Download App
31.25% Sex Slave: For Hire / Chapter 5: Kabanata 4

Chapter 5: Kabanata 4

Isang linggo..

Hindi ko maisip na nakatagal ako sa lalaking 'toh ng isang linggo. Ngayon, pa lang niya ako ihahatid sa bahay ng pinsan ko na panay ang text sa akin kung buhay pa daw ba ako at kung may balak pa akong magpakita sa kanya.

Hindi ko naman kasi masabi sa kanya na ano.. na sa isang lalaki ako nakatuloy kasi mapapatay ako nun. Dahil ako mismo ay hindi makapaniwala na sumama talaga ako sa lalaking hindi ko naman kilala.

Hindi din ako makapaniwala na nakuha niya ang Bataan na dalawampu't isang taon ko iningatan ng ganun-ganun lang. Na hindi lang isang beses may nangyari sa amin kundi higit pa. Halos araw-araw mayroon.. hindi lang isang beses sa isang araw. Hindi na kami umaalis sa kama niya. Nakukuntento na lang kami doon.

Hindi ko pa siya kilala ay ganun na agad ang nangyari. Nabigay ko agad ang sarili ko sa kanya. Susmaryosep naman kasi! Hindi ko kasi ma-control ang sarili ko kapag nagsisimula na siya.. nalulunod na agad ako. Alam niyo yun.. ang hirap iresist. Parang magsisisi ka kapag tinanggihan mo siya.. ganyan kasi ang nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin, na kusa ka na lang mababaliw sa ginagawa niya. Ganun ang epekto ng lalaking 'toh.

"Hey, anong iniisip mo? Hinuhubaran mo na siguro ako diyan sa utak mo. Kanina ka pa nakatitig sa akin." panggugulo nitong Karl na 'toh sa pagpapantasya ko.

Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. Ramdam kong namula ang mukha ko sa sinabi niya. Shit! Nakakahiya ka Ashley. Bakit ka ba kasi nakatingin sa kanya kanina? Bakit kasi ang hot niyang mag-drive. Ayan tuloy.. may kamanyakan na namang sinabi ang lalaking yan.

"K-kapal m-mo! H-hindi ako nag-iisip ng ganun." sagot ko.

Tumawa siya. Yung tawang nang-aasar.

"Don't deny it babe. You're drooling."

Lalo akong namula at pasimpleng hinawakan ang bibig ko kung basa ba. At anak ng pigsa ni Napoles!! Basa nga! Grabe ka Ashley kung makapagpantasya! Seriously?! Tumulo laway ko??

Tumawa na naman siya.

"Tumahimik ka nga! Nakakarindi ang boses mo." saway ko para iwasan iyong kahihiyan na ginawa ko. Nakakahiya kasi talaga.

Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"Mainit ulo natin ah. Nabitin ka ba kanina? Do you want another round?" tanong niya habang tumataas-baba ang kilay niya.

"Shete kang lalaki ka! Ang manyak mo talaga! Another round ka diyan! Bago tayo umalis kanina ay pinagod mo na ako. Limamg round na yun! Hindi ka ba napapagod?! Huwag mong sabihin na kinakatok ka na naman niyang alaga mong malaki!" sigaw ko sa kanya.

Lalo lang siyang tumawa. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman iyon eh! Hanep ang lalaking 'toh. Limang round na nga kanina, hihirit na naman.. baka hindi na ako lalong makauwe kay Yzzang Palaka. Halos patayin na nga ako sa text ng babaeng iyon.

"I'm just asking babe. Baka gusto mo talaga? Sabihin mo lang. Ihihinto ko 'toh. Kanina pa akong nag-iinit dito."

Hinampas ko siya sa braso. Grabe talaga ang utak ng lalaking 'toh!

"Tumigil ka ngang lalaki ka! Nakakarami ka na! Hindi naman kita gaanong kilala pero marami ng nangyari sa atin. Ganito ba talaga ang mga tao sa Manila?! Pwede kitang kasuhan ng rape sa ginawa mo sa akin."

Biglang nagseryoso ang mukha niya.

"Rape? Nasaan ang rape doon? Kusa mong ibinigay ang sarili mo. Ikaw pa nga itong mas hot sa ating dalawa kapag ginagawa natin yun. Kung maisigaw mo ang pangalan ko. Huwag ka ngang pa-virgin diyan. Nakuha ko na yan. Tsaka halata namang nasarapan ka sa ginawa natin."

Hinampas ko ulit siya. Hindi ko siya tinigilan. Bwisit na lalaking 'toh!

"Pinipilit mo kasi ako! Kung hindi mo ako hinalikan eh hindi sana iyon mangyayari! Lapit ka kasi ng lapit sa akin kaya nawawala ako sa sarili ko! Alam mo namang nakaka-distract iyang pagmumukha mo pati iyang katawan mo! Tapos kung makatingin ka parang nang-aakit! Sinong hindi bibigay doon?"

Hindi ko talaga siya tinigilan sa paghampas at panay naman ang pagsangga niya.

"A-aray! Ano ba! Tumigil ka nga! Mababangga tayo sa ginagawa mo!" sigaw niya sa akin pero nakangiti naman siya. Punyetang lalaki talaga 'toh!

Tumigil ako sa paghampas at humalukipkip. Nakakainis.

"So, you mean.. you are distracted in my face and also in my body whenever I near you?" sabi niya.

"Tse! Tumahimik ka nga! Nakakainis ka, alam mo yun!? Tsaka tigilan mo ko sa kaka-english mo na yang lalaki ka. Nasa Pilipinas ka wala ka sa Amerika."

"Sungit mo. Meron ka ba?"

Namula ako sa sinabi niya. Nakakainis na talaga. Alam naman niyang meron. Magtatanong pa! Kung hindi pa ako nagkaroon ng daloy na pula ay hindi niya ako titigilan.

"Aba't! Ikaw talagang Karlito ka! Manyak mo!"

"Anong tawag mo sa akin Ms.?"

"Karlito. Bakit, may angal ka?!"

"Tss. Stop calling me names." He said in a serious tone.

"Bakit naman? Yung ang gusto ko eh. Ikaw nga, kung matawag mo akong Babe parang may relasyon tayo. Tsaka tawag yun sa baboy!"

"I don't care. Bakit hindi ka ba baboy?" e asked with a grin in his face.

"Nang-aasar ka ba lalaki ha?" Bwisit! Ang sarap niyang sakalin.

"Asar ka na ba?" nanghahamon na tanong niya. Hindi ko na siya sinagot kasi mauubusan lang ako ng dugo. Kanina pa kasi malakas iyong tulo sa baba. Nakakapanglambot.

Hindi na din naman siya nagsalita at nang-asar pa. Buti naman. Napakagaling palang mang-asar nito. Manyak na, magaling pang mang-asar. Saan ka pa?!

***

Nakarating na din namin sa wakas ang bahay ng pinsan ko. Malayo pala ito at talagang maliligaw ako.

Kinatok ko ang pinto at may sumigaw sa loob.

"Pasok! Tinatamad akong bumangon! Pakisara na lang pagkatapos!"

Napailing na lang ako ng marinig ko ang boses na yun. Ang tamad pa din talaga ni Yzza.

"Tara." yaya ko dito sa kasama ko. Nakakahiya namang hindi papasukin eh hinatid na nga ako.

Sumunod naman siya sa akin. Tumambad sa amin ang makalat na salas na parang isang buwan na hindi nalilinis. Nagkalat ang mga balat ng pagkain, mga damit at sari-saring bote ng inumin.

"Ikaw na ba yan ha Ashley?" dinig kong sabi ni Yzza. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses niya kasi naman! Ang kalat talaga sobra. Parang hindi babae ang nakatira.

Dinig ko naman ang pagrereklamo nung lalaki sa likod ko. Isama pa iyong pagmumura niya kapag may natatapakan siyang nakakadiri. Hindi ko naman siya masisisi kasi pwede ng maging Second Smokey Mountain ang bahay ni Yzza.

Tumambad sa amin ang pinsan ko na nakahiga sa sofa at nanunuod ng TV.

"Hoy Ashley! Ikaw na ba yan?" tanong niya ulit pero hindi niya ako tinitingnan.

"Oo. Yzza.. ito ba talaga ang bahay mo?!" sagot ko.

At parang slowmotion ang nangyaring pagbangon niya.. mali pala. Ang paggulong niya pababa sa sofa. Haha. Nahulog kasi siya.

"A-aray!"

Hindi ko siya tinulungan kasi naman! Ang epic ng pagkakahulog niya. Ang taba kasi ni Yzza. Joke lang. Hehe.

"Hoy Ashley! Ikaw babae ka! Saang lupalop ka nagpunta at ngayon ka lang nagpunta dito ha?! Alam mo bang halos maubusan na ako ng dugo dahil sa mga lamok, kakahintay sa'yo! Usong magreply babae! Naku! Kukuritin ko talaga iyang si----." sabi ni Yzza nung natayo siya at nung nakatayo na siya ay bigla na lang siyang natulala sa akin.. sa lalaking nakatayo sa likod ko.

"Yzza.. ano, pasensya na kasi.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang kumaripas ng takbo si Yzza papunta sa 2nd floor nitong bahay.

Hinarap ko na lang si Karl. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Hindi ko naman alam na ganito pala ang itsura nitong bahay ni Yzza.

"Ano.. Karl, pasensya ka na.. hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang bahay ng pinsan ko. Pasensya na talaga." sabi ko pero hindi maipinta ang mukha niya. Hala! Anong problema nito? Galita kaya siya?

"A-ano.. K-karl.. P-pasen---" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinigit ni Karl palabas nitong bahay. Uso ba ang pagputol ng sasabihin ngayon?

"Karl, saan mo ako dadalhin?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya hanggang sa marating namin ang kotse niya.

"Karl, bakit mo ko hinigit?" tanong ko.

"Doon ka na lang sa unit ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"B-bakit?"

"Hindi mo ba nakita ang bahay na iyon ha Ashley? Parang tambakan ng basura!"

"Pero.. bahay pa din iyon ng pinsan ko. Kulang lang iyon sa linis. Tamad ang babaeng iyon kaya ganun ang itsura nung bahay."

"Kahit na!" sigaw niya.

"Ano bang problema mo?" hindi ko mapigilang itanong.

"Because I wa--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi bigla na lang sumulpot si Yzza sa harap namin. Nakabihis siya at bago din siyang ligo. Isama pa iyong sobrang tapang niyang pabango na iniligo na ata niya sa sarili niya.

"Ashley! Bakit kayo umalis?" tanong niya sa akin pero yung ekspresyon mg mukha niya ay parang sinasabi na ipakilala ko siya kay Karl.

"Hindi kami umalis.. may pinag-usapan lang kami. Nga pala, Yzza, si Karl. Karl, si Yzza.. pinsan ko." inilahad naman ni Yzza ang kamay niya todo ngiti pa siya pero hindi iyon kinuha ni Karl. Parang napahiya si Yzza sa ginawa ni Karl.

Tiningnan ko si Karl. Mukha siyang frustrated eh hindi naman siya ganyan kanina nung papunta pa lang kami dito.

"Hindi mo naman sinabi na may kasama ka Ashley."

"Paano ko sasabihin eh wala akong load. Tsaka ano Yzza, saglit lang.. una ka na sa loob, susunod ako. Mag-uusap lang kami ni Karl." sabi ko.

"Okay. Bye Karl." paalam ni Yzza at sinenyasan pa ako na kailangan naming mag-usap.

Nang nakapasok na si Yzza ay tiningnan ko si Karl.

"Karl.. hindi ko na kailangang bumalik sa unit mo. Tama na yung isang linggo akong nandoon. Tsaka maayos naman na dito kay Yzza konting linis lang ng bahay. Salamat." sabi ko sa kanya pero seryoso pa din ang mukha niya.

"Sigurado ka diyan sa sinabi mo na hindi ka na babalik sa unit ko?" tanong niya pero seryoso pa din.

Bigla akong kinabahan. Bakit siya ganito? Wala naman akong atraso sa kanya. Siya pa nga itong may atraso sa akin kasi kinuha niya ang Bataan ko.

"Ano bang sinasabi mo Karl?" kinakabahang tanong ko.

"Nothing. Gusto ko lang sabihin na, huwag kang magsalita ng tapos. By the way, don't forget about my offer.. it's still available just for you. I can give you eveeything that you want. Pag-isipan mong mabuti. Bye Sex Slave." sabi niya bago umalis.

What the hell?! Sex Slave?!!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login