Download App
38.23% Sexy but Dangerous completed / Chapter 26: Chapter XXIII

Chapter 26: Chapter XXIII

Please VOTE!

THE WEDDING

"Everything is according to the plan. Good luck everyone." Boses iyon ng chief nila sa NBI na nasa isang truck malapit sa wedding hall.

Lahat ng miyembro ng NBI ay kasali sa operasyon at nagdagdag pa sila ng back up na mga militar para makompleto ang mga abay at bisita.

"And everyone please stay alive. I'll treat you after this." Dagdag pa ng chief nila.

He's sincere ng sinabi nito iyon dahil sa sobrang panganib ng misyon nila ay hindi ma iiwasan na may masaktan sa kanila o ang pinaka masama ay ang may mag biwas ng buhay sa grupo. Na huwag naman sana.

Napagkasunduan ng lahat na after she says I do, na nagsisilbing signal nila sa pagka kasatupuran ng kanilang misyon.

"You look really good, Hea- I mean Emmerald. If this is just real. I would be really happy." Sabi ng kaibigan niya na si Salley. Ito ang gaganap na brides maid.

May bahagya naman na bitterness sa mga mata niya sa papuri na iyon dahil sa peke naman talaga ang kasalan na ito. At nakarinig sila ng mahinang katok. At pumasok mula sa pinto si Arthur.

"Did I ruined something?" Mahinahon na tanong nito. He seems to know na may nasira itong moment.

"Mr. Groom! There's no such thing. Nagmo- moment lang kami ni Emmeralda. And please take care of her. Kung hindi, kakalbuhin kita." Bahagyang tawa lang ang sagot nito.

Marahil ay wala kay Salley ang atensyon nito kung hindi na sa kanya. Titig na titig lang naman ito.

"Ehem, I'm still here you know?" Pukaw naman ni Salley sa kanilang dalawa na ikinahiya niya. Lumabas na ito para makapag usap sila.

"My husband to be, bawal ka pa dito di' ba?"

"Ang sabi ng matatanda malas daw kapag nakipagkita ang groom sa bride to be niya habang wala pa sila sa altar. Baka naman malasin pa tayo." Bahagyang tukso niya dito para mawala ang awkwardness. Nahihiya kasi siya sa ginagawa nitong pag titig sa kanya.

"Fine, just give me 30 seconds to be with you. God, I really missed you." Sabi nito sa kanya. Lumapit ito at hinalikan siya sa noo at saka bumulong.

"You look gorgeous honey. It really suits you."

"Thanks, ang guwapo mo din ngayon my groom." At totoo iyon hindi niya akalain na bagay dito ang puting tuxedo. Lalo itong naging guwapo.

"By the way my brother is on his way, and please don't be surprised. He's the last relative that I have.."

"I'm sorry na ngayon ko lang siya ipina kilala sa'yo because I'm really afraid na baka hindi kayo magkasundo." Mahinahon na paliwanag nito bahagya siyang nalito sa mga sinabi nito ngunit hindi niya ito pinahalata. And She hold his hand.

"I really want to thank you, for everything you've done for me. You are the second person that really shows how much you've love me after my family.."

"You will always be important to me and I really really like you." Bahagyang pumapatak na ang kanyang luha sa magkahalong guilt at panghihinayang na nararamdaman niya para dito.

"Thanks for spending your precious time with me. We may be different from each other but it doesn't matter. Thank you so much Arthur." Sincere niyang pagpapasalamat dito.

Her tears are running through her cheeks. At si Arthur naman ay tila hundi malaman ang gagawin dahil sa inaasta niya.

"Don't cry honey. Masisira ang make up mo sige ka." Tukso nito sa kanya na lalo niyang ikina hagulgol. Nag madali naman itong maglabas ng panyo at pinunasan ang kanyang mga luha.

"We should be happy on this day, dahil kasal natin ito pero bakit ka nagkaka ganyan?" Pag aalala nito at natutuliro na ito sa pag iyak niya. Hindi nito malaman kung ano ang gagawin para mapatahan siya.

But, she can't stop the tears may be in different time and in different place sila nagka kilala baka sakali nag work ang lahat. His a good man kahit sabihin pa niyang kasabwat ito ng isang malaking sindikato.

Kung puwede lang niya ito hilahin para makatakas sila sa lugar na iyon ay gagawin niya. Because a few minutes later ay hindi na niya makakalkula kung ano ang posibleng mangyari.

Hindi niya alam kung aabutan pa niya ang bukas natatakot din siya sa maaring sapitin ni Arthur kahit na nangako ang chief nila na hindi ito sasaktan kahit para lamang sa kanya.

"I'll just call the make up artist para naman maayos iyang make up mo." Tatayo sana ito ngunit pinigilan niya ito. At bahagyang umiling.

"No need for that. I can fix it by myself just lend me your handkerchief. And Arthur I'm really sincere in everything I said I really want you to know."

"What now?" Tanong nito ng akayin niya ito sa pagtayo. At tumingala siya ng konti at dinampian ang labi nito ng halik.

"You really are scaring me woman. But I kinda like it." Sabi naman nito sa kanya. Naka ngiti na ito at umaliwalas na ang mukha ng huminto ang kanyang pag iyak.

"And before I go I just want to say na there's no need to thank me, dahil ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal kita. And you should always remember that. Gotta go, see you." And he closed the door.

Papatak na sana ulit ang luha niya ngunit pinigilan niya ito dahil masisira ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

At nakapag desisyon na din siya na pagkatapos ng lahat ng ito at kung buhay pa sila ni Arthur ay aayain niya itong magsimula muli kung mapapatawad siya nito. At habang buhay niyang pahahalagahan ang mga sandali na magkasama sila.

"Hija, tayo na?" Tanong iyon ng fake Papa niya na maghahatid sa kanya sa altar naka barong ito ng brown at slacks. Isa itong militar.

Natatanaw na niya ang lahat ng miyembro ng NBI pati ang iba pang back up na naka puwesto na sa kani- kanilang mga posisyon. Signal na lang ang hinihintay.

Ang theme ng kasal niya ay garden wedding with the touch of silver, red and bronze. May nakalatag na puting carpet sa garden na puno ng bermuda grass ay sinabuyan ng mga red roses na nagsibing disenyo nito.

Pinalibutan ang lahat ng mga bulaklak. May mga bronze base na may laman na puting mga rosas na nagsi silbing center piece ng kanyang nilalakaran sa altar. Amoy na amoy mo ang mga halimuyak ng rosas sa paligid.

Nagsilbing lilim nila ang napaka lalaking puno na sinabitan ng sampayan na animo sanga para sa mga palamuting mga bulaklak at dahon na pahaba na may sapat na haba para sa magandang ambiance at disenyo ng kasal.

Formal attire ang wedding lahat ng mga bisita at abay na babae ay naka gown at barong naman para sa mga lalaki.

Ang mga abay naman ay pastel color ang suot na mga damit para maging classy kahit simple lamang ang kanilang theme.

Inagaw ng isang hammer ang kanilang atensyon at lumabas mula sa sasakyan ang limang lalaki na sakay nito.

Kahina hinala ang mga ito. Isa na siguro sa mga ito si Black. Sino naman kaya sa mga ito? Napasinghap siya sa lalaking nasa dulo.

The guy looks like Arthur, labis siyang nagtaka ito ba ang sinasabi ni arthur na kaptid nito? What the hell is going on?

"Hon, this is my twin brother Laudemer. And Laud this is Emmerald my wife to be." Pagpapa kilala ni Arthur sa kanila bago sila maglakad sa altar.

Na sabi ni Arthur na busy ito lagi kaya hindi na ito ang kinuha ni Arthur na best man.

But the guy looks like Arthur a lot. Iisa ang mukha nila ang pagkakaiba lamang ay ang mata nito ay tila mata ng isang mabagsik na hayop na maaring pumatay ano mang oras. Hindi kagaya ni Arthur na laging maamong tignan at handang tumulong.

What the hell is wrong with this guy?

Is he "Black?" No way! He's still young and plus the fact that his Arthur's brother. And wala naman ito sa profile ni Arthur na sa pagkakaalala niya. She never knew even the team na may kapatid ito at twin pa pala. There's something wrong.

The guy offers his hand kaya kinuha niya iyon habang nanginginig. He's so scary. What a notorious aura.

And the man gently smiles but its creepy. Isang tango lamang ang binigay niya dito. Bigla siyang kinabahan.

Hindi niya alam kung bakit may kakaiba sa kakambal nito. Naglakad na sila sa altar at mapapansin ang excitement kay Arthur samantalang ng lumingon naman siya sa kakambal nito ay tila hindi ito natutuwa.

There's something wrong, bakit wala pa si Black dito? Ang kapatid lamang ni Arthur ang dumating na bisita sa parte ng pamilya nito. Hindi kaya ito si Black na hinihintay nila.

Nanginig ang tuhod niya sa na isip na iyon. Kung totoo man ang iniisip niya ngayon, paano niya ito masasabi sa kasamahan niya? Malapit na siya sa altar.

Marahil ay wala talagang kanang kamay si Black kung hindi ay ito talaga mismo si Black at napag kamalan lang nila na si Arthur ang kanang kamay dahil kamukha ito ni Black dahil kambal sila.

Ibig sabihin wala talagang kinalaman si Arthur dahil napag kamalan lamang ito na si Black.

Ang tanging palatandaan namin para makumpirma na ito si Black ay ang singsing nito na gold sa kaliwang bahagi ng pala singsingan nito na may itim na malaking bato na may hawig sa mamahaling bato na opal. Pero hindi naman siguro.

Paglingon niya sa gawi nito ay para siyang binuhusan ng malamig na yelo. Mayroon nga itong singsing sa kaliwang kamay ng bahagi ng pala singsingan nito.

Paano na, ano na ang mangyayari? How can this happen?

Natigil ang pag iisip niya ng tawagin ng pare ang kanyang atensiyon.

"I'll repeat do you take this man as your beloved husband in richer or in poorer, in sickness or in health till death do us part?" Ikalawang ulit na pala iyon ng pare ngunit hindi niya narinig dahil nasa kasalukuyan siya ng pag iisip.

"I do." Iyon lang ang sinabi niya at sa ilang sandali pa ay nag mistulang execution day ng unang panahon ang seremonya ng kasal.

Ang lahat ng mga bisita, mga abay at pare ay nag labas ng kani kanilang mga baril. Napalibutan ang lahat ng kasama ni Laudemer ng kanilang team sa mabilis na panahon.

"What the hell is happening?" Nalilitong bulalas ni Arthur.

"Don't worry, you'll be safe. Huwag kang aalis sa tabi ko." Iyon lamang ang sinabi niya dito.

At inilabas niya agad ang kanyang dalawang baril na naka tago sa magkabila niyang mga hita sa ilalim ng kanyang traje de boda. Tinanggal na din niya ang kanyang belo.

Mababakas ang pagkagulat sa mukha niya. Tuliro ito sa bawat eksena na nangyari. Kaya't minabuti niyang hilahin ito at pumunta sa harap nito.

Hindi puwedeng madamay ito sa gulo dahil inosente ito. And she will never let anything happen to him.

"Put your gun down! Now! Lay on the ground! On the ground! On the ground! Sumuko ka na, Black you're under arrest for murder, drug trafficking and various damages." Iyon si Anton na una lamang ito ng 2 taon sa kanya sa S.W.A.T. Tinutukan lahat ng baril ang mga kasama ni Laud.

Si Laud naman ay naka ngiti lang na parang wala lang ang nangyayari.

"Do you think that I would be this unguarded? Sorry, but I'm always ready." Pagkasabi ni Laud ng mga katagan na iyon ay may tumilipon na granada sa gawing harapan ng entrance.

Ang lahat ay napadako ang ayensyon doon kaya't nagkaroon ng tyansa sila Laud na pumalag. At nag simula ng mag palitan ng putok ang grupo nila at ang ilang mga tauhan ni Laud.

Si Laud ay naglabas na din ng baril. Pati siya nakisali na din sa palitan ng putok, kailangan niya protektahan si Arthur.

Nahagip ng kanyang mga mata ang lalaking nasa tabi ni Laud. Mayroon itong tato sa kanang bahagi ng mukha nito na tatlong star at isang bungo. Saan na nga ba niya nakita ang tato na iyon.

Pamilyar iyon sa kanya, ngunit hindi niya matandaan kung kailan at saan. Her head hurts, hindi niya alam kung bakit. Nag simula ng dumaloy ang iba't ibang mga memorya sa kanyang isip noong high school siya.

"No! Mama, Mama." Pa ulit ulit niyang bigkas habang nakahawak sa kanyang sentido.

Kung kailan naman may nagaganap na bakbakan at saka pa siya nagka ganito. Wala sa laban ang atensiyon niya kung hindi nasa bawat memorya ng nakaraan.

"Honey! Watch out!" And the next thing she heard was a gun fired in her direction but she's not hurt. And Arthur was down in the ground in front of her. At doon lamang bumalik ang kanyang gunita.

Ang mga kasama niya ay isa isa ng bumabagsak sa sahig hindi niya akalain na kahit marami sila at pawang mga professional ay mapupuruhan pa rin sila kahit na wala man lang sampu ang bilang ng kanilang kalaban.

"Arthur No! Please don't leave me! Please! Arthur don't close your eyes! Arthur! Please!" Nagsusumamo na paki usap niya kay Arthur tinamaan ito sa tiyan.

At madaming dugo umaagos sa sahig. Hindi niya na malaman ang gagawin, natataranta siya at humahagulgol.

"You! I'll kill you bastard!" Iyon lamang ang sinabi niya at kinuha niya ang dalawang baril.

And the next thing she do is she fired at every person na hindi nila miyembro ang tatlo sa mga ito ay bumagsak.

Hindi kasamang bumagsak ang lalaking may tato, buhay pa din ito at pinoprotektahan si Laud. Samantalang kitang kita niya sa mukha ni Laud ang pagka gulat sa nangyari.

"Arthur! No! Arthur! Wait! We need to- " Iyon lamang ang narinig niyang sinabi nito at lumabas na ito kasama ang dalawang lalaki.

Hinabol ito ng mga kasamahan niya. She drops her gun and turn to Arthur. Halos dumapa na siya sa sahig sa sobrang pag aalala dito. Puro dugo na ni Arthur sa sahig. Natu tuliro na siya hindi na niya alam ang gagawin.

"Call the ambulance! Call them! Oh my god! Please! Help me!" Sunod sunod na sigaw niya. Naghi histerya na siya sa takot sa posibilidad na may mangyari na masama kay Arthur.

"Tulungan niyo ako! Tulong! Athur, stay with me! Please don't close your eyes." Paki usap niya dito. Unti unti na itong nawawalan ng malay.

Sumigaw siya ulit para humingi ng tulong. At sa pagkakataon na iyon ang lahat naman ay narinig siya at tumulong.

Mas minabuti na nilang sila mismo ang magdala sa ospital dito dahil mababakas na sa mukha nito ang panghihina at wala na din itong malay.

"Heather, magiging okay din ang lahat. Stay calm." Pagpapakalma sa kanya ni Salley ngunit para siyang walang narinig.

At sumakay na sila sa kotse na props na gagamitin sana nila ni Arthur papunta sa reception. Minabuti na niang ipa drive sa iba dahil nanginginig na siya.

"Arthur please, don't close your eyes." Umiiyak na sabi niya.

*****

Nasa bachelor's pad niya siya ng mga oras na iyon kasama si Tina ang new girl niya. When he heard his phone ringing.

"Honey, don't answer it." Malambing na sabi nito sa kanya. And he just smile, hindi na dapat niya sasagutin iyon ng makita niya na si Cameron ang tumatawag.

"What?" Iritadong tanong niya dito.

"Ten I've found Heather, you might want to see her. It's her wedding today and she's in the hospital right now." Boses iyon ni Cameron na may pag aalala ang tono.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login