Download App
92.3% All About Her (Tagalog) / Chapter 48: Fireworks

Chapter 48: Fireworks

Elaisa's POV

Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.

Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.

Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa tulong nila ay wala na ako dito ngayon. Nagawa nila akong tulungan kahit pa hindi naman nila ako ganun kakilala.

"Congrats, sweety. Magaling ka na." Bungad sa akin ni Jared pagpasok sa kwarto. Humiwalay 'to ng yakap sa akin bago ako siniil ng halik.

"S-Salamat sa tulong nyo." Halos hindi ko na makilala ang sariling boses dahil sa paghikbi.

"No problem, sweety." Pinunasan nya ang luha ko. "I love you." Kasabay ng halik.

"I love you too."

"Kaya mo na ba?" Tinignan ako ng mariin ni Jared habang nagsusuot ng bonnet.

Natawa na naman ako kasi pang ilang beses nya na kasing tinanong sa akin yan. Inaya ko kasi syang mamasyal tutal ay nasa ibang bansa kami.

"Oo nga! Isang linggo na akong nakahiga at nakaupo sa kama, gustong gusto ko ng maglakad."

"I'm not sure, Elaiza. I want us to just stay in here." Hinila ako nito paupo sa binti nya.

Dahan-dahan kong itinaas ang magkabilang kamay ko at inilagay sa batok nya. "Please."

Ilang segundo nya akong tinitigan bago huminga ng malalim, tanda ng pagsuko. Sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko sya, aatras na sana ako kaso bigla nya akong hinapit sa baywang. Napangiti ako, mahal na mahal ko talaga 'tong lalaki na 'to.

Natuwa ako ng makalanghap ng malamig na hangin paglabas namin. Dahan-dahan akong maglakad dahil medyo hirap pa rin ako. Nilingon ko si Jared sa likod ko at nakitang nakangiti lang sya sa akin, ngumiti rin ako pabalik. I spread my arms and feel the sun in my face; I miss this feeling, pasimple kong pinahid ang luha ko.

"Tara na Jared!" Sigaw ko dito.

Paglapit sa akin ay pinagsalikop nya ang palad namin bago hinalikan ang noo ko. "Salamat, Elaisa."

"Ako dapat ang magpasalamat sayo ng paulit-ulit kasi hindi ka nawala sa tabi ko." Hinaplos ko ang mukha nya.

Inabot ng ilang oras bago kami nakarating sa Walt disney world. Tuwang-tuwa ako sa amusement park, mabuti na lang at hindi marami ang tao kaya makakasakay kami sa gusto naming rides. Hinila ko si Jared papunta sa Magic Kingdom, umaga kaya kitang-kita ang ganda nito.

"Kanina ka pa nakanganga." Pang-aasar ni Jared.

Natawa na langdin ako. Nakakamangha kasi talaga ang Magic Kingdom, pakiramdam ko ay ako si Cinderella. "Ang sarap iuwi sa Pilipinas." Bulong ko sa kanya. Maraming shot ang ginawa namin ni Jared bago lumipat sa Epcot, nangalay ang leeg ko kakatingala sa malaking bilog sa harapan namin. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko sa mga nakikita, kung pwede nga lang sana iuwi.

Kung saan-saan kami sumakay ni Jared bago napagdesisyonan na kumain. The coral reef restaurant ang napili namin, natuwa kasi ako sa view nito dahil may malaking aquarium sa loob.

"Hindi ka pa napapagod?" Seryoso ang mga mata ni Jared habang nakatingin sa akin.

"Hindi pa naman." Nginitian ko sya bago sumubo ng pagkain.

"Kanina pa tayo palakad-lakad, baka mabinat ka." Pinunasan nito ang labi ko.

"Hindi nga. Kaya ko pa naman pati magsasabi ako sayo kapag pagod na ako." Mukha namang nakampante na sya dahil tumango lang sya at kumain ulit.

"Kailan mo balak umuwi ng Pilipinas?"

Natigilan ako sa tanong ni Jared, bigla kong naalala ang magulang ko. "Your employees are looking for you, I just told them that you're on vacation." Tumingin ulit sya sa akin.

"Bukas din agad." Sagot ko. Kailangan na naming umuwi kaagad.

"Agad-agad?" Napakunot noo pa sya.

"Oo, kasi diba may trabaho ka pang naiwan? Hindi na tayo pwedeng magtagal dito, pati nasabi ko na rin kila Doc. Felix, sasabay sila sa atin bukas."

Napasimangot sya. "Bakit pa sila sasabay? Hindi ba nila kayang umuwi ng hindi tayo kasama?" Lalong kumunot ang noo nya.

Natawa ako ng mahina. "Okay nga 'yun eh para masaya."

"Walang masaya kung sila ang makakasama natin sa plane. I'll book a ticket for us and don't tell them." Parang bata na sabi nito.

"Ano ka ba Jared?" Hindi ko na napigilang matawa. "Malaki ang naitulong sa atin nina Doc. Felix at Venice."

"I know. I just don't want to be near them. They always have bad idea."

Kinilabutan ako ng tumingin sya ng kakaiba. Naalala ko yung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya, oo nga pala't plano yung nung dalawa.

"Oo na, hindi na tayo sasabay sa kanila." Nagpatalo na lang ako para hindi na mag-init ang ulo nya. "Dalian mo na kumain, narinig ko kanina na may fireworks display." Tapos na kasi ako at sya na lang ang hinihintay.

"Hindi pa tayo uuwi?" Nabitawan nya ang kutsara.

"Last na 'to. Saglit lang naman ang fireworks." Inilabas ko ang mga gamot na dapat kong inumin.

"What's that?"

"Kailangan ko daw 'tong inumin for one month after operation, two weeks ko pa 'to iinumin." Maduwal-duwal pa ako dahil tatlong gamot ang kailangang inumin.

Hinila ko palabas ng restaurant si Jared at bumalik sa Magic Kingdom, bukas na ang mga ilaw nito. Kung kaninang maaraw ay maganda 'to, lalo na ngayong nag-gabi, ang daming ilaw na nagpabuhay dito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko dahil napaiyak ako. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan nya pa ako ng pagkakataon na makita ang ganda ng lugar dito.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Jared mula sa likod ko, pinatong nya ang baba sa kaliwang balikat ko.

"Babalik tayo dito." Bulong nya. Tumango ako.

Ilang segundo lang ay nagliwanag na ang kalangitan dahil sa fireworks mula sa likod ng Magic Kingdom, lahat ng tao ay napapalakpak. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Jared na nasa baywang ko, nilingon ko sya.

"What?" Kunot noo syang napalingon sa akin.

Hindi na ako sumagot, siniil ko na lang sya ng halik. Naramdaman kong napangiti sya bago sinuklian ang halik ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C48
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login