Download App
66.66% Insanity (Zombie Apocalypse) Season 1 / Chapter 2: Chapter 1

Chapter 2: Chapter 1

THIRD PERSON

Nasa isang bahay ang mga magkakaklse upang mag group study. Nakaupo ang mga ito sa sahig habang nakalagay sa isang mababang lamesa ang mga libro at papel. Maya-maya pa ay lumabas si Natalie..

"Come on, snaks for everyone!" Masiglang sabi ni Elaine habang nakangiti at hawak-hawak ang isang pinggan ng nachos. Sumiyaw ito papunta sa kanyang boyfriend na si Nash.

"Akala ko group study lang, Elaine? Bakit may alak na?" Sabi ni Eron habang hawak ang libro.

"Nice, babe.." Sabi ni Nash at umupo sa kanyang hita si Elaine at pagkatapos ay naghalikan ang mga ito.

"Argh! Sanaol may jowa." Sabi ni Natalie habang nagtatype ito sa kanyang laptop.

"Oo nga, sana all Natalie.. Ehem," Sabi ni Eron.

Napatigil ito sa pagtype, "Bakit inuubo kaba, Eron?" Tanong ni Natalie at nakataas ang isang kilay nito.

"Hay nako Natalie! Sagotin mo na kasi si Eron! Pinapahirapan niyo lang yung mga sarili niyo, duh.." Sabi ni Elaine habang nakaupo sa mga hita ni Nash.

"Tignan mo ko, I have Nash." Dagdag pa ni Elaine at hinalikan sa leeg si Nash.

"Babe, wag dito.. Nakakahiya.." Bulong ni Nash kay Elaine at nagtawanan ito.

"Oo nga," Sabi ni Eron kay Natalie at sinara ang libro na hawak nito.

"Iww, no way." Sabi ni Natalie at nagpatuloy sa pag type sa laptop.

"Talaga lang ah? Ikalat ko kaya yung video niyo ni Eron noong nakaraang party?" Sabi ni Elaine kay Natalie.

Natigil si Natalie, "I was drunk.. Okay!?" Naiinis na sabi ni Natalie.

"Pssh, drunk... Not an excuse, Natalie." Sabi ni Elaine.

"Oo nga, baka gusto mo pa ng round 2?" Sabi ni Eron.

Tumingin si Natalie kay Eron, "Iw, stop Eron.. Will you?" Naiinis na sabi ni Natalie.

Nagsimulang maiinis si Natalie kay Eron, iniirapan niya ito at hindi niya pinapansin.

"Change topic, how about Blair and Zach!" Sabi ni Elaine.

Napalingon naman si Zach dito habang nagsusulat, hindi siya narinig ni Blair dahil nakasuot ito ng earphones.

"Bat ako?" Sabi ni Zach.

"Bakit hindi ba? Wag na kayo mag maang-maangan pa, huli na kayo Zach." Sabi ni Elaine.

"Umamin kana kasi, bro." Sabi ni Eron.

"Nah.. wala kaming relasyon ni Blair." Sabi ni Zach.

"Pshh, tanongin natin si Blair... Blair, anong masasabi mo?" Tanong ni Elaine. Ilang beses niya ito tinanong ngunit hindi siya naririnig nito.

"Blair?" Tanong ni Zach at hinawakan sa kamay si Blair. Nagulat naman si Blair kaya napatigil ito sa pagsusulat at tinatanggal ang suot na earphones.

"Ba-- bakit?" Tanong ni Blair.

"Oo kana lang." Sabi ni Elaine.

"Oo?" Sabi ni Blair.

"Owshit!" Sabi ni Eron at natawa ang lahat.

"Bat ka nag oo?" Tanong ni Zach.

"Kasi Elaine told me to?" Sagot ni Blair.

"Tama na yan! Tama na yang aral-aral, Blair.. Masyado ka ng matalino." Sabi ni Eron at natawa ito.

"Wait lang, kukuha lang ako ng alak. Let's party! Patapos na din naman ang school year, diba?" Sabi ni Elaine at tumayo ito.

"Yun oh! Group study party!" Sabi ni Natalie at sinara ang laptop nito.

"Akala ko mag-grogroup study tayo?" Tanong ni Blair.

"Alam mo naman yan sila, alak is life.." Sagot ni Zach dito.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at naglabas si Elaine ng napakadaming alak saka mga baso.

"Shot! Shot! Shot! Shot!" Sigawan nila maliban kay Zach at Blair.

Tinabi nila ang mga libro at laptop, nagsimulang mag salin ng beer sa kanilang mga baso ang mga ito. Nagpatugtog naman ng malakas si Elaine at sinayawan si Nash.

"Wohh!" Sigawan nila.

"Come on, Blair!" Sabi ni Natalie habang hinahatak si Blair.

"Ayoko." Sabi ni Blair.

"Ang kj mo! Tara na Zach." Sabi ni. Natalie.

Mukhang nagdadalawang isip naman si Zach na sumama dito, tinignan siya ni Blair at nginitian. "Sige na." Sabi nito.

"How about you?" Tanong ni Zach.

"Im fine." Sagot ni Blair.

Nagsimulang mag sayawan at magsaya ang lima na parang nasa party habang si Blair ay pinapanood lamang sila, wala kasing hilig ito sa mga party o alak.

Mga kalahating oras na ang lumilipas, lasing na si Natalie at Elaine habang si Zach, Eron at Nash ay naglalaro ng ping pong.

BLAIR'S POV

Suot ko ang aking earphones kahit napakalakas ng tugtog ng mga ito, nakita ko si Natalie at Elaine na wasted at nakahiga ito sa sofa. Naduduwal ng paulit-ulit si Natalie, natatawa ako dito dahil parang nagtatawag ito ng uwak.

"Ako naman, magkano?" Sabi ni Nash na lasing na dahil pasuray-suray na ito habang naglalaro ng ping pong at halos di makatama sa bola kanina.

"500?" Sabi ni Zach na hindi pa lasing. Nakikipagpustahan ito kay Nash dahil alam nitong lasing na.

"500? Mababa! 1k!" Sigaw nito at naglapag ng isang libo sa ping pong table.

"Makakakita po tayo ng dalawang pro ping pong player na maglalaban!" Sabi ni Eron sa camera.

"Lezzgow!" Sabi ni Eron na lasing na din habang kinunan nito ng video ang dalawa.

"1k ha!" Sabi ni Zach at ngumiti ito sa akin. Natawa naman ako dahil pineperahan niya lamang ito.

"Bat ka ngumingiti kay Blair ha! Gusto mo siya no!" Sabi ni Nash habang pinapatalbog ang bola ng ping pong.

"Tara na maglaro na tayo, baka lasing ka ha!?" Sabi ni Zach.

"Ako lasing? Hindi ako lasing!" Sabi ni Nash at pinatalbog ang bola ng ping pong.

Nagsimulang maglaro ang dalawa habang kinukuhaan ito ng video ni Eron, mukhang tanga silang tatlo.. I mean dalawa kasi di naman lasing si Zach.

Napailing naman ako dito, "Retards." Mahinang sabi ko.

Maya-maya pa ay biglang sumuka si Natalie, nagkalat ang suka nito sa sofa. Nakakadiri dahil kakaiba ang kulay nito, pinagsamang alak at mga piraso ng manok na kanilang pulutan.

Vivideohan ko dapat ito pero naawa ako kay Natalie, ayoko sana tulongan pero nakakadiri tignan.

"Argh, shit." Tinanggal ko ang earphones ko at nilapitan si Natalie. Hiniga ko naman sa kabilang sofa si Elaine at tulog na tulog ito.

Kinuha ko ang basahan at pinunasan ang mga suka nito sa katawan pagkatapos ay dinala ko ito sa cr.

Dapat nasa bahay lang ako ngayon at nanonood ng Netflix eh, hindi nag-aalaga ng mga sumusuka.

Wala namang pakealam ang mga lalaki dahil patuloy parin ito sa paglalaro ng pingpong nila.

Nasa cr na kami ni Natalie, binuhusan ko ito ng tubig upang mahimasmasan saka nilinisan. "Argh.. Eron?" Sabi nito.

"Hindi ako sa Eron, Nata." Sabi ko.

"Eron.." Mahina at lasing na sabi nito.

"Di nga ako si Eron! Wag ka makulit." Sabi ko.

Basa na ang buong damit ni Natalie kaya naman nagpunta ako kwarto ni Elaine upang kumuha ng damit. Napagara ng mga damit nito sa closet at malaki ang kwarto.

Pagbalik ko naman sa cr ay nakita ko si Natalie na nakahiga sa cr. "Wtf." Sabi ko.

Tinayo ko ito at tinanggal ang damit upang bihisan saka punasan. "Taas kamay Nata!" Sabi ko dahil ayaw sumunod nito.

"Er.. Eron.." Sabi nito.

Hay nako nababaliw na ata to, pagkahubad ko ng damit niya ay bigla nitong tinanggal ang bra nito.

"Hoy, Nata! Di ako bisexual." Sabi ko.

"Blair?" Sabi nito sa akin.

"Oo, ako! Si! Blair!" Sabi ko.

"Ok-- okay lang," Sabi nito at hinalikan ako. Tinulak ko ito at nandiri dahil kakasuka lamang nito kanina.

"Fuck! Nata! Umayos ka!" Sabi ko at nilamas naman nito ang kanyang boobs. Binuhusan ko uli ito ng tubig upang mahimasmasan.

"Potek! Kakapunas ko lang sayo.. Basa kana uli! Umayos ka Nata!" Sabi ko. Wala na ito sa sarili at parang gusto na matulog. Pinunasan ko uli ito at sinuotan ko ng damit pagkatapos ay dinala ko ito sa kwarto.

Nakita naman ako ni Zach na dala-dala si Natalie papunta sa kwarto, tinulongan ako nito umalalay. Kakatapos lang nila mag pingpong at wala na si Eron at Nash.

"Anyari dito?" Tanong ni Zach.

"Nagsuka kaya binihisan ko." Sabi ko.

Hiniga namin sa kwarto ni Elaine si Natalie. "Kunin mo si Elaine, para makapagpahinga na sila." Sabi ko.

Binuhat naman ni Zach si Elaine papunta sa kwarto at tinabi ito kay Natalie. "Ayan! Okay na sila!" Sabi ko.

"Eron!" Sigaw ni Natalie habang tulog na tulog si Elaine.

"Asan na pala si Nash at Eron? Walang kwentang jowa talaga to si Nash." Sabi ko.

"Nanalo ako sa ping pong tapos ayun umalis ang dalawa. Magka-akbay pa nga sila habang kumakanta." Natatawang sabi ni Zach.

"Pshh, lagi na lang tayo nag-aalaga ng mga lasing." Sabi ko.

"Alak pa." Sabi ni Zach.

"Tara na, maglinis na tayo ng kalat para makauwi na din.. Gusto ko ng matulog saka baka hinahanap nako." Sabi ko at napatingin sa oras, mag aalas singko na non.

Nagpunta kami sa sala ni Zach upang linisan ang mga kalat. Matapos ang ilang minuto na paglilinis ay natapos kami at parang walang nangyari.

"Dapat may sahod ako dito eh." Sabi ko.

"Tara na. Lock na lang natin yung pinto" Sabi ni Zach.

Papalabas na sana kami ng bahay ng maalala ko bigla ng aking bag

"Bag ko pala." Sabi ko.

"Bilisan mo na! Nag bag pa kasi, alam mo namang hindi talaga group study pupuntahan natin." Sabi ni Zach.

"Malay ko ba, sabi nila group study daw." Sabi ko at sinuot ang backpack.

"Napaka inosente mo, syempre yung group study code word yun.." Sabi ni Zach habang sinasara ang pinto ng bahay ni Elaine.

"Code word para saan?" Tanong ko at nagsimula kaming maglakad.

"Para uminom.." Sagot ni Zach.

"Luh, ganun ba yun.." Sabi ko

"Oo, palibhasa di ka kasi umiinom. Banal ka ba?" Tanong nu Zach.

"Ayoko lang, masama yung alcohol content sa katawan." Sagot ko.

"Sus! Try mo din minsan para bawas stress saka enjoy mo na lang din teenage days mo." Sabi ni Zach sa akin.

"Sige na, bukas na uli.." Sabi ko dahil naghihiwalay na kami ng daan ni Zach.

"Sige, ingat ka! Chat moko pag nakauwi kana!" Sabi ni Zach.

"Sige ikaw din!" Sabi ko.

5:30 na ng mga oras na iyon at palubog na ang mga araw, may mga bata pa din sa kalye na naglalaro. Ang sarap pagmasdan ng mga ito dahil parang walang problema at laro lang ang inaatupag ng mga ito.

Sa ilang minuto ng paglalakad ay nakadating ako ng bahay, nakikita ko naman ang ilaw mula sa aming bintana na may kurtina.

"Axel!" Galit na sigaw ni mama.

Rinig ko mula sa pintuan ang malakas na sigaw ni mama na parang galit na galit ito. Binuksan ko ang pinto at nakita si Axel na napakadungis, puno ng mga tsokolate ang bibig nito at damit habang hawak-hawak ang isang mahabang tsokolate.

Binaba ko agad ang bag ko at nagpunta kay Axel, "Hay nako Axel, anong ginagawa mo?" Sabi ko.

"Ate Bair!" Sabi nito sa akin at niyakap ako. Magsisiyam na taong gulang pa lamang si Axel at siya ang nakakabata ko na kapatid. Hindi niya pa din mabigkas ng maayos ang pangalan ko at natatawa pag sinasabi niya ito.

"Ikaw talaga, san mo kinuha yung chocolate ha?" Sabi ko at natawa.

"Sa ref!" Sabi nito.

Nakita naman ako ni mama na kausap si Axel, "Ikaw talaga, Axel!" Nanggigil na sabi nito.

"Pagpalitan mo ng damit yang kapatid mo, Blair at paliguin mo." Sabi nito sa akin at nagtungo muli sa kusina.

"Opo," Sabi ko.

"Bawal sa bata ang chocolate pag madami." Sabi ko habang nakatingin dito.

"Pero, konti lang naman eh." Sagot nito at sumimangot.

"No! Tignan mo, masisira teeth mo nyan." Sabi ko.

"Ate Bair, sige na" Sabi ni Axel at nagpacute ito ng mukha.

Sino nga ba ang hindi makakahindi sa kapatid mo nanghihingi at gagawin lahat ang klase ng mukha para lang mapapayag ka.

"Oh sige na nga, konti lang ah.." Sabi ko at kinuha ang tsokolate na hawak nito pagkatapos ay binigyan ko ito ng kalahati.

"Yey!" Sabi ni Axel at niyakap ako uli.

"Shh! Sikret lang natin to." Sabi ko at nilagay ang aking hintuturo sa bigbig habang nakatingin sa kanya.

"Oum! Shh!" Sabi ni Axel at ginaya ang ginawa ko.

"Good! Sige na magpunta kana sa cr at linisin mo yang chocolate na nasa kamay mo, pagkatapos ay magpalit ka ng damit. Ayusin mo maligo," Sabi ko.

"Opo!" Magsiglang sabi nito at tumango pagkatapos ay nagtungo naman ito sa itaas.

Napailing ako habang pinagmamasdan si Axel na umaakyat sa hagdan. "Ang kulit talaga ng batang to." Mahinang sabi ko.

"Blair!!" Sigaw ni mama mula sa kusina at mukhang nagluluto ito dahil sa mabangong amoy.

"Po?" Tanong ko.

"Orange o apple juice?" Tanong nito.

"Kahit anong po!" Sagot ko.

Sa sobrang daming nangyari ngayong araw ay napaupo ako sa sofa. Tinanggal ko ang aking sapatos at kinuha ang remote ng tv.

"Sa wakas makakapag pahinga na din ako." Sabi ko at pinatong ang paa ko sa mababang lamesa na nasa harapan sabay kagat sa kalahating tsokolate na hawak ko.

Nilapit ko ng paulit-ulit ang channel dahil walang kwenta ang mga palabas, ayoko kasi ng drama.

"Nope, nah, nah, nah.." Sabi ko habang nililipat, napatigil naman ako dahil sa isang flash report.

"Flash report mula sa YSS News." Sabi sa tv.

"Kasalukuyan po na nasa live feed si Aisha Miller upang maghatid ng balita mula sa Santa Barbara." Sabi ng newscaster at lumabas ang isang live video feed.

"Maraming salamat, kasalukuyan po tayong nasa Santa Barbara upang magtanong sa ilang residente dahil sa mga nababalitang suicide attempt dito. Kanina na lamang ay may nasaksihan tayong apat na lalaki na tumalon na lamang biglaan sa building. Maselan po ang susunod na video na iyong mapapanood, ito po ang actual video footage." Sabi ng newscaster at nagplay ang isang video.

"Fuck!" Sabi ko dahil parang nababaliw ang mga ito at sunod-sunod na tumalon.

"Hindi ko po alam ang nangyari at walang sagot ang mga awtoridad sa atin. Narito naman ang ilang mga sagot ng mga tao dito sa Santa Barbara." Sabi ng newscaster.

"Ano po ang nangyayari sa tingin ninyo?" Tanong nito.

"Hindi ko po alam, kanina na lamang ay may dalawang lalaki na nag suicide gamit ang kutsilyo at hindi malamang dahilan." Sagot ng residente.

"Eh kayo po?" Tanong pa ng newscaster sa isa.

"Nakakatakot po ta--" Sagot nito.

"Blair!! Maghanda ka na! Kakain na tayo!" Sigaw ni mama.

"Nakakatakot po talaga kasi biglaan na lamang nagsusuicide ang mga tao dito. Nagbabalak na nga kaming lumipat sa kabilang bayan." Sagot ng residente dito.

"Ayun sa natala ay mayroong 58 na kalalakihan ang nagpapakamatay dito sa Santa Barbara at hindi pa malaman kung bakit ito nagpapakamatay. Masigla, masaya at walang sign na pinakita na depress o malungkot ang mga ito. Isang malaking misteryo ito para sa mga taga Santa Barbara, Aisha Miller naguulat mula Santa Barbara.. Back to studio." Sabi nito.

"Blair!!" Galit na sabi ni mama.

"Para sa mga updated na ba--" Sabi sa tv.

"Opo!" Sabi ko at pinatay ang tv.

"Weird" Sabi ko, nagtungo naman ako sa lamesa upang maghanda dahil kakain na. Napakasarap naman ng mga luto ni mama at amoy ko ang mabangong amoy nito.

"Axel! Bumaba kana dito at kakain na!" Sabi ni mama.

"Opo!" Sigaw ni Axel, mga ilang minuto pa ay bumaba na ito suot ang bagong palit na t-shirt.

Naupo kaming tatlo sa lamesa, kakatapos lamang namin magdasal at nagsimula na kaming kumain.

"Ma, kelan ba uuwi si papa?" Tanong ko.

"Aba malay ko ba sa papa mo na iyan! Puro na trabaho ang inaatupag.. Research! Research! Puro na lang research!" Sabi ni mama.

"Di ba nasa Santa Barbara si papa? May nabalita doon na mga suicide attempt." Sabi ko.

"Yang papa mo, research na lang ang pinagkakaabalahan. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpakasal dyan! Eh aba nakakalimutan na ata niyang may mga anak siya at magandang asawa." Sabi ni mama at natawa ako.

"Ate Bair! Abot tubig!" Sabi ni Axel.

"May kulang sa sinabi mo," Sabi ko at tinaasan ng kilay si Axel.

"Ate Bair, tubig po please." Sabi ni Axel.

"Yan good." Sabi ko at sinalinan ang baso ni Axel ng tubig.

"Ikaw Axel, pag sumakit yang ngipin mo sa chocolate! Wag ka lalapit sa akin ah!" Sabi ni mama.

"Mama, sakit ngipin ko." Sabi ni mama na ginagaya ang boses ni Axel. Natawa naman kaming dalawa ni Axel dito.

"Hindi na po." Sabi ni Axel.

"Sus! Pag ikaw, nako." Sabi ni mama.

"Siga na at kumain na.. Para makapaghugas na agad ako ng pinggan." Sabi ni mama.

"Shh!" Sabi ni Axel sa akin.

"Shh! Wag ka maingay." Sabi ko at nagtawanan kami.

"Blair, mag lalaundry pala tayo sa sabado. Wala ka namang pasok diba?" Tanong nito.

"Opo sige," Sagot ko.

"Kamusta na pala ang pag aaral mo?" Tanong ni mama.

"Okay lang naman po, mabuti.." Sagot ko.

"Ayusin mo lang Blair, ayoko ng boyfriend ha! Lalo na yang Zach na yan." Sabi ni mama.

"Zach, ma? Nako naman.. Kaklase ko lang yun." Sabi ko.

"Diyan din kami nagsimula ng papa mo." Sabi ni mama at ngumiti ito.

"Nako ma, promise hindi.. Magiging isang sikat na scientist pa ako." Sabi ko.

"Ayusin mo lang, Blair." Sabi ni mama.

Natapos naman na ang lahat sa pagkain at naghugas ng pinggan si mama. Tinulongan ko sa assignment si Axel at pagkatapos ay pinatulog na ito.

Nasa kwarto ako ni Axel habang nakahiga ito sa kanyang kama. "The end." Sabi ko dahil kakatapos ko lamang basahin ang paborito nitong libro.

"Ate Bair! Isa pa! Please!" Sabi ni Axel.

"Nakaka tatlong ulit na ako, Axel.. Pagod na si Ate.." Sabi ko.

"Si papa nga kahit ilan eh." Sabi ni Axel at nalungkot ito.

"Si papa yun, pag dumating si papa.. Kwekwentuhan ka niya ng madaming madaming beses." Sabi ko at ngumiti.

"Kelan pa yun?" Tanong ni Axel.

Hindi ako nakapagsalita saglit dahil kahit ako ay walang ideya kung kelan uuwi si papa, lagi kasi itong nasa trabaho niya.

"Ahmm, pagnatulog ka ng madami.. Uuwi na si papa, kaya pag natulog ka ay baka umuwi na si papa." Sagot ko dito.

"Hmm, sige!" Sabi ni Axel at umayos ito ng paghihiga. Kinumutan ko ito at hinaplos ang kanyang ulohan.

"Goodnight Axel." Sabi ko.

"Goodnight Ate Bair!" Sabi nito at ngumiti ako.

Pinatay ko ang ilaw saka dahan-dahang sinara ang pintuan, nagtungo naman ako sa aking kwarto upang makapagpahinga.

Binuksan ko ang ilaw ng aking kwarto at nahiga sa kama, nakatingin ako sa kisame namin ng biglang maalala ko si Elaine at Natalie. Kinuha ko agad ang phone ko at binuksan ang messenger.

Pagkabukas ko ng messenger ay puno na ang aming groupchat ng mga picture at rants ni Elaine.

"T*ngina mo, Nash! Iniwan mo ako!"

"Wag ka magpapakita sa akin bukas!"

"Letche ka!"

"Buti pa si Blair at Zach di ako iniwan!"

"Pingpong pa! Hampas ko sayo yung raketa ng pingpong e!"

Natatawa na lamang kaming lahat sa gc dahil nagaaway na naman ito, wala ng bago kasi aso't pusa ang dalawa.

"Hey," May lumabas message sa akin galing kay Zach.

"Hey." Reply ko.

"How are you? You okay?" Tanong nito.

"Yea im fine, hbu?" Reply ko.

"Likewise, kumain kana? Buti naman you're home." Sabi nito.

"Yea, ikaw?" Reply ko.

"Oum, done.. You should probably get some sleep. Goodnight, Blair." Sabi nito.

"Goodnight, Zach.. See you tomorrow." Reply ko, kinuha ko naman ang aking earphones at sinuot upang makinig ng music.

Nakahiga ako habang nakatingin sa kisama at may napasak na earphones sa aking mga tenga...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login