Download App
39.39% LANTIS (COMPLETE) / Chapter 13: 11

Chapter 13: 11

"WAKE up."

Ano'ng nangyayari kay Lantis? Hindi ba siya nito naririnig? Natutulog ba ito? Pero ang sabi nito, hindi natutulog ang mga espiritu. Kung natutulog man ito, paano niya ito gigisingin? Kanina pa niya tinatawag ang pangalan nito ngunit nanatili itong nakahiga ro'n, hindi kumikilos.

Patay na ba ito?

Gaga, kastigo ni Ember sa sarili. Espiritu na nga 'yan, eh.

Lakas-loob na inilapit ni Ember ang kamay sa pisngi ni Lantis. Sinampal niya ito ngunit tumagos lang iyon. Umandap ang katawan ni Lantis gaya ng usual na nangyayari kapag nagkakaroon ito ng contact sa mga solidong bagay.

"Hoy, Lantis, ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Nag-pa-panic nang sabi niya. Natatakot siya. Hindi naman iyon ang unang beses na may weirdong nangyari kay Lantis. Nakaraan ay isang oras itong naglaho sa paningin niya at bigla na lang nag-materialize sa passenger seat ng pick-up. Wala itong ideya kung ano ang nangyari dito. Pagkatapos no'n ay maghapon itong tahimik sa isang sulok ng tindahan niya, halatang may gumugulo sa isip dahil hindi nawala-wala ang gatla sa noo.

Ngayon ay ang weird-weird na naman nito. Feeling niya, unti-unti nang tinatawag ng mundong kinabibilangan nito si Lantis. The thought made her heart heavy. Hindi ba dapat ay matuwa siya—para sa sarili at para dito? Bakit tila yata may isang bahagi niya ang labis na nagpoprotesta?

"Lantis! Gising!" sigaw niya ulit.

Kanina nang magising siya, napansin agad niya ang absence ng binatang multo. Usually kasi, nadaratnan niya ito sa kusina, naka-lotus position sa breakfast counter, sa tabi nito ay naroon si Fujiku. She always found them staring expectantly at the stairs. Kapag nakita na siya ng mga itong pababa, excited na kakahol si Fujiku, ngingiti naman si Lantis at babatiin siya ng "Magandang umaga!"

Pero kanina, pagbaba niya, wala si Lantis, wala rin si Fujiku. Nakita niya si Fujiku sa pinto, kinakalmot-kalmot iyon. Gusto nitong lumabas. At nang buksan niya ang pinto, tumalilis agad ang aso. Sinundan niya ito. NaKita niya si Fujiku na huminto sa halamanan sa ilalim ng terrace, kinakahulan ang sariling anino. Hindi niya agad naKita si Lantis na nakahandusay sa lupa dahil mataas ang sikat ng araw sa gawing iyon. And Lantis looked so pale, almost translucent. Ganoon ang ine-expect niyang hitsura ng isang multo.

Yumukod si Ember hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila ni Lantis. "Open your eyes, Lantis..." Muntik na siyang mapa-Hallelujah! nang makitaang gumalaw-galaw ang mga talukap ni Lantis. Umungol ito, pagkatapos ay dahan-dahang nagmulat. Naghinang ang mga mata nila at parang gusto niyang yakapin nang mahigpit si Lantis. He's fine! He's alive—este, he's awake!

Bumangon si Lantis, tinitigan nang mataman ang mukha niya. Kapagkuwan ay nagsalubong ang mga kilay nito, tila naguluhan. "Yngrid?" usal nito.

Nangunot ang noo ni Ember. Nagkamali ba siya ng dinig? Bakit ganoon makatingin si Lantis? Na para bang noon lang siya nito naKita. Na para bang hindi siya nito nakikilala.

"Ember. Ako si Ember."

"Where's Yngrid?" Luminga-linga ito sa paligid. Tumuon ang mga mata nito kay Fujiku. Tila hindi rin nito nakilala ang aso niya.

"S-Sino si Yngrid?"

Naging isang manipis na linya ang mga labi ni Lantis nang ibalik ang tingin sa mukha ni Ember. "Ember," anito. Napangiti siya dahil sa magkahalong relief at tuwa. Kilala pa rin siya nito. "Yngrid's my girlfriend." Nabawasan ang ngiti sa mga labi niya, tila may sumaklot sa puso niya.

"And we're getting married."

Nabura na nang tuluyan ang ngiti sa mga labi ni Ember, bumaon ang mga kuko ng kamay na nakadaklot sa puso niya. She felt her heart bled but why?

****

"WE NEED to find her, Ember. Sigurado ako na siya ang unfinished business ko."

Pumanhik si Ember sa hagdan, nakasunod sa kaniya si Lantis na maputla pa rin. Pasado alas otso na iyon nang umaga, late na late na siya sa pagbubukas ng LACE ngunit hindi iyon ang dahilan kaya naaaburido siya. Naiinis siya sa sarili dahil naiinis siya kay Lantis na kanina pa bukam-bibig si Yngrid, his betrothed. Naaalala na nito ang babae, ang ilang impormasyon tungkol dito. Naisulat na niya iyon sa notepad, naitupi na into paper airplanes at naihulog na sa loob ng jar—ang Lantis's Memoirs.

Gynecologist si Yngrid at may clinic sa Makati. Maganda, matangkad, matalino, may maliit na nunal sa ilalim ng kanang mata, kulay brown ang mahabang buhok na laging naka-chignon style, puti at dilaw ang paboritong kulay at mahilig sa romance paperbacks. And oh, she always smelled of lavender and chamomile. Lantis loved those scents, ayon dito. Ano ba ang amoy ng lavender at chamomile?

Malay ko! Sampaguita, ilang-ilang at rosal lang ang mga bulaklak na alam niya ang amoy.

"Are you listening to me?" Humarang sa harap ni Ember si Lantis. Naroon na sila sa tapat ng silid niya. Translucent pa rin ang katawan nito, nakiKita niya ang mga bagay-bagay sa likuran nito.

"Oo, nakikinig ako."

"Why are you frowning?"

"Because I'm not smiling?" Lihim niyang pinaikot ang mga mata.

"May problema ba?" Halata ang concern sa boses ni Lantis. "Are you mad at me? Dahil ba hindi Kita agad nakilala kanina? 'Told you I was disorient—"

"No, hindi ako galit. Excuse me, kailangan ko nang maligo. Ako ang nakatoka na magbubukas ng LACE ngayon at super-duper late na ako." Hindi niya ito hinintay na tumugon o bigyan siya ng daan. Sinagasaan niya ito. Nanginig pati mga ngipin niya nang maramdaman ang lamig ni Lantis. Narinig niya rin na napasinghap ang binata. Nasabi na nito sa kaniya minsan na kapag tumatagos ito o may tumatagos ditong solidong bagay, naapektuhan ito no'n. It's as though he received a mild electric shock daw.

Agad naghubad si Ember at pumasok sa banyo. Habang nagsasabon, ang isip niya ay nasa nobya ni Lantis. Yngrid dela Paz, a gynecologist. Kung hindi namatay si Lantis, magiging Yngrid dela Paz-Arcanghel ito, a gynecologist and a wife. Malamang na kasal na ang dalawa sa mga panahong iyon o may isa nang anak. Ano na ang ginagawa ni Yngrid ngayon? Nasaan na ito? Was she still grieving? Or had she moved on? Ito raw ang unfinished business ni Lantis. Paano niya matutulungan ang binata na gawing finished ang unfinished business na 'yon?

Baka nga nagluluksa pa rin si Yngrid. Baka gaya ng mga nawalan sa buhay, nakalugmok pa rin si Yngrid sa nakaraan kung saan kasama nito si Lantis. Na hindi nito kayang bumitaw. Nabuhayan si Ember. Iyon na nga marahil iyon. Iyon ang dahilan kaya naroon pa rin si Lantis, dahil nakahawak pa rin dito si Yngrid. Kailangan nilang ipaunawa kay Yngrid na dapat na itong bumitaw para sa ikatatahimik nito at ikatatahimik ng espiritu ni Lantis.

Kung kanina, inis ang pumupuno sa dibdib ni Ember, this time ay pagkahabag na. Nauunawaan niya ang kalagayan ni Yngrid. She'd been through that road before when her parents died. Kung hindi dahil kay Antonia, baka naka-stuck pa rin siya ro'n. O baka sumunod na rin siya sa mga magulang niya. She and Yngrid had something in common. Pareho silang nawalan ng minamahal dahil sa sunog. Maybe that's the reason why she met Lantis.

"Yes," aniya, biglang naging determinado. Pinatay niya ang shower. "That was i—eeek!" Malakas na tumili si Ember, napaatras at muntik nang madulas sa basang tiles kung hindi lang siya nakakapit agad sa support bar na nakakabit sa dingding ng banyo.

"I'm sorry!" shock na sabi ni Lantis na bigla na lang lumitaw sa harap niya.

"'Di ba sinabi ko na sa'yo na—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi. Malakas siyang napasinghap at napatingin sa ibaba kung saan nakatutok ang mga mata ni Lantis. He was gawking at her wet and naked body! "B-Bastos! Walanghiya! Stop looking at me!" Hindi niya namalayan na pinagbabato na niya si Lantis ng kung anu-ano—bote ng shampoo, ng feminine wash, ng sabon, pang-ahit, pati ang bra niya na hinubad kanina ay inihambalos niya rito.

Umatras ito nang umatras. "I'm sorry—I-I didn't know how I ended up here...dammit!"

"LABAS!" Hinablot niya ang tuwalya at ibinalabal sa katawan. Kinuha niya ang toilet pump saka iyon iwinasiwas sa mukha ni Lantis. Nagusot sa pandidiri ang mukha nito.

"Stop it, Ember!" Umatras ulit ito ngunit hindi pa rin lumabas ng banyo.

"I told you to get out! Out!"

"I know, I know—Jesus! Ilayo mo nga 'yan!" Tukoy nito sa toilet pump na ilang pulgada ang layo sa ilong nito. "I can't get out, okay?"

"Anong you can't get out?"

"Hindi ako makalabas."

"Tinagalog mo lang!"

"I mean I can't get through." Bakas ang matinding frustration sa mukha nito. Humarap ito kapagkuwan sa pinto at inilapat ang mga kamay ro'n. Sa pagkamangha niya, lumapat ang mga palad ni Lantis sa pinto. Bumaba ang isang kamay nito patungo sa doorknob. Nahahawakan din nito 'yon! Pinihit-pihit nito 'yon, kinalampag. "And your knob isn't working."

"OMG," usal niya, lumapit kay Lantis, binitiwan ang toilet pump. Agad niyang nakalimutan ang pagwawala. "Paano nangyari ito?"

"I don't—" Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang ipatama niya ang palad sa pisngi nito. Malakas uli siyang suminghap, manghang-mangha.

"Oh my siomai! I can even touch you!"

"I call that slapping, lady," madilim ang anyong sabi nito.

Inignora niya ito. Hinaplos niya ang mukha ni Lantis, malamig pa rin iyon ngunit hindi na tumatagos ang kamay niya sa balat nito. Hindi na rin ito umaandap na parang sirang bombilya. Hinawakan niya ito sa mga balikat, pinisil ang biceps, hinaplos ang dibdib, ang tiyan...ibinalik niya ang mga kamay sa ulo nito at pinasadahan ng mga daliri ang buhok nito. God, she's right! Ang lambot-lambot nga ng buhok nito. Mas malambot pa sa buhok niya.

"This is amazing! Bakit Kita nahahawakan? Hindi ka na multo?"

"Hindi ako multo. I'm a—"

"Phantom, yes, whatever." Pinaglakbay uli niya ang mga kamay sa mukha at katawan ni Lantis, pinisil-pisil ang balat nito. The man's body was magnificent—muscular and fit and powerful. His skin was cold but smooth. Huminto sa dibdib nito ang isang palad niya. Bahagya siyang nadismaya sapagkat wala siyang naramdaman na pintig doon. He was still what he was—a dead man.

Natigilan siya nang marinig na umungol ang binata. Nang tingnan niya ito sa mukha, naKita niya na tikom na tikom ang bibig nito at madilim ang mga mata. Tuwid na tuwid din ang pagkakatayo nito, parang estatwa habang nakatingin sa kung ano sa likuran niya. Lumingon siya, ang dingding at rack na lalagyan ng toiletries lang ang naroon. "Ano'ng nangyayari sa'yo?" Pinasadahan niya ito ng tingin.

"Don't look down," tila hirap nitong sabi.

"Bakit?" Tumingin siya sa ibaba at nasagot ang sariling tanong.

First, she saw the towel on her feet. Umangat pa ang mga mata niya, awtomatikong natuon ang mga iyon sa sentrong bahagi ng katawan ni Lantis. Paanong hindi? That part of his was screaming in attention. Mukha iyong tent.

Tuluyang nag-sink in sa kaniya ang sitwasyon. She was naked again in front of Lantis and he was having a hard on! Pakiramdam ni Ember ay binuhusan ang mukha niya ng mainit na mainit na tubig.

"Balahura!" tili niya, dinampot ang tuwalya at itinulak sa mukha si Lantis. "Multo ka na nga, manyak ka pa!" Kinalampag niya ang doorknob hanggang sa marinig niyang mag-click ang lock.

"Ikaw ang kanina pa pisil nang pisil, tapos ako ngayon ang manyak?"

"Tse!" irap niya rito. Agad siyang lumabas ng banyo at pabalibag na isinara ang pinto matapos balaan si Lantis na huwag lalabas hanggat nasa silid pa siya.

Pulang-pula ang mukha ni Ember nang humarap sa salamin. Naglalaro pa rin sa isip niya ang nasaksihan sa katawan ni Lantis. IpiniLantis niya ang mga mata at sunod-sunod na ipinilig ang ulo.

Paano nangyari iyon? Bakit nahahawakan na niya si Lantis? At bakit affected na affected ito ng mga haplos at ng katawan niya?

Ganoon ba ako ka-irresistible? Patay na, nabuhayan pa?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login