Download App
11.32% THE SEARCH: Beryl / Chapter 6: 3

Chapter 6: 3

CHAPTER THREE

Peculiar

INIHATID ko si Lola sa bahay nila Laura dahil sigurado akong matatagalan bago kami makabalik. Kaya naman nang makasalubong ko si Laura sa lumang bato na tagpuan namin ay dumeretso na lamang kami sa bahay nila para naman kahit papaano ay masiguro ko ang kaligtasan ng aking lola.

"Mag-iingat kayo ha," paalala ni Ginang Lolita, ang mama ni Laura. "Bumalik kayo dito ng buhay. Lalo ka na Laura anak ha, mag-iingat kayo." dagdag nito bago kami hinayaang umalis.

"Paki-alagaan po ang lola ko pansamantala hanggang makabalik kami." nahihiya kong saad.

"Wag kang mag-alala hija, ako ang bahala." sagot niya. "Nawa'y maging maayos ang trabaho niyo doon, ito kasing si Laura ayaw sabihin saakin kung saan kayo pupunta hindi ko sana papayagan. Ang kaso nalaman kong kasama ka kaya pinayagan ko, mag-iingat kayo doon ha." nag-aalalang dugtong ng ginang.

Nanatili na lamang akong tahimik habang pinagmamasdan ang tahimik kong lola na nakaupo lamang sa loob ng bahay.

Malaki ang tiwala sa akin ng pamilya ni Laura, at ayokong sirain iyon. Paano na lamang kung malaman nila ang mga ginagawa namin?

Life is so cruel. Kailanman ay hindi ito nagbigay ng madaling pagkakataon sa akin.

Do I deserve this?

Nagkaroon muna ng pag-uusap ang mag-ina bago kami tuluyang umalis. Minsan ay naiinggit din ako sa mga nakikita kong pamilya, iyon ang bagay na hindi ko man lamang naranasan.

Bata pa lamang ako ay sina lola at lolo na ang kinilala kong mga magulang. Walang kwento sa akin sina Lola tungkol sa tunay kong mga magulang, maswerte na lamang ako at inalagaan pa ako ng aking Lolo at Lola kahit hindi nila ako kadugo.

I'm living my life to it's deepest sorrow. Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako o mas malala lang ang mangyayari saakin.

"Ang lalim ng iniisip ah. Ang lamig na nga ng gabi ang lamig mo pa."

I suddenly groaned in shocked. Sobrang tahimik kasi ng gabi at bigla na lamang nagsalita si Laura.

"Wala naman, iniisip ko lang kung ano ang magiging kalagayan natin sa Ikalawang Distrito. Alam mo na, bawal doon ang mga tulad ko." malungkot kong wika.

Isa pa sa nais kong iparating sa palasyo ay ang paraan ng pagtrato saamin ng mga tao sa ikalawang Distrito. Dahil ito ang unang gate papuntang palasyo ay bawal makapasok ang mga dukhang tulad ko doon. They think of us as criminals, that's how sad our life is.

"That's why I brought someone to help us, may sasakyan siya kaya naman madali tayong makakapasok sa entrance."

I suddenly heard a loud sound of an automobile at mula sa dilim ay lumabas ang isang lumang sasakyan.

"Marcus?"

"Right! Marcus, may sasakyan siya at siguradong papasukin din siya doon dahil hindi naman sila sobrang hirap—— I mean.."

"Right, you're right. Let's go." I cut her off, alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nahinto. Ngunit ipinahiwatig ko sakanyang maayos lang ako.

Alam ko ang kaibahan ko sa kanilang dalawa, may matutuluyan sila samantalang ako ay sa lansangan lamang.

"Verulia!"

Bati saakin ni Marcus, kumaway ako sakanya bilang pagtugon atsaka sumakay sa likod na bahagi ng kanyang sasakyan. Sumunod naman si Laura nang nakabusangot. But I can still feel her guilt about a while ago.

She's definitely jealous, she just can't say it. Lalo pa't alam niyang nasaktan ako sa sasabihin niya sana kanina.

"Hawak kayo ng maigi, mabilis akong magpatakbo kahit na mabato."

"Pake ko! Mag drive ka nalang!" inis na sagot ni Laura.

I know how she feels. She was not greeted good evening, pati naman siguro ako ay makakaramdam ng tampo.

We yelled ng biglang paandarin ni Marcus ang maingay niyang sasakyan. Muntikan pa kaming mahulog dahil sobrang bilis niya talagang magpaandar.

Laura and I stayed quiet.

Wala ni isa saamin ang nagsalita habang nasa gitna ng biyahe.

"Anong raket doon?" hindi ko napigilang magtanong.

I don't ask questions especially when it comes to a job pero naku curious lang talaga ako kung ano ang tatrabahuhin namin sa ikalawang Distrito.

"Jewelry shop, dinig ko ay nasa bakasyon ang may-ari nito. Wala rin daw nagbabantay doon, galing kasi si Marcus sa lugar na iyon at nakumpirma niya nga ito."

Napabuntong hininga ako. We'll do a risky job again. Ayaw ko na sanang madamay si Laura sa mga ganitong gawain ngunit wala akong nagagawa. Mas mahirap ako kung tutuusin at hindi kami maililigtas ng ambisyon ko.

We're going to steal.

I'm a thief, hindi na bago iyon.

Hindi ito alam ng mga magulang ni Laura, pati narin si Lola. Wala silang alam kung ano ang raket na ginagawa namin, dahil magaling na kaming magsinungaling lalo na ako. Naging buhay ko na ang bagay na iyon, at doon na ako lumaki.

Bagama't nakapag-aral ako at natapos ang High School, hindi sapat iyon sa Eufrata para makahanap at matanggap sa isang marangya at malinis na trabaho. Kaya naman hindi ko naiintindihan si Laura kung bakit hindi siya maghanap ng maayos na trabaho ganoong may pera naman sila.

"Hide, we're on the first gate."

Agad kaming nagtago sa likod ng sasakyan matapos itong sabihin ni Marcus. At dahil madiskarte siya ay agad din kaming nakapasok.

"Stop!"

My heart pound loud nang pahintuin kami ng isang bantay.

"A-anong problema?" bulong ni Laura, halata kong natatakot at kinakabahan siya. But I trust Marcus, alam kong malulusutan niya ito.

"Bakit ser? Gabi na, hinahanap na panigurado ang delivery ko. Masungit pa naman ang amo ko, baka hindi matuwa kapag hindi na mabango ang mga baboy sa likod." dinig kong sigaw ni Marcus.

"Put—"

"Shh." pagpipigil ko sa pagmumura sana ni Laura. Pati ako nakaramdam ng inis sa sinabi ni Marcus ngunit naiintindihan ko siya, sa halip ay napahagikhik na lamang ako.

"Walang problema diyan Marcus, binabalaan lang kita na darating bukas ng maaga ang opisyal sa palasyo. Kapag naabutan ka dito ay baka mapahamak ka. Magpupulong pulong ang mga tao sa sentro, maraming bantay baka mahirapan kang lumabas dito." ani ng guwardiyang pumigil saamin.

I sighed when I realized he's not going to check the back part of the automobile where we are hiding.

"Wag kang mag-alala boss, ako to! Ako ang bahala!" ani Marcus at muling pinaandar ang sasakyan.

Laura and I sighed in chorus. Ang liwanag ng buwan ang siyang tanging nakakapagpaganda sa gabi, dahil hindi ko sigurado kung anong masamang mangyayari ang aabutin namin sa araw ng bukas.

Nagpatuloy ang biyahe hanggang sa makarating kami sa sentro ng Ikalawang Distrito. Tahimik dito at wala nang tao, sa kalagitnaan ng gabi ay wala nang dumadako sa sentro upang mamasyal. Maliban na lamang sa ibang taong may ibang pangangailangan, ang kailangan lang naming gawin ay huwag magpahalata dahil hindi iba ang aming hitsura sakanila.

"Dito."

Sumunod kami ni Laura kay Marcus sa isang madilim at walang taong lugar. Iniwan ni Marcus ang kanyang sasakyan malapit sa Jewelry shop upang madali lamang kaming makatakas. Ngunit nandito kami sa madilim na lugar upang pag-usapan ang mga gagawin.

Ako ang papasok. Si Laura ang magbabantay sa labas, habang si Marcus ang maghahatid sa sasakyan upang maging madali ang lahat. I looked at Laura, ayaw ko na sanang maranasan niya ang mga bagay na ito ngunit hindi namin maiwasan. We are in deep needs, and the palace is not doing anything to help us.

"We should destroy all the Cameras first." saad ko.

Tinakpan ko ang aking mukha at luminga-linga sa paligid.

Isa pa kung bakit magaling ako sa maraming bagay.

I can see things that can't be seen by normal people.

Yes, I am peculiar.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login