Download App
60.97% Saki's One Shot Stories / Chapter 25: Chapter 25: Happy 3 Years

Chapter 25: Chapter 25: Happy 3 Years

"OY, Dessh kilala mo ba 'to?" Parang kinikilig na kinalabit ako ni Mia

"Ha, sino?" Salubong ang dalawang kilay na sagot ko naman at sinilip ang cellphone niya

"Si Vincent Fernandez! Ano ka ba, 'di mo siya kilala?" Nagtatakang palatak naman nito

At dahil sa nakukyoryus na ako kung sino nga si Vincent Fernandez kinuha ko ang cellphone ni Mia at pinakatitigang mabuti ang picture nito

"Hindi ko talaga siya kilala, sino ba siya ha Mia?"

"Palagi ka na lang kasing libro libro kaya hindi mo na napapansin ang mga taong nandito sa paligid mo. Siya si Vincent Fernandez bagong estudyante sa University natin—" Mahinahong sabi ni Mia at umayos ng upo

Ahh, bagong estudyante..... Paki-alam ko ba? Tao lang naman siya

"Oh tapos? Ba't mo naisipang ipakilala sa'kin?" Natatawang wika ko at napapailing na ibinalik ang atensiyon sa librong binabasa

"Malay natin, baka pumasa sa standards mo yiehh...." Kinikilig na usal nito na parang naiihi

"Bad influence ka talaga sa'kin Mia, alam mo naman 'di ba na wala akong panahon sa mga 'yan? Tsaka aral ka muna—" Pang rerealtalk ko

Totoo naman eh, mas active pa 'to sa kalandian kesa sa pag-aaral. Kaya nga hindi nakakatuntong ng with high honors si Mia kasi puro line of seven ang grades niya

Sayang maganda pa naman, mahina lang ang utak

"Grabe ka ghorl! Anong gusto mong gawin ko? Tumulad sa'yo, paano ba maging Deshery Galado Zamora Maglasang?" May halong sarkasmo sa boses nito

"Mag-aral ka, gawin mo ang mga responsilidad mo bilang estudyante. 'Yun lang" Kibit balikat kung sagot

I know na nagtatampo na naman ang isang 'to. Wala na akong magagawa diyan sinasabihan ko lang naman siya para ma inspire at makatulong na din sa kanya. Ayoko na kasing magpakopya ng mga sagot at assignments, palagi na lang siyang lamang when it comes to scores....

Alas nuwebe ng umaga, recess time 'yun at siksikan na naman ang mga estudyante sa canteen. Kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan dahil kanina pa ako nakapila at mukhang mamaya pa ako makakapili ng gusto kong kainin dahil nasa panghulihan ako ng hanay

Napalingon naman ang lalaki na nasa unahan ko at tiningnan ako ng ilang segundo. At dahil sa mas matangkad siya sa'kin para akong bata na nakatingala sa kanya

At naturang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko ng ngumiti ito sa'kin

"Palit tayo ng pwesto ikaw na lang dito  nagugutom ka na kasi—" Tugon nito at pumwesto na sa likuran ko

Hindi ko magawang umangal ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko at bahagyang itinulak para magkapalit kami ng pwesto

O—kay siya na ang mabait at I can't say thank you to him nahihiya ako eh. Cat got my tongue? What now? Ngayon pa talaga ako nahiya simpleng thank you hindi pa masabi?

"T-thank you—" Mahina kong pagkakasabi at mukhang narinig niya naman 'yun

"Your welcome—" Sagot nito at sumipol sipol pa

Hanggang sa nakaabot na nga ako sa counter ay nandoon pa din ang lalaki sa'king likuran, at inaamin kung nakakailang. Hindi kasi ako sanay na may lalaking nakapuwesto sa likod ko

"Thank you—" Pagpapasalamat ko sa cashier at naghanap ng mauupuan

"Pwedeng maki-upo?" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses

At naturang umarko ang aking dalawang kilay ng mapagtantong iyong lalaki na naman kanina ang nakatayo sa aking harapan dala dala ang kanyang food tray

"Pwede—" Simpleng sagot ko at inilapit ang tray sa'kin

"Salamat," Sagot naman nito

Pasimple kung tiningnan ang buong canteen at nakita kong madami namang bakanteng mesa. Tapos gusto pang maki-upo

Pinakatitigan ko ang lalaki, and as usual magana siyang kumain na para bang mas gutom pa sa'kin. Naturang nagbawi ako ng tingin ng bigla itong tumigin sa'kin

"By the way, nakalimutan ko. Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong nito sa'kin

"Deshery Maglasang—"

"Ahh, ako naman si Vincent Fernandez nice to meet you pala." At ngumiti na naman at dahil sa mabait ako nginitian ko din siya

So siya pala si Vincent Fernandez ang tinutukoy sa'kin Mia. Ba't iba ang mukha niya sa picture at personal?

Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam ako sa kanya na mauuna na ako, alangan namang hintayin ko pa siya 'di ba?

"Balita ko naki-upo daw si Vincent sa inuukupahang mesa mo ano 'yun?" Nangingiting tanong sa'kin ni Mia at siniko ako

"Wala 'yun! Parang naki-upo lang eh." Sagot ko naman

"Asus! Ang sabihin mo kinilig ka—ang galing mo kaya magpanggap" Palatak pa nito

Yeah right, I'm good at pretending. Magaling akong magpanggap at kaya kong pigilan ang nararamdam ko pero ang tanong mapipigilan ko kaya ang nararamdaman kong 'to

"Ewan ko sa'yo Mia, ang gulo mo"

Sa kalagitnaan ng pagdidiscuss ng guro namin ay bigla na lang tumunog ang alarm sa buong University

"May sunog daw!" Pang-iimporma ng isang estudyante ng mapadaan sa classroom namin at tumakbo ng sobrang bilis

Bigla namang nagpanic ang mga kaklase ko at nag-uunahang nagsilabasan sa nakabukas na pintuan

"Ako muna," Rinig kong sigaw ng iilang kaklase ko at nagtutulakan

"Ako muna sabi!" Sigaw naman ng isa pa

Hindi ko naman magawang makasingit dahil sa sobrang sikip at nagtutulakan pa sila may time pa nga na tinamaan ng siko ang ilong ko sa kakahablot ng mga damit ng mga kaklase dahil sa sobrang pagmamadali

Nakalabas na kami at minalas pa ako dahil natisod ang paa ko sa flower vase na nakaharang sa daan. Napadapa ako sa daan at hindi magawang tumayo dahil tinapaktapakan na nila ako

"Deshery okay ka lang?" Lapit ng isang lalaki sa akin hindi ko siya masyadong maaninag dahil malabo ang paningin ko

Kinakapa kapa ko ang daanan hanggang sa mahawakan ko aking salamin sa mata

"Okay lang ako—" Sagot ko sa tanong ni Vincent at pinagpagan ang puting blouse na madumi na

"Sigurado ka ba? Parang hindi ka okay eh. Tara punta tayo sa clinic—" Ani Vincent at binuhat ako

Tiningnan ko siya at nakita ko ang bakas ng kanyang mukha na sobra itong nag-aalala. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya para may nagpipigil kasi sa'kin na titigan siya at aralin ang mukha niya

Feeling ko..... Feeling ko ay mawawala siya sa'kin

"Okay naman siya, may kaunting gasgas lang sa mga tuhod at siko niya—" Sabi ng nurse sa amin

"Maraming salamat po nurse." Tumango naman ang nurse at iniwan na kaming dalawa ni Vincent

Natahimik kami ng ilang minuto at nabibingi na ako sa sobrang katahimikan until he broke the silence

"Ang sabi mo okay ka lang? Tingnan mo oh? Ang dami mong gasgas may pasa ka pa!?" Singhal nito sa'kin at tiningnan ang kaliwang braso ko

"Hindi okay na a-ako, kaya ko na ang sarili ko. Sige na pwede mo na akong iwan...." Pagpapa-alis ko sa kanya

"Hindi dito lang ako. Babantayan kita—"

"Bakit Vincent? Bakit sobra ang pag-aalala mo sa'kin ng makita mo akong tinapaktapakan kanina?" Hindi ko mapigilang tanungin siya

He sighed

"Bawal bang mag-alala? Pasalamat ka pa nga tinulungan kita...."

Pagkatapos ng nangyaring kaganapan na iyon ay mas lalo pa kaming naging malapit na kaibigan ni Vincent. Masaya siyang kasama at hindi ko ipagkakailang gusto ko siya

Nagustuhan ko siya dahil mabait siya at mapag-alagang tao. Iniisip muna niya ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili kaya hindi nakapagtatakang madali lang siyang mahalin

"Vincent may sasabihin sana ako sa'yo, pero sana hindi magbago ang tingin mo sa'kin" Desidong desido kong tugon

"Sige ano ba 'yun?"

"Gusto kita—"

Nakita kong nawala ang ngiti ni Vincent at napalitan iyon ng pagkaseryoso puno ng katanungan ang mga mata niyang tumingin siya sa'kin

"Dessh—"

"Gustong gusto talaga kita Vincent, matagal na" Naluluha kong usal dahil alam ko na hindi niya ako gusto

"Kailan pa?"

"Hindi ko alam kong kailan, basta naramdaman ko na lang na gusto kita—"

"Dessh, hindi pwede 'to. Magkaibigan tayo at ayokong sirain ang relasyon natin bilang magkaibigan. Sorry talaga Dessh,"

Napaiyak na lang ako sa narinig

'Di ba, hindi niya ako gusto? Sana pala ay hindi na ako umasa. Mukhang sa libro ko lang pala maiintindihan ang salitang pag-ibig. Masakit, oo gusto ko si Vincent pero hindi lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya

Akala ko ay infantuation lang iyon. Pero nagkamali ako akala hanggang four months lang pero bakit nag exceed pa umabot ang pagkagusto ko sa kanya ng two years, nakakatawang isipin pero normal lang ba 'yun

Para sa'kin ay hindi eh, umamin na ako at nasaktan na ako pero bakit siya pa din ang gusto ko, hanggang sumapit na naman ang bagong taon siya pa din ang gusto ko—nabalitaan kong may girlfriend na siya at ako naman ay parang tangang naghihintay sa kanya umaasang mahalin din niya ako pabalik

Pero mukhang posible iyong mangyari—hindi ko na kaya ang nararamdaman kong ito. Kaya happy 3 years sa feelings ko para sa kay Vincent Fernandez.....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login