Download App
36.36% FLIPPED / Chapter 4: Chapter 3

Chapter 4: Chapter 3

Pagpasok ko ng principal office, agad akong pinaupo ni maam milagros sa upuan sa tapat ng lamesa niya... nakakapanibago kasi kadalasan kapag gusto akong kausapin ng principal tungkol sa mga events at projects ng school kadalasan sa SC office lang kami naguusap, hindi ko tuloy mapigilang magtanong

"maam sino po ba yng bagong transferee? Diba po yung admin na ang bahala sa mga bagong estudyante?" tanong ko kay maam

"request mismo nang mga magulang ng bagong estudyante na kung pwede isang student na lang din ang mag-asikaso sa kanilang anak... hindi ko rin malaman kung bakit pero malalaman din natin yan pagkadating niya," sagot naman ni maam sa tanong ko

Napaisip naman ako, kung kaya ng mga magulang niya na pakiusapan ang principal siguro... close sila o di naman kaya mayaman...

Natapos ang pagiisip ko ng iniluwa ng pinto ang isang lalaki na matangkad...grabe ang tangkad niya, hindi ko agad nakita ag kanyang mukha dahil agianst the light siya... nung makapasok na siya at sinara niya yung pinto tsaka ko lang nakita yung mukha niya... gwapo siya, matangos ang ilong, kissable lips pero hindi naman masyadong pouty... at ang nagdala talaga sa kanya ay yung almond eyes niya with matching kilay na hindi masyadong makapal at hindi rin masyadong manipis.

Agad ko namang winaglit ang sarili ko sa pagtingin sa kanya,

kung ganon lang sana ang mata ko siguro marami na akong naging girlfriend...hay

"ahhh!" singhal ko ng kinurot ako ni maam milagros...napatingin ako kay maam,tinaasan niya ako ng kilay bago bumalik ang tingin sa lalaki... pinapatayo pala ako ni maam kasi walang uupuan yung lalaki

agad naman akong tumayo at umupo doon sa may sofa sa gilid, pero bago ako tumayo ay nginitian ko yung lalaki na sinuklian naman niya ng isang tingin...pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa... pero pinaka nagtagal siya sa mata ko na dahilan kaya napayuko ako

"gay," bulong niya na nagpakunot naman ng noo ko... hindi ko nalang ito pinansin at umupo nalang sa sofa

"Nakasalamin naman ako ahh..." bulong ko sa sarili ko habang iniisip yung mga sinabi niya...

Pahamak talaga tong mga matang to...tsaka anong sabi niya!? GAY?! Porket ba yung mata ko ehh pang-Damsel-in-distress ehh bakla na?!

Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makapatay ako ng wala sa oras... iniisip ko nga na sana pwede kong hiramin yung kamay ni Nat at ihampas ko sa lalaking yun...akala mo kung sino?!

Hindi ko namalayan na may nakatayo na pala sa harapan ko, agad ko siyang tiningnan at kulang nalang magkastiff neck ako dahil sa sobrang tangkad niya... bakit ba kasi noong nagpaulan ng katangakaran ehh tulog ako...hay

"wala kang balak tumayo? Your wasting my time fag!? Bakit ikaw pa kasi ang magaaskiaso sa akin," kuda niya na nagpakulo naman ng dugo ko.

"para lang sa kaalaman mo ginoo, may pangalan po ako... NIGEL okay? kaya stop calling me FAGGOT cause im not," sagot ko dito at aktong tatayo na ng magsalita siya

" your gay so you're a faggot, para sabihin ko sayo... I hate gays so if I were you, I will keep my distance because you don't know what I'm capable of," mahaba niyang speech habang papalabas sa office...

Pumasok muna ako sa principal office pero hindi pa rin mawala wala ang inis sa mukha ko,"anong nangyari sayo nigel, bakit ka parang pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong naman sa akin ni maam milagros

"wala po," sagot ko kay maam milagros at ngumiti para hindi mahalata ni maam na gusto ko ng patayin yung lalaking transferee...teka? Ano nga ba pangalan noon?

"kung wala naman palang problema umpisahan mo na siyang itour sa school, then dumritso na kayo sa klase niyo...kung may problema related sa kanya just tell me and I will inform you on what you will do," utos sa akin ni maam milagros...

Bago ako umalis ay tinanong ko muna si maam milagros...

"maam, bakit parang VIP masyado yung bagong estudyante?" tanong ko kay maam .

"hindi mo ba siya kilala?" tanong ni maam na lalong nagpadami ng question mark sa ulo ko.

"hindi po," sagot ko dito na ikinagulat ni maam...

"siya ang isa sa mga anak ng may-ari ng school na ito, ang may-ari ng Orion Vanderturf enterprises... ang pamilya ng Vanderturf," pagkarinig ko ng ng Vanderturf agad naman akong napanganga...

Orion Vanderturf enterprises ang isa sa mga pinaka malaking corporasyon sa mundo. Mula sa langis, essential goods, pati na rin ang transportasyon, medical industry at kung ano ano pa ay makikita mo ang pangalang Orion Vanderturf enterprises.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakashock ng nagsalita si maam...

"ano na Nigel...naghihintay na yun sa labas," sabi ni maam...oo na pala patay!

Lumabas ako ng pricipal office at nakita siyang naghihintay sa labas.

tsaka ko lang napansin na moreno pala siya, kung titingnan mo siya, siya yung perfect definition ng tall dark and handsome. Agad kong winaglit ang mga naiisip ko... hindi ako nababakla! Ang akin lang.... kasi ehh! Nakakainggit siya, lahat ng feature niya sa katawan, kabaliktaran noon yung sa akin.

Napabalik ako sa realidad ng sinigawan niya ako

"FAG!?" tumingin ako sa kanya... halatang galit na galit na siya.

"just start this fucking tour!?" galit na galit si mokong...

"kung pwede lang wag mo akong twaging FAG kasi NIGEL ang pangalan ko...N.I.G.E.L." inspell ko pa at diniinan ang bawat letra ng pangalan ko...

"whatever, fag," sabi niya habang nakasmirk pa... isa pa sasapakin ko na to.

"wag mo nga akong tawaging FAG... baka ikaw tong BADING," pangaasar ko sa kanya na ikinadilim naman ng kanyang mukha...hehehe, wag ako... hindi mo ako matatalo sa asaran, araw araw kong kasama si nathalia na kung makapang-asar ehh akala mo anak ni satanas kaya wag ako!

"what did you just call me?! Paki-ulit nga?!" sabi niya na parang puputok na bulkan...BWAHAHAHAHAHA

"BADING!" ulit ko dito ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na mga pangyayari... kinwelyuhan niya ako dinikit sa pader

Grabe ang lakas niya! Sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin nakatingkayad na ako...

"ibaba mo nga ako!" sigaw ko sa kanya ngunit para siyang binge, hindi niya ako pinapakinggan...

Ilang saglit pa kami sa ganoong posisyon ng huminga siya ng malalim at ibinaba na ako...

"alam mo na kung anong kaya kong gawin kaya manahimik ka kung ayaw mo pang mamatay, umpisahan mo na yong tour nato dahil nababagot na talaga ako," aba!? Ayos din tong lalaking to ahh napaka demanding porket mayaman siya!?

Tumingin ako sa paligid at nakahanap ako ng monoblock, tumungtong ako dito para matangkaran siya bago nagsalita ,"akala mo kung sino ka!? Porket mayaman ka ganyan ka na?! para sabihin ko sayo hindi ako natatakot sayo," sabi ko sa kanya pero parang hindi man lang siya natitinag...

"sige nga, tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo...punch me in the face if you dare," sabi niya na nanghahamon pa... bwiset talaga to!? ang kapal ng apog!?

" ANG YABANG MO TALAGA?!" sigaw ko habang papalapit ang kamao ko sa mukha niya...

Laking gulat ko ng nakaiwas siya at dahilan para ma-out of balance ako sa pagkakatayo ko sa monoblock at malaglag...

Pagkadilat ko... I was stunned ng makita kong nasa ibabaw ako ni mr.vanderturf at...

At...

At...

Magkadikit ang mga labi namin...

kung minamalas ka nga naman?!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login