"OH..." ungol niya nang maramdaman ang labi nito na tila bampirang sumisipsip sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay mariing nakakapit sa magkabilang balakang niya, hinahatak siyang papalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman pagsalubong ng ibabang katawan nito sa kanya bago marahan siyang muling inilayo at muling kinabig papalapit. Bawat paglayo at paglapit ng katawan niya ay sinababayan naman nito ng kasalungat na mosyon habang patuloy lamang ito sa paghalik sa parteng leeg niya.
They're actually making love with their clothes fully on!
Kahit unti-unti nang nadadarang ay inipon niya ang lahat ng natitirang katinuan sa isip niya at mabuway itong itinulak. "Z-ziv..."
Naramdaman niya ang pagngiti nito sa leeg niya.
"Kailangan lang pala kitang halikan para tawagin mo ako sa pangalan ko, pinatagal ko pa." tukso nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagngisi nito sa balat niya.
"D-dr. dela Vega... please," mas dinagdagan niya ang pwersa ng pagtulak niya rito.