

"Hoy! Anong problema mo diyan, let go of my shirt!" Sigaw niya pero hindi man lang ito natinag sa halip ay ngumuso pa ito sa harapan na parang may tao na naghahanap sa kanya

Tumingin naman siya sa senenyas ni Giovanni at nagulat na lang siya ng makita si Charles na nakatayo isang metro ang layo sa kanya. Nakasuot ito ng white v-neck tee shirt na pinarisan ng black fitted jeans, at may dala pa itong isang bouquet of flowers

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal niyang tinanong ito

Hindi sumagot si Charles sa halip ay lumapit ito sa kanya na isang dipa na lang ang layo sa kanyang kinatatayuan. Hindi nito inalis ang tingin sa kanya

Titig na titig si Charles sa kanyang maliit na mukha na parang namiss siya nito ng ilang linggo dahil sa kanyang ginawang pag-alis na hindi man lang nagpa-alam dito

"Wait lang babe ah, bili muna ako ng makakain natin" singit ni Giovanni at bigla na lang umalis sa kanyang gilid

Alam niyang hindi naman talaga ito bibili, gumawa lang ito ng paraan para magka-usap silang dalawa

"Anong ginagawa mo ditong lalaki ka." Matigas niyang tanong dito

Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay ngumiti lang ito sa kanya at ibinigay ang bulaklak na paboritong paborito niya—ang red roses

"Para sa'yo" anas nito at ibinigay sa kanya ang bulaklak na maganda ang pagkakabalot

Ayaw naman niyang ipahiya si Charles kaya wala siyang ibang magagawa kung tanggapin ito, at saka ang daming tao na nakatingin sa kanilang dalawa

Nagulat na lang siya ng bigla na lang itong lumuhod sa kanyang harapan at hinawakan ang isa niyang kamay

"Mackenzie, patawarin mo ako sa nasabi ko. Hindi ko naman masasabi ang salitang 'yun sa'yo kung hindi ka nag outburst sa harapan ko." Panimula nito na ikinatingin niya sa kanyang kapaligiran

Titig na titig sa kanila ang mga taong nasa field, ang iba ay kumukuha pa ng video sa kanilang dalawa

"Charles, tumayo ka na diyan. Gumagawa ka na naman ng eksena eh!" Mahinang sita niya at pinandilatan ito ng mga mata

"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo tinatanggap ang sorry ko. Please Mackenzie—forgive me, pangako hindi na ako magbibitiw ng mga salita na makakasakit sa'yo. Patawarin mo na ako please" at nagpuppy eyes pa talaga ito sa kanya

Wala siyang ibang magawa kundi ang tanggapin ang sorry nito. Nasaktan naman kasi siya sa mga salita nito—ikaw kaya ang sabihan na nagsisisi daw siya dahil sa pagkakamaling 'yun

"Oo na, oo na. Tumayo ka na diyan—" suko niya at hinintay itong makatayo

"Pinapatawad mo na ba ako?" Umaasang tanong nito sa kanya

Tumango naman siya, ayaw niya itong paniwalain. Mas mabuti ng tanggapin niya na lang ang sorry nito kesa sa ibaon niya iyon sa limot na hindi man lang pinapatawad ang lalaki

"Talaga?! Pinapatawad mo na ako?" Nakangiting tinanong siya nito ulit

"Oo nga! Ang kulit eh—" may sinusupil na ngiting sagot niya at umiwas ng tingin

Ito na naman ang karupokan niya; pagdating talaga sa lalaking 'to bibigay siya kaagad. Ano bang meron kay Charles at bakit patay na patay ang puso niya sa lalaking 'to

Hindi niya maiwasang magulat sa biglaang ginawa ni Charles, kaagad na lang siya nitong niyakap ng sobrang higpit na ikinaingay ng mga nanonood sa kanila

"Charles! Ano ba 'tong ginagawa mo, nakakahiya!" Impit niyang saway sa binata at itinukod ang dalawang kamay sa matigas nitong dibdib

"Masaya lang ako Mackenzie, hayaan mo sila" anas nito at bumitaw na sa pagkakayakap sa kanya

Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay at tiningnan siya mata sa mata

"I want to court you Mackenzie, and I'm starting it now—" biglaang sabi nito na ikinagulat niya ng husto


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C32
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login