Download App
56.09% BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE) / Chapter 23: PART 23

Chapter 23: PART 23

Ash POV

"Miss Ash, may nag hahanap sa 'yo. Classmate mo raw?"  Bulong ni Roman.

Napangiti naman ako ng maisip ko na baka si Ann na ang dumating. Nang makalabas ako ay agad din ako sinalubong ni Ann at Tyrone.

"Buti dumating ka."  Mahinahon kong sabi ng may ngiti.

"Oo naman. Di naman kita matatanggihan ma'am ash."

"Ano ka ba? Ash na lang! Classmate tayo. Isa pa hindi mo ako amo.."

"Ash Para sa 'yo."  Masayang inabot sa akin ni Tyrone ang dalawang box ng pizza.

"Thank you. Favourite namin 'to ni Mamá."

"Sabi nga ni Ann.."

"Sanay ka ba mag heels? Rumampa ng naka heels?"  Tanong ko matapos kagatan ang pizza pie.

"Oo naman. Madalas kong gamitin yung high heels at damit mo kapag wala ka." 

"Ano? Nag bibiro ka ba?"  Natatawa kong Tanong.

"Totoo. Si Ma'am Belinda ang nag sasabi na puwede kong isukat ang mga sapatos mo..."  nahihiya niyang sabi habang naka yuko.

"Alam mo, hindi ko alam 'yon? Pero di bale! Kapag nanalo tayo, bibili tayo ng marami para sa inyo ng mommy mo!"

"Talaga ash?"  Kita ko ang makinang na bituin sa mga mata ni Ann. Mula pa man noon, taga salo siya ng mga pinaglumaan ko.

"Oo! Promise. Basta once na nasa stage ka na, Focus lang. Fierce pero dapat may emotion. Palitawin mo yung character mo okay? Gets mo 'ko di ba?"  Masaya kong sabi habang hawak ang kaniyang pisngi.

"Oo! Natatandaan ko pa yung lesson natin sa cosmetic. Pero kasi ang problema lang sa akin, nerbiyosa ako Ash..."

"Once ka lang naman rarampa! Kaya mo 'yan. As of now, tuturuan ka ni Roman kung paano ang tamang pag rampa. Right Roman?"  Mariin kong bigkas sa pangalan ni Roman ng mapansin ko ang matagal niyang pag titig kay Ann.

"Ah? Ako?" 

Medyo natawa naman ako dahil biglang tumigas ang boses niyang lalandi-landi. Mukhang si Ann na yata ang sagot para ituwid ni Roman ang nanlambot niyang landas.

"Oo ikaw! Bahala ka na kung paano mo siya sasanayin."  Napahagikgik ako nang diretsyong tindig at matikas na nag lakad si Roman, bago sila tuluyang pumasok sa Aking office.

"Wait, safe ba si Ann don?"  Kunot noo na tanong ni Tyrone na nananatiling naka pamewang habang patuloy sa pag sipat sa kaniyang pinsan.

"I knew Roman. Safe si Ann sa kaniya!"  Natatawa kong sabi habang inaaalala ang kilos ni Roman.

"May bago sa 'yo?"  Ani Tyrone.

Napataas ang aking kilay habang nakikipag titigan sa kaniyang matang naniningkit.

"Ano?"

"Blooming ka."  Mahina niyang sabi na itinagilid pa ang ulo nang suriin ang aking kabuuan."

"Talaga?"

"Mukhang naka move on ka na?"

"Kay Sp--"

"Di pala naging kayo!"  Nanunukso niyang sabi sabay pitik sa aking ilong.

"Tsk! Speaking of Spencer, may balita ka ba sa kaniya?" 

"Hm? Bakit, miss mo na ba?"  Tanong ni Tyrone sabay sundot sa aking tagiliran.

"Hindi no! Mm--may gusto lang ako malaman.."

"Sorry Ash. May kasalanan din ako sa kaniya. Siguro kung sinabi ko yung totoo, baka napigilan pa siya umalis ng bansa."

"Ayos lang. Babalik pa kaya siya--"

"Siguro? Sabi kasi ni Madam Mervie, may importante lang na gagawin si Spencer."

"Ano naman kaya yon?"

"Idk?"

"Gaano ba ka close si Spencer at yung dad niya? Naisip ko lang kasi yung sinabi ni madam..."

"Na?"

"Na hindi kaya ni Mr. Generoso na baliin ang pangako niya sa magulang ni kasandra..."

"Tama! 'Yan din ang sabi ni Spencer--"

"Pero sabi ni madam yun din daw ang problema kay Spencer. Ang tumutupad sa

Pangako. Meaning, may ibang pinangakuan si Spencer? Ano ba 'ng alam mo sa babae na tinutukoy niya?"

Kagat labi itong tumitig sa akin at tipid na ngumiti bago sumagot.

"I told you already. It's not my story to tell. For me, it is just a Clandestine... kung may alam ka sa babaeng 'yon. Pinagkakatiwalaan ka ni Spencer. Malihim siyang tao para ikuwento kung sino nga ang babae na pinangakuan niya."  Sagot niya na diretsyong nakatitig sa aking mga mata.

Dismayado talaga ako dahil mukhang walang may balak na mag sabi sa akin ng totoo. Pero sa kabilang banda, desperada akong malaman kung sino ba ang babaeng iyon?

"Ano 'yon?"  Tanong ni Tyrone nang makarinig ng kalabog mula sa loob ng aking opisina.

Matapos ang saglit na titigan, agad naming binuksan ang pinto. Naabutan namin si Ann na nasa ibabaw ni Roman. May nag kalat din na libro sa sahig. Marahil natisod o natapilok si Ann kaya siya bumagsak kay Roman.

"Roman, ann?"  Sambit ko.

Halos lahat kami ay nag kagulatan sa mga nangyari. Pero sa totoo lang, mas natutuwa akong makita ang inosenteng mukha ni Ann na namumulang labanos nang titigan ni Tyrone ng mapanuksong tingin. Si Roman naman ay napapakamot ng batok at na estatwa sa pag yuko.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko na pilit pinipigil ang pag tawa.

"Oo naman."  Sagot ni Roman na mala adonis na tumindig sabay hawi ng buhok.

Dahilan para mas lalo siyang titigan ni Ann na ngayon ay kagat ang ibabang labi.

"Ikaw cous'?" Tanong ni Tyrone habang salitan tinitignan ang dalawa.

"Ah.. okay lang wala naman akong galos!"  Sagot ni Ann na agad din kinuha ang mga libro saka pinatong sa ulo.

"Manonood muna kami."  Usal ni Tyrone saka naupo sa aking mesa.

Makalipas ang ilang minuto, agad din nakuha ni Ann ang tamang pag rampa at posed. Matapos mag merienda, nilapitan ko si Ann para naman kahit paano ay makilala ko siya ng lubos. Malaking bagay kasi iyon para sa magaganap na Competition.

Iniwan muna namin si Roman at Tyrone na kasalukuyang nag uusap tungkol sa NBA kung saan kaya sakaling mapupunta si Kyrie kapag nag shuffle o nagkaroon ng trade.

"Kuwento ka about sa 'yo Ann. Yun ba'ng lalim diyan sa puso mo, yun yung gusto kong pag usapan... sana?"

"Am, gaya ng?"

"Siguro dapat mag simula tayo sa weakness and strength mo?"  Kunot noo kong tanong habang naka tingala.

"Parang ang hirap?... Amm..."

"Ann, kung hindi mo kilala ang sarili mo, paano ko gagampanan ang pagiging Artist kung ikaw ang modelo ko?"

"Tama. Siguro ang strenght ko is Optimistic ako at hindi ako nawawalan ng hope!"  Nakangiti niyang sabi habang nakatingala.

"Talaga..."

"At yung weakness ko is... ano nga ba?..."  tanong niya habang naka turo sa baba.

"Siguro, yung mabalewala ako ng mga taong pinagmamalasakitan ko? Sapat na ba yon?"  Tanong niya.

"Bakit?"

"Tulad mo Ash..."  sambit niya habang naka yuko na siyang kinagulat ko.

"Ako?"

"Oo. Ilang beses kitang sinubukan na kaibiganin. Kahit pa ayaw sa akin nika Havah at Margaux."  *sigh*  "ang totoo, ayaw nila sa 'yo. Kahit noon pa... nasaktan ako dahil don."   Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Ann. Hindi ko alam na may gaya pala niya na handang mag malasakit sa akin nang walang kapalit.

"Umaasa ako na sana balang araw kailanganin mo ng tulong. At sana ako 'yon. Kaya lumapit ako sa School para humingi ng tulong financial para kay Ma'am Belinda. Tsaka hinikayat din namin ng nanay ko yung iba niyo pang naging trabahador para lumikom ng pera..."

"Yan ba yung gabi ka na pumunta ng Hospital.-"

"Oo. Pero ang Pride mo masyado Ash. Tinanggihan mo 'ko kahit walang wala ka na..."

Habang patuloy si Ann sa pag kuwento, naisip ko na TAMA si ann. Masyado akong ma PRIDE. At naniniwala ako iyon ang lakas ko. At the same time, Pride din ang kahinaan ko.

Nag mumukha akong palaban dahil sa Pride ko. Kahit pa sa totoo lang e, pira-piraso na ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit napakahirap aminin sa sarili ko na hindi ako mabubuhay ng walang ibang tutulong. Napakahirap sa akin na aminin na may kahinaan ako at may hangganan ang lakas ko.

Siguro nga kung tinanggap ko ang tulong noon ni Ann, baka hindi ko na kinailangan lumuwas ng maynila. Edi sana tahimik lang ang buhay ko. Anong malay ko kung bumalik na pala si Spencer Payatot sa probinsiya? At higit sa lahat wala sana akong sakit ng ulo.

"Sorry Ann... sinasabi ko 'to di dahil sa pumayag ka na maging representative ko. Kundi dahil sa mga nagawa mong maganda sa buhay ko. Ngayon ko lang nakita kung gaano ka kaganda sa panlabas, mas higit pa ang kalooban mo..."   mahinahon kong sagot.

"Masaya rin naman ako Ash. Dininig ng Dios ang dalangin ko na sana makita mo 'ko! At ngayon, di ko ine-expect na ako ang napili mong model. Ang saya saya ko!"

"Bakit naman gusto mo kong kaibiganin? Sa kabila ng pag susungit ko?"

"Eh, kasi naaalala ko okay naman talaga tayo noon di ba? Isang araw nagulat na lang ako kasi Bigla ka na lang nag bago..."

Napangiti naman ako saka umiling nang manumbalik sa aking ala-ala kung Paano ko kasuklaman si Ann dahil kay Spencer Pascual.

Flashback:

"Ash gusto mo i-sketch ko mukha mo?" Tanong ni Ann habang kumakain kami ng mangga na isinasawsaw namin sa bagoong.

"Akala ko ba landscapes ang iginuguhit mo?"  Taas kilay kong tanong.

"Oo. Pero, nasubukan ko na kasing gumuhit ng mukha ng tao."

"Talaga? Patingin?"  Excited ako nang kunin niya sa kaniyang bag pack ang sketch pad.

"Anong name?" Tanong ko habang hinahanap niya ang larawan.

"Ewan."  Naka nguso niyang sagot.

"Ito oh!"

Napataas ang kilay ko nang makita ko ang mukha ni Spencer Pascual. Mahusay talaga si Ann. Kuhang kuha ang larawan ni Spencer. For the first time, nabuwisit ako sa pag mumukha niya na halos isumpa ko na.

"Yan ba?"  Ungol ko.

"Oo. Kilala mo?" 

"Oo naman! Si Baluga! Wag mo sabihing may gusto ka diyan?" Nilakihan ko siya ng mata na para bang naninindak.

"Hindi ah! Nakita ko lang siya nung birth day ni Austine... mukha naman siyang matino?"  Depensa niya na parang nandidiri sa larawan ni Spencer.

"Nako! 'Yan din ang akala ko! Sus! Ang bantot niyan!"  Luminga-linga muna ako sa paligid bago ko ituloy ang sasabihin.

"Alam mo, naawa lang din si Mamá diyan. Kasi naman nakita namin Panty yung suot niyan!"

Nanlaki ang mata ni Ann nang sulyapan ang larawan ni Spencer.

"Talaga?" Tanong niya habang naka takip ang palad sa bibig.

"Oo. Pero promise mo na, hindi mo ipag sasabi yung mga sinabi ko! Usap-usapan din na mangkukulam nanay niyan--"

"Ohh?"  Tili niya.

Agad kong tinakpan ang bibig niya habang patuloy ako sa pag sasalita.

"Bawal mo ipag sabi yan! Nako kundi ikaw ang susunod na isusumpa! Kayo ng Pamilya mo! Awwooo!"  Usal ko habang tumitirik ang mga mata. Dahilan para tumakbo siya pauwi.

Naiwan ako na tawa ng tawa na halos mamilipit na ako sa sakit ng tiyan. Ewan ko ba. Pero nagalit ako kay Ann dahil sa iginuhit niya ang mukha ni Spencer.

"Oyy! Ang saya-saya mo yata?"  Napataas ang aking balikat nang marinig ko ang boses ni Spencer.

"Oy! Kanina ka pa diyan?" 

"Medyo.."

"Ahh--"

"Di ko nga narinig na tinawag mo akong baluga. Nag susuot ng panty. At mangkukulam ang nanay ko!"  Naniningkit itong tumitig sa akin saka napa igting panga.

Natameme ako dahil sa sinabi niya. Habang humahakbang siya palapit sa akin, mahigpit akong napapakapit sa aking kinauupuan. Pabalis din ng pabilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

"Ba't mo yun ginawa?"

"Hoy! Ikaw ang alipin dito ah!"

"Selos ka?"  Usal niya habang nakapamewang at naka tingala sa ulap na mayroong malapad na ngiti.

"Hindi! Bawal ka mag shota! Kasi siyempre--" napairap ako sa kawalan habang naka cross ang aking kamay sa dibdib.

"Ikaw lang ang shota ko!"  *chuckle*

Ngumiti na ako pero agad ko din binawi ng mag salita siya ulit.

"Spencer is just joking!"  Natatawa niyang sabi habang takip ang palad sa bibig.

"Pag nag shota ka, babayaran mo lahat ng binigay ko lahat dapat isauli mo!"  Hamon ko.

"Sus! Babayaran talaga kita! Dahil wala akong balak na magpaka alila sa iyo habang buhay!"

"Babayaran mo 'ko? Bakit sino bang gusto mong shota? Si ann?"

"Puwede rin."  Natatawa niyang sagot saka naupo sa aking tabi sabay akbay sa akin.

"What?"  Nala ngisi kong tanong na tumitig sa kaniya ng mapangutya.

"Bakit? Masama ba magustuhan ko yung babaeng gumuhit ng mukha ko? Wala pang gumagawa sa akin non Ah!"

"Ewan ko sa 'yo! Bagay nga kayo. Isang baluga at si Ann na hindi nag aahit ng buhok sa kilikili!"  Pag sisinungaling ko dala ng galit.

Mayamaya pa ay tumayo na si Spencer sa aking harap at walang humpay na nag tatawa na halos lumuhod na samantalang ako, naiinis siyang tignan.

"Ang cute mo mag selos! Kailan ka lang naman niregla feeling dalaga ka na---"   usal niya sabay halakhak na halos mamatay na sa kakatawa.

"Ang bastos mo!"  Sigaw ko sabay sampal ng malakas sa kaniyang kaliwang pisngi.

Napa salat siya sa kaniyang pisngi at makailang beses na kumurap-kurap.

Mag so-sorry na sana ako nang bigla siya ulit humalakhak dahilan para layasan ko siya.

"Bakit ganon, mas lalo siyang gumaguwapo sa paningin ko kapag tumatawa siya? Ouh Spencer! Ano ba'ng gayuma ang gamit mo?"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login