Download App

Chapter 4: CHAPTER 3

"And you know what Nato, she didn't cry Ate Zoey is a strong woman." Pakiramdam ko binging bingi na ang mga tao dito sa bahay ng Samaniego bidang bida ba naman ako sa kwento ni Niña, nakailang ulit na rin siya sa pag kekwento sa mga kasambahay at sa Butler nila.

Napatingin sakin si Niña at nilapitan ako at nginitian pa.

"Thank you for saving me Ate Zoey, I like you a lot na po." Yumakap pa siya Sakin ng mahigpit.

"You're welcome Niña." Nakangiting Sabi ko at gumanti rin ng yakap.

"Joan, iakyat mo na si Niña palitan mo ng damit para makapag pahinga na." Rinig naming Sabi ni Ranz sa tumatayong yata ni Niña.

"But Ranz, I still want to talk to Ate Zoey."

"Enough Niña!" Tila nauubusan ng pasensya na humawak pa siya sa bridge ng ilong niya. Walang nagawa na nag paalam na sakin si Niña at sumama na sa yata niya.

"A-Ah... Sir, may pupuntahan ka pa ba?" Alanganing tanong ko. Gutom na gutom na talaga ako. Hindi naman ako makapag sabi dahil binigyan ako ni Ranz kanina ng pang lunch.

"Wala na why?"

"Ahm... Pwede na po ba kong umuwi?" Nahihiyang tanong ko pa.

"Go on, but you need to comeback here tomorrow morning."

"Yes Sir." Sumaludo pa ko sa kanya. Akmang aalis na ko ng mag salita ulit siya.

"Ipapahatid na kita."

"Po? Nako Sir, wag na po kaya ko namang umuwi." Tinaliman na naman niya ko ng tingin sa hindi ko malaman na dahilan.

"How old are you?"

"H-Ha?"

"Damn! Do I need to repeat my self?" Ang ikli naman ng pasensya nito parang kinukumpirma lang kung tama pagkakarinig ko eh.

"24 Sir."

"That's it! Stop saying po, mag kaedad lang tayo." Parang nag po lang bilang pag galang na mas mataas siya sakin may pagkawirdo din tong taong to. "Nato." Tawag niya pa sa Butler nila.

"Yes Sir?"

"Hatid mo si Zoey pauwi."

"Yes Sir." Sinenyas niya pa ang kamay niya at batid kong pinapaalis niya na kami. Yumuko pa ko bilang paalam Pero hindi man lang ako kinibo.

Kanina pinakilig ako ngayon naman sobrang sunget bipolar amp!

Katahimikan ang maririnig sa loob ng sasakyan. Hindi ko talaga kayang tumagal na hindi nagsasalita.

"Mang Nato."

"Hmm?" Hindi tumitingin sakin na tanong niya.

"Si Sir Ranz ba may Girlfriend?" Tinignan ko pa ang reaction niya.

"Wala." Tipid naman sumagot nito, isang tanong isang sagot.

"Ah... Kaya pala masungit."

"2 years ago..." Biglang sabi niya na napahinto pa. "2 years ago iniwan siya ni Ma'am Sofia."

"Sinong Sofia po?"

"Ex Girlfriend ni Sir Ranz."

"Bakit naman po siya iniwan? Eh! Halos lahat ng katangian na kay Sir Ranz na." Napangiti pa si Mang Nato ng mapait.

"Pumunta si Ma'am Sofia sa England to chase her dreams. Pinapili siya ni Sir Ranz kung ang Pag mo-modeling ba o si Sir Ranz at ang pinili niya yung pangarap niya."

"Kaya pala ang bumilis uminit ng ulo niya iniwan pala siya." Tuma-tangong sabi ko pa.

"Nakita naming lahat kung paano nahirapan si Sir Ranz, yung mga panahon na yon kitang-kita namin na gusto na niyang tapusin yung buhay niya."

"Ganon niya po kamahal yung Sofia?"

"Oo! Kitang-kita namin kung gaano niya kamahal si Ma'am Sofia."

Wala akong alam sa love ng boyfriend kasi hindi ko pa naman nararanasan. Hindi ko rin alam yung feeling na sa sobrang pagmamahal gugustuhin mo nalang magpakamatay Pag iniwan ka ng mahal mo. Iba naman kasi yung samin ni Mom.

"Ah... Mang Nato dito nalang po ako." Bigla naman niyang pinreno ang sasakyan at napatingin pa sa paligid.

"Hindi na ba sa mismong bahay nyo?"

"A-Ahehehe! Hindi po kasya yung sasakyan sa loob makipot po yung daan papunta samin." Tumango-tango  pa siya kaya dali-dali na kong bumaba at kumaway, naglakad na agad ako ng hindi man lang hinihintay na makaalis.

Shet! Gutom na gutom na ko. Napatingin pa ko sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng makitang alas kwatro na pala. May gig pa ko mamaya.

"MOM." Sigaw ko pagkarating sa bahay. Sumilip pa si Mom mula sa tindahan.

"Oh nandyan ka na pala. Bakit parang nag mamadali ka?" Lumapit pa siya sakin at pinaglagyan ako ng kanin sa Plato.

"May gig pa ko mamayang 6 Mom, pwede po bang kayo na magbigay ng binili kong mga grocery kila Mang karding?" Ngumunguyang tanong ko pa.

"Oo naman Anak, bakit parang gutom na gutom ka hindi ka ba kumain sa trabaho mo?" Nabilaukan pa ko sa tanong ni Mom, inabutan Niya naman agad ako ng tubig.

"Nagmamadali po kasi ako." Pagsisinungaling ko pa.

"Oh siya kumakain ka lang ng kumain tapos magpahinga ka bago maligo."

"Yes Mom." Ginulo niya pa ng bahagya ang buhok ko at nginitian bago siya bumalik sa pagbabantay ng tindahan.

Pagkatapos ko kumain ay lumabas ako ng bahay para manigarilyo.

"ZOEY." Napatingin ako sa likod ko at nakita si Aron na nakangiting kumakaway pa. Napataas naman agad ang kilay ko. Ang saya naman yata nito.

"Anong meron? Ang saya mo ah!" Tanong ko pa pagkalapit niya sakin. Inabot niya pa sakin ang hawak niyang chocolate takang tinignan ko pa siya bago abutin. "Para saan to?"

"Para sayo."

"Bakit anong meron?"

"Part ng p-panliligaw ko." Kabadong ngiti pa ang bumakas sa mukha niya at nanlaki naman ang mata ko.

"Anong panliligaw?" Inis na tanong ko pa.

"Ligawan kita! Napagpasyahan ko kagabi."

"Tss! Okay ka lang? Nag titrip ka ba?" Halata na ang inis sa mukha ko. Siraulo ba to?!

"Matagal na kitang gusto Zoey, Pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sayo."

"Bwisit ka Aron! Tigil-tigilan mo ko sasamain ka talaga sakin."

"Pero seryoso ako Zoey." Seryoso ngang sabi niya. Natatawang napailing pa ko bago siya tignan sa mukha.

"Kung seryoso ka..." Nginitian ko pa siya. "Pwes ngayon pa lang itigil mo na dahil busted ka na. Oh ito rin yung chocolate mo. Hindi ako kumakain ng matamis." Iniwan ko siyang nakanganga sa labas ng bahay namin at dumiretso na ko sa banyo para maligo.

Siraulong yon! Anong pumasok sa isip non... Liligawan ako patawa puta. Hindi naman sa nag iinarte pero nakikita ko lang si Aron bilang kaibigan wala ng iba. Iniisip ko pa lang nandidiri na ko eh.

Pagkatapos maligo dumiretso ako sa kwarto at nagbihis nagsuot lang ako ng skinny jeans na black knee cut at fitted tee shirt na white at rubber shoes na white at lumabas na.

Nakita ko pa si Mom na nakikipag kwentuhan kay aling bebang sa tindahan. Lumapit pa ko sa kanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Hello aling Bebang, Alis na ko Mom."

"Mag ingat ka! Umuwi agad ah!" Nginitian ko pa sila ni aling Bebang at tinanguan si Mom.

Malapit na ko sa kanto ng makasalubong ko na naman si Aron na halatang inaabangan ako. Anak ng Pating naman tong taong to.

Lalagpasan ko na sana siya ng humarang sa daanan ko. Matapang na tinignan ko pa siya at pinagtaasan ng kilay.

"Zoey Please!" Nagmamakaawa pa ang boses na sabi niya. Sa sobrang inis ay binatukan ko siya ng malakas. "Aray!" Napakamot pa siya sa parteng binatukan ko.

"Ang kulit mo Aron! Malapit ng maubos pasensya ko sayo tigil-tigilan mo ko." Tumakbo na ko palayo sa kanya at ng makalapit na ako sa sasakyan ko dali-dali akong sumakay at pinaandar yon.

Napabuntong hininga pa ko ng makalayo sa lugar namin. Feeling ko lumiliit yung mundo ko pag sunod ng sunod sakin si Aron daig pa yung batang seven years old sa sobrang kulit.

Nang nakarating sa URBN bar pinarada ko pa ang sasakyan ko. Pagkababang pagkababa natanaw ko agad si Chase.

"CHASE." Sigaw ko pa agad naman siyang napatingin sakin at nginitian ako.

"What's up Zey!" Makipag fist bump pa siya sakin.

"Pakibantayan tong sasakyan ko Alam kong kakarag karag na to Pero mahal ko to."

"Bakit kasi di mo pa palitan? Hindi na ko nagulat kung isang araw bigla nalang hihinto yan hahahaha!" Natatawang sabi niya pa tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Parang may pamalit."

"Bat ang init yata ng ulo mo? Hahahaha!"

"May makulit na nilalang lang na sumira ng araw ko. Marami na bang tao sa loob?" Sabi ko pa at iniba ang usapan.

"Oo. Hinihintay ka na rin ni Boss Aki, Nandyan yung mga kaibigan niya. Dumiretso ka nalang sa back stage."

"Ah... Sige!" Nilagpasan ko na siya at pumasok sa loob ng Bar.

Mausok, maingay, may mga nagsasayawan na rin. Ang aga naman ng mga tong maging wasted. Napailing nalang ako.

"Hey Zey." Lumapit pa sakin si Maynard at inakbayan ako. Si Maynard ang guitarist dito sa URBN.

"Tangina! Ang aga mong nalasing ah." Natatawang sabi ko pa.

"Umiinom na yan bago pa kami pumunta dito eh! Hahahaha!" Natatawang sabi ni Vince. Si Vince ang drummer dito sa URBN.

"Langya! May problema na naman to?!" Paniguradong sabi ko pa.

"Nag away na naman sila ng asawa niya." Sabat naman ng pinakatahimik na si Choi. Si Choi ang pianist dito sa URBN. Mag kakagrupo talaga sila na makilala ko lang dito sa URBN.

"I see." Sabi ko pa at tinanggal ang pagkakaakbay ni Maynard.

"Mag umpisa na daw tayo guys, marami na daw tao." Bumaling pa Sakin si Vince. "Galingan mo Zey, nandito yung mga kaibigan ni Boss Aki."

"Tss! Kahit di mo sabihin yan nabaling na talaga ako." Pagyayabang ko pa na ikinatawa bilang tatlo.

Pagkaakyat namin sa Stage ay nagsimula ng maghiwayan ang mga tao. Iginala ko pa ang paningin ko at napatingin sa taas kung saan Bandon ang pwesto nila Boss Aki, Pero nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ranz na nandoon din at nakikipag tawanan pa sa Isang lalaki. Sinenyasan pa ko ni Boss Aki ng okay sign at nginitian ko pa siya Pero dali-dali rin akong napayuko ng makitang papatingin si Ranz sa pwesto ko.

"Bring it on Zey!" Dinig ko pang Sabi bilang tatlo sa likod ko.

Nagsimula na Silang tumugtog, napapikit pa ko sa galing ni Choi mag piano. As if on cue biglang bumukas ang bibig ko at nagsimulang kumanta.

Summer after high school, when we first met

We make-out in your Mustang to Radiohead

And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos

Napatingin pa ko sa kinaroroonan nila Ranz at nakitang nakatingin siya sakin. Mukhang nakilala niya na ko.

Used to steal your parents liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue

Never planned that one day I'd be losing you

Nginitian ko pa siya pero seryosong nakatingin lang siya sakin.

In another life, I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

In another life, I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away

I was June and you were my Johnny Cash

Never one without the other, we made a pact

Sometimes when I miss you, I put those records on, whoa

Someone said you had your tattoo removed

Saw you downtown, singing the blues

It's time to face the music, I'm no longer your muse

Pumikit nalang ulit ako at ninamnam ang Ganda ng kanta.

In another life, I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

In another life, I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away

The one, the one, the one

The one that got away

All this money can't buy me a time machine, no

Can't replace you with a million rings, no

I should'a told you what you meant to me, whoa

Cause now I pay the price

In another life, I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

In another life, I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away

The one (the one)

The one (the one)

The one (the one)

In another life, I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away

Nang matapos ko ang kanta ay dinilat ko ang mata ko at yun ang first time kong makita ang ganong tingin ni Ranz, parang hinihigop ako ng tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin may lungkot din akong nakita sa mata niya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login