Download App

Chapter 8: CHAPTER 7

"Oh Anak, hindi ka papasok ngayon?"  Tanong ni Mom dahil nandito ako sa tindahan at nagbabantay.

Kanina ko pa rin pinag iisipan kung papasok ba ko. Pero napag pasyahan kong hindi nalang. Hindi naman siguro masamang mag Day off di ba?!

"Day off ko po Mom." Pagsisinungaling ko pa.

"Wala kang gustong puntahan? Magbakasyon ka kaya."

"Ayoko Mom." Sagot ko pa at bumuga ng usok ng sigarilyo ko. Alam ni Mom na naninigarilyo ako dati ayaw niya pero nung sinabi kong pantagal ko to ng stress pumayag din siya wag lang daw panay panay.

"Pagbilan po Ate Zey." Napatingin pa ko kay Jhing na may hawak na limang piso.

"Ano yon Ganda?" Nakangiting tanong ko pa.

"Ayun po oh." Turo niya pa sa chichirya na hindi niya maabot abot. Natatawa pa kong kumuha ng isa at binigay sa kanya. "Magkano po 'to Ate Zey?"

"Seven pesos Ganda." Sagot ko napanguso naman agad siya.

"Pero five pesos lang ang bigay sakin ni Mama."

"Dahil cute ka." Kinurot ko pa ang Pisnge niya. "Five pesos nalang sayo."

"Yehey! Thank you po Ate Zey." Masayang sabi niya pa at patalon talon pa na naglakad paalis.

"Paano kayo bebenta niyan kung palugi mong binebenta ang paninda niyo?" Nanlaki ang mata kong napatitig sa mukha ni Ranz na nasa tapat ng tindahan namin.

WHAT THE FUCK! Anong ginagawa nito dito?

"Hello Ate Zoey." Napatingin din ako kay Niña na kasama niya pala.

"A-Anong g-ginagawa niyo dito?" Utal pang tanong ko.

"Hindi mo ba kami lalabasin man lang?" Nakangiti pang sabi ni Ranz.

Shit! Masisiraan yata ako ng ulo sa magkapatid na to.

Dali-dali kong inayos ang sarili ko. Binaba ko pa ng bahagya ang fitted kong maong short at inayos ang tee shirt ko. Bakit ba kasi ako nag short.

Pagkalabas ko ng bahay ay gulat na napatingin pa ko sa sapatos ni  Ranz nabputi na nagkulay brown dahil sa putek.

"Wow ate Zoey, ang sexy mo po." Manghang mangha na sabi pa ni Niña. Napatingin pa ko kay Ranz na hindi ko alam kung bakit parang naiilang na nakatingin sa hita ko.

"H-Hm. Susunduin ka namin ni Niña." Naglihis pa ng tingin na sabi niya. Batid ko rin na pinag titinginan na kami ng mga kapit bahay.

"Ha? Bakit? May pupuntahan ba kayo? Kailangan niyo ng Driver? Magbibihis lang ako." Akmang tatalikod na ko ng hawakan ako ni Ranz sa braso. Nakaramdam ako ng kuryente at bumilis ang tibok ng puso ko. Agad din siyang napabitaw at napatingin sa mukha ko. "Mag empake ka ng gamit?"

"Ha? Bakit?"

"Sumama ka samin sa Boracay mag babakasyon tayo."

"Ako?" Laglag ang pangang tanong ko na tinanguan niya lang.

"Anak, sino yang kausap mo?" Wala na kong nagawa ng lumabas si Mommy at nakita sila Ranz. "Oh may bisita ka pala bakit di mo papasukin?"

"Good afternoon po." Magalang na bati ni Ranz.

"Hi po! Ang ganda niyo po pala katulad ni Ate Zoey." Nakangiting sabi pa ni Niña.

"Oh kayo yung Anak ni Mayor Samaniego di ba?" Nakangiting tanong pa ni Mommy.

"Opo ipagpapaalam ko lang po sana si Zoey, isasama po namin siya sa Boracay."

"A-Ah Mom, kasi ganito po yo..."

"Alam ko Anak, wala ka namang maitatago sakin eh! Hindi ka kaya marunong mag sinungaling." Nakangiti pang sabi ni Mom.

"Alam mo Mom? Paano?" Naguguluhang tanong ko pa.

"Tinanong ko si Aron, Sabi ko hindi ko siya lapayagang ligawan ka pag hindi niya inamin." Napabuntong hininga nalang ako. Patay ka talaga sakin Aron!

Napatingin na ulit ako kila Ranz at yun na naman yung salubong niyang kilay na parang may ginawa akong mali.

"Oh siya sige na, mag ayos ka na ng gamit mo." Pinagtulakan pa ko ni Mom sa kwarto ko at pinapasok niya muna sila Ranz, habang nag eempake ako.

Paglabas ko ng kwarto ay nagtatawanan na sila. Lalong lalo na si Ranz ang lakas ng halakhal niya. First time ko siyang marinig na ganito kalakas ang tawa. Ang sarap niyang titugan.

"Oh nandyan na pala si Zoey, sige na baka mahuli kayo sa flight nyo."

"Thank you po Tita." Magalang pang sabi ni Ranz.

"You're welcome iho."

"Babalik po kami dito Tita ah!" Masayang sabi ni Niña.

"Oo naman. Welcome na welcome kayo dito lalo na kung cute na cute ka kagaya mo." Pinisil pisil pa ni Mom ang pisnge ni Niña. Nang bumaling siya sakin ay nakangiti siya. "Tumawag ka sakin pag may problema pero kung wala naman wag na. I-enjoy mo tong bakasyon mo ha!"

"Opo Mom, at ikaw naman po... wag mag papagod, maagang mag sara ng tindahan, i-lock ang bahay bago matulog, wag na ring mag laba paguwi ko po ako na ang gagawa ng mgayon. Okay po ba yon Mom?"

"Opo." Natatawang sabi pa ni Mom, hinalikan ko pa siya sa pisnge  at kinawayan.

Habang naglalakad kami palabas kitang kita ko kung paano maglakad si Ranz para hindi matalsikan ng Putek. Lubak lubak kasi dito samin kaya kahit hindi umuulan naiipon yung tubig sa mga lubak. Napatingin din ako kay Zoey na hirap maglakad dahil sa wedge sandals niya.

"Come Baby, bubuhatin kita." Nakangiti pang sabi ko kay Niña.

"Ako nalang Zoey." Sabi pa ni Ranz ng akmang bubuhatin ko na si Zoey.

"Its okay kaya ko. Padala nalang nitong bag ko." Walang magawa na tinggap niya pa ang bag ko at sinukbit sa balikat niya.

Binuhat ko na si Niña at nagsimula na kaming mag lakad ng matanaw ko si Aron sa harapan namin. Patay ka sakin ngayon!

"Aron." Tawag ko pa. Napahinto rin si Ranz at tinignan si Aron.

"Saan ka pupunta?" Tanong pa ni Aron na tinignan pa ng masama si Ranz.

"Wala kang pakielam! May kasalanan ka pa sakin eh!" Gigil na sabi ko at bumakas pa sa mukha niya ang pagtataka.

"Who is he Ate Zoey?" Nginitian ko lang si Niña at hindi sinagot binwling ko ulit ang paningin ko kay Aron.

"Bakit mo sinabi kay Mommy?" Pagkasabi ko non ay binatukan ko pa siya ng malakas. Nanlalaki pa ang matang napatingin sakin ang mag kapatid.

"Aray! Zoey nakakarami ka na ah!"

"Kulang pa yan. Handa mo na yang ulo mo pag balik ko hindi pa tayo tapos." Pagkasabi ko non ay nilagpasan ko na siya. Natatawang napatingin pa sakin si Ranz.

"Grabe Hahahaha! Amazona ka pala." Napatingin ako sa tawa niya kaya napangiti ako.

"Siraulong yon eh! Napakadaldal." Natatawang sabi ko din.

Nang makarating kami sa kanto ay may naghihintay na SUV samin ibinaba ko si Niña at pinag buksan ko pa siya ng sasakyan. Pero hindi ko inaasahan na nandon si Sofia na pinag taasan pa ko ng kilay.

Kasama rin siya? Anak ng pating naman talaga oh! Dapat pala hindi ako basta basta sumama ng hindi nagtatanong.

Umupo si Niña sa likuran dahil nasa pangalawang row nakaupo si Sofia at hindi na ko mag tataka kung doon rin uupo si Ranz sa tabi niya. Kaya dali-dali na kong sumakay at umupo sa tabi ni Niña.

"Let's go to the airport Nato." Rinig ko pang sabi ni Ranz.

"Ranz, Si Aki and Jefferson is with us?" Si Boss Aki?

"Yeah! They're in Boracay already." Ano ba naman tong pinasok ko?! Nakakahiya kay Boss Aki.

Tahimik kami na bumabyahe and i feel awkward.

"Ate Zoey."

"Hm?" Napatingin pa ko kay Niña.

"Do you know how to sing?"

"Ahm. A little Baby."

"Can you sing for me?" Sa ganito katahamik na atmosphere i don't think so. "Please."

"Okay. What song do you want?" Napabuntong hininga pang pag payag ko.

"Its up to you na po." Nginitian ko pa muna siya bago mag simulang kumanta.

It took one look

And forever lay out in front of me

One smile, then I died

Only to be revived by you

There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

'Bout the way life plays out

I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only

One and only you

"Its so Noisy." Rinig ko pang sabi ni Sofia.

"Let them." Sabi naman ni Ranz na nakapag pangiti sakin.

"Wow! Ang galing mo pong kumanta Ate Zoey." Manghang sabi ni Niña.

"Hindi naman masyado Baby."

"Magaling nga po Ate Zoey."

"Kung magaling ako edi sana sikat na ko ngayon Baby." Natatawang sabi ko pa na kinatawa rin niya.

Nang tumigil ang sasakyan napatingin pa ko sa paligid at nakitang nasa Airport na kami. Bumaba na kami at may sumalubong pa samin na mga airport police na inescourtan pa kami. Nagtatakang napatingin pa ko sa dinadaanan dahil walang katao tao. Pero sinagot yata ng eroplano ang tanong ko pagkapasok namin sa plane don ko lang nalaman na private plane pala yon.

Naupo na si Sofia at Ranz sa left side at kami naman ni Niña ay sa right side. Nag simula ng umangat ang eroplano hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Ate Zoey, ano g susuotin mo?" Tanong sakin ni Niña pag kaayos kong gamit. Nandito na kami sa hotel at kasama ko sa kwarto ay si Niña at ang kasama naman ni Ranz ay syempre si Sofia, at si Boss Aki naman at Jefferson kaibigan din ni Ranz.

"Ahm. Shirt tsaka short lang Baby, why?"

"Nye! Hindi ka mag si-swimsuit Ate Zoey."

"No. Why? Ikaw mag si-swimsuit ka?" Takang tanong ko na pinandilatan pa siya ng mata.

"Rush guard po ang sakin pero kayo po dapat mag swimsuit kayo kasi hindi naman na po kayo bata."

"Pero ayokong mag swimsuit."

"Ah! Basta mag si-swimsuit ka nagbili pa naman ako ng swimsuit kay yaya Joan." Si yaya Joan pa talaga ang inutusan niya. Ano kayang itsura non? Nakakapagtaka.

"Wag na nga Niña."

"Eto na Ate Zoey, Suotin mo na bilis po." Binigay niya pa sakin ang tatlong paper bag at tinulak ako papasok ng Banyo.

Agad na tinignan ko pa to isa-isa at nanlaki ng todo ang mata ko.

WHAT THE FUCK! Eh parang wala na kong suot dito.

Ang style niya ay pare-pareho. Pero mag kakaiba ang kulay may white, black at red Pa-triangle na halos kita pa ang gilid ng dibdib at manipis na strap na binubuhol lang. Isang pagkakamaling mahila lang ang pagkakabuhol nito baka mahubaran na ko eh.

"N-Niña, pwede bang iba nalang? Hindi ko kayang isuot to." Sigaw ko pa.

"No. Pag hindi mo yan sinuot Ate Zoey magagalit ako." Sigaw niya rin pabalik walang magawa na hinubad ko ang damit ko at sinuot ang black na lalong nagpalutang ang kaputian ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakangangang si Niña ang bumungad sakin.

"Wow! Ate Zoey, You are perfect!"

"H-Hehehehe! Wala man lang bang see through Baby?" Pilit ang ngiting tanong ko pa.

"Wala po. Dapat hindi tinatakpan ang ganyan kagandang katawan Ate Zoey."

"H-Hehehehe!"

"Tara na Ate, let's go. Tumawag na sakin si Kuya at sinabing naghihintay na daw sila sa Front Beach." Hinawakan niya pa ako sa kamay akmang hahatakin ng pigilan ko siya.

"Niña, wag nalang 'to Baby please?!"

"Maganda nga Ate eh! Ang sexy mo kaya." Pangungumbinsi niya pa.

"Nahihiya talaga ako Niña huhuhu." Nag iyak iyakan pa ko baka sakaling umubra, pero agad siyang napayuko at napanguso.

"Sayanf naman yung effort kong ipabili kay yaya Joan yan kahit ayaw niya." Tumingala pa siya sakin at nagbabadya ang luha sa mata.

"Hayyy!" Malakas pa kong nag buga ng hangin at pilit na nginitian siya. "Okay Baby, tara na."

"Yey! Thank you  Ate." Agad na niya kong hinila papuntang elevator. Nakatakip pa ko sa dibdib ko dahil yung tatlong lalakeng kasabayan namin ay nakatingin sakin. "Ate, wag mong takpan." Saway niya pa at walang magawang hinawakan ko nalang ang kamay niya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login