Download App
23.07% Mature Enough (COMPLETED) / Chapter 3: Chapter 1

Chapter 3: Chapter 1

Chapter 1

"Williams, pinapatawag ka sa office." Hindi ko na pinansin ang sinabi ng President namin.

Williams na naman. Puro nalang Williams, Williams. Halos isang linnggo ko ng naririnig ang apilido ng lalaking 'yan. Nakakarindi na. Masyado na nya atang kina-reer ang dare sa kanya ng mga kaibigan nya.

Like, seriously?! Gagawa sya ng mga katarantaduhan para lang magawa yung dare sa kanya ng mga kaibigan nya? Sa mga pinagagagawa nya, pwede syang ma-kick out sa VWIS!

Pero bakit ba naman kasi ako concerned sa kanya, hindi ba? Syempre, kahit papaano ay kaklase ko sya at naaawa ako para sa mga magulang nya na nagta-trabaho araw gabi para lang makapag-aral sya sa isang pristeryosong paaralan na katulad ng VWIS.

Paano ko nalaman na dare nila iyon? Hindi ako ipinangak at pinalaki ng mga magulang ko para lang makipag-chismisan. Aksidente ko lang namang narinig ang paglalaro nila---este pag-uusap nila.

Tutok lamang ang mga mata ko sa libro na binabasa ko sa desk ko, sinulyapan ko ang tumbler na nasa gilid ng libro ko at kinuha iyon. Sumimsim ako ng kaunting tubig doon bago muling balingan ang libro na binabasa ko.

Hindi naman ako mabilis magalit sa mga bagay bagay, pero ramdam ko ang pag-akyat ng mga dugo ko sa mukha ko noong malaglag ng kung sino ang libro na nasa desk ko. Mukhang hindi sinasadya pero kung uulitin, malalaman mong sinadya ng lalaking masama ko ng tinitignan ngayon.

Nasa desk yung libro ko, nasa desk! Imposibleng malalaglag iyon kung hindi ako sinasadyang mabangga ng lalaking ito.

Nag-peace sign ito sa harapan ko bago ipinakita ang mga mapuputi nyang mga ngipin. Napa-irap ako sa kawalan.

"Sungit." Bulong nito na narinig ko naman. Yumuko ito at kinuha ang libro sa paanan ko.

Hindi ako masungit. Talagang wrong timing lang ang lalaking ito kung asarin ako, mainit ang ulo ko ngayon at mukhang sya ata ang mapagdidiskitahan kong paglabasan ng galit ko.

Pero syempre, hindi ko naman sya gagawing punching bag o kung anuman. Hindi ako ganoon kasamang tao para gawin iyon sa kanya o kahit kanino. Matino pa naman ako. At ayokong gumawa ng mga bagay na labag sa batas ng VWIS.

"Sinadya mo," saad ko noong makuha ko na ang libro ko sa kanya. Ngumisi lamang ito at imbes na magsalita ay nagkamot lamang ito sa kanyang batok.

"Gotta go, pinapatawag pa ako sa office." Paalam nya bago ako tuluyang lagpasan na para bang wala syang ginawa. Okay?

At sa inaakto nya, sobrang kalmado naman ata nya para sa isang estudyante na papagalitan at maaari ng ma-kick out.

Bumuntong hininga ako at itinuon ang atensyon ko sa libro na binabasa ko pero kahit na anong basa ko doon ay hindi ko maintindihan ang nakasulat. Kaya imbes na ipagpatuloy pa ang pagbabasa ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko bago tumayo. Tatambay nalang siguro muna ako sa Cafeteria, tutal wala naman ang last sub teacher namin.

Mag-isa akong kumakain sa Cafeteria, wala naman kasi akong kaibigan dito sa VWIS para mayaya ko na sabay kaming kakain. Kaka-transfer ko lang kasi noong last month, bilang isang scholar.

'Yun ang dahilan kung bakit subsob ako sa pag-aaral imbes na makipag-kwentuhan ng mga walang kabuluhang bagay sa katabi ko. Gusto ko kasing gumraduate at hanapin ang nakababata kong kapatid. At matutupad lamang iyon kung makakapag-trabaho na ako dahil alam kong pera ang kikilos para mahanap ko ang kapatid ko.

Sixteen palang ako, 4th year ko na 'to sa Junior High at konting kembot na lamang ay Senior na ako. At dahil scholar nga ako ng VWIS ay dito parin ako mag-se-senior hanggang sa mag-collage ako.

Madalas sinasabi ni Mama na masyado daw advance ang utak ko para sa sixteen na babae. Ano bang dapat kong gawin? Gusto kong tulungan sila Mama at hindi ko iyon magagawa kung panay laro lang ang gagawin ko at hindi ko seseryosohin ang buhay ko.

"Can i sit here?" Napahinto lamang ako sa pag-iisip noong may isang babae na nagtanong sa akin.

Maputi ito, singkit at maikli ang buhok na hindi man lang umabot sa kanyang balikat. Ilang beses akong napakurap kurap upang siguraduhin kung totoo ba ang nakikita ng mga mata ko. O halusinasyon ko lamang itong nasa harapan ko dahil masyado na akong nagpapaka-lonely.

"Hey?" Unti unti akong napatango at pinagmasdan syang ngumiti bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Sorry kung na-istorbo kita sa pagkain mo. Wala na kasing vacant na upuan. Ako nga pala si Shion." Naglahad sya ng kamay sa harapan ko na tinitigan ko mula ng ilang segundo bago ko tanggapin.

"Irene Sanchez." Pagpapakilala ko sabay ngiti ng matamis. Na-realize ko lang ngayon kung gaano ako nagiging subsob sa pag-aaral to the point na tinatalikuran at lumalayo ako sa mga taong gustong makipag-kaibigan sa akin.

Ito na siguro ang time para magkaroon ako ng kaibigan, kahit isa lang basta hindi ako sasabihan ng mga masasamang salita kapag nakatalikod na ako. Ayoko sa mga back fighter.

"I know." Nanlaki ang mga mata ko kaya natawa sya ng bahagya. Medyo na-conscious naman ako dahil sa paraan ng pagtawa nya.

"I know you, well, everyone knows you. Ikaw lang naman kasi ang nag-iisang barbie girl ng VWIS, beauty and brain kung tawagin ka ng iba." Namula ako sa sinabi nya. Pero tinawanan nya lamang ako.

Gosh! Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon. Beauty and Brain? Barbie Girl? What? Ganyan ba ang tingin nila sa akin? Pero hindi ako katulad ng barbie girl na pwedeng paglaruan ng kahit sino. Ako si Irene Sanchez Dela Vega.

"Baka sabihin mong binibiro lang kita. Totoo 'yon, si Von pa nga ang nagpakalat na Barbie Girl ka daw." Von? Sino naman yon?

Mukhang nahalata ni Shion ang pagtataka ko kaya naman ngumiti ito sa akin bago binitawan ang hawak nyang pagkain. May tinuturo sya kaya naman napatingin ako doon, lalo lamang nangunot ang noo ko noong makita ko kung sino ang tinuturo nito. Si Williams.

"Vrent Onesei Williams, mas kilala bilang Von. Classmates kayo, diba?" Napaawang ang labi ko sa nalaman ko. Dahan dahan akong tumango kay Shion.

Napayuko ako at kulang na lamang ay hampasin ko ang sarili ko. Von. He's Von! Si Vrent Onesei Williams na kaklase ko slash gago ang nagpakalat na isa akong barbie girl!

Dapat na ba akong matuwa? Insert the sarcasm. Naiinis ako sa kanya. Hindi ako natutuwa. At kailanman, hindi ako matutuwa sa pagpapa-uso nya na isa akong barbie girl.

-

"Bye, kita tayo bukas!" Kumakaway na saad ko kay Shion na unti unti ng nawala sa paningin ko sakay ng isang mamahaling kotse.

Bumuntong hininga ako. Ang saya pala sa pakiramdam na magkaroon ng kaibigan na madaldal. Mapipilitan talaga akong magsalita dahil sa mga tanong nya, ayaw ko naman sana syang sagutin dahil yung iba, masyadong personal na. Pero ayoko rin naman syang ma-offend kaya sinasagot ko na lamang kahit medyo uncomfortable ako.

Nalaman ko na grade conscious ang peg ni Shion. Dahil dala dala lang naman nya ang apilidong Villega na may-ari ng isang buong hospital, at parehong doctor ang mga magulang nya.

Kaya masyado syang nape-pressure at baka makagawa sya ng isang desisyon na pwedeng makasira sa apilido at reputasyon ng mga magulang nya. Hindi naman strict ang parents ni Shion, kung tutuusin nga ay pinapayagan sya ng mga ito na gawin ang lahat ng gusto nya.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad palabas ng compound ng VWIS noong mapahinto ako dahil isang sports car ang mismong tumigil sa harapan ko. Napakurap kurap ako. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob, masyadong tinted ang salamin.

Grabe, bigatin talaga itong VWIS eh. Grabe yung mga mag-aaral nila. Pa-sport sport car lang, samantalang kaning mga mahihirap na nag-aaral dito ay kailangan pa naming makipagsiksikan sa pila ng jeep para lang makarating dito.

Minsan talaga ang unfair ng buhay.

"Uno!" Napaatras ako noong makita ko si Von na lumapit sa kotse at kinatok ang salamin nito.

Hindi ko ugaling maki-isyoso pero parang may nagtutulak sa akin para panoodin ang mga susunod na mangyayari. Lumabas mula sa sports car ang isang lalaki na mukhang anemic dahil sa puti nito. Kulot ang buhok nito at sakto lamang ang haba.

Inihagis nito kay Von ang susi ng sasakyan, bago kinuha ang bag na itim mula sa loob at naglakad palapit kay Von. Isa rin to, walang modo. Lalapit rin naman pala sya, hinagis pa yung susi. Bawas tuloy sya sa akin. Type ko pa naman sana dahil nakaka-attract yung kulot kulot nyang buhok na parang pancit canton, kaso nakaka-turn off yung ugali nyang balasubas.

Hay, ang mga mayayaman nga naman talaga.

"Take care of it, Bro." Rinig kong saad na tinawag ni Von na Uno. Napaawang ang labi ko dahil sa narinig ko.

Don't tell me, magd-drive itong si Von? Eh underage pa sya! 16 lang yang lalaking yan!

"Gago, gasgasan ko pa 'yang pinakamamahal mo." Nakangising sagot ni Von na ikinatawa ng tinawag nyang Uno bago ipinakita ang middle finger nya kay Von.

Kung mag-usap itong dalawa na 'to parang wala ako sa paligid nila.

"Okay lang, pasabugin mo pa."

"Wish, granted."

Nakikinig lamang ako sa usapan ng dalawa at aalis na sana dahil walang kwenta ang pag-uusap nila noong mapahinto ako sa isang pahayag na binitawan ni Von.

"Kailan ka ba babalik sa La Marceña, Vrent Onesei Williams?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Ukishaun Onesei Williams na hindi ako babalik sa La Marceña."

Oh shit. Williams? Magkapatid silang dalawa? Ibig sabihin, mayaman si Von?

-

Pabagsak akong umupo sa upuan ko at agad na sinubsob ang aking mukha sa desk na nasa harapan ko. Grabe, wala akong tulog ka-gabi. Hindi ako pinatulog ng mga natuklasan ko. Bakit ko ba naman kasi sinearch iyon, eh?

'Yan tuloy, nalaman ko kung gaano kayaman ang pamilya Williams at kung sino ang kausap ni Von kahapon. Kapatid nya nga iyon---kambal. Pero di tulad ng ibang kambal, hindi sila identical twins.

Nalaman ko na dalawa lamang silang anak ni Mr. And Mrs. Williams. Pareho silang gago at pareho ring tagapagmana ng mga ari-arian ng mga Williams. At naaasar ako sa sarili ko kung bakit ba parang naging uncomfortable na akong kumilos kulis lalo pa't kasama ko sa loob ng klasrum ang isang Vrent Onesei Williams.

"Ano ba?!" Inis kong tinanggal mula sa pagkakadukdok ang ulo ko sa desk at tinignan ang nangalabit sa akin.

Naka-pout na ito ngayon sa harapan ko habang nanlalaki ang mga mata na tila nagpapaawa. Napalunok ako. Bakit ba ganyan sya? At bakit ba kinalabit nanaman nya ako?

"Ang sungit mo talaga, Irene." Napaiwas ako ng tingin. Ugh! Naasar ako sa sarili ko. Bakit hindi ko na magawang sungitan itong si Von?

Porket ba mayaman sya at mahirap lang ako, hindi na magawa ng sariling katawan ko ang sumunod sa utak ko? Gusto ko syang sigawan. Nakakaasar sya. May kasalanan pa sya sa akin though hindi naman ganoon kalaki, pero may kasalanan parin sya sa akin.

"Ang sama mo sa akin, Irene Sanchez Dela Vega." Patuloy lang si Von sa pagkulit sa akin na ang sama sama ko daw sa kanya, kahit ang totoo, hindi naman.

Dahil kung masama ako, kanina pa sya nakabaliktad dyan sa kinaka-upuan nya. Nanggigigil ako eh. Ang sarap nyang sipain.

"Ano bang ginawa ko sayo? Bakit parang galit na galit ka sa akin?" Parang bata ito kung magtanong. Mabagal at malumanay. Sarap i-untog sa desk nya.

"Barbie girl. Pauso ka masyado." Bulong ko bago ko sya binalingan ng tingin at ito ang itsura nyang tila naaamuse pa sa akin.

"What's wrong with Barbie Girl?" Painosente nyang tanong sa akin kaya naman naubos na ang pasensya ko, pinihit ko paharap sa kanya ang buo kong katawan bago tinuro ang mukha nya.

"Look, ayoko ng gulo lalo pa't mayaman ka. Papatawarin na kita sa pagpapauso na Barbie Girl ako kahit hindi ko nagustuhan iyong pagpapakalat mo. Kaya please lang, Williams, balik nalang tayo sa dati na parang hindi natin kilala ang isa't isa." Mahabang litanya ko. Sumeryoso ang mukha nito at nawala ang pagka-amuse.

Buong akala ko ay seseryoso na ito peri mali pala ako. Ngumiti ito sa akin bago hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang mga maiinit nyang palad. Natigilan ako. Hindi agad ako nakabawi dahil sa pagkabigla. Shit.

"I know you're cute when you're studying because you're too serious. Pero hindi ko alam na mas cute ka pala kung kakausapin mo ako ng seryoso ka." Napapikit pikit ang mga mata ko kaya naman ngumiti ito bago inipit ang ilong ko.

Tumayo ito at ginulo ang buhok ko na syang lalong ikina-kunot ng noo ko. What the?

-

Written by Chewzychick


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login