Hapon na. Imbes sumabay ako sa mga kasama ay hinila nya ako't sya na raw ang bahalang maghatid sa akin sa bahay. I secretly bit my lower lip dahil sa kaunting naramdaman na pilantik sa aking dibdib. I can't explain what is it. Kung takot ba ito o kilig. I cannot specify it either. Masyado itong bago sa akin at wala akong alam pa tungkol dito.
"Master, mag-iingat sa pagdadrive ha!." bago pa sumakay itong sina Aron at Bryan ay muli nila itong ipinaalala sa taong katabi. Tinignan ko sya sa gilid ng aking mata. Sumaludo lamang ito sa kanila. Wala ng sabi sabi pa.
"Bye Karen!. Text mo agad kami pag may ginawang masama si Master sa'yo ah." natatawang baling naman sakin ni Bryan. Nauna nang sumakay si Aron pero muli itong sumilip ng marinig ang sinabi ng kaibigan.
"Mga ulol!." dinig kong suway nito sa kanila. Sabay lang na natawa ang dalawa. Nguniwi ako't sumakay sa biro ng dalawa.
"Hmm.. wag kayong mag-alala. Sa bahay naman punta namin."
"Ay oo nga pala. Pulis pala tatay mo. Sige, pakulong mo agad pag ganun. Hahaha.." halos di na masabi ni Aron ito dahil nauuna na ang kanyang pagtawa. Lalo namang humagalpak si Bryan at maging ng lahat ng nasa loob ng sasakyan.
"Mga baliw! Umalis na nga kayo!.." talaga nga namang nilapitan nya pa ang dalawang nakahilera ng sasakyan paalis upang ipagtabuyan ang mga ito. They even throw some curses on each other bago tuluyang umalis. "Nababaliw na ang mga iyon." iling pa nya habang naglalakad na pabalik sa kinatatayuan ko. I just smiled at him.
Bakit kahit saang anggulo wala pa ring kupas ang kanyang gwapo?.
Hoy teka! Di sa tumitingin ako sa pisikal na itsura ng mga taong nakakasalamuha ko ah. Sadyang, minsan talaga di ko maiwasan. Syempre tao lang ako. Humahanga sa ganung likha NYA.
Mga rason na yan Karen!. Minsan, pahamak din ang mga ganyan.
Manahimik ka nga utak!. Wag kang nega. Let's just enjoy the view. Wag kang ano dyan!
Kabaliwan!..
"So, let's go?." dinig kong tumikhim muna sya bago nagsalita. Napakurap ako.
"Ah oo. Tara na." walang hiya! Nakita nya ba kung paano ako matulala sa mukha nya!?. Susnako naman Karen!. Wag dapat obvious girl! Err!...
Natatawa lang naman nyang itinuro ang nakabukas ng pintuan ng sasakyan sa akin. Tuloy, maingay muna na paglunok ang ginawa ko bago sumunod sa gawi ng kanyang braso.
Hay ewan sa'yo babae ka! Nakahihiya ka!.
Inalalayan nya pa akong sumakay. Susnako! Malalaglag yata bra ko nito!
And take note. Sya pa nagkabit ng seatbelt ko! Oh ano! Paano ako hindi aasa neto?.
"Slow down Kian." anang matanda bago kami lumabas ng gate. Muling sumaludo lamang ito sa kanya at pinaharurot na ang minamanehong sasakyan. Ang paalala ay naging daan pa yata para mas lalo itong ganahan na magmaneho. Ang slow down na habilin kanina ay naging kabaligtaran.
"Slow down naman dyan pre." biro ko pa. Nakahawak na nga ako sa seatbelt ko. Buset na to! Pinapatay na yata ako!
Hindi sya nagsalita. Imbes tumawa lang at talaga nga namang binagalan ang pagmaneho. At kingwa! Is he tripping me?. Dahil ang bumagal na maneho nya ay mabagal talaga. Pilosopo din e!.
"Kingwa! Umuusad pa ba tayo?." naiinip kong tanong makalipas ang ilang minuto. Napabuntong hininga nalang ako ng muli itong tumawa ng malakas. "Ikaw!?. Pinagtitripan mo yata ako eh?." pinalo ko ang braso nya. Pinagtawanan ulit ako.
"Because I miss teasing you. Hahaha."
"Teasing pala ha?. Kaya ba pinaiwan mo ako't heto ka?." Nanggagalaiti kong saad. Suminghap sya't binigyan ako ng isa lang naman na nakakainis na ngisi. Talaga naman! Nang-iinis!.
"Not just I miss teasing you." he paused. Then he added, "You alone."
E di wow! Pop! Pop!.
"Psh!. Bolero!. Magtigil ka boy!."
"Titigil ako sa gitna ng kalsada?." I don't know why he ask this. Para sa akin ay kawalan ng common sense.
A deep sigh!.
"Seryoso ako.." giit ko. Malapit na talagang mainis sa kanya.
"Nagsabing nagbibiro din ako?." balik tanong nya. Pinalobo ko ang loob ng labi sa ginagawa ng taong to. Nang-iinis na nagpapakilig tapos anong sunod?. Susnako Kian!.
"Hindi biro ang sinasabi ko Karen. I said, I miss you." Now. I can say, he is serious.
Duon ako natahimik. As in. Tahimik na kahit gusto kong kontrahin o gawing biro ang sinabi nya ay wala akong masabi.
One deafening silence pass us.
"Eh, paano yung sinabi mo sa man cave kanina?. Biro lang din iyon hindi ba?." I tried harder to breathe normally para masabi ito. Nalito kasi ako.
"Wala ka bang tiwala sa akin?." bigla ay tanong nya. Nagulat ako. Hindi iyon ang sagot sa tanong ko. Bakit naiba yata naging sagot nya?. "Kailan ba ako nagbiro sa'yo?."
"Maraming beses na. Di mo ba tanda?." gusto nya atang ipaalala ang mga araw walang humpay nya akong tinapunan ng biro. Tsk!.
"Minsan, ang biro ay totoo rin Karen." seryoso ang nahimigan ko sa tono ng boses nya. "Kung gusto mo, totohanin nalang natin yung alok ko sa'yo?."
Ha!?.
Nawindang ako!. Ano raw!?. Agad agad?. Ano sya sineswerte?..
"Tutal usapang seryoso naman tayo. Seseryosohin ko na ang alok ko sa'yo. Liligawan kita hanggang makuha ko ang iyong oo. Seryoso na iyon at wag mong gawing biro."
My mouth is hang half open.
TEKA! SERYOSO BA TALAGA SYA?. BAKA SCAM TO HA! O BAKA NAMAN NASA ISANG MALALIM AKONG PANAGINIP. KUNG SINONG MALAPIT SA AKIN, PAKIGISING NAMAN AKO!.
"What!?." iisang salita lamang ito pero hindi ko pa nasabi ng maayos. E kasi, speechless pa ako girl. Pabigla bigla kasi.
Sa isang iglap. Mainit na labi na nya ang dumapo sa aking noo.
Dug! Dug! Dug! Dug!.
Malakaa na tibok ng puso ko ang bumalot sa kaibuturan ko. Nahihilo ako na naiinitan na nalalamigan. Ang malala pa! Ang lapit lapit pa nya! Susnako!.
"Pwedeng samahan mo ako sa parents mo?."
"Ano!?." di pa man natatapos ang sasabihn nya ay nagsalita na ako. "Bakit?. Ayoko!." umiiling na ako sa kaba.
"Hihingi lang ako ng paumanhin dahil sa nangyari noong nakaraan. Yun lang po."
Yun lang?. Bakit pakiramdam ko, may parte sa akin ang nadismaya sa katotohanang iyon lang ang sadya nya?. Hay Karen! Ayusin mo nga yang pag-iisip mo!. Mahiya ka!.
"Sa susunod na ang iba. Baka kasi mabigla sila." bulong nya. Pinalo ko sya at tumama iyon eksakto sa dibdib nya. Hinuli nya ang mga braso ko't tumitig sa akin.
"Kung anuman ang tumatakbo sa isip mo. Lagi mong tandaan, seryoso ako... na makuha ang matamis mong oo." ginulo nya ang buhok ko saka tinulungan nang bumaba. Para akong ewan nung pumasok ng bahay. Nilagpasan ko pa nga sina ate na maingay na tinatawag pangalan ko. Pumasok nalang ako ng silid ko't binagsak agad ang buong katawan sa kama. Pagod ako. Sobrang pagod na di ko maipaliwanag. Hinatid nya lang naman ako pero daig ko pa ang umakyat at bumaba ng mataas na bundok.
Sana nga, seryoso talaga sya.