CHAPTER FIFTEEN
"P-paano po ba makaalis dito?" Nahihiya kong tanong. Akala ko ay hindi na niya ito sasagutin.
"Hindi ko alam hija. Kung desidido ka talagang umalis, narinig ko na ang sinumang makahanap ng mga mamahaling bato ay matutupad ang kanyang kahilingan, maaari mong hilingin na makaalis rito ng tahimik at nang makasama mo ang iyong pamilya." bahagyang humina ang tinig ng matanda.
May pamilya kaya siya?
Kung makahanap ako ng batong hiyas, maaari kong hilingin na makaalis na ako dito. Pero paano na ang pag-ahon ko sa mga taga lansangan? Babalik na naman ba ako sa dati kong gawain, hindi ko sila maiaangat kung ganoon.
I'm stuck between two choices of what will I wish.
Bakit ba kailangan pang mangyari sa akin ito?
Do I deserve to suffer this much?
"Kumusta ba ang iyong pamilya hija?" Tanong ni Manang Omeng.
I gulped. Should I answer her?
"W-wala na po akong pamilya. Si lola na lamang ang mayroon ako." maging ako ay naguluhan sa aking sinabi, nangungulila ako sa aking lola. Gusto kong masiguro kung ayos lang ba siya.
Inaalagaan kaya siya ni Laura?
Mukhang nagulat ang matanda sa akin. Hindi na ito muling nagsalita pagkatapos ay binitawan na ang kamay ko at saka ito pinagmasdan.
"Madaling maghilom ang iyong sugat. Maya-maya ay bubuti na ang pakiramdam mo. Nabanggit sa akin ni Corinthians na nanggaling ka raw sa gubat ng ilusyon. Anuman ang nangyari sayo roon, sinisigurado kong nasaktan ka dahil sa iyong mga sugat." ani Manang Omeng, why did she suddenly changed the topic?
May problema din kaya siya sa pamilya niya?
"Hindi rin basta basta ang natamo mong sugat. May lason ka sa iyong katawan, nahirapan akong tanggalin iyon. Kinakailangan kitang alisan ng saplot upang tuluyang magamot." ani ng matanda.
I was shocked at the same time relieved. Kaya pala iba na ang damit ko, mabuti na lamang at si Manang Omeng ang nagtanggal niyon sa akin.
"Hindi ko pa matanggal tanggal ang damit mo, kinakailangan ko pa ang tulong ng ibang manggagamot." dagdag pa nito.
May ibang nakakita ng katawan ko?
"Huwag kang mag-alala hija, walang ibang ginoo rito. Agad na umalis si Zavan upang magpulong kasama ang kanyang grupo."
Nakahinga ako doon ng maluwag. It's not like I wanted to, ngunit tingin ko'y wala naman talaga sa aking pakialam ang Prinsipe kahit na anong mangyari.
"Mamayang gabi na ang paghahanap ng mga batong hiyas. Naghahanda na ang grupo ng dalawang Prinsipe ngayon."
Muli akong naguluhan sa sinabi niya. Dalawa ang Prinsipe sa Kaharian ng Eufrata, ngunit ano ang kinalaman nila sa paghahanap ng mga batong hiyas?
"Subukan mong bumangon."
Marami pa sana akong itatanong ngunit sinunod ko na lamang ang utos ng matanda sa akin.
Bumangon ako, hindi naging madali ang pagbangon ko dahil naramdaman ko parin ang sakit. Ngunit habang tumatagal ay nawawala ang sakit, nakakapag adjust na rin ako dahil siguro sa panggagamot nila sa akin.
They are indeed amazing!
I can now stand, and I can now walk. Akala ko'y hindi na ako mabubuhay pa. Ngunit heto at nakakapag lakad na akong muli.
"Dahan-dahan lang. Hindi ka pa masyadong magaling." Paalala sa akin ni Manang Omeng, ngunit hindi ako natinag at naglibot libot sa silid na kinaroroonan ko.
Kung ang batong hiyas na lamang ang paraan upang makaalis ako, kailangan kong sumama sa paghahanap mamaya.
Alam kong masyado nang mataas ang ambisyon ko, ngunit hindi ko mabubuhay ang Unang distrito kung tuluyan akong magiging bilanggo sa lugar na ito.
"A-ano pong gagawin upang makasama sa paghahanap ng mga batong hiyas?" seryoso kong tanong. Sumeryoso ang matanda sa akin, tila nagtatanong kung sigurado ba ako sa aking sinabi. "Mahigit isang taon ang pag eensayo ng grupo para lamang sa darating na Eklips. Ikapapahamak mo lamang ang isipin na iyan." ani ng matanda.
Alam ko.
Alam kong delikado ang lugar na pupuntahan ng grupo, ngunit desidido ako. Kailangan kong maiahon ang unang Distrito. At buo na ang pasya ko, sasama ako sa paghahanap ng mga mamahaling bato. I just need to find a precious stone, then I'm free.
"K-kailangan ko pong makaalis dito."
Napabuntong hininga ang matanda.
"Ayaw kitang payagan na sumama. Kumpara sa pinagdaanan nilang ensayo ay isa ka lamang na damo. Kung nais mong sumama kausapin mo ang mga batang ranggo, labas na ako sa usaping iyan." ani ng matanda at nilisan ang aking silid. Tangina.., ang sakit. Alam kong walang wala ako kumpara sa mga Sorcerers na naririto. Masama ba ang sumubok? Masama ba ang maghangad ng kalayaan, kahit buwis buhay man?
Naiwan ako sa loob ng silid.
Doon ko napagtanto ang kaibahan ko sa kanila. May kakayahan nga ako, ngunit walang wala lamang iyon kumpara sa kanila. Nabubuhay ako, ngunit isa lamang akong damo na inaapak apakan nila sa lugar ng magagandang bulaklak.
I'm still no one, and I don't have a place. Hindi ko alam kung saan ako kabilang, pati sa lugar namin isa lamang kaming salot. Now, I can feel it. I am just a trash.