Download App
70.83% Kaliwa, Kanan / Chapter 17: Kabanata 15

Chapter 17: Kabanata 15

Nasa Quiapo na ang magkapatid dahil may ibinigay sa kanilang trabaho si Manang Sella. Inutusan sila ng matanda na bumili ng gamot dahil hindi ito makakilos at madalas na nahihilo kapag napapasobra ang galaw.

Pumayag naman ang magkapatid dahil wala naman ibang mauutusan ang matanda at hindi rin naman nila iyon kayang tiisin dahil si Manang Sella ang nagbibigay sa kanila ng pagkain sa tuwing walang-wala na sila. Bitbit ni Marco ang plastic ng gamot at hawak naman ni Maximo ang plastic ng tinapay. Iyon ang ibinilin ni Manang Sella sa kanila.

Agad na nagtungo ang dalawa sa palengke para bumili ng isda. katulad ng dati, siksikan at mabaho ang amoy ng paligid, malansa, mapanghi at kung ano-ano pa.

Si Marco ang may hawak ng pera dahil kailangan nilang pagkasyahin iyon. Hindi na kasi makakabalik ang mga ito sa bahay ni Manang Sella dahil may kalayuan din ang Recto.

"Sa tingin mo, okay na ba 'tong mansanas na 'to?" Tanong ni Maximo.

Tumango na lamang si Marco at agad iyong binayaran sa tindera.

Tumakbo ang dalawang paslit sa isang shortcut para mas mapabilis ang kanilang pag-uwi.

Isang malaking pagsabog ang yumanig sa kahabaan ng Recto. Iyon ang ikalawang pagsabog na nangyari sa lugar kaya naman nagtakbuhan ang mga tao at napalingon ang magkapatid sa pinangyarihan ng aksidente.

Wasak ang isang tindahan at maraming nakahandusay sa sahig. Humarurot ang sasakyan na may sakay na dalawang armadong lalaki.

Tinignan nila iyon habang paalis, nagtama ang tingin ni Marco at ang lalaking angkas. Ang lalaking iyon ay si Roger. Ito ang project na ipinagawa sa kanila ni Madam Claudia.

Kumaripas ng takbo ang dalawang bata para tulungan ang mga taong nadamay dahil sa pagsabog. Ilang minuto rin ang itinagal ng dumating ang mga awtoridad at ambulansya. Isinakay ang mga duguang biktima at sunod-sunod na umalis.

"H-Hindi po namin kilala kung sino ang gumawa, basta nakasuot sila ng itim na bonet at naka-jacket." nanginginig na tugon ng isang Babae.

Hindi pinapansin ang dalawang paslit na dinadaan-daanan lamang ng mga pulis. Napaisip si Marco dahil nakita nito ang mata ng suspek.

Tinapik ni Maximo ang balikat ng kapatid at inaya na umuwi na lamang.

Nagkakagulo pa rin sa pinangyarihan ng Pagsabog at tila isang mainit na balita nanaman ang lilitaw sa diyaryo at ipapalabas sa telebisyon.

Tahimik na naglalakad ang dalawang magkapatid. Dahil halos mabingi ang mga ito sa pagsabog. Tinataktak pa ni Maximo ang ulo nito dahil hindi maayos ang kanyang pandinig.

"'Wag mo lakasan baka malaglag pati utak mo." Sabi ni Marco sa kanya.

"Ulol! Tulad mo ako sa 'yo, kahit hindi ako tumitira ng solvent, dikit na dikit ang utak ko sa bungo."

Mahigpit na hinawakan ni Marco ang balot ng plastic na naglalaman ng mga pinabili ni Manang Sella. Bago sila nagpasiyang pumunta roon ay nagtungo muna ang mga ito sa kanilang bahay para hatiran ng pagkain ang mga kapatid. Si Neneng Sarah naman ay hindi na makausap simula ng may mangyaring hindi maganda sa Sapphire. Dinala ito ni Boy Jackpot doon dahil nagpupumilit si Neneng Sarah na maghanap ng trabaho at doon siya nirekomenda ni Boy Jackpot. Namatay na si Boy Jackpot dahil sa nangyaring barilan, ikinatuwa pa iyon ni Maximo dahil ito ang mahigpit niyang katunggali at tama lamang daw iyon para pagbayaran ang ginawa sa kanya ng binatang si Boy Jackpot.

Nakatulala lamang si Neneng Sarah at may pagkakataon na umiiyak mag-isa, bumabalik sa nakaraang pangyayari ang lahat ng pumapasok sa kanyang isip. Mabuti na lamang at inalalayan siya ng isang lalaking nagpakilalang si Roger kaya nakalabas ito.

Nagtrabahong dancer si Neneng Sarah doon at iyon din ang unang araw niya sa trabaho ngunit isang kahindik-hindik na karanasan pala ang kanyang masasaksihan sa araw na iyon.

Ibinigay ni Marco ang binili nilang puto at kutsinta sa dalawang nakababatang kapatid. Natuwa ang mga iyon dahil sa pasalubong, nakatingin lamang si Marco kay Neneng Sarah na malalim ang iniisip. Lalapitan sana nito si Neneng Sarah ngunit tinawag ito ni Maximo.

Dali-daling lumabas si Marco para puntahan ang nag aabang na kapatid nito.

Hindi na nagtagal ang dalawa sa kanilang bahay at nagtungo na sila sa bahay ni Mang Sella.

"Paano na kaya 'yun si Ate Sarah, hindi na ba gagaling 'yon?" Tanong ni Marco sa kapatid.

Nagkibit-balikat muna ito bago nagsalita.

"Hindi ko rin alam, ang bilis kasi ng pangyayari pag-uwi niya gano'n na ang nangyari sa kanya."

Napabuntong-hininga na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang paslit.

•••••

Galing mo talaga bumato! Siguradong matutuwa si Madam Cladia sa 'yo, dapat ako 'yung bumato e, para dagdag pogi points kay Madam." Natatawang sabi ni Oscar.

"Sa tingin mo talaga magugustuhan ka ni Madam? Hoy, baka gusto mo bugbugin ka ng asawa mo." Sabi ni Roger habang ngumunguya ng mani.

Nasa tagong kanto ang dalawa at nagpapahinga, kasalukuyan na silang pinaghahanap ng mga kapulisan at naririnig nila ang tunog ng wang-wang ng mga iyon.

"Alam mo P're 'di ko lubos maisip na lolokohin ka ng asawa mong hilaw ang pag-iisip, kasi kung tutuusin mabait ka naman at mapagmahal. Kahit kailan talaga walang nagawang matino 'yang mga babae na 'yan." Sabi ni Oscar.

Sandaling natigilan si Roger, pinunit muna nito ang sobrang papel sa lalagyan ng mani na hawak niya.

"Ako rin naman, hindi ko inasahan na lolokohin ako no'n, wala talaga akong ideya na matagal na palang inaahas ni Mansalta si Jimena. Dapat talaga tinuluyan na namin ni Bigoy 'yong gagong pulis na 'yon."

Umiling-iling si Roger dahil bumalik nanaman sa kanya ang lahat ng mga nangyari kagabi. Mahal na mahal nito si Jimena pero hindi niya dapat pairalin ang pagmamahal na iyon dahil kung mahal siya nito ay hindi siya magagawang lokohin o pagtaksilan nito.

"Hayaan mo mamaya iinom tayo ulit sa bahay kapag nakuha na natin 'yung kumisyon natin kay Madam, sagot ko na alak para naman makapaglibang-libang ka at makalimot kahit sandali man lang." sabi ni Oscar.

Napangiti si Roger dahil sa sinabi nito. Matapos magpahinga ay agad na umalis ang dalawa para magtungo sa office ni Madam Claudia upang iulat ang magandang balita.

•••••

Nasa tapat na ng bahay ni Manang Sella sina Marco at Maximo. Ayon sa matanda kapag naroon na ang mga ito ay pumasok na lamang at iiwan sa lamesa ang mga ipinamili at ang sukli.

Si Marco na lamang ang pinapasok ni Maximo sa loob dahil kailangan nilang umuwi kaagad. Tumango na lamang ito at binitbit ang hawak ni Maximo na plastik na naglalaman ng mga ipinamili.

Hinawakan ni Marco ang knob ng pinto at nagtungo sa kusina para ilagay ang mga ipinamili.

Tahimik ang paligid, hindi nito naiwasang tawagin si Manang Sella dahil baka may kailangan pa ito.

Nagtungo ang bata sa silid ng matanda at kumatok ng tatlong beses, hindi bumukas ang pinto at walang sumagot roon. Kaya naman nagpasiya ang bata na mas lakasan pa ang pagkatok.

Hindi sumasagot ang matandang nasa loob ng kwarto.

Hindi na nakatiis ang bata na pihitin ang hawakan ng pintuan at halos masuka siya ng makita ang duguang katawan ng matanda.

Nakatali ang mga kamay ni Manang Sella at may nakabaon na pako sa paa, napupuno ng dugo ang buong kama na halos namumuo na. Dilat ang mga mata nito at may hawak na ice pick. Sandaling nawala sa sarili si Marco at hindi makapagsalita. Sumisigaw naman na si Maximo para tawagin ang kanyang kapatid ngunit katahimikan lamang ang bumungad sa kanya.

Hindi na nakatiis si Maximo at sinundan na nito si Marco. Nakita niya si Marco na nakatayo sa harap ng pinto ng matanda at nakatitig lamang.

Dali-dali niyang pinuntahan iyon at nagulat rin siya sa kanyang nakita.

"M-Manang..... S-Sellaaaaa!" Nauutal na sambit nito.

"Marco anong nangyari?" Tanong nito.

"Hindi ko alam, pagbukas ng pinto ayan na 'yung nakita ko."

Tumakbo si Maximo palabas at humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Naiwan ang mga bata sa loob ng bahay ni Manang Sella. Pinagmamasdan ng mga iyon ang pinamiling gamot at prutas na iniutos ng matanda.

"Ang bilis ng pangyayari, napakabait ni Manang Sella bakit siya pinatay." Sabi ni Marco.

"Napaka-demonyo talaga ng gumawa niyon sa kanya, pati si Manang Sella na walang ginagawa sa kanila ay pinatay nila."

Napaluha na lamang ang dalawang bata dahil sa kanilang nakita kanina. Bumalik sa kanila ang mga alaalang kapiling nila ang matanda.

Maraming tao ang naki-usyoso sa tapat ng bahay ng matanda. At kung ano-anong tsimis ang lumalabas sa mga pasmadong bibig.

Umuwing luhaan ang dalawang bata at hindi magawang ngumiti kahit kaunti. Iyon ang bangungot na talagang nagpayanig sa kanilang puso't isipan. Isang malapit na kaibigan ang nawala at itinuring na rin na parang tunay na Lola.

Umuwi ang mga bata at ibinalita nila sa kanilang mga kapatid ang masamang pangyayari. Mariing pinipigilan ang pagtulo ng mga luha dahil kailangan nilang maging matatag para mas lumaban pa sa hamon ng buhay.

"Patay na si Manang Sella, pinatay si Manang Sella." Sabi ni Marco kina Pitoy, Berna at Neneng Sarah.

Natigilan ang lahat dahil sa masamang balita.

Wala na ang matandang makakapitan nila sa oras na sila ay walang-wala.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login