Carlhei Andrew POV
Ganadong ganado ako habang nag aaral sa review center. Imbis na madismaya sa nangyari kagabi na ipinagtabuyan ako ay mas lalo pa akong ginanahan.
"Mr. De Beñigo why are you smiling? Did you finish my seatwork?" Tanong ng teacher sa mathematics
Nagising ang diwa ko dahil doon. Kaagad ko tuloy naibigay ang papel ko dahil tapos ko na rin naman iyong sagutan.
"I thought you were spacing out but this us actually impressive." Saad ng teacher habang nakatingin sa papel ko, "Sino bang hindi mapapangiti kapag nasolve mo ang sample problems for Linear-Quadratic and Quadratic-Quadratic Systems?"
"In love kasi 'yan Sir!" Sagot ni Reinest na katabi ko lang
Bahagyang tumawa si Sir at inilapag muli ang papel ko sa desk ko.
"Talaga? Ilang buwan na kayo?" Tanong ni Sir
Nahihiyang tingin tuloy ang ibinigay ko dito dahil wala pa naman akong nauumpisahan.
"Bale, wala pa po sir. Parang bahay Sir, nag papatibay palang ng pundasyon." Saad ko
Nag tawanan tuloy ang ilan pa naming kasama sa room dahil sa sinabi ko. Ako naman ay halos lumubog na sa lula dahil sa kahihiyan
"Iyan ang Engineer!" Saad ni Sir tyaka nag lakad papunta sa unahan, "Kaysa naman sa Engineer daw pero iyong relasyon ay hindi naman kayang bigyan ng matibay na pundasyon."
Nag sigawan tuloy ang mga kasabay naming mag review dahil sa sinabi ni Sir. Mabuti at nang humupa ang sigawan ay bumalik na rin ulit sa klase.
Hapon na ng matapos ang review session. Nakakapagod dahil nga puro utak ang ginagamit pero hindi naman pwedeng sumuko dahil kailangan naming ipasa ito para makakuha ng lisensya.
"De Beñigo!" Rinig kong tawag ng teacher namin sa review center
Kaagad kaming napahinto sa pag lalakad palabas ng review center at inintay si Sir na makarating sa pwesto namin. Hapong hapo pa ito at may hawak itong papel.
"Sir hinga." Saad ni Reinest
Nang makahinga si Sir ay iniabot nito sa akin ang isang papel. Kitang kita doon na math problem iyon.
"Solve this and I will treat you and your friends a lunch tomorrow." Saad ni Sir
Kaagad ko iyong kinuha hindi dahil para sa pagkain pero dahil gusto ko ang isolve iyon. Hindi naman kasi ito mag papasolve ng madali lang.
"Sige, Sir. Ingat kayo sa pag uwi." Saad ko
Tumango tango ito at tyaka nauna na rin sa amin. Kinuha ni Steven iyong papel at kitang kita ang paglaki ng mata nito. Dinungaw ko rin ang ulo ko at nakitang may tatlong word problem pero may a-f na cases.
"Ang dami naman nyan. Tapos bukas agad?" Saad ni Karl
"Para ka namang 'di grumaduate nyan. Partida nag rereview ka pa ah." Saad ni Reinest
Natawa ako dahil nag uumpisa na naman ang asaran nila. Kinuha ko iyong papel at inilagay sa bag ko.
"Sa tingin ko naman kaya ko 'yun. Pero alam ko ring hindi madali 'yun. Sa tagal nating kasama si Sir ay wala pa siyang nilibre na estudyante." Saad ko
Matapos noon ay sumakay kami sa kotse ni Reinest. Siya kasi ang may dalang kotse ngayon. Dadalhin ko rin sana ang akin pero nauna na niya akong sunduin kaning umaga.
"Punta tayo doon sa bar?" Tanong ni Karl na halata namang ako ang pinaparinggan
Kaagad na pumayag iyong dalawa kaya pumayag na rin ako. Mag sisinungaling ako kung aayaw ako kasi gusto ko rin naman siyang makita. Gusto kong makita kung ayos na ba ulit siya o baka binabastos na naman ito ng lalaki kahapon.
Nang makarating doon ay kaagad na hinanap ng mata ko si Karen. Wala ito sa bar island, wala rin sa mga nag seserve at wala rin sa kahit saang sulok. Napag pasyahan ng tatlo na maupo sa pang apatan na upuan at may bilog na mesa. Dahil sila Reinest naman ang may alam ng mga drinks ay hinayaan ko nalang silang omorder.
Nakakailang lingon na ako sa paligid at wala paring lumilitaw na Karen. Napagpasyahan ko nalang tuloy na ilabas iyong pinapasagutan ni Sir at sagutan iyon.
"Ampotchi bro! Malala ka na nga!" Sigaw ni Karl
Hindi ko na ito natapunan ng tingin dahil nasa kalagitnaan ako ng pag sasagot. Natutukso na nga akong gumamit ng calculator ngunit pinipigilan ko lang.
Napatigil ako sa pag sasagot ng may nag lapag ng drinks sa table. Sa takot na mabasa iyong sinusulatan ko ay iniangat ko iyong papel.
"Tignan mo nga naman oh. Nandito ka na naman. Mukhang nag hahanda ka sa bar exam ah?" Saad ng Manager, "Pero sa pag kakatanda ko ang pangalan ng Bar na ito ay Glamouroso at hindi Bar Exam? Dito mismo sa bar ka gumagawa niyan?"
Tinuro pa nito ang papel ko kaya kaagad ko iyong tinago sa bag ko.
"Board exam po, hindi bar exam." Nahihiyang saad ko
May edad na babae na ang kaharap ko at medyo masungit ito. Mukhang iniisip niya na gagawa na naman ako ng gulo.
"Pasensya na po sa nangyari kahapon. Kung ano man po 'yung nasira kahapon ay babayaran ko nalang po. 'Wag niyo na po sanang ibawas sa sweldo ni Karen." Saad ko
Bahagyang tumawa ang Manager at iiling iling akong tinignan.
"Hindi mo na kailangang mag bayad, bata." Saad nito at umalis na
Napangiwi nalang ako dahil sa sungit noong manager. Dahil nga nandito na rin iyong drinks ay ininom ko nalang rin.
"Baka mapagkamalan kang pulis, Carlhei. Kanina ka pa lingon ng lingon sa paligid. Para ka namang nag hahanap ng matitiempohan na mag gumagamit ng bawal na gamot." Pabirong saad ni Karl
Sinamaan ko ito ng tingin ngunit kaagad ko ring narealize na tama nga siya. Nakakailang lingon na talaga ako sa paligid. Mabuubos na ang iniinom namin pero hindi ko parin ito nahahanap.
"Baka naman kasi day off. Hindi mo pa kasi tinanong doon sa manager niya eh." Saad ni Reinest
Tumawa ng bahagya si Steven at tinanaw iyong pwesto ng Manager.
"Sa tingin mo ba sasagutin siya kung nasaan si Karen? 'Di ba nga ay nabulabog ang 'VIP' niya kahapon dahil tinubuan na naman ng kapa si Carlhei kahapon?" Biro ni Steven
Napabuntong hininga ako sa pagkadismaya. Tama sila. Baka nga nag sayang lang ako ng oras dito.
Dahil bawal kaming mag pagabi ay lumabas na kami sa bar. Dahil mas marami silang naamoy ay napag desisyunan kong ako nalang ang mag d-drive. Nang makita ang kotse ay nadatnan kong nakasandal sa pinto ng kotse si Karen. Mukhang kanina pa kami iniintay nito.
O baka ako lang?
Napailing ako agad sa naisip ko. Nag mumukha na naman akong kinikilig. Nang makalapit dito ay kumaway ako at ngumiti.
"Hi! Are you waiting for m--"
Hindi ko na natapos ang pagbati ko dito dahil isang malakas at malutong na sampal ang ibinigay nito sa akin. Pakiramdam ko ay nabali ang leeg ko dahil napalingon ako sa kabilang gilid dahil sa lakas noon.
"Why?" Mahinahong tanong ko
"Anong why?! Ang galing mo rin 'no? Lahat talaga gagawin mo para magamitan mo ako ng pera mo!" Sigaw nito sa akin
I heard my friends' gasp. Same as me because I can't believe what she's saying.
"I can't understand you, Karen. What's wrong?" Saad ko
Kitang kita ang galit nitong mata. Halos manlisik ang tingin nito sa akin, kung nakakamatay lang iyon ay nailibing na ako kanina pa.
"Huwag mo akong ini-ingles ingles dito! Nasa Pilipinas ka kaya mag tagalog ka!" Galit na sabi ni Karen sa akin
Napalunok na ako dahil sa takot. Kakaiba talaga ito magalit. Parang malapit na akong sapakin nito.
"Talagang pinatanggal mo ako sa trabaho ko 'no?! Sabi ko ayaw ko ng tulong mo! Alam mong ito lang ang trabaho na pwede sa akin!" Galit na saad nito
Ikinakunot ko ng noo ang sinabi nito.
Natanggal siya sa trabaho?! Don't tell me it is because of that jerk?!
"Masaya ka na ba dahil madali mo lang nakontrol ang mahirap na tulad ko?! Masaya ba na lapatan lang ng pera ang bibig ng mga tao para mapatalsik ako sa trabaho ko?!" Galit na saad nito
Sinubukan ko itong hawakan sa balikat ngunit umiwas ito sa akin. Napabuntong hininga tuloy ako bilang pag suko.
"Karen hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong binayaran para lang patalsikin ka sa trabaho mo. Hindi pa ako hibang para gastahin ang pera ko para gumawa ng mali." Saad ko at halatang nagulat ito, "Fine, I can understand you. Trabaho mo ang nawala at mahalaga iyon sa'yo. I promise to sue who needs to be sue. And if they leave a bad remark on you and you can't find another job, I will help you. Just don't be mad."
Saglit itong naestatwa sa kinatatayuan niya ngunit kinalaunan ay umalis rin sa harapan ko. I was about to offer her a ride pero hinila ni Steven ang braso ko.
"Let her chill. Mag aaway lang kayo ulit kapag kinulit mo siya. For now, let's go home." Saad ni Steven
Dahil doon ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang umuwi sa bahay. Iniisip ko parin kung ano bang pwedeng gawin para hindi na siya magalit.