3rd Person's POV
Pagdating nila sa bagong villa, nagpaiwan na si Euwan doon.
"Are you sure kaya mo na? Hindi na kita sasamahan dyan?" paninigurado ng manager niya.
"Nandito naman na lahat ng gamit ko diba? I'm good. No need to accompany me. I know you're also busy sa shop mo kaya mauna ka na." tugon nya dito.
"Okay. Hindi na ako mamimilit since you need to rest. There's a grocery store dyan sa malapit. One kilometer walk I guess. You can buy food there if you want. Wala naman gaanong tao ngayon coz it's Thursday. But still wear some cover-up just to be sure." Pagbibilin ni Cleeone dito.
"Yeah. Sige na. Papasok na ko sa loob."
"Okay. Get rest after eating lunch, okay? Byee! " kumaway na sa kanya ang manager sabay sara sa pinto ng van.
Pagkaalis ng mga ito, pinindot na ni Euwan ang passcode sa gate ng bagong villa. Pagbukas nito, agad na siyang pumasok sa loob.
Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang maayos na pagkakapwesto ng mga kagamitan niya. Mula sa sofa, flat screen TV, table and chairs, kitchen utensils and ampliances, coffee table, book shelf, wine chamber, lamps at mga audio speakers. Mayroon din doong massage chair.
May kalakihan din ang loob ng nilipatan niyang villa kaya naman komportable siyang nilibot ang kabuuan nito.
Sanay sa independent na buhay si Euwan. Bagama't galing sa mayamang pamilya, simula nang pumasok siya sa entertainment industry, pinag-aralan na niyang mabuhay mag-isa habang sinusuportahan ang sarili sa pinansiyal niyang pangangailangan. Kaya naman, tila napaka cold ng personality nito dahil nasanay na siyang nag iisa.
Umakyat na siya para hanapin ang kanyang kwarto.
Pag-akyat niya, nakita niya ang dalawang pinto na magkatapat. Pumasok siya sa isang kwarto na nasa kanan at nakita niya na walang masyadong gamit bukod sa isang medium size na cabinet, study table at double size na kama. Napakamot naman siya sa ulo nya pagkakita niya doon.
Sunod niyang pinasok ang katapat na kwarto. Confirmed na ito ang kwarto niya dahil sa mga gamit at malaking litrato nya na nakakabit sa dingding.
Agad siyang lumapit sa kama at humilata doon. Ngunit bigla na lamang tumunog ang sikmura niya na hudyat na siya ay nagugutom na. Nalimutan nyang tanghali na nga pala.
Agad siyang bumangon at kinuha ang itim na bucket hat at isinuot ito na halos matakpan na ang kalahati ng mukha niya.
Pagbaba niya, sinilip niya muna ang laman ng refrigerator. May laman itong coke in cans, milk boxes, yogurts, bottled waters at frozen foods.
Napailing nalang siya pagkakita doon.
Euwan's POV
Naglalakad na ako ngayon papunta sa sinasabing grocery store ng manager ko. I used google map to get there. This village is private so wala naman gaanong tao which is good for a public personality like me. For us, celebrities, privacy is the most important.
A few more steps and I'm here at the grocery store. Great! Di man ako pinawisan.
As I entered inside, agad akong pinagtinginan ng mga counter clerks. As usual -,- Sanay na ko.
Naglakad lang ako diretso sa loob while hearing them fangirling. Sorry pero gutom na ako. I'm not in the mood to entertain fans right now -_-
I took just a basket since konti lang naman ang bibilhin ko.
Dumiretso ako sa unang section which is vegetables and fruits section. I love fruits kaya naman doon na ako agad dumiretso.
While picking some apples, a girl stood in front of me but she's on the other side of the fruit stand facing my direction. Kami lang ang tao dito sa section na to. I saw her picking some bananas and while picking it, a sweet smile drew from her simple yet cute face.
It caught my attention for a while. Anong meron sa saging? -,-
Nilagay ko na sa basket ang kinuha kong apples and I noticed that girl picking some pears which is also my favorite. She smiled again while picking some of it. Is that her favorite too?
Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Damn! Snap it Euwan!! ><
Kumuha pa ako ng ibang fruits but when I gazed back at her direction, wala na siya doon. I turned my eyes on the other sections and found her at the dairy section.
Tss ano bang nangyayari sayo Euwan? Gutom na gutom ka lang siguro kaya ang dami mong napapansin -_-
I walked towards another section passing that girl and went to find some instant noodles. Kumuha ako ng ramen coz it's my favorite of all instant noodles. But I am allowed to eat it only on Sundays. You know.. a celebrity diet thing tsk. -_- Medyo nagtagal ako ng kaunti sa section na to dahil namili pa ako ng mga pasta noodles. I love pasta and that's my specialty dish.
After that, I was about to go to the counter when the girl earlier walked passed by in front of me and went to the last section of this grocery.
I don't know but my feet started to move on its own and followed her.
As I reached the shelf where she's at, I stood behind her so that she will not notice my presence.
I don't know but this is the first time I felt so shy in front of someone. >< Although it's a lil' bit noisy here, I can hear my heart beat like.. WTF?
Nagkunyari nalang ako na may kinukuha din dito sa shelf. Wait... detergents? Aanhin ko naman to? I don't even wash my own clothes. Seriously Euwan? -_-
Sinilip ko sya at napansin ko na nahihirapan syang abutin yung bandang itaas nung shelf. I saw her tip toeing as high as she can to reach for the detergent powder na nasa itaas non.
What the--? Eh ang taas naman kasi ng shelf na pinaglagyan nila. Her height is like 5'2 or 5'3 kaya imposible talaga na maabot niya yung pang 5'9 to 6 feet na shelf.
I think she's starting get mad while reaching for it coz I can hear her murmurings. Haha! Cute lang. ^^
Hindi ko na natiis pa kaya lumapit na ako sa kanya. I leaned closer at her back and reached the detergent for her. Naramdaman ko namang nagulat sya dahil bahagya syang napalundag. Hahaha! Did I startle her that much?
I lowered my head kapantay ng height niya when she suddenly looked at me.
Our eyes met and I was like..
O.O
*dug dug*
*dug dug*
Selene's POV
Napalayo ako sa kanya sa sobrang awkward. Nakita ko pa siya na ngumiti kahit na halos matakpan na ang mukha niya ng suot niyang itim na bucket hat.
"M-Mianhe. (S-Sorry.) " Sabi niya sakin habang nakangiti sabay abot nya sakin ng detergent.
Inad-just nya ang hat nya paitaas at lumantad ang... putek!
KAY GWAPO NAMAN PALA NG MAMA NA TO! O.O este ang mukha niya. Ano ba yan Selene!!!! Ang landi mo! >< Kaya maaga kang nahalay eh! Tsk tsk!
"Ahh h-hinde! O-Okay lang. S-Salamat nga pala dito." ots bakit nauutal ka Selene?! Umayos ka nga! Obvious ka masyado! ><
Narinig kong natawa siya ng mahina.
Pambihira. Bakit ang cute niya tumawa? *_*
Nakita ko ang kabuuan ng mukha niya nang tanggalin niya ng tuluyan ang bucket hat niya.
Saan galing tong lalaking to? Sa langit? Nasa langit na ba ako?
"Sorry if I startled you. Nakita ko kasi na nahihirapan kang abutin yung detergent powder so I just offered my help. " nakangiting sabi niya. Ang bait naman neto *_* Ikaw na matangkad! Eh 6 footer ata to eh! Hanggang dibdib lang niya ako ay.
"Ahh hindi naman! Hahaha! Salamat nga pala sa tulong. ^^" Ginantihan ko nalang din siya ng ngiti kahit na talagang sobrang ginulat niya ako. Pero okay lang. Gwapo naman sya eh hehe! Okay ISTAP.
Narinig kong nag-chuckle sya. Teka bakit ba tawa ng tawa tong isang to? Wag kang ganyan! Magiging crush kita niyan sige ka! ><
Pero sigurado paaasahin lang din ako neto. Tss! Boys are boys! MGA PA-FALL LANG TALAGA KAYONG LAHAT KALA NYO!!!
"Sige. Salamat ah! Mauna na ko. ^^ " Tsss mabait ka sana pero siguradong manloloko ka lang din. Yung mga itsurang ganyan NAKOO!
Naglakad na ako papunta sa counter habang tinutulak ang push cart. Hatakin ko kali to para maiba naman? Pull cart na sya kapag nagkataon. HAHAHA! Okay ang corney ko. -_-
Pagpila ko sa counter, nakita ko na naman yung lalaki kanina na nasa katabing counter at dala ang basket ng pinamili niya. Nakapaharap siya sakin kaya kitang-kita ko sya mula doon sa kinatatayuan nya.
Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng itsura niya. Naka all black siya. Mula hat hanggang jagger pants. Naka lose long sleeve siya pero halata parin ang broad shoulders nya na mukhang alagang gym.
Grabe talaga yung aura niya eh. Artistahin. Hindi kasi ako masyadong nanonood ng TV kaya hindi ko alam kung sino kamukha niyang artista. Para kasing nakita ko na siya somewhere. Hmm...
Pagkayari mailagay sa paper bags ang lahat ng napamili ko, nagbayad na ako. Naka apat na malalaking paper bag lang naman ako. -_- Ang dami nga. Okay. Good luck sakin.
Binuhat ko yung tig-dalawang paper bag sa magkabilang braso ko. Halos di ko na makita yung dinadaanan ko sa sobrang laki ng mga dala ko. >< Ang bigat pa! Mag tataxi talaga ako pauwi! Di ko kaya to noh! Baka mabaog pa ako ng de-oras.
Ingat na ingat ako sa pagbaba palabas. Nasa kabila pa yung abangan ng taxi kaya maglalakad pa ako ng malayu-layo. Haaay buhay -,-
"HEY!"
Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa abangan ng taxi.
"HEY WAIT!! "
Huh? Ano yun?
Nakarinig ako ng mga yapak na tumatakbo palapit sa akin. Paglingon ko, nagulat ako nung makita ko sya. Si kuyang pogi na naman. *_*
"I think our paper bags switched." Sabi nya agad nang makalapit sakin. Ano daw? Nagkapalit paper bag namin? Pano?
"Huh? Nagkapalit tayo?" paglilinaw ko. Paano nangyari yon? Eh hiwalay naman kami ng counter ah?
"Yeah. Can you put those down? Let me check it." pag uutos niya sakin. Bossy si kuya -,-
Sinunod ko nalang. Tinulungan nya naman ako kanina kaya pagbibigyan ko nalang din. Mukha naman syang mabait eh.
Binaba ko lahat ng dala kong paper bag. Pagkababa ko nun, inabot niya sakin ang dalawang paper bag na dala niya.
"Check if those are yours."
Inabot ko yung mga paper bag at sinilip.
Mga prutas sa isang paper bag at mga noodles naman sa kabila. Hindi naman sakin to eh.
"Hindi sa ak--- "
Pag-angat ko ng ulo ko wala na sya. Hala? Nasan yun?
Hinanap ko sya at nagulat ako nang makita ko siyang tumatakbo na palayo bitbit yung apat na paper bags ko. Aba at magnanakaw pala ang loko!! ><
"HOOOOY!!!" sigaw ko.
Hinabol ko naman sya agad. Pambihira!! Isang buwang sweldo namin yan ni Charm! WHAAAAH!! Lagot ako don! T.T
"OYY MAGNANAKAW!!!!!! BUMALIK KA DITO!!!!" sigaw ko habang hinahabol siya.
Ang bilis niya namang tumakbo! Hindi ako makatakbo ng maayos dahil sa dala ko. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga taong dumadaan awwwsh nakakahiya! ><
"Taxi!" para niya sa taxi na parating. WHAAAAAHHH yung pinamili ko!!! Patay na talaga ako kay Charm!! T_T
Huminto naman ang taxi na pinara niya at sinakay doon ang mga paper bags ko. Pagkakataon ko na to. Bibilisan ko na! WHAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!! \>O</ Humanda ka talaga saking magnanakaw ka!!!!!! NANDYAN NA KOOOOO!!!!
Habang papalapit ako sa kinaroroonan niya, nakita ko naman sya na nakatayo lang doon at parang inaabangan ako.
Aba't nambubwisit ka pa talaga ah!!! GRRRRRRRRH!!!!
Nang makalapit na ko sa kanya, hingal na hingal kong binaba ang mga paper bags na dala ko at napahawak nalang ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga. Mukhang kailangan ko nang mag-jogging ah. Humihina na stamina ko. >~<
"Ang bagal mo naman pala tumakbo hahaha! Sige na sakay ka na. Taxi's waiting."
Pagkasabi nya non, kinuha na niya ang paper bags niya at naglakad na paalis.
O.O Huh?
So... hindi sya magnanakaw? Pinara nya lang talaga ako ng taxi?
Nilingon ko sya habang naglalakad sa opposite direction.
Sino ba yun? B-bakit ang bait niya sakin?
"Miss, sasakay ka ba?"
Bumalik ako sa ulirat ko nang tawagin ako ng taxi driver.
"Ah opo. Sasakay po." sabi ko sabay sakay na.
Pagsakay ko, pinaandar na ng taxi driver yung sasakyan. Nilingon ko sya ulit sa likuran pero wala na sya doon. Baka sumakay narin sya.
Sino kaya yon? Infernes... iba sya ahh.
~~~