Download App
29.16% Kaliwa, Kanan / Chapter 7: Kabanata 5

Chapter 7: Kabanata 5

Ilang araw na ang lumipas, naghihilom na rin ang mga sugat ni Maximo. Hindi niya iniinda ang sakit na nararamdaman dahil hindi iyon ang bubuhay sa kanila. Si Neneng Sarah naman ay nagtungo sa pinaka-malapit na botika para bumili ng gamot ni Maximo. Nanghihinayang naman si Maximo sa perang ipinang-bibili ng kanyang gamot dahil p'wede na daw iyong ibili ng pagkain nila para sa tanghalian.

Si Neneng Sarah naman ay nakikipag-siksikan sa mga taong namimili sa Divisoria suot ang kanyang damit na tatlong araw ng hindi napapalitan simula noong bumagyo. Hindi pa kasi tuyo ang kanyang damit dahil hindi pa sumisikat ang araw. Madilim pa rin ang kalangitan at nagbabadya na bumuhos ang ulan dahil sa naiwang ulap mula sa buntot ng bagyo.

Maingat siyang naglalakad para hindi maputol ang kaisa-isang tsinelas na isang taon na ang tanda. Wala kasi siyang ipambibili. Sayang din ang apatnapung piso, makakabili na rin iyon ng isang kilong bigas na NFA at may sukli pang pitong piso.

"Ineng, ulam baka gusto mo bumili?" sambit ng matanda na nag-aalok ng kanyang paninda.

Umiling nalang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Tanging "Bahala na" Lamang ang kanyang sinasabi sa sarili.

"Hoy! Bumalik ka rito!" sigaw ng pulis sa isang lalaking may hawak ng wallet at cellphone. Naalala niya si Marco at ang kwentong isinalaysay ni Maximo. Ang mga alagad pa mismo ng batas ang nagpapahirap sa mga taong kumakalam ang sikmura.

Napalunok ito at pumasok sa 999 mall. Naghanap ng customer pero nabigo siya. Gusto niyang magtinda na lamang pero wala siyang magpagkukunan ng puhunan. Nagpasiya siyang bumalik na dahil wala rin namang siyang mapapala sa lugar na iyon.

Bandang alas-dose na ng tanghali ng dumating siya. Nakatunganga ang magkakapatid at bakas sa mga mukha ang gutom. Humugot siya sa kanyang bulsa at nakuha niya ay bente pesos at sampong piso. Hindi niya na alam kung ano mabibili doon kaya lumabas siya muli para makahanap ng murang pagkain.

"Sarah!" Sigaw ng isang babaeng gulo ang buhok at may maiksing pang-ibabang damit.

"Bakit? Anong sa 'tin?" Nakangiting sabi ni Neneng Sarah habang nakapasok ang kamay sa bulsa ng short.

"Si Marco nahuli, alam mo na ba? Ilang araw na siya nasa presinto. Naririnig ko nga usap-usapan ng mga pulis ililipat siya sa Boy's town." seryosong sabi ng babae.

Hindi makagalaw si Neneng Sarah dahil sa tinuran ng babae. Paano na nila makakasama si Marco kung nasa Boy's town na ito at doon na maninirahan. Malayo sa kanila at siguradong hindi magiging maganda ang lagay ni Marco doon.

Tumakbo pauwi si Neneng Sarah habang dala ang masamang balita na kanyang nasagap mula sa isang malapit na kakilala. Dumating ito na hinihingal at natataranta.

"Bakit Ate Sarah? Anong nangyari?" tanong ni Maximo sa kanya.

Humawak ito sa kanyang ulo bago sinabi ang masamang balita.

"Si Marco, dadalhin sa Boy's town!"

Nanlaki ang mga mata ni Maximo at ang dalawang bata naman na sina Berna at Pitoy ay hindi maka-imik dahil hindi nila alam ang sinasabi ng nakakatanda.

"Samahan mo ako puntahan natin si Marco sa presinto." sabi ni Maximo.

"Hindi p'wede ako na lang ang pupunta, mainit ka sa mga pulis mahirap na baka damputin ka rin nila."

Hindi na naka-kibo pa si Maximo.

Umalis na si Neneng Sarah at nilakad ang presinto. Lutang ang isip at parang walang naririnig. Parang tunay na kapatid na rin ang turing niya kay Marco. Kaya sagutin niya ang bata kung may mangyaring hindi maganda dito.

Ang kaninang nagbabadyang kalangitan ay tuluyang umiyak. Bumuhos ang ulan at nagpasiya na sumilong muna dahil wala siyang dala na panangga. Iniisip niya kung saan siya kukuha ng pang-piyansa kay Marco kung sakaling hingian siya.

Gulo ang isipan niya habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng malalaking patak ng ulan.

Ilang minuto rin ang itinagal bago tuluyang nagpaubaya ang kalangitan. Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga at nakarating sa kanyang sadya.

"Nandito ho ba iyong batang paslit na kayumanggi 'yung kulay?" tanong niya sa pulis na nakatayo sa harap ng presinto.

"Bata? Isa lang naman ang bata na nandito, mamaya dadalhin na sa Boy's town."

Itinuro ng pulis ang kinaroroonan ng batang tinutukoy niya.

Ito nga si Marco.

Nakapatong ang ulo sa tuhod. Nagising lamang ito ng kalampagin ng pulis ang selda.

"Ate Sarah!" Sigaw ng batang paslit at mabilis na tumakbo para puntahan ang nakatatandang kababata.

"Ang tagal ka naming hinanap! Ilang araw ka naming hinihintay. Nandito ka lang pala. Bakit ka nandito? Anong nangyari!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Neneng Sarah.

"Mahabang kwento Ate, gusto ko ng umuwi. Pakiusap ayoko na dito!" Humahaguhol na tugon nito.

Alam ni Neneng Sarah ang hirap na kinakaharap ng bata sa loob ng selda dahil dati rin siyang nakulong dahil sa pagiging bayaring babae. Kaya hindi maalis ang tingin niya sa batang hindi mapakali dahil sabik na makalabas sa malamig na selda.

"G-gawa ako ng p-par-aan."

Pinunasan nito ang luha ng batang nasa harap niya at tinignan ang pulis na nakaupo sa lamesa. May nakasulat doon na.

"SPO1; Romuldo G. Mansalta."

Lumapit siya roon. Kasalukuyang abala ang naturang pulis sa pag-pindot sa hawak nitong cellphone. Umupo ang dalagita sa harap ng pulis at nakiusap na palayain ang bata.

"Aba! Kamag-anak mo ba 'yan?"

"Hindi po, simula pagkabata po ay ako na nag-aalaga sa kanya kaya ako na po ang tumayong magulang." Paliwanag ni Neneng Sarah.

"Kailangan niyo mag-piyansa ng 30,000 pesos para sa kalayaan ng batang iyan."

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang dalagita dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ganoong kalaking pera dahil kung tutuusin kulang na kulang ang kinikita niya sa pagiging bayaring babae. Kahit ilang gabi siyang magtrabaho ay hindi niya maiipon ang gano'n kalaking halaga dahil kailangan kumain ng mga bata.

Napakagat na lamang ito sa kanyang labi at pilit na kinumbinsi.

Umabot ng ilang minuto ang tawaran kung ilang libo ang kailangan bayaran pero hindi talaga niya kayang bayaran iyon.

"Sir! Baka may iba pa namang paraan, p'wede bang dalawang bigay?" pagpupumilit nito.

"Pasensya na hindi p'wede ang gusto mong mangyari. Masyado na kaming maluwag sa pagbibigay ng kosiderasyon."

Patayo na sana si Neneng Sarah ng tignan ito muli ng pulis.

Matalim na nakatingin ito sa makinis na katawan ni Neneng Sarah. Nakasuot kasi ng maiksing pang-ibaba si Sarah kaya agad na nagsalita ang pulis.

"May isa pa namang paraan para makalaya 'yang alaga mo."

Ngumiti ang pulis at nilapitan ang dalaga hinawakan ang pisngi at bewang. Kitang-kita ni Marco ang ginagawa ng hinayupak na pulis. Hindi naman makagalaw si Neneng Sarah dahil iniisip niya ang magiging kalagayan ni Marco sa loob ng Boy's town.

Pumayag sa usapan si Neneng Sarah. Pumasok silang dalawa sa loob ng office at isinagawa ang kasunduan.

Naiwan sa selda si Marco. Alam niya ang pinag-usapan ni Neneng Sarah at SPO1 Mansalta. Konsensya ang bumabalot sa isipan ni Marco habang nakatingin sa pintuan ng pinasukan ng dalawa.

•••••

Nakapikit na si Marco ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang nakangiting Pulis at Si Neneng Sarah na nakasimangot at wala sa sarili.

Lumapit ang pulis sa selda at tumingin sa batang paslit.

"Pasalamat ka nadala sa maayos na usapan, huwag mo ng uulitin iyang katarantaduhan mo." mahinang tugon ni SPO1 Mansalta.

Bumukas ang selda at agad na nagpunta si Marco kay Neneng Sarah na ngayon na maluha-luha sa hindi malamang dahilan.

"Sorry, Ate Sarah!" sabi ni Marco.

Hinawakan nalang nito ang ulo ng bata at mahigpit na niyakap. Isang magkalahalong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman.

Lumabas ang dalawa sa presinto. Isang magandang balita ang kanyang ipararating sa mga batang nag-hihintay sa kanyang pagdating.

"Marco, bakit ka kasi napunta doon? Anong ginawa mo?"

Napayuko nalang ang bata at sinabi ang nangyari.

"Nagnakaw ako sa Recto."

Pinunasan nito ang kanyang mata gamit ang kanyang maruming braso.

Hindi na kumibo pa si Marco dahil alam niyang malaki ang sakripisyo ang ginawa ni Neneng Sarah para sa kanya. Ipinangbayad nito ang sariling laman kapalit ng kalayaan niya.

Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada pauwi. Nagpasiya ang dalawa na bumili ng kanilang kakainin para sa tanghalian. Sigurado sila na matutuwa ang mga bata sa kanyang munting regalo. Iyon ay si Marco. Ang pagbabalik ni Marco sa kanilang munting mansyon.

Hinihiling lamang ni Neneng Sarah ay magkaroon na ng maayos na ugnayan ang magkapatid. Hindi niya intensyon na masira ang relasyon ng dalawang magkapatid kaya gagawin niya ang lahat para maging masigla ang dalawang paslit na naging katuwang niya at ngayon ay itinuturing na niyang isang tunay na kapamilya. Si Marco at Maximo ang nagpatunay sa kanya na kahit mahirap ang buhay ay dapat manatiling buhay ang pagmamahalan sa isa't-isa.

Natanaw na nila ang kanilang barong-barong. Nandon sa loob ang mga magkakapatid. Napangiti si Marco dahil ilang araw din ang lumipas ng huli niyang nasilayan ang kanilang tirahan.

Nag-ngitian sina Neneng Sarah at Marco. Dahan-dahang lumapit sa pinto upang makita nila ang muling pagbalik ng batang si Marco.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login