Download App
89.18% Alpha Section (Tagalog) / Chapter 33: Cedric's Request and Realization

Chapter 33: Cedric's Request and Realization

Cedric's POV

Isang araw matapos kong maibunyag sa lahat tungkol sa aking natatanging kakayahan, tinawag ni Mr. Cruz ang aking atensyon sa harap ng iba ko pang mga kaklase bago niya simulan ang kanyang pagtatalakay.

"Mr. Salviejo wants to see you in his office after your classes." pahayag nito.

Ha? Ang school director?

Ah! Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa kanyang ipinangakong premyo para sa kung sinumang makakakuha ng pinakamataas na marka sa aming special exam.

"Oh. O-okay po, sir." nahihiya ko pang turan saka ako umupo ulit.

Hindi ko naman napalampas ang pagkakataong makita ang mapangkutyang tingin sa akin ng aking epal na kaklase na si Warren. Minabuti ko na lamang na huwag itong pansinin at ituon na lang ang aking atensyon sa topikong idinidiscuss sa amin ng aming guro.

Nang tumunog na ang school bell hudyat para sa aming 2-hour break schedule, as usual ay sabay kaming nagtungo nina Kylie at Mitch sa cafeteria at masayang kinain ang aming meryenda para sa araw na ito.

"Ano ba ang gusto mong hilingin mula sa school director, Cedric?" natanong ni Kylie matapos lunukin ang kanyang kinakain.

Napatigil ako sa pagsubo ng aking kinakaing sandwich at napatingin muna sa kanya.

"Hindi ko nga rin alam. Hindi ko naman pinag-isipan ang bagay na iyon tutal hindi ko rin naman inaasahang mananalo ako sa naganap na competition eh." tapat kong pagsagot sa kanyang katanungan.

Agad namang umimik si Mitch.

"How about hilingin mong patalsikin 'yang Warren na 'yan mula sa Alpha Section, para everybody happy?" suhestyon niya.

Hindi ko mawari kung seryoso ba ito sa kanyang pahayag o sadyang nagbibiro lamang ito.

"Hindi pwede. Mas matagal siyang naging parte ng Alpha Section kesa sa akin. Hindi naman siguro basta-bastang mapapatalsik iyon, ano?" I said as a matter of fact.

Natahimik bigla si Mitch at napaisip din sa aking sinabi.

Nag-isip pa ako ng ibang mga pwedeng hilingin mula sa direktor. Pero wala talaga akong maisip eh.

Ano kaya ang magandang hingin na hindi lamang ako ang makaka-benepisyo, kundi pati na rin ang iba pang mga estudyante ng Eastwood High?

Kinalaunan ay tumunog na rin ang panghuling bell na hudyat ng break schedule para sa mga nasa lower sections 5-6. Pansin ko ang iba sa kanila ay nakikilala ko sa itsura at ang mga ito ay halatang kanina pa naghihintay ng kanilang break.

Either wala silang kain kagabi or nagskip ng breakfast ang mga 'yan. Naaalala ko kasi na noong nasa panghuling section din ako, konti lang ang rasyon ng pagkain para sa kagaya namin. Hindi siya nakakasapat para sa isang meal.

Kaya naman ako'y naaawa na tumingin sa kanilang mga kalagayan sa ngayon.

Suddenly, an idea struck me real hard!

That's it… Mukhang alam ko na kun ano ang aking hihilingin!

Kagaya nga ng sabi ni Mr. Cruz kanina, pagkatapos ng aming panghuling subject para sa araw na ito ay agad kong binagtas ang hallways para makaalis sa general student learning building at ako'y dumiretso na ng admin building kung saan matatagpuan ko ang office ng school director sa panghuling floor ng building.

Pagkapasok ko ng elevator sa nasabing building ay agad ko nang pinindot ang numerong diyes bago tuluyang nagsara ang mga pinto ng elevator at nagsimula na itong umaandar paakyat ng building.

Habang naghihintay sa muling pagbubukas ng elevator ay tila inensayo ko muna ang mga dapat kong sasabihin sa aming school director sa oras na kami ay magkita sa kanyang opisina.

Hindi dapat ako magkamali kung gusto ko siyang mapapayag sa aking gusto.

Pagkabukas ng mga pinto ng elevator ay agad na akong lumabas mula roon habang hawak-hawak ang aking cellphone na nakaset na ang default sound recorder nito at isinuksok sa aking bulsa. Huminga muna ako ng malalim bago ko naisipang kumatok sa pinto.

Isang malakas na "Come in." ang narinig ko mula sa loob, hudyat na pinapapasok niya na ako. Matapos no'n ay wala na akong inaksayang oras at pinihit ko na ang doorknob at agad na pumasok sa loob.

Isang malamig na bugso ng hangin agad ang unang sumalubong sa aking pagpasok mula sa air conditioner na nakakabit sa bandang kaliwang dingding.

Malapad ito, at pansin kong puno ito ng sari-saring mga ornamento na tila balak niyang magpatayo ng isang mini garden sa kanyang sariling opisina. Sa gitna nito matatagpuan ang isang maliit na sofa set na kulay grey kung saan pwede umupo ang kanyang mga bisita.

Sa pinakasulok naman sa kanan ay matatagpuan ang kanyang desk, at sa ibabaw nito ay ang kulay pilak na titulo kung saan nakaimprinta ang kanyang buong pangalan at kung anong posisyon ang hawak niya sa eskwelahan na ito.

Sa tapat ng mesa na ito ay kung saan ko natagpuang nakaupo sa kanyang swivel chair ang nasabing school director- si Mr. Eric Salviejo.

"Ah! Cedric! Buti nandito ka na." nagagalak niyang pagkakasabi saka inikot ang swivel chair para matingnan ako ng mabuti.

"Pinapapunta ako rito ni Mr. Cruz, sabi niyo po." nahihiya ko namang tugon.

"Tama. Ito ay dahil sa premyong nakuha mo noong nakaraang special exam ninyo. Hindi ba't ipinangako ko noon na kung sinuman ang makakakuha ng pinakamataas na marka ay siyang makakahiling sa akin ng kahit ano at tutuparin ko naman ito sa abot ng aking makakaya."

Nanatili lang akong nakayuko at tila sinasadya kong iniiwasan ang kanyang mga nakakailang na titig.

"O-opo. Sinabi niyo nga iyon noong nakaraang araw." tugon ko.

"Well? Ano ang nais mong hilingin mula sa akin, Cedric?" tila nanghihimok nitong turan.

Natahimik ako ng saglit, tila pinag-iisipan kong maigi ang magiging susunod kong hakbang mula rito. Humakot muna ako ng sandamakmak na lakas ng loob bago ako muling magsalita.

"Please sir," sabi ko sa nagpapaawang tanong sabay hablot ng kanyang kanang kamay na nakapatong sa mesa kanina na siyang tila ikinagulat niya rin.

"Ang gusto ko lang hilingin mula sa iyo ay ang pagkakapantay-pantay ng bawat estudyante ng Eastwood High. Gusto kong mangyari ito as soon as possible."

Marahil tinatanong niyo, ano ba itong ginagawa ko?

Well, hindi pa ba obvious? Sinusubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan laban sa aming school director. Naisip ko kasi na kung simpleng hihilingin ko lamang ang bagay na ito mula sa kanya ay maaaring tatanggihan niya lang ito.

Might as well use my powers for a good cause.

"I know what you're trying to do, Mr. Magbanua." seryosong pahayag ng school director na siyang dahilan para mabitawan ko agad ang kanyang kamay.

Bakit… bakit hindi umubra ang aking property sa kanya?

"Pasensyahan na tayo at hindi ko matutupad ang iyong munting hiling sa akin."

Napatayo na ang school director at nagsimula ng maglakad palayo sa kanyang desk.

"This Alpha Section program by the school had been built and organized by me for more than a decade already. Hindi naman pwedeng basta-basta ko lamang ito babaguhin ng gano'n-gano'n na lamang, hindi ba?"

Nanatili lamang akong tahimik, 'di mawari kung ano ang dapat kong gagawin mula rito.

"Ang bawat estudyante ng Alpha Section ay mas superior kesa sa ibang mga normal na individual, thus kayo ang mas dapat kong iprioritize more than anything else in this entire school. Ang mga normal na estudyante ay parang mga pawn ko lamang sa chess, mga tagapagsilbi lamang sila ng mga kagaya niyong biniyayaan ng kapangyarihan to rule over them."

Matapos ang huli niyang pahayag ay saka siya napalingon sa akin, at nakaukit mula sa gilid ng kanyang mga labi ang isang smirk.

"Kung akala mo maiisahan mo ako Mr. Magbanua, pwes… diyan ka nagkakamali." pagpapatuloy ng niya.

Halos manlaki ang aking mga mata sa'king narinig.

"Parati ninyong tatandaan… I am always one step ahead of you. Please don't underestimate me that much."

Nang mapansin niya ang pananahimik ko ay tila mas lumapad pa ang smirk nito.

"Anything else you would like to say, Mr. Magbanua?"

"W-wala na po. Sige… tutuloy na po ako." pagsagot ko.

"Buweno, o sige. Mag-ingat ka sa iyong daraanan."

Ito na ang huli kong narinig mula sa kanya bago niya na ako tuluyang dinismiss at lumabas ng kanyang opisina.

Nang papasok na ako sa elevator, doon ko lang napagtanto ang isang napakalahalagang bagay tungkol sa kinikilala naming school director.

Hindi ako pwedeng magkamali….

Isa rin siyang 'Alpha' o tawag sa taong may taglay na property… kagaya namin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C33
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login