Chapter 7
Liam's Point of View
"Don't be ridiculous." Ani ko sakanya kaya itinulak ko siya kasi idinidikit niya ang sarili niya sakin.
"I probably smell like him..."
"Kasi hinatid niya ako gamit ang kotse niya." Ani ko.
Hindi ako maka tingin ng diretso sa mga mata niya kasi nakatitig siya sakin.
"Well, hindi ako nagka trabaho..."
"Pero sa pagkaka-alam ko hindi normal para sa isang editor na ihahatid ang client niya pauwi pagkatapos ng business meeting." Ani niya kaya I startled, he's kinda right.
"So hindi ka palaaa mapili ha? Sorry nasira ko yung mood niyo. Next time, hindi na ako mangenge-alam sa-"
"What? No! You're blowing things out of proportion!" Pag bara ko sakanya.
Tsaka pumasok na ako sa cr para maligo.
...Ng nasa loob na ako ng cr ay nag hubad agad ako ng jacket ko.
"A writer's lifestyle sure is sexy!" Di ko namalayan na binuksan pala ni Tucker ang pintuan, kaya naka silip siya ngayon.
"Lumabas ka. Maliligo ako." Ani ko sabay tapon sakanya ng jacket ko tsaka isinirado niya naman ang pintuan.
Ng mapuno na ang bathtub ay agad akong lumusong.
I touched my nape where the smell of the cologne, I can't even remember the last time someone made a move like that earlier at the parking lot.
I guess that that makes him the first... since my breakup.
I sighed.
Buti nalang nandun kanina si Tucker. That editor was starting to get pretty pushy.
Hindi rin naman magandang idea ang makipag date kanino na nakilala mo sa trabaho, anyway...
Napasampal ako sa tubig ng makita ko si Tucker na nanonood na naliligo ako, hinawi niya pa yung shower curtain, yawa.
"Putanginamo, tinakot moko!" Sigaw ko."Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng privacy?!"
"One bath, in peace. Is that too much to ask?!" Singhal ko sakanya.
"May dala ako para sayo." Ani niya, namaka-kalmado parin ang mukha sa inasal ko, pero nakaka putangina kasi parang walang pake alam.
Dala niya ang isang maliit na matabang kandila na naka sindi.
"Nakita ko 'yan kanina nung wala ka. Mabango 'yan." Ani niya.
"Mag relax ka. Iiwan na muna kita."
"Enjoy Liam." Dagdag niya sabay lakad sa pintuan at saka lumabas na siya.
Kinuha ko ang dinala niya at inangat.
Where did this come from???
------
Naka palibot ang tuwalya sa leeg ko nung matapos sa akong maligo.
Bitbit ko ngayon ang laptop ko na kulang ang mga letra.
"Tucker." Tawag ko sakanya na ngayon ay busy na nanonood ng tv, Inuyasha pa ang pinanood niya.
"Tucker! Why are some of the keys missing from my laptop?" Tanong ko sakanya, pero naka tutok parin sa siya sa tv, amaze na amaze sa pinapanood niya, may aso kasi, kaya relate siya.
Binibilang ko kung ilan ang kulang na nawala.
"Ah, yan ba. Yung kuko ko kasi na babara, kaya natatanggal yung mga iba tsaka 'di rin naman yon sadya." Sabi niya.
"Nahulog sila sa ilalim ng kama mo, pero 'di ko naman makuha kasi malayo." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya, the fuck? Seryoso siya?
"Sasabihan na nga kita sana eh na kunin mo." Ani niya, kaya inilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko na ngayon ay sobrang kalat, nandun ang mga balat ng chitchirya at mga bote ng softdrinks, ang drawer ko na naka labas din.
Nanggi-gigil ako!
Napahawak ako sa dulo sa tuwalya at bumuga ng hangin.
"Kung alam mo naman pala na nasa ilalim ng kama ko, then why the hell are you messing my entire house?!" Sabi ko habang pinaghahampas ko siya ng tuwalya.
"At hindi ka din nag linis pagkatapos mo, salaula ka!" Tumigil naman na ako sa paghahampas sakanya.
Binigay ko naman sakanya ang laptop ko at ipina-ayos sakanya ang mga nawawalang pyesa.
Uma-arte naman siya naiyak.
Ang OA.
"Hindi ko rin naman alam kung darating ka eh..."
"...kaya sinubukan ko nalang na maging busy." Dagdag niya.
"Pumunta lang naman ako sa drawers sa ilalim ng kama mo eh... yung lang..."
"Tapos, tapos nung naka hanap na ako ng mapapaglaruan dun ka naman dumating." Sabi niya, suot niya parin ng nalulungkot na tono, hays.
"Pano ko naman malalaman na darating ka pala?!" Iyak niya.
"Okay, okay. Sorry na. Uuwi na ako ng maaga simula ngayon." Ani ko sakanya.
Nangongonsensya pa.
"Hays... I'm looking after a dog, all right." Sabi ko sakanya.
"Pero ngayon tao kana! Bakit kung maka-arte ka parin ay para kang tuta?" Upo ko sa study table ko.
"May buhay ka kasi sa labas ng bahay na 'to. Pumupunta ka sa trabaho mo, nakikipag kita sa sa ibang tao..."
"Eh ako? Nandito lang palagi sa bahay mo, ng mag-isa..." Ani niya... abay di pa natapos mag inarte.
Nang matapos na siyang mag ayos ng laptop ay gumapang sa patungong kama ko at humiga.Tumingin naman ako sakanya at saktong nagtitigan kami.
"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko pag ganon." Ani niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kumot.
"Dalhin mo rin naman ako pag umaga, yung hindi ka busy."
"Ang laking city neto oh. Sobrang raming lugar ang mapupuntahan kasama ang aso." Dagdag niya, napa-isip naman ako don.
"Magtatrabaho nalang ako doon sa living room." Sabay kamot ko sa batok ko.
"Matulog kana. Lalabas tayong dalawa... bukas." Dagdag ko, at lumabas na sa kwarto.
Umupo nalang ako sa sofa at napa takip ng mukha.
Parang kinukulong ko na nga siya dito sa condo, parang ang sama ko na ata sakanya.
Hays...
------
Naalimpungatan ako ng may narinig ako mga yapak kaya idinilat ko ang mga mata ko.
Si Tucker.
Na ngayon ay naka harap sa bintana, umaga na pala...
Nagsimula siyang maghubad at nag inat ng katawan.
Kada umaga talaga, bago pa sumikat ang araw, gigising si Tucker...
...na parang may nararamdaman siyang kakaiba...
...yung pakiramdam na parang nawawala siya pagdating ng araw.
At dun na siya nag papalit ng anyo sa pagiging aso.
Ramdam ko ang sinag ng araw na ngayon ay tumatama sa mukha ko at kay Tucker.
"Good morning." Sabi ko sakanya at tumingin naman ito sakin.
"Gusto mong lumabas ngayon?"
End of Chapter 7