Unang anniversary namin... August 3 2018... 7:00-8:00 PM.... Wala ng matatawag na kami ni Gel-an....
Isang lingo na ang lumipas...
Aaminin ko... Sobra parin ang sakit na nararamdaman ko saaking dibdib dahil sa nangyare.... Nasa kama parin ako... Nagmomokmok... Nanonood ng Kung ano anong pweding panoorin na movies saaking laptop Para Lang makalimutan ko ang nangyare...
( bakit movies? At hindi alak?... Kase hindi ako marunong uminom... Good boy ako.... At wala na rin akong Pera pambili ng alak at pulutan kaya... Wag nalang sa movies nalang tayo.... OK... Tuloy sa kwento..)
Mayamaya tumonog ang aking smartphone... Kinuha ko ito at binuksan... Isang message galing Kay Nate...
( Meanwhile sa phone)
Nate: Bruh.... Pasokan na bukas... Unang araw na ng klase natin sa University... Baka di ka papasok?..
Bigla Kong naalala... ""Oo Pala pasukan na bukas""
nakalimutan ko na pasukan na... Grabe ang bilis ng panahon..
Ako: nah..bruh...papasok ako
Nate: oh... Akala ko dika na papasok dahil baka ayaw mo siyang makita rin sa University...
(parehas na University rin ang pinsukan ni Gel-an)
Ako: hahaha hindi... Tsaka anlaki-laki ng University... Impossibleng makita ko siya... Kung magkikita kami man.. Mga 0.01% Lang ang chance namin..
Nate: may. 01 parin dun Kaya magkikita parin kayo...
Ako: naah...
Nate: welp... See you tomorrow bruh
Ako: yeah... See yah
Binaba ko na ang aking telepono at tinuloy ko na ang panonood... Habang nanonood.. Naisip ko ang mga mangyayare sa unang pasok ko sa University bukas.. Kaya naman medyo exited narin akong pumasok at libutin ang university...
Ito na... Ang araw na papasok narin kami sa isang sikat na unibersidad..
Sinundo ko na muna si Nate at sabay Kaming pumuntang town at pumasok sa eskuwelahan....
Pagkapasok namin sa loob ng University... Nagulat nalamang kami dahil sa laki nito... Kaya medyo natagalan at nahirapan kaming naghanap ng pangalan namin sa dinamidami ng room...
May nakita kaming nakasulat sa hallway Kung Saan matatagpuan ang building ng aming course... Nakita ko na ang building na pupuntahan ko... Lahat ng HUMSS sa U building Kaya pupunta Lang ako sa building naiyon at hanpin ko ang U706 na number sa bawat room...
Nahanap narin ni Nate ang kanyang pupuntahan ng building.. Sa S building siya.. Dahil STEM ang Kinuha niyang course.. Malapit Lang ang building niya bababa Lang siya sa hallway anduon na siya... Samantalang ako tataas pa ng pitong floor Para Lang mahanap ko ang block ko...
Nagkanyakanya na kami ni Nate.. Pumunta na siya sa assigned building niya.. At ako naman.. Umakyat na sa ika pitong palapag ng U building.. Nahanap ko na ang room pero diko makita ang pangalan ko sa papel na nakapaskil sa pader ng room... Chineck ko ang ibang room... Wala parin ang pangalan ko... Bumalik ako sa room na U706 wala talaga Yung pangalan ko naprapraning na ako sa kakahanap... hangang sa nakita ko ang pangalan ko na nakahalo sa mga Girls.... Bigla akong kumalma nung Nahanap ko na ang pangalan ko... Pero Bigla akong tumawa at nagtaka Kung bakit nakahalo ang pangalan ko sa listahan ng mga babae,
( Grabe Yung relief na naramdaman ko noong nakita kona ang pangalan ko... At grabe rin Yung tawa ko dahil nasa listahan ako ng mga babae... Yung pangalan ko kase parang pangbabae hahahaha.. Tuloy sa kwento)
Kaya pumasok na ako sa room... Kinakabahan ako noong pagpasok ko sa room kase madami ng Tao at kailangan ko pang maghanap ng mauupoan... Nakahanap narin ako ng mauupoan..
Unang araw ng klase pero marami na ang nagdadaldalan sa classroom.. Kaya medyo naingayan ako kase hindi ako sanay sa unang araw ng klaseng maingay... Mayamaya dumating na rin ang adviser namin at nagpakilala bilang Sir. Wel.... At... as usual kailangan na magpakilala ang estudiyante sa harap ng buong klase..
Nakakalahati na ang nagpakilala sa mga kaklase ko hangang sa ako naman na ang magpapakilala...
Hindi pangkaraniwang pagpapakilala ang ginawa ko, ito ang ginawa ko,
"" so yeah... Ako nga Pala po si Ken**** ****** *******....at nakahalo ang pangalan ko sa mga babae""
At nagtawanan ang buong klase...
"" ang hobbies ko ay ang pagguhit... Pag gigitara.. Pero hindi ako marunong kumanta""
Tumawa ulit ang buong klase...
"" so yeah.... Ang status ko....
....... KAKASINGLE LANG..... ""
nagpalakpakan ang kaklase ko at nagsigawan...
Umupo ako na pulangpula ang aking muka... At nasimula na ang pagpapakilala sa ibat ibang sumunod na subjects...
Natapos narin ang unang klase ko.. Masaya naman ang unang araw ko... Naglalakad ako sa hallway nung Bigla Kong nakitam si Gel-an...
At... Nakita niya rin ako...
Napatingin ako sa ibang dereksiyon agadagad nong nagkatinginan kami sa Mata...
Naglakad ako papatungo sakanya... At Naglakad siya papatungo saakin...
Malapit na kami sa isat-isa.... Nakatingin ako sa malayo at siya naman ay nakikipagusap sa kaklase niya Ata... Hangang sa nagkasalubong kaming dalawa.....
Walang nangyare.... Lumagpas ako sakanya na parang wala Lang.... At Lumagpas naman siya saakin na Para bang di niya ako kilala...
Malayo na kami sa isat-isa... At napatigil ako bigla... At lumingon ako sa dereksiyon niya....
""" mukang Masaya naman siya......huh...hahaha......OK na ako doon"""
At tumuloy na ako sa paglalakad... Hindi ko Alam Kung lumingon rin siya.... O Kaya... Dumediritso Lang siya sa paglalakad at hindi na niya ako pinansin....
Nakalabas na ako sa University..
Huminga ako ng malalim at sinabi ko saaking sarili,
""" so... We're back from being Strangers..... But.... This time... With memories.... """
Mayamaya may tumawag saaking pangalan... Si Nate Lang Pala...
Ako: eyy yo!... How's your first day?
Nate: meh... Good... How bout you?
Ako: eh... Same... Nakita ko ngalang si Gel-an on the way here....
Nate: oh.... Damn... So anyare ??
Ako:.... Wala... Lumagpas Lang kami sa isat-isa na parang hindi kami magkakilala...
Nate: ooof... Back from being strangers huh?
Ako: yeah... But this time with memories...
Nate: yeah.... Feel yah....
Naglakad na kami papuntang paradahan at sumakay na kami sa jeep sa harapan... Nung hindi ko namalayang nasa likoran ko Lang Pala si Gel-an.... Kasama si Karlo....
Hindi ko na pinansin ang dalawa at nagusap nalang kami ni Nate... Hangagang sa bumaba na kami sa comshop Nila Lester Para maglaro... Tumingin ako sa jeep na sinakyan namin.... At Nakita ko na Nakatingin si Gel-an saakin... Wala na akong magagawa kundi kumaway nalang at magpaalam... At tumaas na kami sa hagdanan Para makpunta sa comshop.
( at... Yun nanga ang unang araw ng eskewela ko... At Yun na rin ang unang pamamaalam ko Kay Gel-an)