Download App
66.66% Heartbeat of a Heart's Unloved / Chapter 6: kabanata 4

Chapter 6: kabanata 4

Game

Hapon ng pwede ng ilabas sa hospital ang kapatid ko. Sabi ng Doktor ay stable raw siya at kailangan nalang maalagaan at i-maintain ang gamot.

"Ayusin mo ang trabaho mo. Recce. Huwag mo akong ipahiya rito."

Kinuha ko ang inabot niyang basahan.

"Binabalaan kita, huwag mong dalhin ang kalandian mo rito." dagdag niya bago pumunta sa trabaho niya.

Bumuntong hininga ako bago nagsimula sa trabaho.

Nasa may kusina ako ng pumasok si sir Kelvin. Tapos ko nang hugasan ang mga plato. Nililinisan ko nalang ang lababo.

"G-Good Morning Sir..."

Kumuha siya ng malamig na tubig sa refrigerator. At uminom.

"Recce, right...?". Maya maya nagsalita siya. Lumingon ako sa kanya.

Tumango ako. "Yes sir..."

He smiled and shook his head. Shit! Why is Sir so handsome?

"Silly, just call me Kelvin." then he winked at me.

O-Oh my g! May gusto ba sa akin si Sir?

"Y-Yes Si- uhm.. K-Kelvin." naiilang kong saad.

Lumapit siya ng kaunti kaya napalunok ako.

"So. Kumusta naman ang unang trabaho mo?" bakit ang sexy niya magsalita? Nakasuot pa siya ng puting sando kaya nakabalandra ang malaki niyang braso. Shit!

"Ayos naman Sir-este Kelvin..." ayoko talaga ng Kelvin lang. Nakakailang talaga. Pakiramdam ko sobrang close ng dating.

"Magandang umaga, Sir Kelvin." si Mama. Nasa may amba ng pinto. Nakamata sa akin.

Nilakihan niya ako ng dalawang mata kaya binilisan ko na ang trabaho ko.

Saglit silang nag-usap ni Kelvin. Tumango nalang ako ng magpaalam na si Kelvin sa akin. Kaagad namang tumabi si Mama.

"Ang tigas talaga ng mukha mo. Kakasabi ko lang sayo kanina tapos ngayon nilalande mo na agad si Sir Kelvin?! Iniwan lang kita saglit. Lumande kaagad?!" matigas niyang salita.

"Siya po yung unang kumausap sa akin, Ma." katwiran ko.

Pinandilatan niya ako ng mata.

"Wala akong pakialam kung kinausap ka niya. Ano? Lahat nalang ng Toñacao lalandiin mo?! Pagkatapos mo roon kay Kerwan at kay Kelvin ka nanaman!?"

Tumahimik nalang ako. Ayaw ko nang magsalita. Hindi naman siya makikinig sa paliwanag ko. Lagi niyang ipinagpipilitan ang katwiran niya. Gusto niya siya lagi ang tama.

Natapos ang araw ng hindi ko nakikita si Kerwan. Nagtataka ako dahil ni anino niya ay hindi ko man lang nakita. Nalungkot tuloy ako dahil ko siya nasilayan. Inexpect ko pa naman na makikita ko siya dahil nasa mansiyon nila ako.

"450 lahat."

Isang araw nang nasa paaralan ako. Naniningil na ng bayad sa pinagawa nilang project.

"Ang mahal naman niyan, Recce!" angil ni Waldon..

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.

"Hoy Waldon. Ang hirap ng project natin no! Tapos ang mahal pa ng gawa ko niyan. Dapat nga 470 lahat iyan. Binabaan ko nalang sayo!" bulyaw ko sa kanya.

Ang lalaking ito! Ang yaman yaman kuripot talaga!

Siya lage ang nag rereklamo sa mga binibigay kong presyo. Kahit binababaan ko na ang bigay. Tsk tsk...

"Sige na nga..." dumukot siya sa kanyang pitaka at inilabas ang apat na daang papel."Ito oh-"

"May 50 pa" may balak pa ata akong dayain ng lalakeng ito e.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Napanguso siya at dumukot pa ng pera.

Ngumiti ako ng malawak ng kunin ko na ito at tsaka ko lang ibinigay ang project niya na nakatago sa loob ng bag ko.

Bumalik na ako sa upuan at binilang ang perang pinaghirapan ko. Ngumisi ako ng umabot iyun ng mahigit Tatlong libo. Ayos ang sarap sa pakiramdam. Parang nasa ulap ako nakalutang. Sulit ang pagod ko. Nagpapasalamat talaga ako sa mga mayayaman at tamad kong kaklase. Hulog sila ng langit.

Nang makaramdam ng gutom ay pumunta akong canteen. Kanin lang ang baon ko ngayon dahil gusto kong bumili ng lutong canteen ngayon.

Kaldereta... Ulam kita ngayon.

Pumasok ako at kaagad naghanap ng bakante. Medyo marami ang tao kaya gusto kong ilagay muna ang gamit ko bago umorder. Pumila na ako.

"Isang Kalderata nga po at isang orange juice..." order ko ng makarating sa unahan.

"Dalawang Kaldereta po, Dalawang spaghetti, isang kanin at isang orange juice sa akin." ani ng babae nasa likod ko. Medyo dumikit siya sa akin kaya nairita ako.

Ano teh? Hindi makapaghintay? Gutom na gutom.

Umabante ako ng kaunti para may space naman sa pagitan namin kaya lang umabante rin siya kaya magkadikit parin kami. Nararamdaman ko tuloy ang dibdib niya.

Kalma lang self. Magkakaroon ka rin ng ganyan kaya huwag kang mandiri. Isip ko.

Inabot ko ang kaldereta at juice ng ilahad na sa akin ito ng tindera. Nagbayad na ako.

Lumakad na ako patungo sa pwesto ko.

Tiningnan ko iyung babae kanina. May lumapit sa kanyang dalawang lalaki at tinulungan sa pagdala ng pagkain.

Pumunta sila sa hindi kalayuan na lamesa. May nakaupo na roong mga kalalakihan. Napakunot noo ko ng makitang grupo pala iyun nila Kerwan. Umayos ako ng upo at pinaliit ang mata. Kanina pa ba sila? Hindi ko napansin?

Nakita kong komportableng nakipag biruan ang babae sa kanila. Nakipag tawanan pa siya sa mga lalaki. Nakita kong may sinabi iyung babae at tumawa sila pagkatapos. Pinagmasdan ko si Kerwan. Nakaangat ang sulok ng labi niya na para bang natutuwa sa babae.

Parang may tumusok na karayom sa puso ko. Nawalan ako ng ganang kumain. Nawala bigla ang gutom ko.

Oo nga't palagi siyang may kasamang babae pero iba ngayon nakangiti siya na madalas hindi ko makita sa ibang kasama niyang babae. Minsan ko lang siyang makitang ngumiti. Madalas walang reaksyon ang mukha niya. Malamig ang mga mata.

Nakaramdam ako ng inis sa babae. Sana naging babae nalang ako. Madali nalang sana akong makalapit sa kanya. Nakakausap ko sana siya. Napapansin niya sana ako.

Iniwas ko ang tingin sa pwesto nila at nagsimula ng kumain. Nawalan ako ng gana pero kakainin ko parin naman ito. Minsan lang ako makakakain ng ganito kasarap na ulam kaya ayaw kong sayangin ang pagkakataon.

Binigay ko kay Mama ang dalawang libong peso pagkauwi ko. Kinuha niya naman ito at tumalikod sa akin. Masaya na ako kahit hindi na magpasalamat si Mama. Basta may naitutulong ako at naiiambag paminsan minsan sa gastusin.

Napangiti ako ng ilabas ko ang isang pad ng pills. Kanina dumaan ako sa lungsod para bumili nito. Binasa ko ng maigi ang nakasulat. Ang sabi roon ay isang pill lang sa bawat isang araw. 21 piraso lahat kaya kumulang isang buwan muna bago makita ang pagbabago. At kailangan mo rin itong inumin ng pagkakasunod na numero. Mura lang naman siya kaya may pera pa akong naitago.

"Magpasa kayo ng one fourth sheet of paper with your full name at kung anong larong sasalihan." ani Maam Romero. Class adviser namin.

Sa huwebes na ang Intrams. Martes ngayon kaya dalawang araw nalang bago magsimula. Tatlong araw ang events kaya dalawang araw walang klase.

Kalaunan. Natapos na ang klase. Medyo wala kaming ginagawa dahil abala sa nalalapit na kanapan.

Wala namang ibang nangyari ngayong araw maliban sa pagsilip ko sa tambayan nila at nakitang kasama nila iyung babae. Maliban doon wala na.

Sumakay na ako sa trycicle at sinabi ang address. umusog ako ng may pumasok at naupo sa tabi ko. Naamoy ko agad ang pabango. Hindi ko siya binalingan. Abala ako sa telepono.

Nag e-escroll lang ako sa facebook. Medyo nalibang sa mga litrato. Nahinto ako ng makita ko ang sumunod na litrato. Si Kerwan iyon at ang mga barkada niya. Zinoom ko ang mukha niya. Hindi siya nakangiti roon. Hindi rin naman naka simangot. Tamad lang siyang naka tingin sa camera.

Grabe. Ang guwapo pa rin. Kahit anong reaction ng mukha. Mas lalo ngang nakakaatrack dahil sa lamig ng tingin.

Naka-tag lang siya roon kaya pinindot ko iyung name niya. May isa na siyang bagong post roon. Pinindot ko agad ang heart reaction.

Kahit maingay ang trycicle rinig ko parin ang tikhim ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin at pinagkatitigan pa ang guwapong mukha ng boyfriend ko.

"Heart huh..." baritonong tinig ang narining ko.

Tatarayan ko sana siya dahil sa pangengealam. Kaya lang natulos ako sa kinauupuan ko. Umawang ang labi ko at halos lumuwa ang mga mata.

"K-Kerwan...?" gulantang kong sinabi.

Totoo ba 'to? Panaginip nanaman 'to diba?

"Oh you know me?" umiling iling siya. "Tss...another stalker." he added coldly.

Parang gustong kong lamunin ngayon ng lupa sa kahihiyan. Sigurado akong sobrang pula na ng buo kong mukha. Nakita niyang inistalk ko siya at mas sigurado ako nakita niya ang pag heart ko sa litrato niya.

Nakakahiya ka Recce!

Lihim akong nagpasalamat dahil ang lapit lang ng bahay namin pero parang ang tagal dumating ng sasakyan na ito. Tahimik lang siya at deretso ang tingin sa daan. Unang beses naming magkasama at ganito pa kalapit. Abot kamay ko lang siya. Tumigil ka nga Recce! Napahiya kana nga ang lande mo pa rin! Pagalit ko sa sarili.

Gusto ko sanang tanongin kung bakit hindi siya ang humatid sa mga papel kaya lang naalala ko tinamad nga pala siya.

Ngumuso ako ng wala akong ma-isip na itatanong. Marami akong naiisip kapag hindi ko siya kasama. Kaya ngayon parang na-blanko ang utak ko. Masyado atang nagulat.

Kagulat gulat naman talaga. Ang pakiramdam na sinisilip ko lang siya ay masaya na ako. Ayun pa kaya nakasabay ko at tabi ko pa talaga siya. Hindi ko naman inaasahan na siya pala ang tumabi sa akin. At kung alam ko lang kung sa kanya pala iyung pabangong nalanghap ko ay makikilala ko siya. Ngayon ko lang kasi naamoy ang gamit niyang pabango kaya hindi ko nalang pinansin iyun.

Napasimangot ako ng makitang malapit na ang amin. Wala man lang kaming pinag-usapan. Ni hindi niya ako pinansin. Asa kapa! Hindi ka babae kaya tumigil kana!

Tumigil ang sasakyan kaya nagbayad na ako.

"Uhm... Excuse me..." tumingin ako sa kanya.

Lumingon siya kaya nagtama ang aming mata. Napalunok ako.

"What?" kunot noo niyang saad.

"B-Bababa ako... Puwedeng bumaba ka muna..?" utal kong sinabi.

Bumaba siya kaya bumaba na rin ako. Hindi muna ako lumakad. Lumingon ako sa kanya. Naka upo na siya at diretso ang tingin. Pasimple ko pang inayos ang gamit ko para magtagal pa ako hanggang sa umalis na nga ang trycicle.

Timili ako ng makalayo na ang sasakyan. Shit. Nakasabay ko siya. Ang suwerte ko ngayon. Kahit hindi niya ako kilala ay masaya pa rin ako dahil napansin niya pa rin ako.

Nagtataka lang ako dahil diba may kotse siya? Bakit kaya siya nag commute lang. Anyway ayos na rin iyun. Ako pa ba ang aarte? Siya na nga ang kasabay.

Sa gabing iyun. Natulog ako na may ngiti sa labi. Kahit pagod ang katawan sa trabaho ay dedma lang. Basta masaya ako dahil may magandang nangyari ngayong araw.

Maingay ang buong gymnasium pagpasok ko. Unang laro ngayon ng basketball. Naghahanda na ang mga players sa laro.

Hinanap ko si Kerwan. Nakasuot ang team nila ng puti na jersey. Ang department nila ang unang lalaro laban sa grade 12 department.

Nang magsimula ang laro ay maingay ang buong gymnasium. Kanya kanyang cheer ng department ang mga istudyante. Sumisigaw ako pag nakakapuntos si Kerwan o kaya'y ka team niya. Sa huli ay ang first year college department ang panalo.

Ibang department naman ang maglalaban kaya umalis na ako. Sa canteen ako nananghalian ng sumapit ang alas-dose. Nilibang ko ang sarili sa panunuod ng mga laro. At nang matapos ang araw ay umuwi na rin. Kinabukasan ay ganoon parin. Wala kaming klase dahil lahat ay pinahintulutang manuod at abala din ang mga guro sa event.

"Recce. May sinalihan ka bang laro...?" si Ma'am Romero.

Nang makita niya ako.

"Wala po Ma'am."

"Tamang tama. Ikaw na muna ang magbigay ng mga inumin sa department natin. Wala pa kasi ang tagabigay kaya ikaw muna ang pumalit. Ayos lang ba? May gagawin kaba..?"

"Wala po Ma'am. Manunuod lang. Saang laro po ba?" tanong ko.

"Sa Basketball." aniya.

"Sige po Ma'am." sabi ko bago tumulak pa gymnasium.

Pumunta ako sa bleacher ng department namin. At umupo sa reserved chair roon. May isang malaking kahon doon na hula ko'y mga mineral waters at softdrinks ang laman.

Na-excite ako ng tawagin na isa-isa ang mga pangalan ng players. Inuna ang department namin. At nang matapos ay first year college department naman. Ang makakalaban ng department namin ay ang department nila Kerwan. Kinabisado ko talaga ang oras ng laban nila. Tumili ako at sumigaw ng tinawag ang apilyedo ni Kerwan. Tumayo ako.

"Go Kerwan!" sigaw ko.

Napatingin tuloy sa akin ang ibang ka-department ko kaya naupo ako. Nahiya ako ng slight. Baka isipin nila kinakampihan ko ang kalaban. Ako pa naman ang tagabigay ng tubig ng department namin.

Nang magsimula ang laro ay tensionado ang paligid. Lamang kami ng isang puntos. Matatangkad na ang mga college at malaki na ang mga katawan. Hindi rin naman nagpapatalo ang department namin. Halos lahat ng kaibigan ni Kerwan ay kasali sa basketball kaya nag-uumapaw ang kaguwapohan. Sa department naman namin ay may iilang guwapo rin. Hindi rin naman nagpapatalo ang tatlong kaklase na kasama sa laro.

Sa first quarter ay lamang kami. Sa second at third quarter naman ay lamang ang kalaban. Maya maya lang ay magsisimula na ang fourth quarter. Inabot ko ang gatorade sa lalaking player. Taga ibang section ito. Madalas ko itong makita sa paligid pero hindi ko matandaan ang pangalan. Kinuha niya ang gatorade. Hinaplos pa nito ang kamay ko sabay ngisi.

"Parker, and you?" pakilala niya. Ah oo natatandaan ko na, siya nga pala si Parker Comendador.

Ngumiti ako.

"Recce." tumalikod na siya pero narinig ko pa ang sinabi niya.

"Nice name."

Nang magsimula na ang fourth quarter ay lamang kami ng tatlong puntos. Pawisan na ang mga naglalaro at pagod na rin. Si Kerwan ay nakaupo sa bleacher. Nagpapahinga. Kanina lang siya pinalitan simula pa sa first quarter kaya pawis na pawis siya. Kahit nasa malayo ako, kita ko pa rin kung gaano ka batak ang katawan niya. Pawis na ang suot kaya dumikit sa katawan niya ang damit. Tumayo siya ng tinawag ang pangalan niya. Natapilok ang isang kasamahan nila kaya siya ang ipinalit.

Ten minutes nalang at lamang kami ng limang puntos. Masaya naman ako kung kami ang mananalo pero mas masaya ako kung ang kalaban ang mananalo. Biased lang?

Natuwa ako ng hawak na ni Kerwan ang bola. Puwesto siya at itinira na ang bola. Shoot!

Ang lakas ng tilian ang mga babae. Iwinagayway nila ang banner na may pangalan ni Kerwan. Tumili na rin ako at nag tatalon sa tuwa. Dalawang puntos nalang ang lamang namin. Tumayo ako ng mapunta nanaman sa kamay ni Kerwan ang bola. Tensionado na ang paligid dahil tatlong minuto nalang.

Bantay sarado siya kaya hindi niya maitira ang bola. Nainis pa ako ng si Parker iyung nakabantay sa kanya.

"Kerwan! Kaya mo yan!" cheer ko.

Medyo tahimik at malakas ang pagkakasigaw ko kaya napatingin ang ibang tao sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila dahil kinakabahan ako sa oras.

Nawala ang atensyon ni Parker kaya gumalaw si Kerwan. Itinira niya ang bola ng three points.

"Pumasok ka!" malakas kong sigaw. Medyo nakapikit ang mata.

Shoot!

Masaya ang department nila. panalo ang kalaban. Lamang sila ng isang puntos. Nakangiti ako ng may magsalita sa gilid ko.

"Tsss... Traydor"

Napatingin ako. Si Parker.

"Huh...?"

Sumimangot siya.

"You cheer the opponent. Imbis na ako."

Ngumisi ako. "Eh sa gusto ko eh, Bakit ba."

He 'tsk' only and walked away.

Ang hilig talaga mag walk out ng lalaking 'yun!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login