"Fear, irate and indignation will terribly haunt you for the rest of your life."
FRANCHESSCA'S POV❤:
Kasalukuyan kaming nasa van pabalik sa bahay ni te jes.
Parang gusto kong iumpog ang ulo ko sa napakaraming katanungang ibinabalot ang kabuuan ko sa ngayon.
Hindi namin akalaing doon mauuwi ang napakasayang outing na ginanap ng 3 araw naming pamamalagi sa Palawan. Bakit? Anong rason? May dahilan ba talaga?
Masasabi kong ngayon lang ako hindi nakatulog sa ilang oras na byahe na itinunton namin pabalik sa bahay.
"Finally! Kiddos baba na, narito na tayo!" pilit ang ngiti at nagtataas-taasang enerhiya na sabi ni te jes.
Lahat kami ay naapektuhan. Hinihilot ang sentido kong paniniguro.
Nang tuluyan na naming marating ang bahay ay agad akong nanlamig sa nakita ko.
Bakit ngayon pa?
JESSY'S POV❤:
Dalamhati. Pighati. Sakit.
Nakatutuwang isipin na magkakaparehas ang mga salitang iyan na ang tanging ipinagkaiba lamang ay ang antas o lebel ng mga ito.
Ayan ang mababakas kay Chessy at Cisca na kasalukuyang malamig ang titig sa mga magulang nila. Wari ay hindi nila alam kung saan sisimulan ang nakaraang itinadhanang pabalikin patungo sa kanila.
"Chessy! Cisca!" maluha-luhang napatayo si tita jaz ng muling masilayan ang mga anak niya.
Hindi pa nakakalapit si tita ay agad na nagmartsa si chessy papalayo sa kanila.
"Franchessca Johnson!" tiim-bagang at madiin ang pananalita na baling ni tito rito, napatayo na rin siya.
Napahinto ng mga salitang ito ang pagbabalak na pag-alis ni chessy.
Nanatili siyang nakatalikod habang hindi gumagalaw. Gusto ko siyang yakapin, ngunit sa kabilang banda ay hindi ito angkop sa sitwasyon na nangyayari sa ngayon.
Bahagya ang paggalaw niya papaharap sa kanyang ama, tinapatan ang mga malalalim na titig nito.
"Respect your mother!" muling nakakatakot na sigaw ni tito.
"Bakit, pa?" sarkastikong tugon ni chessy.
Bago pa makapagsalita si tito ay agad na muling idinagdagan ni chessy ang kaniyang nais sabihin.
"Nirespeto mo ba kami?" malamig at pabalang na tugon nito na nakapagpatahimik kay tito.
Muli siyang tumalikod at tuluyan ng itinahak ang daan papaakyat. Hindi na pinagtuunan ng pansin ang sigaw, sita at pagmamakaawa sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
Nabaling ang paningin namin kay Cisca na naroon pa rin sa kaniyang ikinatatayuan, tila napako na ito rito.
"Hindi ka na nirerespeto ng mga anak mo Jazmine! Wala ka man lang bang boses--"
"Ayun nga ang mali eh, sa sobrang dami mong boses ay doon na tuluyang nagkaproblema!"
Kasalukuyang nagtatalo ang mag-asawa ng biglang sumabat si Cisca.
"Pwede na?" sarkastiko rin ang tono nito at ang mga ngiti.
Natahimik sa pag-aaway sina tito at tita.
"Hindi nyo man lang inisip kung ano yung mararamdaman namin bago kayo pumunta rito."
"Hindi ninyo naiintindi--" naputol ang pagsasalita ni tito.
"Eh kayo inintindi ninyo ba kami? Anak ninyo ba talaga kami?" maluha-luha ang mga mata ni Cisca'ng pumihit papatalikod at itinahak din ang daan papunta sa itaas.
Wala pang ilang segundo ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"C-chessy? S-saan ka pupunta?" nakagat ko ang labi, pinipigilan ang pagpatak ng mga luha.
"Ipinagkatiwalaan kita te jes." ramdam ang sakit sa tinig niya ngunit nanatili ang mga matang malamig, nakatutuwang isipin na nanatili ang mga mata ko sa kaniya, sinusubukan siyang kausapin gamit ang mga ito.
"Pero it turns out, isa ka rin pala sa kanila." napangisi muli siya ng sarkastiko atsaka nagmartsa palabas ng bahay. Dala-dala ang inempake niyang mga gamit na nasa maleta.
Nag-uunahang pumatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan siya papalayo.
"Jes, iha." agad akong niyakap ni tita jaz at gayundin ang ginawa ko sa kanya.
Nang balingan ko si tito ay kasalukuyan nitong hinihilot ang kaniyang sentido at nanatili ang blangkong ekspresyon.
"Jes iha, may sasabihin kami sa iyo."
FRANCHESSCA'S POV❤:
Hindi ko alam.
Iyan ang tangi kong masasabi sa nangyayari sa ngayon.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod ang mga hindi ko inaasahang pangyayari. Hi--
"Sisterettttt!"
Napaangat ang paningin ko ng may marinig akong pamilyar na boses na nanggagaling sa harapan ko.
"W-winniebells?" mahina ang tanong at pilit ang mga ngiti ko.
Maingay itong tumili atsaka nagkukumahog akong niyakap.
"Ay te! Anuyan?" nakataas ang kilay na inginuso nito ang maleta na hawak ko.
"Ano pa ba?" mataman ang tonong tugon ko rito na nakapag-paikot ng mga mata niya.
"Kailan ka pa natutong magsungit?" nang hindi ako sumagot ay doon na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"At dahil dyan doon ka samin!" agad akong ihinila nito at kinuha sa akin ang maleta.
Sa kabilang banda ko ay mayroon ding ang humila sa kamay ko.
"Doon na siya samin, winniebells."
"Bat ka naman napadpad dito?" agad kong inalis ang kamay ko sa kanilang dalawa.
"Halaaaa! Omg! Kumpleto na muli ang tres mariasss!" muling tili ng bakla kasabay ng pagyakap nito kay son.
Napangiti ako sa mga ito. Napaka-swerte ko na nakilala ko sila. Ang mga taong hanggang ngayon ay nanatili sa aking tabi. Sa kabila ng problema, tiyak nakaagapay ang dalawang ito.
UNKNOWN'S POV:
Nanatili ang hapdi na nanggagaling sa magkabilang gilid ng paa ko.
At ayun siya.
Ang bayolenteng babae na mayroong kasamang dalawang nakaitim na lalaki.
Kasalukuyan itong naninigarilyo habang ang mga mata ay diretsong nakapako sa kinaroroonan ko.
Nang tuluyan itong makalapit sa gawi ko ay mas lalo ko lamang nakita ang mariin nitong pagtitig maging ang pag-igting ng kaniyang mga panga.
Ang mga ngiting sarkastiko, ang mga nagliliyab na mga mata at ang mga kamao na unti-unting naghuhugis bilog.
Nanggigigil niyang itinupi ang mga kamao at kasalukuyang ipinipigilan ang sarili.
"Isang maling galaw pa."
~~~
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
(971 words)