Download App
15.38% The Mystery of a Diamond Necklace (Completed) / Chapter 2: The Beginning

Chapter 2: The Beginning

Sa isang nakakamanghang mundo ng Aeronadia,may naninirahang hari at reyna na nagngangalang Haring Aeron at Reyna Arania Winston. Ang mundong kanilang pinangangalagaan ay may naninirahang kakaibang nilalang at mga imortal na hindi umiinom ng dugo kundi kumakain lamang sila ng mga prutas at pagkain ng mga tao.

         Isang kasiyahan ang naganap sa kaharian nang ipinanganak ng Reyna ang isang napakagandang prinsesa na ang pangalan ay Prinsesa Zahanabelle Winston.

        Nang sumapit ang ikalabing walong kaarawan ng Prinsesa ay pinagkalooban siya ng kanyang ina ng isang diyamanteng kuwintas na magliligtas sa kanya sa mga matinding panganib na darating. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng reyna na may kapalit ang bawat pagligtas nito sa prinsesa kung saan dadalhin siya nito sa ibang mundo.

        Sumapit ang isang linggo,habang namamasyal ang prinsesa sa kagubatan ay may nagmamasid sa kanya. Isa ito sa mga kawal na ipinadala ng mortal na kaaway ng kanyang ama na si Haring Hardus. Nais nito na paslangin ang Prinsesa.

         Habang namimitas ng mga bulaklak ang prinsesa ay may narinig siyang kaluskus at mayamaya ay napansin niyang sinusundan siya nito.

  "Sino ka?A...alam kong sinusundan mo ako." May takot na sabi ng prinsesa.

       Lumabas ang  kawal at alam ng prinsesa na kawal ito ng kaaway ng ama niya. Dahil sa takot ay tumakbo siya ng mabilis ngunit naabutan siya nito dahil may kapangyarihan na ito.Nagdilim ang paningin niya at nawalan ng malay.

Nagising na lamang ang prinsesa at nagtataka siya sa napakadilim na paligid.May narinig siyang halakhak.

  "Sino ka?" tanong ng prinsesa.

  "Ako lang naman si Haring Hardus na pinakamakapangyarihang hari ng kadilimiman." sagot nito.

"Ano ang kailangan mo?Ba..bakit mo ako kinulong dito?" May takot at nauutal na tanong ng prinsesa.

"Isa lang naman ang gusto ko. Yun ay ang sakupin ang buong aeronadia at magsisimula ang lahat sa pagpaslang ko sa iyo.Pagkatapos ay isusunod ko ang iyong ama't ina."

  "Ako nalang,ako na lamang ang paslangin mo at huwag ang mga mahal kong magulang." Pakiusap ng prinsesa.

       Kinuha na ng hari ang kanyang makapangyarihang espada at itinaas ito sabay sabing,

  "Hahaha!Ito na ang simula ng aking paghahari sa Aeronadia."

Bumuhos ang luha ng prinsesa at nakikiusap na huwag paslangin ang mga magulang niya. Ngunit tinawanan lamang siya ng hari. Lumapit na ang hari at itinuon ito sa prinsesa.

 

  "Huwag!!!!" Sigaw ng prinsesa.

  Nagulat si Haring Hardus sa isang liwanag na lumabas at biglang nawala ang prinsesa.

  "Ano ang nangyari?Saan napunta ang prinsesa?Bakit bigla siyang nawala? Hindi ito kapani-paniwala!Wala pa namang kapangyarihang taglay ang prinsesa.Maaaring nakaligtas siya ngayon ngunit sa susunod hinding hindi na." May galit na sabi ng hari.

 

     Sa kabilang dako ay nag-aalala sina Haring Aeron at Reyna Arania sa pagkawala ng prinsesa. Nag-aalala ang buong kaharian sa mga pangyayari.Pinahanap ng hari si Prinsesa Zahanabelle ngunit hindi parin nila matagpuan ito. Hindi alam ng lahat na dinala na pala ng liwanag sa pamamagitan ng kuwintas ang Prinsesa  sa mundo ng mga tao.

Princess Zahana's POV

 Aray!ang sakit ng ulo ko. Nasaan kaya ako? Bigla ko nalang naalala na noong sinunggab ako ni Haring Hardus ng kanyang espada ay bigla nalang akong nasilaw sa liwanag at nagising na lamang ako sa lugar na ito. Bakit hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.

Nagtataka ako kung ano ang tawag sa mga bagay na malalaki na tumatakbo na aking natatanaw sa mga daanan at maiingay pa ang mga ito. Nagulat ako nang may tumapik sa aking balikat.

  "Miss are you alright? " tanong nito sa akin at napakaganda niya,ngunit wala akong naiintindihan sa kanyang mga sinabi. Naku po! Baka nasa ibang planeta na ako.

 

   "Ano ba ang sinasabi mo binibini at hindi kita maunawaan?" tanong ko sa kanya.

  "Hahaha!Tinatanong ko lang kung ayos ka lang ba" sagot nito.

  "Aahh.... Oo,maayos lang naman ako. Teka!maaari bang magtanong sa iyo?" tanong ko.

  "Oo naman,nagtatanong ka na nga.Hahaha!" tugon niya na parang natuwa pa.

  "Nasaan ba ako at ano ang iyong pangalan?" tanong ko ulit.

"By the way, I am Criza Cruz at nandito ka ngayon sa Manila City. Bakit ka nakasuot niyan? Sumasali ka siguro sa mga theatre or cost play noh? Kasi para kang prinsesa at tignan mo, nakatingin ang mga tao sayo." sabi niya habang nakangiti.

    

    Nang tinignan ko ang paligid ay tama nga siya na tinitingnan nga ako ng mga tao.

   

   "Si Criza Cruz!" Biglang sigaw ng isang babae at tumakbo ang lahat palapunta sa amin.

   "Siya nga si Criza. Criza!picture naman po." Isa pang sigaw ng babae.

   "Ang ganda talaga niya." sabi pa ng isa.

Hinawakan ni Criza ang aking kamay at tumakabo kami.Pumasok kami sa isan bagay at tumakbo ito.

    "Ano ba ang tawag dito sa sinasakyan natin Criza?"tanong ko sa kanya.

    " So hindi mo rin alam ito. Ito ay tinatawag na sasakyan o car. Teka nga muna!saan ka ba galing? Bakit napakainosente mo at ano ba ang iyong pangalan?"tanong ni Criza.

    "Ako nga pala si Prin-ah hindi! Aa..ko si  Zahana, Zahanabelle Winston." may kaba kong pahayag.

   "Ikinagagala kong makilala ka Zahana. Taga saan ka ba at tila wala kang alam sa lugar nato?"

" Aahh, kasi hindi naman ako tagarito." pagpapaliwanag ko.

  "Pero maaari ba kita maging kaibigan at tuturuan kita sa mga bagay na hindi mo alam." Nakangiti niyang sabi.

  

  "Oo naman,kaya kaibigan na kita. Maari mo ba akong tulungan? Wala kasi akong matutuluyan."

  "Oo pwedeng pwede.Doon ka nalang muna sa bahay tumira,tutal ako lang naman mag-isa doon." tugon niya.

    "Maraming  salamat Criza. Napakabait mo talaga." Pagpapasalamat ko.

Hayy!! Mabuti nalang at mayroon na akong bagong kaibigan sa mundong ito.

CRIZA's POV

     Simula noong nakita at nakilala ko si Zahana ay napakagaan ng loob ko sa kanya. Salamat dahil naging best friend ko na siya.

Over the  past few  years, I have been busy in my career so I don't have a time to mingle and to make friends, but I feel different this time. It seems like, I feel great when I met Zahana, so she became my friend.

I'm still confuse and curious kung ano ba talaga siya dahil parang maraming siyang hindi alam. Siguro kung totoo na may ibang pang kakaibang mundo iisipin ko talaga na nanggaling siya sa ibang mundo.But it's not necessary anymore because the most important is she is now my best friend.

   

Lumabas na si Zahanabelle sa banyo at naku!hulaan niyo kung ano ang nangyayari.Nilagay lang naman niya ang panjama sa leeg niya.

  

    "Hahaha!Ba't ganyan ang pagkakasuot mo ng panjama?Hay naku!talagang napakainosente mo Zahana. Para kang bata" Sabi ko habang tumatawa.

   "Hehe!naku pasensya ka na, ni hindi ko man lamang alam kung paano ito suotin." Tugon ni Zahana.

   "Ano ka ba, ayos lang yan. Ako na ang bahala. Tutulungan nalang kita." Sabi ko habang naghahanap ako ng pantulog na dress.

  "Ito na lang ang suotin mo,kasi alam kong marunong ka magsuot nito." Sabi ko habang binibigay ko ang damit sa kanya.

   "Maraming salamat talaga Criza." pagpapasalamat niya.

    Mayamaya lumabas na siya at;

"Oh my God!Ang ganda ganda mo Zahana. Kahit pantulog yang suot mo, eh para ka paring prinsesa." mangha kong sabi sa kanya.

   "Salamat Criza." sabi niya.

    "Tigilan mo na nga ang pagpapasalamat sa akin. Halika ka may ipapakita ako." Dinala ko siya sa isang kwarto na napakahalaga sa akin. Ito ang music room ko at siya pa lamang ang nakapasok dito maliban sa akin.

     "Wow! napakaganda naman ng silid na ito at napakaraming instrumento. Mahilig ka pala sa musika?" Tanong niya.

  "Oo, mahal ko kasi ang musika.Kaya simula ngayon ay ito na ang paborito nating silid .Tutugtog tayo ng musika at magiging guro mo na ako sa pagsasalita ng ingles." Masaya kong tugon sa kanya.

   Tumango  siya at tumawa kaming dalawa.Ang saya pala ng pakiramdam ng may kaibigan. I'm really thankful that I met her.

  

...

😂😂😂


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login