Download App
43.75% Sex Slave: For Hire / Chapter 7: Kabanata 6

Chapter 7: Kabanata 6

" Hey. I just want to remind you about our contract. Don't run from me Ashley. I can do whatever I want you know that. Go away. If you want me to kidnap you. "

Isa yan sa mga text ni Karl sa akin. Matapos kasi nung gabi na pumayag akong maging " Sex Slave " niya ay hindi na ako nagpakita sa kanya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Tuwing magpupunta siya sa bahay ni Yzza ay pinapasabi ko kay Yzza na sabihin na wala ako. Ayoko siyang makita. Naiisip ko palang na ipapagamit ko ang katawan ko sa kanya ng dahil sa pera ay parang nandidiri ako sa sarili ko. Hindi pa man nagsisimula ang kontrata namin ay parang gusto ko ng umayaw pero hindi ko naman alam kung paano at saan ako kukuha ng pera gayong hindi ako matanggap-tanggap sa mga ina-applyan ko.

"Hay.."

"Oh, anyare sa'yo? Lalim ng pinaghugutan nun ah."

Nagulat ako kay Yzza. Akala ko ako lang mag-isa ngayon dito sa bahay.

"Wala. Andyan ka na pala. Saan ka ba nanggaling? Hindi ka umuwi kagabi."

"Diyan lang sa tabi-tabi. Nga pala, saglit." sabi niya tapos dali-daling lumabas ng bahay.

Saan na naman pupunta iyon? Magtatanghalian na eh. Tumayo ako sa pagkakaupo ko para magluluto. Alam kong gutom na ang babaeng iyon.

Dumiretso ako sa kusina. Naghanap ng maaaring iluto. Sana naman namili na si Yzza. Pero nahalughog ko na buong kusina ay wala akong makitang pwedeng iluto. Hay. Ganito ba talaga sa Maynila? Wala man lang stock si Yzza o wala lang talaga kaming maipambili ng pagkain?

Napagpasyahan kong magtanong kay Yzza kung may pera ba siya. Bibili na lang ako sa karinderya ngunit sa pagharap ko sa pintuan ng kusina ay nagulat ako sa nakita ko.

"K-Karl.."

Seryoso siyang nakatingin sa akin at nakahalukipkip ang kanyang mga braso. Titig na titig siya sa akin. Bigla akong kinabahan.

Naglakad siya papalapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa may lababo. He caught me off guard. Lalo ako kinabahan.

Ngumisi siya sa reaction ko. Bakit ba ako natatakot? Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Amoy ns amoy ko ang kanyang pabango. Napapikit ako ng mariin pero bumulong siya sa may tainga ko.

"You know that you can't escape from me Ashley. Kahit anong gawin mong pagtatago.. mahuhuli at mahuhuli kita. You signed a contract with me kaya kahit umatras ka.. wala ring mangyayari. So, better do your job and don't ever try again to hide from me. Hindi pa tayo nagsisimula pero nagtatago ka na. We both know that this game will benefit us so don't dare to mess up with me."

Nanlambot ang tuhod ko, kung hindi lang ako nakasandal ay maaaring nakaupo na ako sa sahig. Sobrang kaba ko sa kanya pati sa mga sinabi niya. Hindi pa din siya umaalis. Nasa ganun pa din kaming posisyon pero nakatingin siya sa mga mata ko. Titig na titig siya na parang pasok na pasok sa kaluluwa ko.

"Ehem.. tama na muna yan. Tanghalian na. Hindi ba kayo nagugutom? o baka naman gusto niyong kainin ang isa't isa. Hindi porket nakatira ka dito Ashley sa bahay ko eh maggagawa ka na ng milagro. Ikaw naman, lalaki.. hindi rn porket hinayaan kitang pumasok dito ay gagawin mo na ang gusto mo. Tsaka wag nga kayo dito sa kusina. Kung may gagawin kayong milagro, doon kayo sa taas. Tatlo ang kwarto doon kahit magdamag kayong mangabayo doon." dire-diretsong sabi ni Yzza.

Namula ako sa kahihiyan. Humarap si Karl sa kanya.

"Really?" tanong ni Karl kay Yzza.

"A-hah. Gawin niyo ang gusto niyo doon. Wala akong pakialam. Ikaw Ashley.. wag na wag ka lang magpapabuntis! Kung ayaw mong ipatapon kita pabalik kina Tita. Mag-aaral ka pa di ba?"

"Yzza naman. Ano ba kasi iyang iniisip mo!"

"Tse! Doon din naman ang punta nun. Baka nga madaming beses niyo ng nagawa iyon eh! At ikaw lalaki! Wag na wag mong papagurin itong si Ashley! Tapos bubuntisin mo eh hindi mo papanagutan! Magtatapos pa yan! Baka gawin mo na iyang alipin sa kama at hindi na makapag-aral."

"That's our deal--" pinutol ko na ang sasabihin ni Karl.

"Yzza!"

"Sinasabi ko lang Ashley ang gusto kong sabihin. Oh geh, aalis ako. Kayo ng bahala sa bahay. Siguraduhin niyong naka-lock ang pinto bago kayo mangabayo."

Umalis na siya. Kainis!

"Bakit mo sasabihin kay Yzza ang usapan natin?! Akala ko ba walang makakaalam."

Hindi niya ako sinagot at ngumisi lang siya.

"We should start our contract.."

At walang pag-aalinlangan na hinalikan niya ako.

***

Gabi na ng magising ako. Napatingin ako sa tabi ko. Napakaamo ng mukha niya kapag natutulog. Hindi mo aakalain na kaya niyang manggamit ng babae para sa kapakanan ng sarili niyang kaligayahan. Bakit ko ba ibinigay ang sarili ko sa kanya? Bakit ang dali kong bumigay? Bakit ako pumayag maging sex slave niya? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang hirap kontrolin.

***

"Karl, saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kasi kinakaladkad niya ako. Pagkagising ko kanina ay nagulat ako na nasa loob siya ng kwarto ko at bigla na lang niya ako hinila at pinasok sa banyo at sinabihan na mag-ayos ako kasi may pupuntahan daw kami. Akala ko may mangyayari na naman sa amin pero wala pala. Simula kasi nung may nangyari sa amin sa bahay ni Yzza ay hindi na ulit iyon nasundan.

Pumasok kami sa isang building.

"Good morning Sir, Ma'am."

"Where's Uncle Johann?"

"Nasa office niya po Sir."

Kinaladkad na naman niya ako. Pumasok kami sa isang office.

"Uncle.." tawag niya sa lalaking nakaupo at busy sa pagbabasa. Tumingin siya sa amin at namangha ako sa kakisigan niya. Sobrang gwapo kahit nasa 40 na siguro.

"Karl, iho." sabi nito at ngumiti sa akin.

"Don't smiled at her Uncle!"

Tumawa ang Uncle niya.

"What a possessive boy." sabi niya na may ngisi sa labi.

"Tss. Uncle, she's Ashley. Ashley, he's my Uncle Johann."

"Good morning po." bati ko pero kininditan lang ako ng Uncle Johann niya. Hinila ako ni Karl sa likod niya na parang itinatago ako.

"Uncle! Stop flirting with her!"

"Haha. I'm sorry Karl but she's hot." namula ako sa sinabi ng Uncle niya.

"Keep that crap Uncle. Tss." sagot ni Karl. Iritang-irita ang boses niya.

"Gusto lang kitang asarin. Haha. So, what brought you here?"

"Uncle, gusto kong ipasok mo si Ashley sa university."

"T-teka.. Karl? Anong sinasabi mo? University?" naguguluhang tanong ko pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Gusto ko parehas kami ng schedule. I want her beside me. Gusto ko katabi ko siya sa upuan at wala siyang ibang katabi kundi ako lang. Walang kahit sino. No one should dare to go near her in the university because she is mine. Once I said that this girl is mine.. walang pwedeng umagaw."


CREATORS' THOUGHTS
alluringmarj alluringmarj

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login