Download App
14.28% The Bed Time Stories / Chapter 2: My Relatives is a Night Freak

Chapter 2: My Relatives is a Night Freak

Author's note: This story is based on my Mother and other relatives experience at hindi ko na ilalagay ang eksaktong lugar ng pinangyarihan upang hindi matukoy ang taong sinasabi ko sa kwentong ito.

My Mom and Tita used to sleep in their cousin's house at during that time may naririnig na silang kwento tungkol sa Mother ng pinsan nila, to be specific 3rd cousin nila yun. Sobrang close ng family namin sa family nila at despite sa mga rumors na kumakalat sa lugar namin noon eh hindi naman daw natatakot sila Mama. Bali-balitang aswang ang nanay ng pinsan nila at may ilang mga tao na nagsasabing ilang beses na nakitang nakatuwad o nasa hindi kaaya-ayang posisyon ang matanda tuwing gabi sa itaas ng bahay nila. May nagsabi rin na may nakakita na sa kaniya na kumakain ng mga alagang hayop.

Kilala sa lugar namin ang pamilya nila kaya naman nakatutok sa kanila ang atensyon ng nakararami. Fiesta sa lugar namin noong nakitulog ang Mother at Tita ko sa bahay nila at doon na nga nila napatunayan at nasaksihan ang kakaibang kilos ng matanda. Ang sabi ng mother ko ay ibang-iba daw ang ugali ng matanda kapag umaga at tuwing gabi.

Magkatabing natulog sila Mama at Tita sa isang kwarto ng bahay nila at kahit anong gawin nila ay hindi talaga sila makatulog. Medyo madilim ang bahay kasi halos tulog na ang lahat at nakapatay na ang ilaw, hindi nakasara ang pinto ng kwarto kaya kita ang sala ng bahay.

May naririnig na sumisitsit na tao si Mama sa labas ng bintana at naaninag niya ang mukha ng babaeng nasa labas. Nakatingin lang ito sa kanila at pinagmamasdan sila, agad kinalabit ni Mama ang Tita ko at tinuro ang nakita niya sa bintana. Alam nilang dalawa na nanay iyon ng pinsan nila kaya hinayaan lang nila imbis na sumigaw sila. Hindi na lang nila pinansin kahit sobrang takot na silang dalawa. Maya-maya ay nawala na ang matanda sa bintana at ilang segundo pa ay narinig nilang bumukas ang pinto sa sala at pumasok ng nanay ng pinsan nila, at bago ito tumungo sa kwarto niya ay sumilay muna ito kila mama ng mga ilang segundo saka umalis.

Pinili na lang hindi matulog at hintaying mag umaga. Pag sikat ng araw ay agad silang umuwi at hindi na nila hinintay na makita ulit ang matanda.  After nung pangyayaring iyon hindi na ulit sila natulog sa bahay na iyon. Ang matandang iyon ay pinsan ng lolo ko at normal naman daw noon iyon hanggang sa nagkaanak at nagkaasawa bigla na lang daw nagbago ang lahat. Alam ng mga anak nung matanda na ganun ang nanay nila at sinasabi nilang sanay na raw sila sa nanay nila at alam naman daw nilang hindi sila sinasaktan nito pero hindi daw sa lahat ng oras ay nababantayan nila ang mga kilos nito. Hanggang ngayon hindi parin nakakalimutan nila Mama at Tita ang pangyayaring iyon at sa tuwing magkakasama kami ay kinukwento nila sa amin iyon at hindi kami nagsasawang marinig. Kapag sila ang nagkwento at kahit paulit-ulit ko nang narinig ay natatakot pa rin ako kasi alam kong totoo ang sinasabi nila.

"Kaya mo bang matulog sa bahay ng taong hindi mo alam ang buong pagkatao?"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login