Download App
15.38% Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 4: Kabanta 1

Chapter 4: Kabanta 1

NAPABALIKWAS ng bangon si Carrieline, tigbi-tigbi at pawisan siya sa mga sandaling iyon. Kagigising niya lang ngunit hinihingal siya na akala mo'y nakipagkarera siya sa pagtakbo. Marahan niyang dinama ang dibdib, patuloy pa rin ang mabilis na pagtahip ng tibok ng puso niya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa kabuuhan ng kaniyang silid ngunit kadiliman ang siyang nangibabaw.

Dahan-dahan niyang hinagilap sa kaniyang side table ang salaming gamit niya sa mata.

Tuluyan na niyang binuksan ang lampshade na nasa tabi. Tumayo siya at hinayaan niyang maramdaman niya ang malamig na marmol ng kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa bintana ng kaniyang kuwarto.

Marahan niyang hinawi ang kurtinang nakatabing dito. Muli, Sinalubong siya ng dilim. Walang buwan o bituin ang maaaninag sa labas, napakatahimik. Ni huni ng kahit anong hayop, wala siyang marinig.

Unti-unti niyang binuksan ang nakasarado niyang bintana. Hinayaan niyang yakapin siya ng malamig na simoy ng hangin.

Ipinikit niya ang mga mata, muli umukit sa kaniyang balintataw ang mukha ng lalaking nasa kaniyang panaginip. Ang maamo nitong mukha ay nagsisilbing tanda sa kaniya. Bawat detalye sa kaniyang panaginip ay masyadong malinaw rito, tila totoong nagaganap ang napaginipan niya.

Bata pa lang siya nang una niya itong mapaniginipan. Ang lalaking may maamong mukha ay laman lagi ng kaniyang panaginip.

Mabilis niyang yinakap ang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtahip ng tibok ng kaniyang puso.

Sa dalas ng pananaginip niya rito, kabisadong-kabisado na niya ang bawat detalyeng naroon sa kaniyang panaginip. Twenty-five na siya kaya halos sampung taon na rin itong laman ng kaniyang panaginip.

Kung ano man ang ibig sabihin ng panaginip niya rito'y hindi niya pa alam.

Matagal na siyang naghahanap ng kasagutan sa lahat pero nanatiling wala siyang makuhang sagot. Isang beses, may nagpayo sa kaniya na baka ang lalaking napapaginipan niya ay nakasama na niya noong nakaraang buhay niya o hindi kaya ang lalaking makikila pa lang niya sa hinaharap. Mga haka-hakang lalong nagpapagulo sa kaniyang isip.

Sunod-sunod siyang napalunok. Nahahapo siyang humakbang, dahan-dahan siyang napa-upo sa upuan kung saan kaharap na niya ang draw board. Kung saan muli niyang ipipinta ang lalaking nasa kaniyang panaginip.

Mabilis na nagsigalawan ang kaniyang kamay, hindi alintana ang mga sandaling nagdaan. Hindi siya nakaramdam ng pangangawit pagkatapos.

Matapos ang mahaba-habang sandali, pinagmasdan niya ang katatapos na obra maestra. Hindi siya nakaramdam ng pagkahapo, kahungkagan at pangungulila ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Dahan-dahan niyang pinaglandas ang daliri sa lalaking kaniyang ipininta. Tila may bikig siya sa lalamunan ng mga sandaling iyon.

"Sino ka nga ba at ano ang kaugnayan mo sa akin?" Katanungang naisatinig ni Carrieline habang nanatili siyang nakatunghay sa imahe ni DEXTER..


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login