Download App
63.41% Saki's One Shot Stories / Chapter 26: Chapter 26: 14 Days Left

Chapter 26: Chapter 26: 14 Days Left

LIMANG taon na pala ang nakalipas simula no'ng inilayo si Maria sa'kin ng kanyang mga magulang. Tatlong taon na kaming magkarelasyon ni Maria at alam ng panginoon kung gaano ko siya kamahal

Pero mukhang hindi nga kami para sa isa't-isa. Dumating ang oras na nalaman ng mga magulang ni Maria na may relasyon kami—at nasaktan ako sa narinig ng sinabi ng mga ito na bakit pa siya pumasok sa isang relasyon na ikakasal na pala siya.

"Maria! Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko? Ayaw mo ba talaga akong sundin?!" Pangaral ng ama nito sa kanyang anak

"I'm so sorry Dad, pero hindi ko mahal si Albert. Ayokong matali sa kanya Dad! Mahal ko si Jusmel—" Sagot naman ni Maria

"Mahal mo ang isang 'yan!" At itinuro pa ako

"Kaya ka bang buhayin ng lalaking 'yan Maria? Gamitin mo ang utak mo h'wag mong pairalin ang puso mo!" Bulyaw nito kay Maria

"Sir, hindi naman po tama na diktahan niyo si Maria. Kaya na niya ang sarili niya marunong na siyang magdesisyon para sa sarili niya—" Singit ko at itinago si Maria sa aking likuran

"Hoy ikaw ah, h'wag kang maki-alam dito! Usapang mag-ama 'to! Umalis ka sa pamamahay ko!"

DAY 1—

Ito ang unang araw na inilayo si Maria sa'kin. Wala man lang akong nagawa, kapwa sunod sunuran ang babaeng mahal ko sa mga galaw ng galamay ng kanyang mga magulang

"Maria, mahal mo naman ako 'di ba? Sumama ka na sa'kin! Magtanan na tayo—" Pamimilit ko kay Maria sumama lang siya sa'kin

Tingin naman ng tingin si Maria sa kanyang likuran at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang kamay

"Jusmel, hindi pwede. Kung gagawin natin ang gusto mo tiyak na magagalit si Daddy at Mommy sa'kin lalo na sa'yo—hindi mo alam kung anong kayang gawin nila baka ipapatay ka nila!" Mahinang pagkakasabi naman ni Maria

"Maria—"

"Maria? Tulog ka na ba, Maria?" Awtomatikong napalingon sa likuran si Maria ng marinig nitong tinawag siya ng kanyang ama

Tumingin naman si Maria sa'kin na nangungusap ang mga mata

"Sige na umalis ka na! Alis na!" Pagpapa-alis sa'kin ni Maria at tinulungan pa akong makababa sa bintana

"Akala ko ba ay tulog ka na?" Naniningkit ang mga matang tinanong si Maria ng kanyang ama

Palihim  naman na pinahiran ni Maria ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata

"Matutulog na sana ako Dad. Kagagaling ko lang sa C.R—" Pagsisinungaling niya

"Ah, talaga ba sige matulog ka na" At lumabas na ito ng kanyang kwarto

Napabuntong hininga na lang si Maria at palihim na umiyak

Hindi niya talaga gusto ang ginawa sa kanya ng kanyang ina at ama. Paano ba ng mga ito nagawang ipagkasundo siya sa taong hindi niya naman gusto, speaking of Albert. Negosyante daw ito sa murang edad ni Albert ay nakapagpatakbo na ito ng iilang kompanya sa ibang bansa

Kaya gustong gusto ng mga magulang niya si Albert para sa kanya. Pero paano naman siya hindi niya kakayaning makasama ito lalo na't hindi niya naman ito kilala

"Kumustang tulog mo?" Pangungumusta ng mga magulang ni Maria sa gabi niya

"Okay lang naman po—" Nakatungo niyang tugon

"Mabuti kong ganoon, nga pala Albert wants to meet you Maria kaya umayos ka kapag kaharap mo na siya. Naiintindihan mo ba ako?" Ito na naman ang pagiging ma awtoridad ng kanyang ama

Gusto sanang umangal ni Maria pero hindi niya magawa, ang pinaka ayaw niya sa lahat is 'yung nagtatalo sila about sa kasal na magaganap

DAY 2—

"Ito pala ang anak ko si Maria, Maria siya si Albert ang sinasabi ko sa'yo—" Pagpapakilala ng ama ni Maria sa kasosyo nito sa negosyo

Tiningnan naman ni Maria ang sinasabing Albert at sa pisikal pa lang na panlabas nito ay hindi na niya ito gusto

Oo nga at nagsusumigaw ito ng karangyaan base sa pamumuhay nito. Masasabing isa talaga itong successful na tao

"Ako nga pala si Albert," Pagpapakilala nito at inilahad ang malaking kamay

"Maria—" Maikling sagot nito at tinanggap ang pakikipag kamay

Naramdaman naman ni Maria na pinisil ni Albert ang kamay niya at sisinghalan na niya sana ito ng maalala ang sinabi ng kanyang ama

Umayos ka....

Agad naman niyang binawi ang kamay nitong hawak hawak pa din ni Albert.

"So parang nagkamabutihan na naman kayo, it's better to talk about the wedding...."

"Kumustang araw mo sa bahay niyo—" Pangungumusta ko sa nobya kong si Maria

Napabuntong hininga muna siya bago ako sinagot

"Walang maganda sa araw ko Jusmel, alam mo bang pumunta sa bahay si Albert kanina at hiningi na ang kamay ko? Gusto kong tumutol pero hindi ko kaya, natatakot ako Jusmel. Natatakot akong baka itakwil ako ni Dad—" Tugon naman ni Maria at nagsimulang umiyak

Niyakap ko naman siya at hinagod ang kanyang likuran

"H'wag kang mag-alala Maria, ipaglalaban kita sa mga magulang mo. Kahit anong gawin nila ipaglalaban kita—ganoon kita kamahal kaya tahan na, h'wag ka ng umiyak." Pagpapatahan ko sa kanya

Kapag sinabi kong ipaglalaban, ipaglalaban ko talaga. Pero mukhang mahirap kalabanin ang pamilya ni Maria—sa pamamagitan lang ng bakod na itinayo nila para hindi ako makalapit sa anak nila ay nahihirapan na ako paano pa kaya pag hinarap ko pa sila

"Jusmel, magsama na tayo. Ayoko na sa bahay namin. Hindi ko kayang sikmurain ang mga pinag-uusapan nila Mom at Dad—gustong gusto talaga nila akong ipakasal kay Albert." Sabi nito at hinawakan ang dalawang kamay ko

"H'wag kang mag-alala mamayang gabi ay pupuntahan kita sa inyo. Kukunin kita at ilalayo sa mga magulang mo" Sagot ko naman at niyakap siya

Sobrang saya ko na pumayag na si Maria na sumama sa'kin, ilang beses ko din siyang pinilit at ilang beses niya din iyong pinag-isipan at sa wakas ay pumayag na siya sa suhestiyon kong pagtatanan

Alas onse ng gabi ay nakatayo na ako sa harap ng mataas na bintana ni Maria inaabangan siya sa pagbaba doon

"Maria, bilisan mo—" Mahinang tawag ko sa kanya at tumingin tingin sa paligid

"Sandali na lang Jusmel, inaayos ko pa ang mga gamit ko..." Sagot naman ni Maria

Nakita kong una niyang inilabas ang travelling bag at inihagis ito para masalo ko

Tapos siya naman ang sumunod, todo kapit siya sa kumot na kanyang idinugtong dugtong para gawing lubid. Nang makababa na siya ay sabay kaming tumakbo patungong pader na ubod ng taas

"Sa gate na lang tayo dumaan Jusmel—" Ungot ni Maria

"Hindi pwede, may mga guards do'n at baka mahuli tayo." Sagot ko naman at nagsimulang umakyat sa mataas na puno

"Pero Jusmel—"

"Sige na Maria, umakyat ka na dito." Tawag ko sa kanya at inihagis ang kanyang maleta sa labas

"Sigurado ka bang ligtas tawirin ang pader na 'to. Para kasing ano mang oras mahuhulog ako sa maling tapak lang ng mga maliliit na sanga." Bulong ni Maria at tiningnan ang lupa

"H'wag kang matakot Maria nandito lang ako palaging nakabantay sa'yo—" Pagpapagaan ko ng loob niya at inalalayan siya

DAY 3—

Masaya kaming nagsama ni Maria sa isang lugar na malayo sa siyudad at inaamin kong naninibago siya, nangayayat siya at medyo umitim ang kanyang malaporselanang balat pero hindi basihan sa kanya ang kahirapan para sumama sa'kin

"Jusmel, kakain na tayo—" Nakangiting tinawag ako ni Maria na kakatapos lang magluto

"Sige, susunod ako." Sagot ko naman at ipinagpatuloy ang pagsisibak ng kahoy

Nang makapasok ako sa loob ng kubo ay nanuot sa ilong ko ang niluluto niyang adobo ang paborito ko

"Maupo ka na kakain na tayo—" Pag-aalok ni Maria sa akin at pinaghugot  pa ako ng upuan

Kumuha naman ako ng kutsara at sumandok ng sabaw sa niluto niya nakita ko pang lumunok siya at parang kinakabahan sa anumang reaksiyon ko

"Masarap ba?" Nakangiwing tinanong ako ni Maria

"O-oo naman, syempre ikaw ang nagluto eh—" Bulalas ko at pinanatiling nakangiti ang mukha habang nakatingin siya sa'kin

Hindi kasi siya marunong magluto dahil mayaman siya at may kusinira sila sa bahay nila. Nang malaman kong wala siyang talento sa pagluluto ay nagboluntaryo akong turuan siya at masasabi kong hindi pa siya gaanong mahasa sa pagluluto

"Thanks God! Akala ko hindi masarap, tinikman ko naman ito kanina pero mukhang nasobrahan yata sa toyo—"

Ahh kaya pala

Napa-isip ako bigla, paano kung hinahanap na si Maria ngayon. At paano kung umabot na kung saan saan ang mga magulang niya

"Maria, paano kung hinahanap ka na ngayon ng mga magulang mo. Anong gagawin mo?" Nakita kong natigilan si Maria sa biglaang pagtanong ko sa kanya

"Bahala na, basta ang importante ay nakasama kita—" At nginitian ako ng sobrang tamis

DAY 4—

"Jusmel! Tingnan mo oh ang ganda!" Namamanghang bulalas ni Maria

"Ang alin?" Sagot ko naman at nilapitan siya

"Ang ganda talaga—" Parang nahihipnotismong saad ni Maria at hindi magawang ikurap ang mga mata

Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin at napagtanto kong ang sunset pala ang tinutukoy niya napakaganda nga niyon at kay sarap pagmasdan habang unti unting lumulubog

"Maria, masaya ka ba na kasama ako?" Tanong ko sa kanya na ikinalingon niya sa'kin

"Oo naman! Sino bang hindi masaya, masayang masaya ako na nakasama kita at hinding hindi ako nagsisisi na sumama sa'yo. Mahal kita Jusmel at paninindigan ko iyon...." Puno ng pagmamahal na tugon nito at niyakap ako sa bewang

Hinalikan ko naman ang ulo niya at napapikit na lang ako ng mariin alam kong pagdating ng tamang panahon ay maghihiwalay na ang landas namin

At hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang oras na mawawala siya sa piling ko. Iniisip ko pa lang na mangyayari 'yun ay mababaliw na ako

DAY 5—

Panglimang araw na ngayon na nakasama ko si Maria at hindi ko maiwasang maging masaya sa pag-iiba niya, kung dati ay hindi siya marunong magluto ngayon ay madali na lang sa kanyang gawin ang mga gawain ng pagiging kusinira. Kung dati ay nakakabasag siya ng mga pinggan at baso ngayon ay madali na lang niya itong nahuhugasan—ng dahil sa nakatira siya sa bundok kasama ako ay natutunan niya na ding magtrabaho ng gawaing panglalaki

Katulad na lang ng magsibak, maglagari, at mag-igib ng tubig sa malayong malayo sapa

"Okay ka lang ba Maria, parang nawalan ka yata ng energy diyan?" Nag-aalala kong tanong at hinawakan ang noo niya

"Ang init kasi hindi ko kinaya, parang anumang oras mahihimatay ako—" Palatak nito at nagpaypay gamit ang takip ng Tupperware

"Magsabi ka lang kong nababagot o napapagod ka ng tumira dito ah, iuuwi na kita sa inyo." Tugon ko at pinunasan ang noo at leeg niya kung saan may namumuong pawis

Hinawakan naman niya ang braso ko na ikinatigil ko sa pagpupunas ng kanyang leeg

"Ayaw mo bang nandito ako? Kasi kung ako ang tatanungin ayaw ko ng umuwi sa'min, mas gustuhin ko pang manatili dito kahit nakakabagot na, mas pipiliin kong manatili dito makasama ka lang kaya walang sapat na rason ang salitang boring o nagsasawa...." Rason ni Maria na ikinahinga ko ng maluwag

Akala ko ay gusto na niyang umuwi at baka nahihiya lang magsabi, pero nagkamali pala ako ng pagkilala sa kanya

DAY 6—

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday. Happy birthday Jusmel—" Kanta ni Maria at sinindihan ang kandilang nakatarak sa isang chocolate cupcake

"Happy Birthday Jusmel, sana ay masaya ang araw mo ngayon na kasama ako—" Naluluhang tugon nito at tumawa

"Syempre, masaya talaga ako at wala na akong mahihiling pa—ang gusto ko sana ay manatili kang panghabang buhay sa piling ko pero mukhang malabo iyong mangyari sa sitwasyon natin ngayon...."  At ngumiti ng bakas sa aking mukha ang lungkot

"H'wag ka ng malungkot Jusmel, pangako mananatili ako sa tabi mo—kahit anong mangyari dumaan man ang napakaraming bagyo mananatili at mananatili pa din ako sa'yo. Pangako 'yan" Bulalas ni Maria at niyakap ako ng sobrang higpit iyong tipong ito na ang huling pagkakataon na mayakap ko siya

Hindi na lang ako sumagot sa halip ay niyakap ko na din siya pabalik

DAY 7—

"Siguro kung hindi ako sumama sa'yo, ano na kaya ang nangyari sa'tin..." Mahinang pagkakasabi ni Maria at sumandal sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang bukiring maraming palay

"Hindi ko alam. Siguro ay hindi na kita nakikita ngayon...." Malungkot ko namang tugon at hinaplos ang buhok niya

"Ang saklap lang 'no? Bakit ba kasi ang unfair ng mundo—"

Oo nga naman napaka unfair nga talaga ng mundo kung may kaya siguro ako sa buhay ay may pagkakataon pa siguro akong hingin ang kamay ni Maria sa mga magulang niya

Kung pinagpalad sana akong kagaya ni Albert ay hindi sana ako mahihirapan ng ganito. Pero ano nga ba ang magagawa ko, isa lamang akong hamak na tao at walang magawa sa oras na tuluyan ng mawawala si Maria sa mga kamay ko

Siguro ay dapat paghandaan ko na ang mga pangyayaring 'yon. Dahil alam ko na pagkatapos nitong mga masasayang araw na kapiling ko si Maria ay mawawala at mawawala din siya—at hindi na muling babalik sa piling ko...

"Oh? Bakit ka yata natahimik diyan?" Nakatingalang tinanong ako ni Maria habang nakasandal pa din siya sa dibdib ko

"Wala, iniisip ko lang kasi na napakaswerte ko na ikaw ang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko...." Sagot ko naman na ikinangiti niya

DAY 8—

"Hindi ko pala namamalayan na pangwalong araw ko na pala dito sa kubo mo." Napapailing na bulalas ni Maria at pinunasahan ang kahoy na mesa

"Ganoon ka na pala katagal dito Maria, hindi ko din kasi namalayan eh. Parang kahapon lang kita dinala dito—" Biro ko na ikinatawa niya ng malakas

Napalingon kaming dalawang ni Maria ng marinig namin mula sa aking radyo ang balitang may naghahanap sa isang babae

"Kung sino man ang nakakakita kay Maria Montreal pakireport na lang sa istasyong ito—"

Napalingon ako kay Maria at nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha

"Anong gagawin natin? Pinaghahanap ka na pala ng mga awtoridad." Mahinahong usal ko

"Hindi, hindi ako uuwi sa'min. Dito lang ako—" Matigas pa sa batong sagot naman ni Maria

"Maria mas makakabuti kong—"

"Pinapaalis mo na ba ako Jusmel? Ayaw mo na ba akong makasama? Bakit ang dali lang sa'yong paalisin ako ha? Hindi mo na ba ako mahal—" Sunod sunod na tanong nito sa'kin

Maraming kakilala ang kanyang ama at posibleng matunton kami ni Maria ngayon kong saan kami nagtatago. Bilog ang mundo at kung saan kami magpupunta makikita makikita kami ng mga ito

"Hindi mo ako naiintindihan,"

"Naiintindihan ko Jusmel. Hindi ako bobo para hindi malaman ang 'yung nais na ipahiwatig sa'kin. Kung tunay mo nga talaga akong iniibig ay ipaglalaban mo ako sa kay Daddy! Hindi 'yung basta basta mo na lang akong paaalisin!" Sigaw nito

Dali-dali ko naman siyang nilapitan

"Pasensiya ka na Maria, marami lang kasi akong iniisip at nag-iiba na din ang takbo ng utak ko. Sana mapatawad mo ako..."

Hindi sumagot si Maria sa halip ay pinunasan lang nito ang mga malalaking luha na tumulo sa kanyang mga mata

DAY 9—

"Nakita niyo ba ang babaeng 'to?" Tanong ng isang matangkad na lalaki sa mga taong taga bundok

"Pagpasensiyahan niyo na po Ginoo, pero wala kaming nakitang babae na napadaan dito o bagong salta man lang." Sagot naman ng isang magsasaka

"Ganoon ba? Sige makakaalis na kayo—"

Lumapit naman ang lalaki sa isang may katandaang lalaki at ibinahagi ang nalalaman mula sa mga taong magsasaka

"Sir, wala daw si Maria dito. Sa tingin niyo saan natin siya matatagpuan?" Bulong ng lalaki sa kanyang amo

Humithit naman ng sigarilyo ang matandang lalaki at pinagmasdan ang malaking baryo

"Malakas ang kutob ko na nandito lang ang anak ko.... Hindi ako nagkakamali, kahit saan man silang magpuntang dalawa mahuhuli at mahuhuli ko din sila—" Nagtatagis ang mga bagang na tugon nito

"Jusmel, saan ba tayo pupunta?" Puno ng katanungang saad ni Maria at sinundan ako kung saan ako nagpupunta

"Aalis na tayo dito Maria—magpakalayo layo na tayo." Sagot ko naman at inisang isinilid ang mga gamit namin sa maleta

"Sigurado ka bang makakaalis tayo ng ligtas? Nandito si Dad sa baryo natin! At anumang oras ay matutunton na niya tayo—" Palatak ni Maria at tinulungan ako sa pag-iimpake

"Hindi tayo basta basta lang tumunganga Maria. Kailangan na kumilos na tayo—"

DAY 10—

"Mga taong magsasaka, magsilapit kayo dito may importanteng sasabihin si Don Montreal sa inyo—" Anunsyo ng guwardiya sa mga taong nakatira sa malayong siyudad

"Mga kapatid, may gusto sana akong hingin sa inyo! Kung sino man ang makakakita sa anak ko na si Maria Montreal ay may pabuyang matatanggap mula sa akin. Kung makita niyo man siyang nandito ay ipaalam niyo sa'kin at dalhin niyo ako mismo sa kung saan siya ngayon—"

"Ano namang klaseng pabuya iyan?"

"Gusto niyong malaman? Ang perang pabuya na ibibigay ko sa kung sino man ang makakakita sa anak ko ay bibigyan ko ng isang kalahating milyong peso!" Anunsiyo pa nito

Nakita nilang nagkagulo ang mga tao sa baryo at parang nasilaw sa perang maibibigay ng matanda sa oras na madala ang anak niya sa harapan nito

"Kita muna Sir? Mga tao talaga ang daling masilaw sa pera." Napapailing na wika ng kanyang guwardiya

"Hayaan mo sila—mas mabuti ng malaman nila kung anong premyo para makita na natin ang anak ko kung saan man iyon dinala ni Jusmel."

DAY 11—

"Pasensiya na ulit Maria kung mananatili na naman tayo sa bundok. Tiyak kong mas mahihirapan kang mag adjust  dito."

"Okay lang 'yun Jusmel. As long as I'm with you—I'm fine with it." Parang kuntentong kuntento na saad naman nito

"H'wag mo akong maingles Ingles diyan Maria. Alam mo naman na wala akong pinag-aralan 'di ba?" Pagpapa-alala niya dito

"Ay, sorry nakalimutan ko"

"Hindi ba siya 'yung sinasabi na nawawala daw?" Naturang napalingon ako sa mga taong nakapaligid sa'min ng marinig ko ang sinabi ng isa sa kanila

"Oo nga! Ano nga bang pangalan no'n? Maria Montreal?" Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko ng marinig ang pangalan ni Maria

Hindi ko alam na pinaghahanap na pala kami ng ama ni Maria

"Jusmel, okay ka lang ba?"

"Maria, pumasok ka na sa bahay."

"Ha? Bakit—

"Basta pumasok ka na!" Sigaw ko dito na tinalima naman ni Maria

At naturang napaatras ako sa kinatatayuan ng makita ang ama nito na papalapit sa akin

"Nasaan ang anak ko?" Matigas na tanong nito sa'kin

"Wala siya dito—"

"Inuulit ko, nasaan si Maria. Ilabas mo siya kong ayaw mong masaktan!"

"Hinding hindi ko siya ibibigay sa inyo! Anong klase kayong ama? Pati kaligayahan ng iyong anak, ipagkakait niyo sa kanya. Wala kang kwenta"

"Hoy, mababang uri! H'wag na h'wag mo akong pagsalitaan ng ganyan. Hindi mo ako kilala—masyado kang mapangahas at ang tapang tapang mo pang sagot sagutin ako?! Sino ka ba, para malaman mo kaya kong bilhin ang kaluluwa mo. At isaksak mo ito sa kukuti mo, hindi ako papayag na mapunta ang anak ko sa hampas lupang walang pinag-aralan at walang pangarap sa buhay! Hindi bagay ang apelyido mo sa anak ko." Pagsasabi nito sa'kin ng mga masasakit na salita

Kahit tapak tapakan niya pa ang pagkatao ko hinding hindi ako susuko. Ipaglalaban ko si Maria at magkamatayan muna kami bago niya makuha si Maria sa'kin

"Kaya ilabas mo na siya!"

"Pasensiya na kayo, pero hinding hindi ko ibibigay si Maria sa inyo. Mawalang galang na po Sir, mahal ko ang anak niyo—nagmamahalan kami!" Hindi ko na talagang kayang magpakatatag pa

Lumuhod ako sa harapan nito at hinawakan ang kanyang mga paa. Kahit sabihin pa nitong halikan ko ang paa niya ay gagawin ko h'wag niya lang ilayo si Maria sa'kin

"Serio, akin na ang datung—" Nakita kong may ibinigay na pera ang lalaki sa ama ni Maria

Pumantay naman ito sa pagkakaluhod ko at ipinakita sa'kin ang perang tinali tali pa

"Bibigyan kita ng pera, isang milyon ito kapalit ng anak ko. Kaya nasaan na si Maria—"

Tiningnan ko naman ang perang hawak niya. Kung tatanggapin ko ito ay malaking tulong na ito para sa'kin, makakapagsimula na ako ulit at hinding hindi na ako maghihirap pa

Dahan dahan ko namang kinuha ang pera

Napangisi naman ang ama ni Maria ng mabitawan nito ang sariling pera. Tumayo at pinakatitigan ako

"Wala kang pinagkaiba. Pare-pareho lang kayo mga mukhang pera—" At humalakhak na parang nagtagumpay sa kanyang plano

Tiningnan ko siya ng masama at tumayo ng tuwid sa harapan niya

"Akala niyo masisilaw niyo ako sa pera? Nagkakamali kayo, kahit wala akong pinag-aralan naiintindihan ko kung anong nais niyong ipahiwatig!" At itinapon ang perang binigay niya sa'kin

"Wala ka talagang dangal! Hindi mo ba naiisip ang kapakanan mo? Pumayag ka na kasing ibigay si Maria sa'kin kapalit ang isang milyon para wala ng gulo.."

Ang walang hiya, bibilhin pa talaga ang kanyang anak.

"Umalis na kayo, nananahimik na kami ni Maria."

Hindi natinag ang ama ni Maria sa halip ay ipinahalughog pa nito ang bagong kubo na tinitirhan namin

"Jusmel! Tulungan mo ako!" Pagsisigaw ni Maria sa loob

"Maria!"

"Saan ka pupunta mangmang?" Natatawang usal ng ama ni Maria at pinadakip ako sa dalawa niyang guwardiya

"Bitawan niyo ako! Maria!" Sigaw ko at sinundan ng tingin si Maria na ipinasok sa loob ng magarang sasakyan nito

"Pasensiya na iho, pero hindi ako papayag na sumama sa'yo ang anak ko."

DAY 12—

Napaluha na lang si Maria ng makaapak na naman siya sa bahay nilang impyerno. Wala talaga siyang kalayaan sa mga kamay ng kanyang magulang lalong lalo na sa kanyang ama na ubod ng sama

"Akala mo makakatakas ka sa'kin? Hindie Maria! Nahihibang ka na ba, sabihin mo sa'kin kung anong pinakain sa'yo ng Jusmel na iyon at bakit kusa kang sumama sa kanya—"

"D-dad, mahal ko si Jusmel! Pabayaan niyo na lang kaming magsama, please Dad nagmamakaawa ako sa'yo" Tugon ni Maria na halos lumuhod na sa harapan nito

"Pasensiya na anak, pero hindi ko kaya ang hinihiling mo. Para din naman 'to sa'yo eh. Business is business my beloved daughter, and I felt sorry for that—" Sagot naman ng kanyang ama

Napahagulgol na lang siya sa sobrang sama ng loob ng kanyang nararamdaman. Gusto niyang makasama si Jusmel at parang ayaw ng tadhana na magkrus ang landas nila

"Bukas na bukas din ay magpapakasal na kayo ni Albert." Huling sabi ng kanyang ama at lumabas na sa kanyang kwarto

DAY 13—

"Albert, tinatanggap mo ba si Maria bilang iyong kabiyak?" Tanong ng pare kay Albert sa harap ng altar

"Opo, father—"

"Ikaw naman Maria, tinatanggap mo ba si Albert bilang iyong kabiyak?" Tanong naman ng pare kay Maria

"O-opo father." Lumuluhang tugon ni Maria

"Ngayon ay masasaksihan na natin ang dalawang nilalang na nag-iisang dibdib sa harap ng mata ng diyos. Albert, maaari mo ng halikan ang iyong asawa—"

Iniangat naman ni Albert ang veil ni Maria at dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa mukha niya

Napapikit na lang si Maria at iniiwas ang mukha dito dahilan para mahalikan lang siya nito sa pisngi

Mula sa labas ng simbahan ay kitang kita ng dalawang mata ni Jusmel ang pag-iisang dibdib ni Maria at Albert at parang sinaksak ng ilang beses ang kanyang puso ng halikan ni Albert ang kanyang nobya

Tumalikod siya at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman, hindi niya kayang makita si Maria sa piling ni Albert. Nasasaktan siya at para siyang sinagasaan ng malaking sasakyan dahil sa sakit na nadarama

"Bakit? B-bakit?"

DAY 14—

"Jusmel? Ikaw ba 'yan?" Masayang masayang palatak ni Maria at tumakbo papalapit sa kanya

Nang makalapit ito sa kanya ay mahigpit siya nitong niyakap na parang ilang taon silang hindi nagkitang dalawa

"Oo, ako nga 'to—" Ito na naman at naiiyak na naman siya

"Namiss kita, alam mo ba 'yun?" Masayang masaya na tugon ni Maria at niyakap na naman siya

Tinapik tapik naman ni Jusmel ang likod ni Maria at hindi nga niya napigilang umiyak sa harapan nito

"Pagpasensiyahan mo na Maria ah, kung hindi kita naipaglaban kay Albert at sa ama mo.." Bulalas niya na nagsipatakan ang mga malalaking luha sa mga mata

"J-jusmel—"

"Naduwag kasi ako eh. At nagsisisi talaga akong binitiwan kita wala kasi akong sapat na lakas para ipaglaban ka sa kanila. Makapangyarihan kasi kayo eh...." At tuluyan na nga siyang naiyak sa harapan nito

"Sana maging masaya ka sa piling ni Albert. Sana ay mabait siya sa'yo at hindi ka niya sinasaktan, s-sana mahimbing ang t-tulog mo sa g-gabi na walang problemang iniisip at s-sana, makalimutan mo na ang n-nakaraan n-natin" Puro sanang sambit ni Jusmel

"Jusmel, hindi ko kayang kalimutan ang nakaraan natin. Kahit kasal na ako ikaw pa din ang mahal ko—Jusmel please...."

Kalimutan mo na ako Maria dahil matagal ko ng ibinaon sa nakaraan ang mga masasayang ala-ala na meron sa'tin. Hanggang sa huli nating pagkikita, paalam sa'yo..." At tinalikuran ang babaeng pinakamamahal niya

Sa totoo lang ay hindi niya magawang kalimutan si Maria. Ito ang kumumpleto sa buhay niyang walang kakulay kulay at walang kabuhay buhay si Maria ang nagbigay lakas sa kanya at si Maria ang tumulong sa kanya

Masakit para sa kanya na bitawan ang babaeng pinakamamahal niya, wala na siyang magagawa dahil nasa piling na ito ng lalaking maibibigay ang lahat ng pangangailangan niya

At ngayon, hanggang tingin na lang siya sa malayo at pilit tinatanggap ang katotohanang walang mabubuong pag-ibig sa kanilang dalawa


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login