Download App
100% When You Love Too Much / Chapter 31: Chapter 29

Chapter 31: Chapter 29

Carlhei Andrew POV

My mind is full of thoughts. Why did she become my friend? Why did she tamed me so well? Dahil lang doon sa insidente ay kinaibigan ko na siya?!

Stupid, Carlhei.

Naipasok ko na ang kotse sa garahe ngunit hindi parin ako makaalis dito. Paano ay natutulog si Geru at ayaw pang magising. Tulog mantika!

Sumuko na ako at lumabas nalang sa kotse. Binuksan ko ang passenger seat at tinanggal iyong seat belt niya. Nang masiguradong nakatanggal na iyon ay binuhat ko na ito papasok ng bahay. Mabuti at nakabukas na ang mga ilaw. Nandito na ang kapatid ko.

"Hala omg." Biglang sumulpot si Neomi at kinapitlag ko pa iyon

"Manahimik ka nga d'yan. Tabi!" Inis kong sabi

"Hala mag papatulong pa naman ako sa assignment ko kuya eh. Pwede siyang gisingin?" Tanong nito.

"Hindi," tanging sagot ko at nilampasan ito.

Matapos noon ay nag tungo ako sa kwarto ni Geru at inilagay siya doon. Aalis na sana ako ngunit ang konsensya ko ay binabagabag ako. Inis akong pumihit pabalik at inayos ang kumot nito. Nang masiguradong ayos na ang higaan nito ay umalis na ako sa kwarto niya.

Dumiretso ako sa kusina at nag salin ng tubig sa baso. Bigla ay sumulpot naman ang kapatid ko.

"Sobrang pagod ni Ate ah. Mukhang nag enjoy siya. Salamat sa pag papasaya sa kaniya, Kuya," saad ni Neomi.

Kinagulat ko ang pag kaseryoso nito. Palibhasa ay puro kalokohan ito nitong mga nakaraang araw kaya ganito ang gulat ko.

"Buti pa siya nag enjoy 'no? Ako kasi taga-ayos ng gulo niya. Iyong una, tinapunan ng tubig ang isang maarteng babae. Pangalawa, kamuntikan na siyang makuha ng masamang lalaki. Ano ba naman 'yang kinuha ni Mama? Imbis na gumaan ang gawain--"

"Pero doon sa dalawang beses na iyon, sinalba mo siya. Tama ako 'di ba?" Saad ni Neomi

Bahagya itong natawa marahil dahil sa hindi ko pag sagot. Totoo naman iyon. I wish I can turn my back on her but no, I can't. May konsensya pa ako.

"Alangan namang pabayaan ko siya? Siya yata ang current favorite person ni Mama," sagot ko nalang.

Tumabi sa akin si Neomi at naki-inom rin ng tubig. Kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi niya. Hindi ko gusto iyon.

"Sino bang hindi matutuwa kay Ate Geru? I mean, sobrang bait niya. Nag tataka nalang talaga ako kung bakit ayaw mo ba sa kaniya. Alam kong hindi iyon dahil sa pagiging clumsy niya. I know that there's something deeper."

"And what is that?"

"She's making you realize that you are worth it. She want you out of your dark side because you don't really belong there."

Ngumisi ako dahil hindi ako makanapiwala sa sinabi nito.

"Really? Tyaka na niya ako ilabas sa dark side ko kapag nagawa na niya 'yan sa sarili niya. I really hate fake people, Neomi. Tatlong peke nang tao ang nakatagpo ko. Dadagdagan ko pa ba?" Sagot ko

Tumawa ito ng bahagya, "Hindi mo na-gets 'yung logic? Alam mo ba 'yung line sa movie na Rise of the Planet of the Apes na, Apes together strong? Kung sabay kayong mag heheal, mas ayos 'yun. That's the reason why she wants to be your friend." Saad niya

Mukha ba kaming unggoy?

Ngumiwi ako dahil naalala ko ang nangyari kanina, "Hmm, pumayag na akong maging kaibigan niya."

Tumawa si Neomi dahil doon, "Iyon naman pala eh. Edi everybody happy. If you think that she's faking her happiness, why not make it real? I mean, 'di ba ganoon rin ang ginawa mo sa kabigan mong si Karl?" Saad ni Neomi

Tulad ng sinabi ko, may pagkakapareho sila ni Karl. He used to have an issue with his parents before. Noong tumungtong kami ng college ay gusto ng magulang niya na maging pilot ito. Ayaw ni Karl iyon pero wala siyang magawa. Sinubukan niyang i-adopt ang environment ng isang pilot pero halata namang pinipilit niya lang maging masaya doon.

Reinest, Steven and I talked to his parents without him knowing it. I proposed my dream engineering firm to them at sinabi kong maganda rin ang future ni Karl as a Mechanical Engineer. And I'm happy for him now. Kaunti nalang ay matutupad na niya iyon.

"Anong gagawin ko? Do I really need to do that?" Naguguluhang tanong ko

"There is no exact method, Kuya. Just go with the good flow." Saad niya

Pag katapos noon ay nauna na itong umakyat sa taas. Naiwan akong tulala at hindi parin ang gagawin. Will it make me a bad friend if I did not help her? Why? Do I really need to be responsible for her?

Napabuntong hininga ako. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko kanina kaya ako pumayag na maging kaibigan nito. Gumana iyon dahil tumigil siya sa kakaiyak niya. Ngayon tuloy ang namomroblema ako.

Kinabukasan ay ganoon parin. Naiwan na naman kami ni Geru sa bahay dahil nga may pasok si Neomi.

"Pasensya na. Nakatulog pala ako kagabi. Bagsak ako 'no?" Natatawang sabi niya

Ngumiwi ako dahil doon, "Natatawa ka pa talaga? Ang bigat mo!" Sagot ko

Natawa na naman ito, "Talaga? Edi dapat pala mag exercise na ako 'no? Sama ka? Total, 7 am palang naman. Pwede pa tayong mag jogging." Pag aaya nito at ngumiti pa ng malapad

"I can't stand your hypocrisy, Geru. Stop that. I don't want a fake friend. I want a real one." Saad ko

Nawala ang ngiti sa labi nito, "Okay. Tara jogging?" Maangas na tanong nito

Kinagulat ko ng lubusan ang pag babago ng tono at facial expression nito.

"Iyan ang totoong ikaw?" Gulat ko pang tanong

"Oo nga! 'Wag ka na mag tanong. Mag jogging tayo!" Saad niya at nauna nang mag lakad paalis

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dito. Delikado rin kasi sa park kapag ganitong umaga. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari dito. Ako ang mayayari kay Mama kapag may nangyaring masama dito.

Sino ba talaga ang amo? Ako o siya? Tss!

"Ano?! Ang tagal naman!" Sigaw nito mula sa labas ng kwarto ko

Matapos isintas ang sapatos ko ay binuksan ko na ang pinto. Kaagad na unarko ang kilay ko nang makita ang suot nito.

"Shorts? Really? Where are you going? To the bar?" Sunod sunod na tanong ko

"Gusto mo bang mag dress ako? O kaya mahabang palda?" Sunod sunod niya ring tanong

Kumunot ang noo ko dahil doon, "I won't leave the house then."

Akma na akong papasok sa kwarto ng mag salita ito.

"Okay. Ako nalang ang aalis." Saad nito

Mabilis kong kinuha ang pulsuhan nito at hinarap siya sa akin. Wala na nga talaga ang pagiging plastik nito. Iyon nga lang, naging maangas ito.

"Hindi ka pwedeng umalis. Linisin mo ang bahay." Inis kong sabi nito

"Naayos ko na ang buong bahay dahil maaga akong nagising, Andrew. Ngayon, kung wala ka nang sasabihin, mag jojogging na ako. Magiging mainit na mamaya." Saad niya

Tinanggal niya ang kamay ko sa pulsuhan niya t'yaka ito naunang bumaba. Muli ay nag talo na naman ang isip ko kung sasamahan ko ba ito o hindi nalang.

Sa huli ay gumalaw ng kusa ang mga paa ko at sumunod kay Geru. Inilalagay ko nalang sa isip ko na hindi ako nag aalala dito. Mayayari lang talaga ako kay Mama kapag may nangyaring masama ito. Mamaya ay mapag bintangan pa akong may sala dahil gustong gusto ko itong mawala sa bahay.

Nakarating kami sa walking distance na park. Mayroon itong racetrack na hugis oval at doon kami nag umpisang mag jogging.

"Anong plano mo kapag nakapasa ka sa board exam?" Biglang tanong niya

"Mag tatayo ako ng Engineering Firm. Kung hindi ako nabalian dahil sa'yo, tapos na sana ako sa design ng building. Tapos na rin sana ako sa pag bili ng mga gamit para sa opisina." Sagot ko

Nakita ko ang bahagyang ngiti nito, "Talaga? May sarili kang savings?" Tanong niya

Tumango tango ako bilang tugon, "Inipon ko simula noong first year college ako. Ayaw ko kasing manghingi kay Mama at Papa. It's my Engineering Firm after all."

"Nakakatuwa ka naman pala. Ang swerte ng magulang mo sa'yo."

Binasa ko ang emosyon nito. Nakikita ko sa mata nito ang inggit. Saan siya naiinggit? Sa yaman ng pamilya ko?

"Don't be envious of my parents' wealth or mine. Money is not always the answer." Saad ko

Huminto ito sa pag jojogging kaya naman napahinto rin ako.

"Hindi ako naiinggit sa pera niyo. Naiinggit ako sa pamilyang kinalakihan mo. You really grew up as a fine man. Family oriented ka. You're smart and there's many positive thing to say." Saad niya

Iiling iling ko itong tinignan, "Our family is not perfect. There's no perfect relationship or person, Geru. Maybe your parents has a reason why they left you."

Nag lakad ito kaya naman pumantay lang ako dito ng lakad.

"Isa lang naman akong batang hindi dapat nabuo. Aksidente daw ang pagkakabuo sa akin, kwento ng mga matatagal nang tauhan sa ampunan. Na-rape ang nanay ko at kaya naman sa ampunan ako bumagsak. May magandang rason ba doon?" Pag sasalaysay niya

Unti unting tumulo ang luha nito palatandaan na naging masakit sa kaniya na balikan ang nakaraan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Panay lalaki ang kaibigan ko at naninibago ako.

I cleared my throat.

"Maybe she don't want you to suffer while living with her? Maybe because she want a better life for her daugther? We don't know, Geru. But one thing is for sure. No parents wants the bad for us. They will sacrifice their happiness just to bring us the best."

Namangha ako sa sinabi ko. Parang hindi ako ang nag salita noon. Para bang may sumapi lang sa akin na philosopher at nag salita sa harap ni Geru.

"Akalain mo nga namang matino ka naman pala? Hindi ka lang puro sungit at angil." Biro niya kaya sumimangot ulit ang mukha ko, "Pero salamat sa mga sinabi mo. Nakakagaan ng loob. Palagi ko iyong iniisip. Na baka dahil anak ako ng rapist kaya ayaw sa akin ng nanay ko. Simula ngayon ay iisipin ko na ang sinabi mo."

Nauna itong nag jogging at ako naman ay nakatulala parin. Hindi lang ako makapaniwala na ganoon ang sinapit niya pero nakukuha niyang mag mukhang masaya.

You bring colors to her dark past. Now, it's no longer dark.

Natauhan ako ng makitang sumalampak ito sa sahig. Mabilis tuloy akong napatakbo sa kinaroroonan niya.

"Nasprain 'yung paa ko." Saad niya at tumawa

Weirdo ko itong tinignan dahil hindi normal sa mabalian ang matawa pa ng ganoon.

"Halika, pupunta tayo sa ospital." Saad ko

Akma ko na sana itong itatayo ngunit hinawakan niya ang paa niya at bigla iyong ipinihit. Narinig ko ang pag tunog ng buto nito kaya mas lalo akong nagulat.

"You're crazy, Geru!" Sigaw ko dito

Tumawa ito at umiling iling sa akin, "Ang basic. Tyaka simpleng sprain lang 'yan, Andrew. Hindi pa ako mamamatay," tatawa tawa niyang sabi.

Hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng ito. Masyado siyang kakaiba sa lahat ng babaeng dumating sa buhay ko. Alam ko rin na siya ang iiba sa buong buhay ko.

Tama lang pala na pumayag ako bilang kaibigan nito.

~~~

Authors Note:

I'm really sorry for not updating po hehe. I'm currently a first year college student and school has started na po. I hope you can understand the situation po. I hope you can still wait for the updates for I will update the story if I have free time. Acads first HAHAHAHA LOVELOTS! ♡

@EmionEtyel


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C31
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login