Download App
87.5% Sex Slave: For Hire / Chapter 14: Kabanata 13

Chapter 14: Kabanata 13

Ashley's POV

"Hoy Ashleng ha! Naku! Kung hindi ko lang nalaman na si Karl iyang kasama mo magdamag.. masasabunutan kita. Isipin mo naman na may nag-aalala sa'yo! Pinsan mo ako Ashley parang kapatid na ang turing ko sa'yo kaya pwede, magsasabi ka naman kung hindi ka uuwi. Hay naku Ashleng!" sermon ni Yzza sa akin. Kanina pa yan salita ng salita nung sinundo ko siya sa may gate ng university. Ewan ko ba dito sa Karlito na 'toh kung bakit pinapunta pa 'tong si Yzza dito tapos ako ang sisimangutan.

"Can you shut your mouth for a while?! You're voice is f*cking irritating!" sabi ni Karl kay Yzza. Nanlaki naman ang mata ni Yzza sa sinabi ni Karl.

"Karl.. pumasok ka na lang sa kwarto mo baka mabinat ka. Mag-uusap lang kami ni Yzza." sabi ko sa kanya. Mukha na kasi talaga siyang badtrip. Kung hindi niya kasi pinapunta dito iyang pinsan ko eh di sana tahimik. Ang moody ng lalaking 'toh! Kanina ang bait-bait  nung nagda-drama ako tapos ngayon ang init-init ng dugo. Hayy.

"No. I'll stay here. Just shut the mouth of your cousin."  Ang tigas ng ulo. Nagkibit balikat na lang ako at binalingan ang pinsan kong ganun pa din ang ayos. Nanlalaki pa din ang mata habang nakanganga kaya kinurot ko na lang siya sa pisngi.

"A-aaaaarrrraaayyy! Ano ba Ashley! Bakit mo ko kinurot?!" sigaw niya sa akin. Nahalata kong magsasalita na naman si Karl dahil sa pagsigaw ni Yzza kaya hinarangan ko na ng kamay ko ang bibig niya at sinenyasan siyang tumahimik na lang.

"Para ka kasing t*nga Yzza na nakanganga tapos nanlalaki ang mata. Hindi ka pa ba sanay na sinisigawan ka ni Karl dahil sa kaingayan mo?" sabi ko sa kanya.

"Eh kasi naman Ashleng, hindi halata sa mukha ng lalaking yan na naninigaw ng babae. Mukhang mala-Diyos sa kakisigin tapos ang ugali.. naku! Ang sama!" matabang na sabi ni Yzza na siyang nagpatayo kay Karl.

"Aba't! Hoy babaeng maingay! Anong karapatan mong punahin ang ugali ko?!" inis na sabi ni Karl na halatang nagpipigil na sugudin ang pinsan ko.

"Oh! Marunong ka naman palang magsalita ng tagalog. Idinadaan mo pa ako sa English mo!" pang-aasar ni Yzza na nakatayo na din kaya agad akong pumagitna sa dalawa baka may hindi magandang magawa si Karl kay Yzza o si Yzza ang may hindi magawang maganda.

"Ano ba kayong dalawa! Para kayong mga bata! Huminahon nga kayo. Yzza, please. Wag ka na lang muna magsalita. Karl, huminahon ka naman. Wag mong idaan sa init ng ulo. Mamaya mabinat ka." mahinahong sabi ko.

"Freak!/Panget!" sabay nilang sabi tapos parehas nagsamaan ng tingin. Napailing na lang ako. Mauubusan ako ng pasensya sa dalawang 'toh. Hayy.

"Ate Ashley, anong nangyari? Bakit ka nakaharang diyan sa dalawa. Oh, hi Miss!" nakangiting sabi ni Jake. Ang aga naman ata ng batang 'toh. Wala namang pasok ngayon.

"Hi Jake. Wala naman para kasing bata 'tong dalawa. Nag-aaway sa maliit na bagay. Anong ginagawa mo dito? Wala naman kayong pasok ngayon. Nga pala, Jake si Yzza, pinsan ko. Yzza, si Jake kaibigan ni Karl."

"Hi Yzza. Nice meeting you." nakangiting sabi ni Jake habang nakalahad ang kamay pero si Yzza. Ayun, tulala na naman. Siniko ko naman siya para matauhan at agad na inabot ang kamay ni Jake.

"N-Nice m-meeting you din Jake." sabi ni Yzza. Pa-demure pa 'tong pinsan ko. Paano pa kaya kapag nakita niya ang apat pang kaibigan ni Karl. Siguradong tulala na naman ang lukang 'toh.

And speaking of kaibigan ni Karl..

"Gag* mo Pare! Dapat hindi mo na pinakawalan yung chikababes nung nag-bar tayo!" boses palang at pananalita. Alam ko ng si Gab yun. Hindi nakakapagsalita ng walang bad words.

"Alam mo naman Pare na ayoko ng commitment. Tamang make out lang." sagot ni Vince.

"Puro kayo babae. Tumino nga kayong dalawa." nakabusangot na sabi ni Rick na agad namang inakbayan ni Gab.

"Alam mo Pareng Rick hindi maganda yung palagi kang nagmumukmok. Paminsan-minsan dumiskarte ka naman sa mga babae. Wala kang mapapala diyan sa hinahabol mong babae. Hahaha." sabi ni Gab na nagpapula sa mukha ni Rick. Ang cute! Hahaha.

"Oy! Andito pala kayo Ashley, Karl, Jake at Miss..?" sabi ni Vince na agad lumapit sa amin para makipag high five kay Karl at Jake.

"Ah si Yzza. Pinsan ko." Tumango naman si Vince at nginitian si Yzza. Yung pinsan ko, tulala na naman.

"Tama ba ang narinig ko. May bisita tayong babae?" singit ni Gab. Ang playboy talaga nito. Binatukan naman siya ni Rick.

"Aray! Gago mo Rick! Bakit mo ako binatukan?!"

"Ang playboy mo talaga. Tumino ka naman." sabi ni Rick.

Natatawa na lang ako sa kakulitan ng mga lalaking 'toh. Naramdaman kong may sumiko sa akin kaya napatingin ako kay Yzza. "Oh bakit?" tanong ko.

"Pakikurot nga ako Ashley." naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Dali na. Kurutin mo--- Aray! Okay na. Hindi ako nananaginip." parang wala sa sarili na sabi niya.

"Hindi ka naman talaga nananaginip Yzza. Bakit mo ba sinabi na nananaginip ka?" tanong ko.

"Kasi ano.. hindi lang ako makapaniwala na may mga gwapong nilalang sa harapan ko ngayon." sabi niya. Napailing na lang ako sa inaasal ng pinsan ko. Masyadong mahilig sa gwapo.

"Ashley, ipakilala mo naman kami diyan sa pinsan mo." sabi ni Gab na may nakakalokong ngiti. Ang babaero talaga.

***

"Hey." tawag ko para makuha ang atensyon niya. Lumingon naman siya sa akin. Tumabi ako sa kanya. Nandito kami sa may veranda ng condo niya. Tinawagan niya ako kanina. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may kakaiba sa kanya. Para siyang may problema.

"Karl, ayos ka lang?" hindi ko mapigilang itanong.

"Yeah.." sagot niya ng hindi ako tinitingnan. Nakakapanibago ang ikinikilos niya. Nag-iba lang naman siya noong nag breakdown ako sa harapan niya. Hindi ko maintindihan yung sinabi niya sa akin noon. Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng sorry pero isa lang ang alam ko.. may puso si Karl. Natatakot lang siyang ipakita sa iba yung totoong siya.

"Ashley.." tawag niya sa akin kaya binalingan ko siya ng tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"A-ano y-yun?" nauutal kong tanong. Bakit ako kinakabahan? Bakit ang bilis ng tibok mg puso ko? Bakit may kakaiba akong nararamdaman?

Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo talaga ng lalaking 'toh. Ang ganda ng mga mata niya. Ang ganda ng pagkakatangos ng ilong niya. Ang labi niya.. napalunok ako at napatingin muli sa mga mata niya na nakatingin sa akin. Kakaiba ang mga tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla ko siyang hinalikan. Nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na parang may mga kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko ng maglapat ang labi naming dalawa.

Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kaya kumalas agad ako sa pagkakahalik ko sa kanya.

"S-Sorry.. a-ano.. h-hindi sinasadya K-Karl. A-ano kasi--" Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko dahil agad niya akong hinalikan. Isang halik na ngayon ko lang naramdaman sa kanya. Halik na may halong pagmamahal at respeto. Tinugon ko ang mga halik na ibinibigay niya. Napapasabunot na din ako sa kanya para mas lumalim pa ang halik na ibinibigay niya.

Bahagya siyang kumalas sa pagkakahalik sa akin. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Tumingin siya sa mga mata ko. Iba ang klase ng mga titig niya. Para siyang natatakot.

"Karl. May problema ka ba?" Kinakabahang tanong ko pero umiling lang siya at ngumiti ngunit hindi nito naabot ang mga mata. I know there is really something wrong.

"Karl. Pwede mo naman akong sabihan ng problema." sabi ko habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya.

Bumuntong hininga siya at hinawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko bago tumingin sa mga mata ko.

"I don't have a problem Ashley. I'm just scared. Natatakot ako na dumating yung araw na layuan mo ako dahil sa ginawa ko. Natatakot ako na baka mawala ka sa akin kaya ko ginawa 'toh. Kaya sana kapag dumating yung araw na malaman mo ang totoo.. sana paniwalaan mo ako. Na kaya nagawa ko ang lahat ng kagaguhan na ginagawa ko ngayon ay dahil sa'yo.. Please Ashley, promise me that you will going listen to me whatever may happen to us." kalmado pero ramdam kong may takot sa boses ni Karl habang sinasabi niya ang mga salitang 'toh. Kaya kahit naguguluhan ako sa sinasabi niya ay napatango ako.

Pumikit siya ng mariin bago nagsalita. "Can you please say it babe? I want to hear it from you. Please."

"Yes Karl. I promised that I will going to listen to you. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo pero I promised it to you Karl." sabi ko. Hindi kasi ako sanay na ganito si Karl. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi maganda. Masyado siyang seryoso sa mga sinasabi niya.

"Thank you Ashley. Thank you. Panghahawakan ko yang pangakong iyan kapag nalaman mo na ang totoo." nakangiting sabi niya at agad inangkin ang mga labi ko.


CREATORS' THOUGHTS
alluringmarj alluringmarj

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login