Download App
10.81% On Bended Knees Completed / Chapter 4: Chapter 1

Chapter 4: Chapter 1

LIFE

"Hoy Sampaguita! Babangon kaba dyan o hahampasin ko yang napakapangit mong mukha ng walis tambo!!"Sigaw ni Ate Rose.

Napabalikwas ako ng bangon at nabitawan ang unan kong yakap. Napakamot ako ng buhok habang dahan dahang naupo sa gilid ng papag ko.

Kahit kailan talaga ay ang KJ ng ate ko.

"Ate naman, ang sarap na nang panaginip ko eh. Malapit na malapit na.Konti na lang, lalapat na ung lab-" angal ko.

"Talagang malapit na malapit nang lalapat itong hawak kong walis tambo sa mukha mo" nangangalaiting sigaw nya ulit.

"KJ mo talaga" pairap na sambit ko sabay tayo at dampot ng unan ko na nalaglag sa sahig.

"Mag- igib ka na ng panligo ko. Kung kailan ako nagmamadali eh! Kapag ako na late sa una kong klase humanda ka sa akin."  Inis na ihahampas sana niya ang walis sa akin pero mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ko.

Napakamot na naman ako nang makitang nakalimutan ko palang i-lock ang pintuan ko sa kwarto.

"Ito na oh! Kalma ka lang." I said then went at the back to get our buckets.

I sighed in annoyance when I found the long waiting line. Lagpas sa tindahan ni Aling Tilda.

"Mali-late ako nito."I whispered then queued up. Napayuko ako at nilaro laro ang paa sa sementadong daan.

Sa tuwing umaga ay mahina ang pag agos ng tubig sa lugar namin kaya sa gabi palang ay kailangan nang mag-ipon

Napapabuntong hininga akong sinipa sipa ang maliliit na bato sa semento. Ilang sandali pa ay may nakita akong malinis na mga kuko at ang pamilyar na havaianas ni Tran.

I glanced up and found him so handsome in the morning while smiling at me. Eyes sparkling in amusement.

I took him all in. From his black thick mane, thick eyebrows and deep set black eyes. His long nose, red lips and sharp jaws.. he's fair skin, tall and huge man with hard muscles..

I couldn't help but sigh. He's the man I was dreaming for all these years. My long time crush..

"Sampaguita kung gusto mo sumabay kana sakin. Mukhang matagal tagal pa ang paghihintay mo." He offered while smiling at me. I sighed again.. Kaya ko sya nagustuhan ay bukod sa mala Adonis sa kagwapuhan at kakisigan ay napakabait din niya.

Isa lang talaga ang ayaw ko. Kapag tinatawag niya ako sa buo kong pangalan.

"Hwag na. Nakakahiya sa mga taong nakapila." Tanggi ko agad. At pasimpleng pinunasan ang mga mata ko at kinapa ang mga labi ko kung may tuyo bang laway.

I heard him chuckle. Kaya napatingin ako ulit sa kanya habang kumakapa sa bibig ko.

Nakita ko siyang nakangiti at umiiling.

"You look fine Sampaguita. Pretty." He said then combed my hair with his long fingers. I stepped back in surprise. My heart was beating fast. This was the first time he held me.

His smile dropped then bit his lower lip before looking away.

"They won't say anything. Don't worry."he said gently then took my big buckets and placed it where his water jugs are.

Napalunok ako at sumunod sa kanya. Bigla akong napipi sa nangyari. Dream come true naba ito? May gusto na rin ba siya sa akin?

"Nakakakiya naman Tran."pabulong ko.

"Akong bahala sayo. Tsaka kailangan na nang ate mong maligo kaya okay lang yan. Baka mapagalitan ka pa." He gently said then looked at me in the eyes.

Napalayo ako nang tingin.. my heart dropped. Of course.. it wasn't for me..

"Salamat." I heaved a breath.

Nanahimik na ako at hinintay siyang mapuno ang mga balde ko.

Nang matapos ay nagpaalam na ako kahit sinabi niyang siya na ang magdadala. Kaya ko naman. Tsaka sobra nang pagkaabala ang nagawa ko.

Nang makarating sa bahay ay tumayo na si Ate mula sa sofa at nagpunta sa banyo matapos kong isalin ang tubig sa drum.

Tahimik ko siyang pinanood. Sobrang ganda kasi niya kaya lahat ng mga lalaki sa lugar namin ay may gusto sa kanya. Ang masakit lang pati ang gusto ko, may gusto din sa kanya.

Nang makapasok na siya sa banyo ay naghanda na rin ako nang makakain.

Napangiti ako nang mapait habang nagluluto ng almusal at babaunin ko sa school. This was my life every day. Taga silbi sa buo kong pamilya. Katulong. Taga luto at taga linis.

Wala na sina Ina at Tyong dahil may maliit kaming pwesto sa palengke na kailangang tauhan.

Nang matapos ako ay nagsalin na ako sa tupperware para sa lunch ko. Ang mga kapatid ko ay pawang may mga pera kaya afford nilang bumili ng pagkain sa cafeteria.

Si Dahlia ay namumungay pa ang mga matang naupo para kumain. Si Ate naman ay kumuha lang ng hotdog at slice bread at umalis na. Narinig ko ang sundo niyang kotse kaya napatayo ako at sumilip. Napailing ako nang makita ang lalaking lumabas mula sa kotse. May katandaan na. Paiba iba talaga ang mga sumusundo sa kanya. Ganoon siya kaganda. Pinag aagawan at suportado din. Umuulan ng pagkain at groceries sa bahay every week. Galing sa mga suitors niya.

Tahimik kaming kumain at nauna nang naligo si Dahlia. Narinig ko na rin ang sundo niya pagkalipas ng ilang minuto.

Sinilip ko ito at nakita ang motor nang kaeskwela niya.

Sa aming magkakapatid ay ako ang naiiba. Walang nagkakagusto. Walang nanliligaw.

Noong kabataan ni Ina ay napakaganda din niyang babae. Nagtrabaho siya sa Angeles Point nang mamatay ang mga magulang niya para mabuhay ang sarili. Sa pagtatrabaho doon bilang entertainer ay marami siyang nakilalang mga foreigners at naging karelasyon. Una niyang pinagbuntis si Ate Rose sa boyfriend nyang German. Rose got her father's physical attributes, green eyes and light brown hair. While our youngest Dahlia's got hers from her American father. She has hazel eyes and brunette. Both of them are beautiful with their voluptuous body, pinkish white skin and long legs.

Ako naman ay nakuha ko ang pagiging Pilipino ng tatay ko. Black hair, black eyes at sun kissed skin. Medyo pouty ang mga labi ko na nakuha ko kay Ina. Masyadong plain. Petite and skinny. Pangalawa ako sa amin. I am the least favourite of us three. Maybe because my father left my mother without giving anything except his sperm. Naloko si Ina kaya hanggang ngayon sa paglaki ko ay ako ang nakakakuha ng galit niya sa tatay ko.

Mabilisan na akong kumilos para makapaglakad na dahil wala namang susundo sa akin gaya ng mga kapatid ko.

Inilock ko na ang pintuan at naglakad ng tahimik.

Sa buong buhay ko, ni minsan ay hindi ako sinuporthan ni Ina. Pati pag aaral ko ay ako ang gumagawa ng paraan. Samantalang ang dalawa kong kapatid ay sobra siyang proud.

Si Ate ay suportado ng mga manliligaw niya, at si Dahlia naman ay may nakukuhang allowance sa tatay niyang Amerikano. Marahil dahil wala naman akong naiiambag sa bahay kaya walang amor si Ina sa akin.

Kaya gustong gusto kong mag aral dahil ito lang ang solusyon na nakikita ko. Kung sakaling makapagtapos ako ng pag aaral sa college at makakuha ng trabaho ay maaari ko na ring mabigyan ng ginhawa si Ina. At siguro.. magiging proud na rin siya sa akin..at matututunan niya akong mahalin..

Nang makarating sa school ay binati ko ang mga guards at mabilis na pumasok sa loob. Natutuwa akong makapasok sa pinakaprestihiyosong at pinakamalaking school sa lugar namin.

Ang Saint Ives High School.

Luckily I got the scholarship and now, it would be my last year here. I am a senior high school this year.

"Giiiaaa!" Sigaw ni Megan na nagpalundag sa akin sa gulat. Kahit kailan talaga ay mala megaphone ang boses niya.

Napahawak ako sa dibdib ko at lumingon sa kanila. I have two best friends here in school. Megan Relano and Arana Ruiz.

Megan slapped my back hard that I almost fell on the ground. Buti na lang at mabilis akong naalalayan ni Arana.

"Aray naman. Ang laki ng kamay mo, ang lakas mo tapos hahampasin mo ako! Ano ako kasparring?"I complained then massaged my back.

"Epal naman. Para tinapik ka lang. Sabihin mo kinikulang ka lang sa nutrisyon." She answered then smirked. Her round black eyes were sparkling in joy.

What the f! Siya na nga ang nakasakit, siya pa ang may ganang mang insulto!

Magkakaibigan na kaming tatlo magmula noong elementary. They both came from rich families.

Megan Relano's family owned the only mall here in our province. They also own lots of retail shop of car spare parts in our region. While Arana's father is the chief of the police here in our province. And her mother works as the head teacher in public elementary school.

They're both gorgeous.

Megan has this angelic face and quite chubby cheeks. She has long dark brown wavy hair and porcelain skin. She's voluptuous and the tallest among us three.  Five feet eight inches. While Arana has this elusive beauty. She has set of upturned eyes that made her look mean and aloof. Stiff and serious. Long dark auburn hair and porcelain skin. Tall and skinny. She's five feet six inches.

"Hinay-hinay lang Meg. Baka makalag ang mga buto ni Pres." She said then lifted her eyeglasses.

Napailing ako dahil hanggang ngayon ay suot pa rin niya ang salamin niyang walang grado.

"Suot mo pa rin yan?" Natatawa kong tanong. Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Mas mukha siyang masungit noh?"Sabat ni Megan at hinampas ulit ako pero sa balikat na.

"Kanina kapa Megan!" Inis ko ng sabi.  Tumawa lang ang magaling kong kaibigan ng ubod ng lakas at hinila na ako palapit sa kanya para makapag group hug.

Halos mawalan na ako ng hangin sa higpit ng yakap niya. Mabilis ko silang tinulak.

"W-wait!" I breathed deep when I was out of their embrace.

"Kung makapiga ka naman Megan."angal ko ulit at napalayo na sa kanya.

Natawa ang dalawa at inakay na ako palayo sa may gate.

"I have something for you bestie! Clothes and chocolates."Megan said excitedly. Then handed me some paper bags. Agad ko itong kinuha at sinilip. Ang dami at ang bigat..then she handed me another small bag.

"Yong phone ko last year, sayo na rin.. kundi dahil sayo hindi ko makukuha yong latest!"she smiled happily and pulled her new phone out of her pocket.

"May sim card na yan at isang libong load. Kaya wala ka nang problema." Sabi niya at kinuha ang malaking iphone sa bag para sa akin. May nakasave nang picture namin sa wallpaper.

"Alam mo namang hindi ako marunong sa gadgets!"angal ko at tinanggap ang cellphone. She took the small paper bag from my hand and threw it in the bin.

"We'll teach you bestie. But first, take my bags too."Arana said then shook the bag she was holding in front of me.

"Para san naman ito? Bakit ang dami at ang bigat?" I inquired.

"Well, thank you gift ko lang yan. Dahil sa matyaga mong pagtuturo sa akin." ni Megan said with a big smile on her lips.

Napatango na rin ako.

Nang tumingin ako kay Arana ay nakangiti siya nang maliit. Namumula ang mga pisngi.

"Nakabili kasi ako ng maliit para sa akin kaya sayo nalang.."tahimik na sagot niya.

"Sus.. hindi mo pa sabihin na naalala mo si  bestie nong bumili ka.."buska ni Megan at tinaasan siya ng kilay.

Napangiti ako at napailing. Hindi ganito dati si Arana. She was carefree and jolly. Then suddenly, after her holiday in America, she came back like a different person. She was changed.

"Oo na. Kaya tayo na sa classroom." Masungit na amin ni Arana.

Nagkatinginan kami ni Megan at napangiti.

Naglakad na kami at bigla akong may naalala.

"Teka" pigil ko sakanila. Punong puno nang saya sa dibdib ko.

Nagtatakang tinignan nila ako.

"Maraming salamat din dahil kahit ganito lang ako ay hindi kayo nagsasawang maging kaibigan ako."malungkot kong sabi.

Bigla nila akong hinila at niyakap.

"Anong ganito ka lang? Walang 'lang lang' pagdating sayo! Kahit itanong mo pa sa lahat ng students dito!" Naluluhang saad ni Megan pati si Arana ay napapasinghot na rin. Napailing ako.

"Tara na nga. Mga iyakin talaga kayo."at binitiwan na nila ako.

"Sandali pala. Last na to."

Nilahad ko ang palad patalikod at agad nilang nakuha ang gusto kong mangyari. Ipinatong din nila ang mga kamay nila. Nakagawian na namin ito kada simula ng pasukan.

"Last year, fighting!!"tumatawang tinaas namin ang mga kamay at tinuloy ang lakad namin papuntang classroom.


CREATORS' THOUGHTS
greighxx greighxx

Please let me know your thoughts about my new version.

Votes and Comments are very much appreciated.

-greighxx

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login