Download App
51.47% Sexy but Dangerous completed / Chapter 35: Chapter XXXII

Chapter 35: Chapter XXXII

Please VOTE!

PUNISHMENT

Nabagot siya sa loob ng bahay kaya't minabuti niyang lumabas at mag sanay sa pamamaril.

Dinala niya ang kanyang back pack at gumawa ng mga target na kanyang babarilin. Sinumulan na niyang mag sabit ng mga target sa puno pati na ng lata sa ibabaw ng pader.

Pagkatapos niyang lagyan ng mga bala ang dalwang baril ay ikinasa na niya iyon saka nag simulang asintahin ang mga target.

Sa unang tira pa lang niya sa kanan na baril ay tinamaan agad niya ang lahat ng mga lata.

At hinuli naman niya ang pinaka malayo na target na nasa mga puno. Magkasabay niyang pinaputok ng salitan ang kaliwa at kanan niyang baril.

Wala naman na sayang na bala ang kanyang mga baril dahil tinamaan niya ang lahat ng target sa kanyang mga tira.

Ibinaba niya na ang baril sa lamesa. Nagulat naman siya ng mabilis at sumisigaw na lumabas si Ten ng bahay.

"Pack your things! We need to...." Hindi nito natapos ang sasabihin ng matauhan ito na sakanya pala nanggagaling ang mga putok at hindi kung saan. Hindi niya napigilan na tumawa ng pagka lalas lakas.

"Ha- ha- ha- ha- ha- ha!"

"Awww. Awww. Ouch." Na isambit niya dahil sa labis niyang pagtawa ay na binat ata ng konti ang kanyang sugat.

Nagma martsa naman papunta sa kanya si Ten at mababakas ang galit sa gwapo niyong mukha.

"Naghahanap ka ba talaga ng ikakamatay mo?!" Inis na inis na bungad nito sa kanya.

"Relax, I'm just practicing. No need to worry." Depensa naman niya dito at hinawakan naman nito ang braso niya. Galit na talaga ito.

"Hindi pa nagsasara ang sugat mo, pero heto ka na naman nagpapakamatay!" Sigaw nito sa kanya.

"Hindi naman bubuka ang sugat ko sa simpleng exercises na ito." Depensa niya ulit at lalo naman humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"You really are in serious trouble! Are you really bringing out the sh*t on me?! Huh?! Paano kung maka tama ka, paano ko maka alarma ka baka matunton nila tayo. Nag iisip ka ba?" Sunod sunod na galit nito sa kanya.

"I'm really speechless! Ngayon lang ako naka kilala ng babae na kagaya mo sa tana ng buhay ko. Woman should make me happy. But, you! Unbelievable! Napaka tigas ng ulo mo!" Napipikon nitong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tinusok ng mahina gamit ang hintuturo niya ang nagsasalubong na kilay nito. Nagulat naman si Ten sa ginawa niya.

"Dalawang taon lang ang lumipas Johnson, but you changed too much. When did you become so hot blooded? This is not you." Pumikit naman ito sandali at nakita niya ang pag galaw ng jaw nito. It seems that he gritted his teeth.

Mukhang napa init talaga niya ang ulo nito. At dahil nabibingi na siya sa sermon nito ay nag salita ulit siya at pumayag sa gusto nito.

"Hindi bagay sa'yo na mag sungit. Stop it, hindi ko na uulitin." Sabi niya dito.

Nagtataka siya ng hindi pa din nito pakawalan ang kanyang braso at lalo pang humigpit iyon. At nagulat na siya sa sumunod na pangyayari.

"Wha--" Hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin dahil sinakop na ni Ten ang mga labi niya.

She's speechless. Hindi na din siya naka react at nasa kalituhan pa ang isip niya. Umandar na naman ang pagka kissing maniac nito kapag nagagalit.

Ang halik nito ay mapusok na nagpaparusa. At nasasaktan ang kanyang mga labi sa halik nito.

Wala naman siya magawa para itulak ito dahil pag hawak niya sa matipuno at mainit na dibdib nito ay napako na ito doon.

She was still mesmerize sa pag halik nito sa kanya kaya hindi niya iyon matugon. Paano niya nakalimutan ang malambot na labi ni Ten at ang mabangong hininga nito?

Now, she realize how much she missed him in the past 2 years. How can she forget his touches and kisses?

Habang ina analyze niya ang pangyayari ay pinakawalan na ni Ten ang kanyang labi. Medyo namumula ang labi niya dahil masakit ang ginawa nitong pag halik. Tulala pa din siya.

"How do you like your punishment?" Amused na tanong nito sa kanya.

Sandali siyang hindi nakapag salita at napa kagat nalang sa kanyang ibabang labi at pinukol ito ng masamang tingin.

"Sa susunod na hindi ka makinig sa akin ay hindi lang yan' ang mangyayari sa'yo. Are we clear?" May awtoridad na tanong nito sa kanya.

"Clear." Sabi naman niya na ikina gulat niya. Kailan pa ba siya sumunod sa lahat ng sinasabi nito? The heck she cares!

"Sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ang pag halik sa akin!" Inis niyang sabi dito saka ito sinipa sa paa ng malakas.

"Aray! Hoy, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!" Habol nito sa kanya napa upo ito sa damuhan sa lakas ng kanyang pagkaka sipa. Siya naman ay mabilis na tinalikuran ito.

"Go to hell!" Sigaw naman niya dito at mabilis na nilayasan ito.

"James! Bumalik ka dito! James!" Sigaw nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Humanap ka ng ka usap mo!" Sigaw niya dito.

"Hoy! James!" Habol naman nito sa kanya.

*****

Ilang araw ang lumipas at naging ma ilang sila sa isa't isa dahil sa pag halik sa kanya ni Ten. Dumistansya ito ng konti sa kanya at ganoon din siya.

Ito ang naglu- luto para sa kanila dahil baka daw sunugin niya ang bahay na pina hiram ni Alexander. At siya naman ang naghuhugas ng pinggan nila pagkatapos nilang kumain. Ganoon ang routine nila araw araw.

"Do you want to watch some movies?" Alok sa kanya ni Ten para matanggal ang tensyon nila habang nasa sala silang dalawa.

"Okay, ano ba ang nandyan?" Usisa niya at na upo na sa sofa. Samantalang ito naman ay naghahanap ng magagandang pelikula at may hawak itong mga cd.

"How about coming soon?" Tanong sa kanya nito.

"Anong klaseng pelikula yan'? Comedy ba?" Tanong niya dito at bahagya itong umiling.

"Horror to'." Sabi nito sabay pakita ng cd sa kanya at nanlaki ang mata niya.

"Throw that thing! " May iritasyon na sabi niya dito.

"Okay, relax. Nagsa- suggest lang eh." Natatawang depensa naman nito.

"May action ba?" Tanong niya dito. Tumango ito.

"Pagtiyagaan na natin itong Mr. and Mrs. Smith." Sabi nito at sinalang na ang cd sa dvd.

At dumating na sila sa eksena kung saan may love scene. Binato siya ni Ten ng unan para hindi iyon mapanuod.

"It's rated X kaya huwag mo ng panuorin ang eksena na ito." Sabi nito sa kanya pero hindi naman siya nagpa awat.

"Ano ako minor de edad?" Inis niyang sabi dito. At nang panuorin niya ang eksena ay naramdaman niya ang pag init ng paligid.

"You look flustered. And it's priceless." Tatawa tawang sabi sa kanya ni Ten. Bakit ba parang wala lang dito ang mga ganun na eksena?

(Dahil siya mismo ginagawa niya ang mga X- rated na bagay na pinapanuod nila ngayon.) Siya na din ang sumagot sa sariling tanong.

(Playboy na, ano pa.. Eeeew.) Nakaka kilabot niyang na isip.

At nang hindi na niya matagalan ang eksena ay napalunok siya ng sunod sunod kaya't minabuti niya ng kumuha muna ng ma iinom dahil nakaka awkward ang eksena.

Sinundan lang siya ng tingin ni Ten at mahinang tumatawa.. At pagbalik niya ay bakbakan na ng mag asawa. Inabutan niya ng beer si Ten at tig isa sila. Kitang kita naman niya ang apoy sa mata nito.

"No, you are not drinking sweetheart." Pigil nito sa kanya saka inagaw ang isa pang can ng beer.

"Sige na, one zip lang?" And she made a puppy face.

"Hindi ka tatalaban ng gamot, kapag uminom ka ng alak. So, stop that puppy face. Dahil baka makalimutan ko na pasyente kita ngayon." Warning naman nito.

"Hmp! Napaka damot mo! And can you stop calling me sweetheart! It's gross!" Na iinis naman niyang sabi dito at tumawa lang ito. Nasa kalagitnaan na sila ng pina panuod ng tanungin niya ito.

"I thought you're based on New York. So, what are you doing here?" Curious niyang tanong dito at ito naman bahagyang nagulat.

"You are not following me, right?" Biglang tanong naman niya dito at binigyan naman siya ng facial expression na "naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Sa dalas natin mag away ay doon na lang napupunta ang lahat ng oras ng ating pag uusap. At kung tutuusin ay wala talaga tayong kaalam alam tungkol sa isa't isa." May point naman na sabi nito at sumang ayon siya doon.

"I agree, paano naman pang asar ka." Depensa naman niya agad mula dito.

"Ikaw naman ang na uuna at hindi ako."

"Ikaw kaya."

"Ikaw sinabi."

"Ikaw nga." Medyo napataas na sabi niya. At bigla na lang silang natawa na dalawa.

"See? Ganito ang nangyayari sa lahat ng pag uusap natin. Lagi tayo nagtatalo." Natatawang sabi nito.

"Yeah, I agree." Sang ayon niya dito.

"To tell you the truth, sa Pilipinas talaga ako nakatira. I just had some business to take care off kaya ako nasa New York. And that's the time I met you." Paliwanag naman nito at na kay Ten lamang ang kanyang atensyon.

"Ah, yeah right. You're a rich businessman and yet,you pretended a simple employee." Sarcastic na sabi niya dito.

"You are the one who thought that I'm just an employee." Depensa naman nito sa kanya.

"Oo nga pero hindi mo naman iyon itinama. So, you still pretended." Hirit pa niya dito.

"Not the whole thing. Ikaw ang unang nag kamali so, I just play your game." Depensa ulit nito.

"Is everything a game to you?" Panunuya naman niya dito.

"How about you? When did you became so, serious in life?" Sarcastic naman din na balik nito.

"You don't know what your saying. Let's stop this. Bago pa tayo magka pikunan." Paghihinto niya ng usapan.

"So, you're hear for good?" Tanong na lamang niya dito upang ma iba ang kanilang usapan.

Ayaw na kasi pa niya ungkatan ang hindi nila magandang nakaraan. Baka kasi magka sumbatan pa sila at malaman pa nito ang pagpapaka tanga niya dati para dito. And she don't want to let him know that.

"Oo naman dito ako nakatira kaya't pumupunta lang ako ng ibang bansa para sa mga client ko. Kahit na magulo dito sa Pinas mas masaya pa din dito. Ikaw anong ginagawa mo sa New York?"

"Actually parusa ko kasi iyon. Na suspend kasi ako ng 3months ni Papa dahil sa dami ng sibilyan na nadamay at sa gulo na ginawa ko sa mall dahil lang sa isang kriminal na hinahabol ko." Tumikhim ulit siya bago nagsalita at naka tingin lang naman si Ten sa kanya at nakikinig.

"Pinadala niya ako sa New York para maging isang bodyguard ng anak ng kaibigan niya. Kaya ako nandoon. It's my first day of work ng mag kita tayo." Na iilang niyang sabi.

(Please, don't ask why I left New York. Please.) Panalangin niya.

"You really are a trouble maker, huh?" Sabi nito sa kanya.hindi niya alam kung pinupuri siya nito o ini insulto.

"I don't think that everything's a coincidence. Dahil sigurado ako na may rason kung bakit tayo nagkita sa eskinita na iyon. We have some connection." Deklara nito at nagulat siya doon.

(Sira na siguro ulo nito.) Ano ito babae? Binobola ba siya nito?

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong na lang dito.

"May be it's destiny. Or may be fate na magka kilala tayo." Ibig naman niya matawa sa sinabi nito.

"Ano tayo bida sa isang pelikula? Or koreanovela? Fate? Hindi ako naniniwala doon." Seryoso niyang sabi dito.

"Well not for me, I believe that we're fated for each other." Deklara ulit nito.

"Hindi ko akalain na hopeless romantic ka." Na iiling niyang sabi dito.

"Fine, believe what you want. Ganyan ba ang sinasabi mo sa lahat ng babae mo, para makuha mo ang loob nila?" Manghang tanong niya dito at ngumiti lang naman ito ng kaloko loko.

At montik na siyang mahulog sa kina uupuan ng ngumiti ito, bakit ba napaka gwapo nito.

Lalo itong gumwapo at naging matikas ng nakalipas na dalawang taon. Matagal na niyang napapansin iyon kaya lang ay hindi niya masabi dahil lalo lalaki ang ego nito.

And knowing him, he will really tease her if he knew what she's thinking. Pa iling iling na lang siya.

"Hindi naman ako ang lumalapit sa kanila. Sila ang lumalapit sa akin kaya wala na akong magawa." Simpleng sabi nito.

"Playboy."

"I'm serious!" Sabi naman nito at natawa siya hindi talaga ito patatalo sa kanya.

"Tsk, tsk." Napapalatak na lang siya.

"Hey, I'm telling the truth. Kasalanan ko ba maging habulin?" Nahihimigan niya ito ng reklamo ulit.

"Yeah, yeah. Edi ikaw na ang guwapo.." Pilit niyang sang ayon dito at sinabayan ng iling.

"Tutal napag usapan na din natin ang New York. Bakit ka umalis? Ba't hindi ka nag paalam?" Seryosong tanong nito at nagulat siya. Ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon.

(Oh, God. Here comes the past. Should I tell him?)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C35
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login