MALAMIG man ang simoy ng hangin sa labas ay hindi niyon mapapantayan ang init na nararamdaman ko ngayon. Gabriel's body was extremely closed to me and if it is a sin to breathe this closely with him, I would gladly accept my crime.
Hindi ko man lang napaghandaan ang pagdating niya. Na kahit alam ko sa sarili ko ay dapat magalit ako ay hindi ko nagawa-gawa. The only thing that was stopping me for being angry with him is also my love for him. It's overwhelming and I'm too scared to lit a fire between us. Wala akong kasiguraduhan kong ang pinipili kong tahak na ito ay naayon din kay Gabriel. Bigla ay nagbago ang mga pananaw ko.
"B-babe?" He softly called to me. Halos ikinapitlag ko iyon. Ang boses niya ay baritonong baritono at napakaseryoso, taliwalas sa mga maaaring sasabihin niya ngayon sa akin.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa katawan ko habang nasa likuran ko siya. Hindi ako makapagsalita at mas minabuting hayaan ang sarili kong namnamin ang napakamasaganang yakap niya. His arms were wrapped around my frail body while his brisk legs are surrounding my body too. Hindi ako hinahayaang makawala sa kanya.
Unti unti ay naramdaman kong mas lalong bumaba ang mukha niya sa aking balikat. Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko at para akong sinisilaban dahil sa matinding pagpipigil ng kaba. Parang nakalutang ako sa ulap na may nagbabagang apoy, init na init ako pero hindi nasasaktan. Sa halip ay nakakataba ng puso at napakasarap ito sa pakiramdam.
Nababaliw na talaga ako.
"Ang ganda ng langit, Gabriel." Tanging saad ko sa kanya.
But he didn't say anything. Umuklo lang siya at naramdaman ko kaagad ang mainit na titig niya sa akin. Kahit hindi ako lumingon alam kong titig na titig siya sa mukha ko. Dapat pala ay naghilamos muna ako kanina. Nakakainis tuloy, baka may dumi na ako sa mukha nito.
I then felt his arms embraced me more.
"Babe, please say something. Fuck! Are you mad at me?" Nagsusumamo niyang saad.
Napayuko ako ng wala sa oras.
Kagat ang labing muli akong nag-angat ng marinig siyang dumaing na parang nasasaktan. Nilingon ko siya. My breath hitched when I saw him looking at me intently. Namumungay ang mata at bahagyang nakaawang ang labi. Shit!
This is my Gabriel under the moonlight. Mula pa man noong malaman kong minahal ko na siya ay natutunan ko nang angkinin siya sa paraang alam ko at tinuturing kong tama. Gusto kong sabihin sa kanya ang bagay na iyon pero ayaw kong umabot sa puntong kapag nalaman niya ang totoong saluubin ko ay bigla siyang magbago. Sinungaling ang puso ko kong sasabihin kong hanggang ngayon ay wala pa rin akong tiwala sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na mas nangingibabaw ang pagmamahal ko para sa kanya. He's the risk that I want to consider in my life.
If you will love, you'll eventually learned how to trust because that's the first step.
"Alam mong hindi ako martyr na tao, Gabriel." Panimula ko sa kanya. "Lumaki akong may kakaibang paniniwala sa sarili at isa na doon ang kaya kong kalimutan ang lahat kahit alam ko mang masasaktan ako." Nilingon ko siya.
Nakayuko ang ulo na parang batang pinapagalitan at nagtatago mula sa mahabang pambatang paglilitis.
I inhaled sharply. "What you did to me… hurted my ego." And heart. "At kung sa tingin mo ay tatanungin kita tungkol sa naging asal mo sa akin nitong nakaraang araw ay nagkakamali ka." Mahinahon kong saad sa kanya.
Muli ay natuon ang buong atensiyon niya sa akin. He did really expect me to ask a question, huh?
He groaned inwardly and pulled me closer to his chest. Nag-init muli ang aking likod dahil sa pagkakalapat niyon sa kanyang matigas na dibdib. He said to me earlier that he immediately went down after a long hike. Iniwan na lang niya daw basta sila Rusty roon sa bundok at ang mga kasama nito. Nagtataka man kong bakit ganoon ang pasiya niya ay hindi ako nagsalita. Ang sabi pa niya ay nagalit sa kanya si Rusty pero nang sinabing uuwi siya para sa akin ay bigla siyang pinayagan nito.
Weird.
He then sighed heavily. Abot hanggang panga ang hanging ibinuga niya patungo sa akin, mainit ito at napakabango. Nakakaliyo iyon at nakakawala sa sarili at para akong nalulunod sa masaganang damdamin.
"Hindi kita pinagkakaitan ng karapatan na angkinin ang bawat desisiyong magtanong sa akin, Tamina. Please… I want you to ask me, babe. I know that you were mad at me because I was being an asshole." Sinundan niya pa ito ng malutong na mura na hinayaan ko na lang.
Bahala siyang mabaliw sa kakaisip kung ano ang dapat niyang gawin. Natiis niya ako ng isang araw kaya kailangan ay magdusa din siya.
"You don't have to say such thing to make me ask you a question." Lumunok ako ng sariling laway pagkatapos sabihin iyon. "Sa palagay mo ba ay kong magtatanong ako ay sasagutin mo ako ng walang bahid na kasinungalingan, Gabriel?" Umangat ang mukha ko at kita kong natigilan siya sa sinabi ko.
It pained me so much how my hunch this time didn't disappoint me.
I was right! Nothing is right.
Suddenly, I felt his body tensed.
��You give me the right to ask you but the question is are you sure?" Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga at ang pagtigil ng kanyang haplos sa aking buhok. "Hindi ko ipipilit ang katanungan ko kung maari, Gabriel. Nakikita ko sa iyong mga mata ang iyong pag-aalinlangan. You shouldn't ask me to ask you first when in fact you cannot say it. Hindi ka handa kaya inaaya mo akong tanungin ka upang magkaroon ka ng desisiyong aminin sa akin ang lahat kahit na alam nating pilit lang iyon."
Lumuwag ang yakap niya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon pero hindi niya ako hinayaang makalayo.
Ang mata niya ay titig na titig sa akin at walang balak akong pakawalan pa.
"Do you trust me?" Sa halip na tanong niya sa akin.
Seryoso ang mukha niya at wala akong mababanaag na paglalaro. Halos mangilabot ako ng makitaan ko ang matindi niyang pagtitimpi. Umigting mas lalo ang kanyang panga.
Sa muli ay ngumiti ako sa huli. Ano nga ba ang dapat kung ipangamba pa? Gabriel is here now and that's what matters to me.
"I trust you, Gabriel." Hinaplos ko ang kanyang mukha at bigla ay lumambot ang ekspresiyon niya. Humilig siya sa mga kamay ko at dahan dahang dinama ang haplos ko.
Nang magmulat siya ng mata ay tila natupok ako sa apoy na dulot ng titig niya. His eyes never leave mine.
"Then, you are in a right track." Sabi niya sa akin.
My heart became unknown to its new beat again.
Ginagap niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. Pinatakan niya ito ng mainit na halik na ikinagulat ko.
"Your hands are cold, babe."
Sa halip na mamula sa ginawa niya ay natawa na lang ako. He's changing the topic. He looks overwhelmed at my response. Na kahit ang sagutin ako ay nauwi sa panlalamig ng kamay ko. Ano nga ba ang koneksiyon, ha? Gabriel?
I rolled my eyes. My Gabriel and his naughtiness… Goodness!
"Mabuti at napaamo mo ang mga kaibigan ko." Isa ngang palaisipan sa akin kung bakit nila ako iniwang mag-isa ni Gabriel kahit alam pa nilang may pagtatampo ako sa isang ito.
He smiled confidently.
Sumimangot ako kaya napawi ang kanyang ngiti. "It's a long story, babe." Ipinalibot niya muli ang kanyang braso sa akin at mas hinatak ako papalapit sa kanya.
"Sumusobra ka na, Gabriel. Hindi pa tayo pero kung makaasta ka parang asawa mo na ako. Tsansing ka choy!"
Natawa siya sa sinabi ko. Kitang kita ko kung paano siya yumuko habang nakahilig siya sa aking balikat.
"What I really love the most is your bluntness and vulgarity, babe. Palagi mo na lang akong nababara kapag sumubra o kumulang man ako."
Suminghap ako. "Vulgarity?!" Napamaang kong saad. "At bakit? Hindi ka sanay na makasalamuha ang mga babaeng tulad ko, no?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa kanya.
When I looked at him again, he looks so amused at my reaction. Parang ikinasaya pa niyang may nililitanya ako para sa kanya.
"Babe…" Tawag niya sa akin ng makita ang galit kong mukha. Natatawa siya na parang ewan.
Umirap ako. "Of course! A man like you likes a woman who can offer him a lot of services. Bed or not. You want the submissive one. Kaya siguro ay nagkasama kayo ng Leslie na iyon."
Bigla ay nakita kong napawi ng tuluyan ang ngiti niya. Naging seryoso ang mukha niya at nawala na ang mapaglarong ngiting nakaplastar sa mga labi niya.
"I never touch Leslie if that's what you want to imply. Kahit pa man noong naging magkasintahan kami ay hindi ko siya ginalaw. Maniwala ka man o sa hindi, wala akong ginalaw na babae nang magsimula akong mangako sa iyo." Seryosong saad niya sa akin. Naging malamig ang boses na agad akong kinabahan.
Tama nga ang hinuha ko. Ex nga silang dalawa. Namamangha man ay gusto kong ipagpatuloy ang topic naming ngayon.
"I knew you are still doubting my loyalty towards you, Tamina. My words for now are useless. Ayaw kong mangako na nagbago na ako dahil gusto kong ikaw ang makakita noon." Pumikit siya ng may maalala. "I'm an asshole."
"Yes, I know. You bedded a lot of woman." Mapakla kong saad.
Mabilis siyang nagbuka ng mata. Nahahapong tumitig siya sa akin pabalik. He looks defeated and conquered at the same time.
"And I don't want to make such excuses and pleasantries, babe. Iyon ang nakaraan ko---"
I cutted him off and smile. "And I accept your past, Gabriel." Iniwan ng aking mga mata ang mukha niya at muli ay humarap ako sa langit. "Hindi kita kakamuhian dahil parte iyon ng nakaraan mo. I wanted to be reasonable---"
He groaned. Problemado pa siya, ha?
"Fuck that word!" Bahagyang taas boses niyang sagot. "I don't want to ask you to be reasonable just to accept me and my past, babe. Ayaw kong maging gago at ipaunawa sa iyo ang mga walang kwentang bagay na iyon sa nakaraan ko. What matters to me the most is us."
Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. How such a playboy like him makes me fall hard like this?
"I want us in the future that I dream of."
"And what is that future?"
He leaned closer and kissed me on my cheeks.
"Future husband and wife." He whispered.
Natawa ako kahit man umaagos ang saya sa puso ko.
"Isisingit ko rin si little Gabriel Zegarra Jr."
Tuluyan na akong natawa sa mga sinabi niya. "Advance ka mag-isip masiyado. Hindi pa nga kita sinasagot, Gabriel."
He just chuckled at my response. "You think I wouldn't notice that, babe?"
Kinabahan ako kaagad kaya hindi ko siya malingon lingon.
"A---anong pinagsasabi mo?"
Hinayaan ko siyang pumwesto sa balikat ko habang ako ay parang estatuwang nag-aabang nang sasabihin niya.
"You'll going to say yes tonight." Determindo niyang saad.
I smiled. "Paano mo nahulaan?" Tila inosente kong saad kaya siya naman ngayon ang natigilan sa tanong ko.
Gabriel cursed when he let go of me. Lumayo siya ng kaunti at tila hindi makapaniwala na ginatungan ko ang biro niya. Tama na ang drama! Mahal ko siya at iyon ang mahalaga.
"What just the fuck did you say?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
Tumayo ako at nagpagpag ng bestida.
"Sinasagot na kita, Gabriel." Kita ko ang bahagyang pag-awang ng kanyang labi at paglaki ng kanyang mata.
Tinalikuran ko siya kaagad. Ayaw ko munang makipaglandian ngayon. Kailangan na din kasi niyang umuwi dahil malalim na ang gabi at baka pinapahanap na siya ng Donya. Galing pa naman din siya ng bundok at wala pa sigurado itong pahinga.
"Umuwi ka na, babe!" Sigaw ko sa kanya bago ako pumasok at iniwan siya doon na nakatunganga at hindi pa rin nakaalma.
Nang makapasok ay halos atakihin ako sa puso dahil sa kaba. Napahawak ako sa sariling dibdib at dinama ang tibok niyon. Hindi na ito magkandaugaga at masiyadong masakit na pero napakasaya sa pakiramdam.
Shiiiiiitttt! May boyfriend na akooooo!
At isa pa, hindi na ako makiki-sana all! My God! I can't still believe it!
"Sana all!" Biglang sigaw ni Mhel sa tabi ko na ikinapitlag ko.
Napahampas ako sa kanya. "Mhel!"
Pinandilatan niya ako. "Aray ko, Tam!" Himas niya sa puwet niyang natampal ko. Ngumuso siya sa akin na parang bata. "Ang sakit, ah! Lakas talaga makasampal nang may bagong boyfriend." Irap niya sa akin bago kinuha ang kanyang gatas sa round table at tinalikuran ako.
Namumula man ay tinanong ko siya. "Nasaan si Eli at Nanay?"
Nilingon niya ako. "Tulog na!" Walang gana niyang saad.
What! Anong oras na ba?
"Teka nga! Kanina ka pa ba nakikinig sa amin?" Hindi ko mapigiling hindi paningkitan ng mata si Mhelani na ngayon ay mukha nang uod na binudburan ng asin habang lumalapit ako sa kanya.
Kaagad siyang umiling. "Wala akong narinig, Tam." Kaagad niyang sabi. Ngumiti pa siya sa akin at nag-peace sign. "Wala talaga akong narinig na tinawag mong 'babe' si Gabrie, ay! At yong mga reasonable reasonable chu chu na iyan!" Sabi niya at mabilis akong tinalikuran at malalaking hakbang na tinungo ang kwarto.
Napatampal ako sa sariling noo.
Mhel, anong gagawin ko sa iyo?
Panigurado ay magkakalat ng tsismis iyan kay Nanay at Elizabeth bukas.
Ginulo ko ang buhok ko at pagkatapos ay pinakiramdaman ang paligid nang bahay.
Shit!
Nakauwi na kaya si Gabriel?
Akmang lalabas ako para suriin siya sa garden nang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko kaagad ang text at halos mangisay ako na parang kalansay.
Gabriel:
Don't send me off like that again, babe. You really caught me off guard. Humanda ka sa akin bukas. You'll pay bigtime!
Nanginginig ang kamay kong pumindot ng letra pero wala ni isang salita ang lumabas sa isipan ko.
Before I could think again another text pop up in my cellpone's screen.
Gabriel:
You are really my girlfriend now! I'm still high though. Your charm is really an enough dosage to knock me off, babe.
Gabriel:
Fuck! Sorry, babe. I sounded so gay.
Gabriel:
Are you asleep now?
Gabriel:
Tinulugan mo na nga ako!
Gabriel:
Babe…
Gabriel:
Girlfriend ko…
What the!
Makalipas pa ang ilang minuto ay nagtext na naman siya.
Gabriel:
I'm home now. Goodnight, babe.
Gabriel:
I treasure you the most!
Sa dami ng sunod sunod niyang text ay wala ni isa akong nareplayan. Napilay ata ang mga kamay ko dahil sa kilig na nararamdaman.
Diyos ko! Patnubayan niyo po sana ang puso ko!
"Tam, tulog tulog din pag-may time!" Mhel interrupted.
Agad napawi ang ngiti ko. Hindi pa pala pumasok sa kwarto ang babaeta. At inabangan pa talaga ako habang pinipicturan ang mga nagiging reaksiyon.
"Mhel!!!!" Sa maliit at timping boses kong tawag sa kanya.
Mahina siyang humahalakhak at sa wakas ay pumasok na nga siya ng kwarto.
How I wish I could turn Mhel into a bat?