Download App
90.9% FLIPPED / Chapter 10: Chapter 9

Chapter 10: Chapter 9

"buti nalang nadala ka ka-agad dito sa clinic kung hindi baka na-impeksyon na itong sugat mo," sabi ng nurse gabang ginagamot ang sugat ko.

Kailangan kong magpasalamat kay Morphil, at sisiguraduhin ko naman na mamabutkan ko si Nat mamaya... Bwiset na sadistang babae yun! Iniwan ako kung kailan ako hindi makalakad.

Hindi na ako nagpahintay pa kay Morphil dahil ayokong may ma-miss siyang klase dahil lang sa akin, kahit nagpupumilit siya na bantayan ako ay tinutulan ko na ito dahil may nurse naman na naka bantay, atsaka, siya na nga ang nagligtas sa akin diba? bago siya umalis ay nagpasalamat muna ako.

Pasalamat ako at hindi ko nakita ang liwanag, thank you Lord... nanalig ako sa inyo pero, ayoko pa kayo makita.

Hindi na namamanhid yung paa ko. Hindi ko alam kung ilang ors na ako dito sa clinic ng school, kasi naman yung nurse ehh...hindi naman ako na-lumpo. Gusto ko ng umalis dito, nakakahilo lalo... sa totoo lang amoy amoxcicilin dito, gusto kong masuka.

Ilang sandali pa ng bumukas ang pinto ng clinic at lumitaw si Nat.

"Kamusta ang quality time niyo ni Morphil... may pa-forehead kisses ba?" tanong niya na mapang-asar, naalala ko nga pala na si Nathalia Vanchester Fox ang kausap ko ngayon, Ang reyna ng ng mga pilosopo na alagad ni satanas.

"kaibigan ba talaga kita ha? Imbis na tanungin mo ako kung okay lang ako ehh... nang-aasar ka pa!?" sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay, pero ang 'butihin kong kaibigan' ay tumawa pa...

"ikaw naman hindi mabiro...pero maiba tayo? Bakit parang pinaglalapit kayo ng tadhana..." sabi niya na lalong nagpasama naman ng mood ko, napakagaling talaga ng isang to mang-asar...sarap patayin

"hmmm... isipin mo nung naglaro tayo ng toss coin, sabi ko,magiging kayo ni Morphil, baka naman nangyayari na YYIIIEEEEEE,"

"imposi...ble naman yung...sinasabi mo... coincidence lang lahat yun,"

Pagdadahilan ko...

Naalala ko na naman yung napanaginipan ko kagabi, hindi maari... napaka imposible naman na dahil lang sa isang barya mababago ang buhay. Nasa akin pa rin ang mga desisyon ko sa buhay, hindi totoo yun, HINDIIIII!!!

"hay bahala ka diyan, basta ako... support nalang ako kung magkakatuluyan man kayo ni Morphil o hindi, nga pala breaktime na... bili lang ako pagkain tapos balik ako dito para dito na rin ako kakain," sabi niya at aktong tatayo na pero piniglan ko siya.

"hindi na, sama na ako sayo, hindi na namamanhid paa ko.tsaka sabi ng nurse bago siya umalis ay pwede na akong tumayo pag breaktime na," tumango nalang siya at lumabas ng clinic...

"tara," sabi niya sa akin... minsan maasahan mo rin tong hinayupak na ito ehh.

Tumayo na ako at lumakad papalabas ng clinic

hindi na masakit yung paa ko pero tong si Nat nasa likod ko at parang tanga na nag-aabang kung malalaglag ako.

"ano ba yang ginagawa mo... alam mo para kang tanga, hindi ako lumpo, OK?" sabi ko sa kanya na dahilan upang sabayan nalang niya ako maglakad.

"ayaw mo noon may sasalo sayo, pag nalaglag ka," sambit niya kaya naman napangiti ako.

"salama-"

"kay Morphil...HAHAHAHAHAHAH," akala ko pa naman sincere siya doon pero aasarin lang pala ako...

"bahala ka nga diyan, ang galing motalagang mang-asar ehh no?" sabi ko at agad naman na nagmadali maglakad. Tinawanan niya nalang ako at nagmadali na rin maglakad para masabayan ako.

Mabilis kaming nakarating sa cafeteria dahil nga sa pang-aasar nitong si Nat, ayoko kasi marinig yung mga asar niya sa akin kaya naman sa tuwing aasarin niya ako, ay binibilisan ko ang aking lakad.

Pagdating namin ng cafeteria, ay as usual na marami ng tao. Hindi ko alam pero, nakatitig silang lahat sa akin, oo alam kong kilala ako sa school dahil SC president ako pero parang iba yung titig nila sa akin, may mali ba sa suot ko. Tiningnan ko ang aking uniform, malinis naman, nakasuot naman ako ng I.D. Anong bang tinitingnan nila?

Kinalabit ko si Nat at tinanong ito ,"ano bang tinitingnan nila?"

Sumenyas naman si Nat at turo nito ang mga mata ko...Sheeettt, naalala ko na nasira nga pala yung salamin ko... ano bayan oh!

Dumiretso nalang ako at naglakad ng nakayuko, ano ba naman kasing araw to oh!! Pero naalala ko na malas naman ako lagi sa school diba? ano bang pinagkaiba diba? pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad pero hindi ko inaasahan na may tao pala sa harapan ko, nabangga ko ito at nakita ko na lang na may nalaglag na iced tea sa sahig...Sheeetttt

Tinaas ko naman ang mukha upang makita kung sino ang nabangga ko at para humingi ng paumanhin, pero laking gulat ko ng ang una kong makita ang mga matang ayaw na ayaw kong makita, ang mga matang akala mo mangangain, ang mga mata ni Morphil. Galit na galit yung mata niya at halatang makakapatay na siya. Ngumiti naman ako ng pilit at unti-unting naman akong humakbang patalikod para takasan siya, ngunit binuhat niya ako na parang sako ng bigas at dinala sa counter ng drinks at pinabili ng ice tea... akala ko naman ibabalibag ako sa mesa at pagsasapakin ng mokong na to, kinabahan ako doon ahh

"pabili nga po yung-" bibili na sana ako ng ice tea ng magsalita siya

"isa pong strawberry milk shake at chocolate milk sahke,"

"teka lang!? wag mo nga akong hilahin," sabi ko dito pero tila bingi siya, yung totoo?

"isa nga pong order sa adobo, tsaka chicken curry, tsaka dalawang order po ng kanin," sabi niya na ikinababa naman ng loob ko. Tama na please? Wala na akong matitirang pera?!

Aktong lilipat pa siya doon sa may counter na puro dessert kaya nagpumiglas na ako ,"tama na! wala na akong matitirang pera!," sabi ko sa kanya pero hindi siya natinag at bumili ng isang chocolate sponge cake at red velvet cake... ang mahal nun ehh!!!

"sino ba kasing ikaw magbabayad?" sagot niya na nagpatigil naman sa akin, so hindi pala ako ang manglilibre, ehh bakit kung makahila siya kanina sa akin ehh parang papatayin niya ako.

Hinila niya ako sa isang table...nakakahiya kasi hawak niya yung kamay ko at ang napili niya pa talagang tabe ehh yung nasa pinaka gitna ng cafeteria...ano bang iniisip nito?

umupo na siya,umupo na rin ako kasi wala naman na akong magagawa ehh, baka kung ano pang gawin sa akin nito...

dumating na yung mga inorder niya... grabe, naalala ko nga pala na anak siya ng may-ari ng school kaya pala hindi na pinadala sa kanya yung mga inorder niya. Iba talaga kapag mayaman...

"salamat," sabi ko sa kanya habang nakangiti, kailangan kong magpasalamat sa kanya dahil marami na siyang nagawa para sa akin.

"uhhmmm...ayos...ayos lang yun," sabi niya ng pa utal-utal habang hindi mapakali, ano banag problema nito?

"uhhm eto... strawberry milkshake, kaya ko to inorder kasi diba paborito mo to?" pagiiba niya ng usapan

Kinuha ko ito at nagpasalamat, pero teka nga? Bakit alam niya na strawberry milkshake ang paborito ko?

"paano mo naman nalaman na favorite ko tong strawberry milkshake," tanong ko out of nowhere.

Lumaki naman yung mata niya,"ano... uhhmmmm...kasi"

Bakit di siya mapakali?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login